Descargar la aplicación
7.69% The More You Hate, The More You Love / Chapter 5: Chapter 5

Capítulo 5: Chapter 5

If you are going to fall in love with me,

it's only fair that you know what are you falling in love with.

You are falling in love with my insecurities,

and my obsession with trying to figure out what everyone thinks of me.

You are falling in love with my immaturity,

my constant need to feel loved and appreciated,

my overactive tear ducts,

my internet obsession,

my tendency to be to clingy.

You fall in love with my troubled past,

and my hopes and my dreams,

and how I'm hopeless romantic at heart.

If you fall in love with me,

you fall in love with my self-hate and all my imperfections

and my perception that nobody could ever love me.

- QuotesBlog.net -

"Bakit ganyan ang itsura mo?" Takang tanong ni Ashley sa kaibigan. "Hulaan ko, masyadong maarte ang bride noh?" Tanong ni Lily. "Mabait si Dashiell, si Quinn, well, 'di ko siya na-meet kasi nasa shooting pa pero she'll be here tomorrow." Sagot ni Hayley. "So where's that frown came from?" Tanong ni Ashley. "Dahil sa Best Man na sobrang antipatiko tapos kung makatingin akala mo kakainin ako ng buo." Inis na sabi ni Hayley ng maalala kung paano siya tingnan ng binata. Kahit hindi niya ito nakikita, dahil iniwasan niya talagang tumingin dito, ramdam niya na inoobserbahan siya nito mula ulo hanggang paa. Nagkatinginan sila Ashley at Lily at pagkatapos ay ngumiti.

"Well, base on your words, and with that looks and that body of yours, he's into you." Sabi ni Ashley. "I doubt it. There's something in his voice and his eyes that I can't name a while ago." Sabi ni Hayley. "What do you mean?" Tanong ni Lily. "I don't know. Basta there's something in him." Sabi ni Hayley. "Gwapo ba?" Nakangising tanong ni Ashley. "Oo, actually, mas gwapo siya sa mga male models ng KM. Kung makikita siya ni Lean, palagay ko ay ibibigay niya agad ang contact number niya dito and do wonders on him along the runway." Sabi ni Hayley. "So, you like him?" Tanong ni Lily. "Of course not! Why would I?" Sabi ni Hayley. "Really?" Natatawang sabi ni Ashley. "Tigilan n'yo nga akong dalawa. Tapos na ba kayo sa rehearsal n'yo kasi kung oo, let's go." Sabi ni Hayley.

Ibinaba ni Hayley ang dalawang kaibigan sa entrance ng condo pagkatapos ay bumaba naman siya sa parking area. Pagbaba niya sa kanyang FJ Cruiser ay may nadaanan siyang isang Hummer. "Wow!" Bulong niya sa sarili. Dahil hindi siya nakatingin sa daan at nakapokus ang kanyang mga mata sa sasakyan ay bigla siyang nabunggo sa isang malapad na dibdib. "Oh, I'm really sorry. It's my..." Hindi na naituloy ni Hayley ang sasabihin dahil bigla na lang umakyat ang dugo niya sa ulo. "Of all people naman talaga." Bulong niya sa sarili.

"Sorry." Sabi ni Hayley at nagsimula na siyang maglakad papunta sa elevator. "Good to see you again, Ms. Acosta. Hindi ko alam na mahilig ka din pala sa mga sasakyan." Sabi ni Nico. Napilitan huminto si Hayley sa paglalakad at lumingon, ayaw niyang maging bastos. "Well, a little." Sagot niya at sinamahan ng isang tipid na ngiti. Naglakad na muli si Hayley papunta sa elevator. Papasarado na sana ang pinto nito kaso ay may humarang na dalawang malalaking kamay upang pigilin ang elevator sa tuluyang pagsasara nito. Nanlaki ang mata niya ng si Nico ang sumakay. "Well, if you want, you can ride it. I owned that Hummer." Sabi ni Nico. "I'm not asking." Gusto sanang isagot ni Hayley. "I have my own ride, Sir Nico." Mataray na sabi niya na naging dahilan para ngumiti si Nico. "Masyado ka naman respectful, Ms. Acosta, Nico na lang." Sabi ng binata. "Feeling close nitong kumag na 'to." Sabi ni Hayley sa sarili. Isang tipid na ngiti lang ang isinagot ng dalaga.

