Descargar la aplicación
84.61% Mansion's Hidden darkness / Chapter 11: Chapter 11(Pagkakaisa)

Capítulo 11: Chapter 11(Pagkakaisa)

Hating gabi na at lalong lumalala ang kanilang pag aalala sa kanilang ama dahil hanggang ngayon ay wala parin ito.Si Susie naman ay nakatulog na lamang sa pag iiyak dahil hindi pa rin nagkakamalay ang kanilang ina.Ang kuya dos niya sa kauna unahang pagkakataon ay nakita niya ang pagiging responsable nito bilang pangalawang panganay.Ang ate Caroline naman niya at tahimik lamang at hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala sa mga nangyayari lalo na sa kanilang pamilya.Naikwento nila sa panganay nilang kapatid ang tungkol sa mga nakakapangilabot na pangyayari hindi lamang sa kanilang binabantayang mansion kundi maging sa karatig barangay.

"anong oras na wala pa si papa"!untag niya sa mga ito na nakaupo sa harap ng natutulog nilang ina.

"salubungin ko kaya si papa.. at baka may nangyaring hindi maganda.."wika ng kuya niya.. bakas sa tinig nito ang matinding pag aalala.

"Sira ka ba?! masyado nang mapanganib kung lalabas ka ng ganitong oras.. wala tayo sa manila.. masyadong magubat at baka may masamang mangyari din sayo pag umalis ka pa.."sermon ng ate Caroline nila.

"eh keysa maghintay lang tayo dito.."Sagot ni dos.

"Tama si ate kuya.. mas mabuting maghintay nalang tayo dito at masyado nang mapanganib sa daan.. masyadong madilim kuya.. baka wala pa ang pari` na pinutahan ni papa.. at hinintay pa niya ang pagdating nito."pagpapagaan niya ng loob ng mga ito bagama't kinakabahan at nag aalala na siya sa ama.

"oh siya.. mabuti pa.. bukas na lamang ng umaga ako pupunta sa kabilang baranggay.. Hindi na muna ako papasok ng eskwela at baka nga naghintay pa si papa doon."sang ayon ni dos.

"magpahinga kana rin alleen,ako na muna mag aasikaso kay mama."wika nang ate niya.

"sige ate at bukas ng umaga ay aalis din ako upang maibigay ko ang aklat kay lola lara."tukoy niya sa matandang babae na lola ng kaibigan niya.

"at ank naman ang gagawin niya sa libro na iyan susie?"saka nagpapaniwala ka naman sa matandang iyon eh, baka pinagluluko ka lamang noon, or else baka kwentong bayan lamang ang sinasabi niya."nakataas kilay na wika ng ate niya.

"pwedi ba ate, nasa ganitong sitwasyon na nga tayo eh hindi ka pa rin naniniwala,... di pa ba sapat ang nangyayari ngayon ?"napipikong sagot niya sa kapatid.

"tama na nga iyan,'!sita ng kuya dos niya sa kanilang mag ate."kung ako sainyo ipagdasal na lang natin na nagkamali ng sinasabi ng matanda na sinasabi ni alleen, dahil kung magkataon na totoo nga.. ay maaaring malagay tayong lahat sa panganib.!"nanahimik ang kanyang ate dahil sa pagsermon ng kuya niya.

"huwag mong sabihin nagpapaniwala ka na ngayon dos?"sarkastikong tanong nito sa kapatid.

"ate totoo man o hindi.. kailangan natin maniwala..saka kung ayaw mo makinig.. pwedi bang manahimik ka nalang.."Inis na wika nito..

Umaga na kinabukasan ngunit ganun pa din ang nangyayari,

wala parin ang kanilang ama, at wala parin'g malay ang kanilang ina..Maaga naman umalis si dos upang puntahan ang ama sa pinuntahang simbahan nito.Siya naman ay maaga din nag gayak upang puntahan ang kaibigan upang dalhin ang naturang aklat.

"Ate, aalis muna ako"nag paalam siya sa panganay na kapatid at nagtungo sa kabilang baranggay..

"umuwi ka agad huh.. at baka kung saan ka naman masabit..Hindi niya pinansin ang sinabi ng kapatid, bagkus agad niyang tinahak ang daan palabas ng hacienda upang hindi marinig pa ang anumang sasabihin pa ng kanyang kapatid.

"LOla lara,magandang araw po."Nakangiti niyang binati ang matanda ng makarating siya sa kubo ng mga ito.

"oh alleen, ikaw pala ineng.. maaga ka yata.?"matamlay ang katawan nito habang binubuksan ang maliit nitong pintuan

"pasensiya ka na po lola, kailangan ko na po kasi maging maaga upang makabalik ako agad sa bahay dahil hanggang ngayon ay hindi parin po si mama nagkakamalay."malungkot niyang ibinalita ang nangyari sa matanda.

"mahabaging Diyos.. bulalas nito..

"bakit po lola..?nagtatakang tanong niya dahil sa kakaibang ikinilos ng matanda.

