When I'm with you,
eternity is a step away,
my love continues to grow,
with each passing day.
This treasure of love,
I cherished within my soul,
how much I love you...
you'll never really know.
You bring a joy to my heart,
I've never felt before,
with each of your hand,
I love you more and more.
Whenever we say goodbye,
whenever we part,
know I hold you dearly,
deep inside my heart.
So these seven words,
I pray you hold true,
"Forever And Always,
I Will Love You."
Hanggang sa makababa silang lahat mula sa bus ay hindi pa din natatanggal ang ngiti at kilig na kanilang naramdaman ng makita ang halik ng kanilang gwapong presidente sa maganda nilang designer. Mula sa entrance ng hotel ay makikitang nakatayo sila Fin at Amanda kasama ang mag-asawang Leo at Rose na excited makita ang anak at ang "bunso" nila. "Bagay talaga sila!" "Nakakakilig sila!" "Sana sila na ang magkatuluyan!" Iyan ang ilang sa mga bulungan na nadinig ng mag-asawa mula sa mga staff at models ng Kleid dahilan para magkatinginan silang apat. Matapos magbigay galang sa kanila ang mga ito ay inihatid na sila ng mga tauhan ni Fin sa kani-kanilang suite rooms.
Nang makita nila ang mga iniintay na huling bumaba sa bus ay napansin agad ng mag-asawa ang pamumula ng mukha ni Hayley at ang masamang tingin nito sa binata. Samantalang ang anak nila ay parang tuwang-tuwa pa sa dalaga.
"Bunso?" Tawag ni Leo sa dalaga. Iniwan ni Hayley ang binata pero bago umalis ay hinampas muna nito ang balikat ng lalaki. Natawa sila Fin at Amanda pati sila Leo at Rose sa ginawa ng dalaga. "Tito! Tita!" Excited na niyakap ni Hayley ang mag-asawa. "How was your trip?" Tanong ni Hayley. "Okay naman, bunso." Sagot ni Rose. "Dad! Mom!" Sabi ni Nico sabay halik sa mga magulang. "Everything's ready?" Tanong ni Leo sa anak. "Yep,we're ready." Sagot ni Nico.
"Kamusta ang inaanak ko? Pinahihirapan mo ba si mommy?" Nakatawang sabi ni Hayley habang hinihimas ang maliit pang tiyan ni Amanda. "Look!" Excited na pinakita ni Amanda ang engagement ring sa kanyang kamay. "Oh my gosh! Congratulations!" Sabi ni Hayley sabay yakap sa pinsan. "Thanks! Maid of honor ka ha?" Sabi ni Amanda. "Of course!" Masayang sagot ni Hayley. Kinamayan ni Nico si Fin. "Bro, alam ko na kakikilala pa lang natin pero pwede bang ikaw ang maging Best Man ko?" Nahihiyang tanong ni Fin. "Sure, bro, no problem." Sagot ni Nico. Tiningnan ng masama ni Hayley ang kaibigan. "What?" Natatawang tanong ni Fin. "Mag-uusap tayo mamaya." May bantang sabi ni Hayley. "Babe oh." Sabi ni Fin sabay tago sa likod ni Amanda dahilan para matawa ang iba.
"Tito Leo and Tita Rose will be one of our major sponsors and siyempre you'll be the designer of the whole entourage." Pag-iiba ng topic ni Amanda. "Oo naman! Let's talk about the details later." Sabi ni Hayley. "So, let's go inside ng maituro ko na sa inyo ang room n'yo." Sabi ni Fin at ganoon nga ang ginawa nila.
"What are you saying!?" Malakas na tanong ni Hayley. "Well, kasi ang dami ng guests ninyo and they don't want to stay in other hotels kasi hassle daw sa kanila kung magtravel pa sila. Atleast kung dito na lahat sila mag-stay, elevator lang at nasa venue na sila." Paliwanag ni Fin. "But you told me that everything was settled even the guests have their own rooms in other hotels." Iritable pa ding sabi ni Hayley. Buti na lang at naiwan si Leo at Rose sa lobby dahil may nakita silang kakilala kungdi hindi niya magagawang sigawan ang may-ari mismo ng hotel.