" Saang floor ka?" Muling nagsalita si Nico. Gustong batukan ni Hayley ang sarili dahil hindi niya napindot ang 5th floor. Hindi niya sinagot ang tanong ng binata, naglakad siya papunta sa elevator control panel para pindutin ang number 5 pero biglang gumalaw ang elevator dahilan para ma-out of balance siya. Matutumba na dapat siya pero nahawakan agad siya ni Nico sa bewang. Bigla siyang namula dahil sa init na naramdaman niya na gumapang sa kanyang buong katawan. Napangisi si Nico sa pamumula si Hayley. "You're still a virgin, right?" Nadinig ni Hayley na sabi ni Nico. Biglang uminit ang ulo niya. "What!?" Sabi ni Hayley at biglang tinanggal ang kamay ng binata na nasa kanyang bewang. "Blushing just from a mere touch is an indication that you're still intact." Sabi ni Nico. Hindi na napigilan ni Hayley ang sarili. Isang sampal ang lumapat sa mukha ng binata.

"GGGGGRRRR!!! I really hate him!" Sigaw ni Hayley pagpasok na pagpasok niya sa condo. Nagmamadali naman lumabas sila Ashley at Lily sa kani-kanilang kwarto. "Ano'ng nangyari?" Takang tanong ni Ashley ng makitang pulang-pula ang kaibigan dahil sa galit. "Sa dinami-dami naman ng taong makikita ko, ang manyakis pa na 'yon ang nakasabay ko!" Gigil pa ding sabi ni Hayley. "Hey, calm down." Sabi ni Lily at inabutan ng tubig ang kaibigan. Huminga ng malalim si Hayley matapos uminom ng tubig. "Now, tell us what happened." Sabi ni Ashley at kinuwento nga ni Hayley ang buong detalye sa dalawa.

"Ano'ng nakakatawa sa kwento ko?" Inis na tanong ni Hayley. "Well, he's saying the truth. You're still a virgin." Sabi ni Ashley. Binato ni Hayley ng throw pillow ang kaibigan. "Wait, naka-park ang Hummer niya sa baba tapos nakasabay mo siya sa elevator, right?" Tanong ni Lily at tumango si Hayley. "This is interesting." Sabi ni Lily at pagkatapos ay kinuha ang intercom ay tumawag sa information sa 1st floor.

"Hey, Steph, meron ba tayong bagong tenant? Okay, okay. That's all, Steph, thanks." Sabi ni Lily bago ibaba ang intercom. "Destiny is coming your way, girl!" Excited na sabi ni Lily na kinakunot ng noo ni Hayley at Ashley. "Nico Ferrer! And he's..." Hindi natapos ni Lily ang sasabihin ng makadinig sila ng katok mula sa pinto. "Ako na." Sabi ni Hayley.

Binuksan ni Hayley ang pinto at muli ay bigla niya ding sinara. "Ley? Bakit sinara mo ulit?" Takang tanong ni Lily. Bigla ay kumatok ulit ang tao sa labas ng pinto. "Huwag mong bubuksan 'yan!" Sabi ni Hayley na humarang pa sa pinto. "Sino ba kasi ang nasa labas?" Tanong ni Ashley sabay tulak kay Hayley. Huli na para mapigilan pa ni Hayley ang dalawang kaibigan.