"gaya ng sinabi ko.. ineng, nabuksan na ang daan ng mga namayapang hindi pa rin matahimik,kailangan na natin mailibing ang libro na iyan upang matapos na ito"Itinuro nito ang hawak niyang libro.

Ngunit bago pa man niya maibigay ang libro ay may naalala siya.

"Si anafie po lola lara, nakapasok na po ba?"kunot noong tanong niya dahil masyado naman yatang maaga ngunit wala na ito doon.

"ah, wala si anafie, umalis siya.."sagot nito ngunit nanatili sa libro ang paningin nito.

"ganun po ba? sayang naman po at hindi kami nagkita."nanghihinayang niyang wika..

"oh siya akin na muna ang libro at ako na ang bahala niyan."muling itinuro ng matanda ang hawak niyang libro kaya iniabot niya ito doon.

"salamat ineng.."

"pero ano po ba talaga ang gagawin mo sa librong iyan lola lara?"naguguluhang tanong niya.

"ililibing ko ito sa dapat niyang kalagyan."ngunit aking ipinagbibilin saiyo na lagi kayong mag iingat alleen, pakaingatan mo ang iyong pamilya,Tanging totoong pagmamahal lamang ang makakapagligtas sainyo."Manalig kayo sa maykapal,...Maging matatag ka."bilin ng matanda na ikinataka niya.Mukha naman yatang napakalalim ng bilin nito.

"aalis na ho ako lola lara."pagpapaalam niya dito.

"mag iingat ka alleen.. huwag kang mag alala gagaling na rin ang iyong ina.."

"maraming salamat po lola lara."nakangiting wika niya at lumabas na ng kubo.

"alleen!napalingon siya ng tawagin siya nito.

""may sasabihi ka pa po ba lola?"kunot noong tanong niya.

"Huwag kayong mag papatay ng kandila, at panatilihing nakasindi ang kandila ng mansion, umaga man o gabi.."bilin nito na mas lalong ipinagtaka niya.

"Bakit po..?

"basta, malalaman mo rin,sagot nito."bukas ay siyang anibersayo na nng mansion at kailangang mapanatiling nakasindi ang lahat ng kandila roon.. kailangan iyon upang maitaboy ang masasamang espiritu sa loob ng mansion.:pahayag nito..

"susundin ko po ang lahat ng iyan lola lara." maraming salamat po..saka siya tuluyang umalis.

maraming mga bagay ang pumapasok sa kanyang isipan lalo ang anibersaryo ng mansion, natatakot siya sa maaring mangyari,ngunit kailangan niyang paghandaan.

Pagdating mansion ay halos mapalundag siya sa saya ng madatnan ang ina na nakaupo na sa kanilang hapag kainan..Mahina pa rin ito ngunit bakas sa mukha nito ang matinding takot.

"mama,anong nangyari sainyo!?nag aalalang tanong niya sa ina.

Ngunit sa halip na sumagot ay humagulhol lamang ito ng iyak.

"ma, ano ba nangyayari sainyo?"

"kanina pa iyan ganyan alleen, lalo nang malamang wala ka.."sumagot ang panganay na si caroline.

"huh?bakit po?!nagtataka siya sa inasal mg ina dahil kung tutuusin hindi naman ito ganun sa kanya.

"aannnakkk!"mahinang tawag nito sa kanya habang hawak nito ang kaniyang dalawang kamay.

"patawarin mo ako...naging napakaramot .at napaka unfair ko sayo."alam kong malaki ang pagkukulang ko saiyo dahil mas naging laging maiinit ang dugo ko saiyo.. sana hindi pa huli ang lahat alleen;"lumuluhang wika ng kanyang ina.Maging siya ay hindi narin napigilan ang pagpatak ng kanyang mga luha, aminado siyang minsan ay sumasama ang loob niya sa magulang ngunit mahal niya ang mga ito kaya naiintindhan niya kubg bakit ganun na lamang ang pakikitungo ng ina niya sa kanya.

"ma, okay lang po iyon, naiintindihan ko po,ang mahalaga po ngayon ay kailangan matapos na ang lahat ng ito at nang wala ng buhay pa na mawala..'"hinimas niya ang pisngi ng ina at pinunasan ang mga luha nito.

Napakagaan ng pakiramdam niya dahil sa pagkakataong iyon ay ipinakita ng kanyang ina kung gaano siya kahalaga sa pamilyang iyon.Nakisali na rin ang kanyang mga kapatid na yumakap sa kanila.Pakiramdam niya ay parang inuugoy siya sa hangin dahil sa labis na kaligayahan dahil sa pagkakataong iyon ay ipinaramdam ng mga ito kung gaano siya kahalaga.

"salamat sainyo."ate, susie.. maraming salamat".Naluluha niyang kinabig ang mga kapatid.

"ako alleen, alam kung naging marahas din ako saiyo kaya sana mapatawad mo din ako.."nahihiyang wika ng kanyang ate Carolina..