"But we can't do anything because they insisted to stay here so we decided na in every rooms, four of your people will occupy it but because you are both VIPs, we decided na kayo na lang ang pagsamahin sa room." Paliwanag muli ni Fin. "Pwede naman ako maki-share kila Ashley at Lily." Sabi ni Hayley bago kinuha ang gamit para ilipat sa room ng dalawang kaibigan.
"Natatakot ka ba sa akin, Ley?" May paghahamon na tanong ni Hayley. "Don't worry, I'll behave. Baka nga ikaw pa ang mag-initiate ng...alam mo na." Nakangising sabi ni Nico na ikinapula ni Hayley. Inirapan lang niya ang binata.
"Look, Ley, sa isang room apat na single bed lang ang inilagay namin." Sabi ni Amanda. "Magiging suman na kayo kung dadagdag ka pa." Dugtong ni Fin. "How about your penthouse?" Tanong ni Hayley. "It's occupied too." Sagot ni Fin dahilan para umikot ang mata ni Hayley. "Ganito na lang, I'll send someone here para maglagay ng divider, okay?" Sabi ni Fin at ng sumagot ng "Fine!" ang kaibigan ay nakahinga na siya ng maluwag.
"Uuuuuyyyyy, after the kiss, sharing naman ng room. What's next kaya?" Nanunuksong sabi ni Lily. Pagkatapos magkasundo ay bumaba na sila lahat sa event hall para i-check ang lugar at tingnan kung may kulang pa. Nasa hall na din ang mga models para mag-practice. "Hep! Tandaan mo may kasalanan ka pa sa akin." Pigil ni Hayley sa tangkang pagsasalita ng kaibigan. Nag-peace sign si Ashley gamit ang kamay pero inirapan lang siya ni Hayley. "Scorer ako, pwede?" Tukso naman ni Leandra na ikinatawa nila Ashley at Lily. "Tigilan n'yo ng ako! Go back to your work!" Inis na sabi ni Hayley. "Yes, Ma'am!" Sabi ng tatlo sabay takbo para iwasan ang kurot ni Hayley.
Dahil busy na ang mga kaibigan ay naisipan ni Hayley na puntahan sila Virgie at Mario sa backstage para i-check ang mga damit na gagamitin sa show.
"Okay na ba ang lahat?" Tanong ni Hayley. "Okay pa sa alright." Sagot ni Virgie na ikinangiti ni Hayley. "Tatay Mario, 'wag n'yo po akong simulan kasi kanina pa nag-umpisa 'yung tatlo sa labas." Sabi ni Hayley na makitang nakatingin sa kanya ng makahulugan si Mario. "Wala naman akong sinasabi ah." Sabi ng matanda. "Kilala na kita Tay, mga tingin mo pa lang alam ko na." Nangingiting sabi ni Hayley. "Basta ito lang ang sasabihin ko sa'yo. Bigyan mo ang puso mo ng isa pang pagkakataon. Buksan mo ulit ang pinto at hayaan mong pumasok ang isang tao na sa tingin ko ay hindi ka sasaktan." Sabi ni Mario sabay kindat sa dalaga. Isang tapik naman sa balikat ang natanggap niya mula kay Virgie. "Hindi lahat ay katulad ni Toby. 'Wag kang matakot na magmahal muli, Ley. Give him a chance." Sabi ni Virgie. Isang buntong-hininga lang ang sinagot ni Hayley sa dalawa.
Maya-maya ay nakadinig sila ng sigawan sa labas kaya nagmamadali silang lumabas mula sa backstage. Nakaikot ang mga models sa isang model na nakahiga sa sahig at walang malay. "What happened?" Tanong ni Hayley na lumuhod para tingnan ang model. "Ang init niya, t'yak na mataas ang lagnat niya kaya hinimatay siya." Sabi ni Ashley. "Please carry her and let's bring her to the nearest hospital." Sabi ni Hayley. "The rest, continue practicing." Sabi ni Hayley bago tuluyang lumabas ng event hall.