"Hi!" Bati ni Nico sa dalawang dalaga na akala mo natuklaw ng ahas. "Hello, handsome." Sabi ni Ashley na kinangiti ni Nico. "What can we do for you, handsome?" Sabi naman ni Lily na ikinaikot ng mata ni Hayley. "Well, I'm the new tenant here and because we're neighbors, I mean, door neighbors, could I invite you for dinner? My friends are coming, my house warming party silang hinanda for me." Sabi ni Nico. "Oh, really, sure, sure, we're coming." Sagot ni Ashley. "We'll definitely join you, just give us time to change." Sabi naman ni Lily. "That's great." Sabi ni Nico. "Dalawa lang ba kayo?" Muling sabi ni Nico. Gusto niyang ma-confirm kung hindi ba siya namalikmata sa nagbukas ng pinto kanina. "No, tatlo kami. Ley, come here." Sabi ni Ashley na pilit hinihila si Hayley mula sa likod ng pinto. Kahit nagmamatigas si Hayley ay wala siyang nagawa dahil tumulong na din si Lily sa paghila sa kanya.

"Here, she's the third one." Nakangiting sabi ni Ashley. Inayos ni Hayley ang sarili saka tiningnan ng seryoso si Nico. Isang makalaglag panty at brang ngiti ang pinakawalan ng binata. "I'll see you later." Sabi ni Nico na kay Hayley lang nakatingin. "Well, sad to say, I'm not...." Hindi natapos ni Hayley ang sasabihin dahil tinakpan ni Lily ang bibig niya. "Yes, yes, we're going to see you later." Sabi ni Lily. Nang tumalikod na si Nico ay sinarado na ni Ashley ang pinto.

"I'm not going!" Seryosong sabi ni Hayley. "Come on, Ley." Sabi ni Ashley. "No!" Matigas na sabi ni Hayley. Bago pa man magsalita si Lily ay may katok na naman mula sa pinto. Dahil hindi tumayo si Hayley, si Lily na ang nagbukas ng pinto. "Hi! I'm Dashiell. Is Hayley there?" Bungad ni Dashiell. "Yes?" Tanong ni Lily. "Ah, ako yung client niya a while ago." Sabi ni Dashiell. "Oh, sorry, come in." Sabi ni Lily at binuksan ng maluwag ang pinto para makapasok ang binata.

"Ley." Tawag ni Lily sa kaibigan. "Dashiell? What are you doing here?" Takang tanong ni Hayley na makitang nasa likuran ng kaibigan ang binata. "Kasama ko si Quinn and she likes to see your designs now. Hindi din kasi siya pwede bukas kasi na-extend ang shooting nila so ngayon lang gabi siya available." Sabi ni Dashiell. Nakamata lang sila Ashley at Lily sa kanila. "Ah, by the way, these are my friends, Ashley and Lily. He's Dashiell." Pagpapakilala ni Hayley sa tatlo.

"Well. can Quinn see your designs?" Muling tanong ni Dashiell. "Sure, sure. Nasaan siya?" Tanong ni Hayley. "She's on the other room. Remember my best man, Nico? We're having a house warming party. Kakalipat lang niya kasi dito and nabanggit din niya na you're also here. He also said that he invited the three of you so maybe, we can go there now?" Tanong ni Dashiell. "Oh, yes, we should be going." Sabi ni Ashley. Wala ng nagawa si Hayley. Kinuha niya lang ang sketch pad pagkatapos ay hinila na siya ng dalawang kaibigan papasok sa kabilang kwarto.


Load failed, please RETRY

Estado de energía semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Piedra de Poder

Desbloqueo caps por lotes

Tabla de contenidos

Opciones de visualización

Fondo

Fuente

Tamaño

Gestión de comentarios de capítulos

Escribe una reseña Estado de lectura: C5
No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
  • Calidad de escritura
  • Estabilidad de las actualizaciones
  • Desarrollo de la Historia
  • Diseño de Personajes
  • Antecedentes del mundo

La puntuación total 0.0

¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
Votar con Piedra de Poder
Rank NO.-- Clasificación PS
Stone -- Piedra de Poder
Denunciar contenido inapropiado
sugerencia de error

Reportar abuso

Comentarios de párrafo

Iniciar sesión