"wala iyon ate.. ang mahalaga po ngayon.. amg maging maayos kayo.. ganun ko kayo kamahal ate,pamilya ko kayo eh."napapangiting sabi niya saka tinapik ng bahagya ang kapatid.

"ang ayaw lang namin ay iyang pagiging boyish mo.. sayang naman iyang ganda mo sissy eh.."natatawang kumento ng ate niya.

"ate,, ganito lang talaga ako gumalaw ano.. pero darating din ang panahon magiging totoong babae din ako.."!sabay sign niya ng pogi sa kanyang mukha saka sila nagkatawanan.Ngunit saglit lamang iyon dahil nagtanong ang kanilang ina.

"Si papa ninyo, hindi ko yata nakikita at si dos."?iniikot pa nito ang mga mata sa paligid upang hanapin ang kanilang ama."

"Iyon nga po mama ang inaalala namin, hanggang ngayon di parin po bumabalik si papa simula kahapon..nag aalalana po kami kaya si kuya dos sinundan siya sa san luis upang alamin kung ano ang nangyari kay papa.."Nag aalalang pahayag niya sa ina.

"Diyos ko!!"hikbi ni aleng valleen dahil sa labis na pag aalala sa asawa.

"ma, ipagdasal na lang natin na okay po si papa."wika ni Caroline.

"Sana nga mga anak, dahil hindi ganun ang papa niyo na kapag umaalis ay hindi agad bumabalik, kaya kinakabahan ako."

"ma, ligtas si papa.. ipagdasal na lang po natin".pinisil niya ang palad ng ina upang pagaanin ang kalooban nito.

Samantala,

Galing na si Dos sa baranggay san luis at galing na rin naman siya sa sinabi ng kapatid na simbahan na pupuntahan ng ama ngunit ayon sa mga pari at sakristan ay wla pang pumupunta doon simula pa kahapon kaya nag aalala na siya sa ama.

Hindi niya alam kung paano sasabihin sa ina nila ang nangyari at baka ano pa ang mangyari dito lalo na at ng umalis siya kanina ay wala pa ring malay ito.

Kaya upang hindi masayang ang kanyang pagpunta sa san luis, ay humingi na lamang siya ng mga maaring makatulong sa kanila upang mapuksa ang kasamaan.

Naalala niya noong unang dating pa lamang nila sa mansion, ang dami na niyang hindi magandang karanasan roon lalo na ang gabi gabi niyang panaginip sa mga halimaw na nakapalibot sa mansion,ngunit mas minabuti niyang manahimik dahil sa pag aakalang siya lamang ang nakakaramdam sa mga nakakatakot na bagay na iyon,ngunit maging ang kanyang kapatid pa lang si alleen ay ganun ang nangyayari.

Ayaw lamang niyang dagdagan pa ang mga nakakatakot na pinagdadaanan nito lalo sa mga kung ano anong nakakatakot na nagpapakita rito dahil ayaw niyang mas dagdagan ang paniniwala ng kapatid lalo na ang tungkol sa aklat ng kamatayan.

Siya rin ang unang nakadiskubre ng aklat ng kamatayan ngunit itinago niya iyon.Palagi niya rin kinokontra ang lahat ng sinasabi ng nakababatang kapatid upang alisin ang kanyang takot dahil alam niyang magagalit lamang ang kanilang magulang.Ngunit sa pagkakataong ito ay hindi na niya maitatago ang katotohanang may itinatagong lagim ang mansion batay sa nakalarawan sa mahiwagang aklat nang kamatayang iyon.At hindi nga siya nagkamali dahil nakita niya kung papaano nito isinalarawan ang nangyari sa kanilang ina.Ito ang naging tulay upang kaagad nilang mahanap ang kanilang ina na muntikan nang mamatay.

Iyon din ang naging daan upang mas maniwala pa siya sa sinasabi ng kanyang kapatid.Ngunit ang malaking tanong ay kung nasaan ang kanilang ama?NAGing matigas man ang kanyang ulo lalo na minsan sa mga utos nito ngunit nananatili pa rin ang kanyang pagmamahal sa kanyang pamilya at lalo sa ganitong pagkakataon.Pananalig ang kanilang kailangan upang mailigtas ang isa't isa.

"

"

.

.

..

.


Load failed, please RETRY

Estado de energía semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Piedra de Poder

Desbloqueo caps por lotes

Tabla de contenidos

Opciones de visualización

Fondo

Fuente

Tamaño

Gestión de comentarios de capítulos

Escribe una reseña Estado de lectura: C11
No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
  • Calidad de escritura
  • Estabilidad de las actualizaciones
  • Desarrollo de la Historia
  • Diseño de Personajes
  • Antecedentes del mundo

La puntuación total 0.0

¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
Votar con Piedra de Poder
Rank NO.-- Clasificación PS
Stone -- Piedra de Poder
Denunciar contenido inapropiado
sugerencia de error

Reportar abuso

Comentarios de párrafo

Iniciar sesión