Descargar la aplicación
35.21% Never Talk Back to a Gangster / Chapter 74: Chapter Seventy-Four

Capítulo 74: Chapter Seventy-Four

"Bading bakit mo naman kasi sya tinalakan kaagad?" paninisi sa akin ni Maggie.

"Oo nga, ikaw talaga! Pano na ngayon yan? War kayo ni Fafa Red?" tanong ni China na disappointed din sa akin.

"Eh kasi naman ano, ay ewan ko ba!" sabi ko.

"Mag-sorry ka nalang Sammy para bati na ulit kayo. Diba Angelo?" payo ni Michie.

Hindi umimik si Angelo, nagpatuloy lang sya sa pagbuo ng puzzle sa sahig.

"Tahimik ni Gelo ah," puna ni Maggie.

"'Yon nga ang inaalala ko eh, na-trauma yata sya sa nangyari sa kanya kahapon," sabi ko.

Hindi kasi umiimik si Angelo. Tahimik lang talaga sya at hindi namamansin. Hindi tuloy maiwasan na mag-alala ako. Pinatignan ko na sya kanina sa doktor, wala naman naging problema sa katawan ni Angelo. Mabuti nalang.

"Oh my gosh!"

Lahat kami napatingin sa kararating lang na si... Bwisit nasira na naman ang araw ko. Pero ngayong nandito na sya, sa tingin ko kailangan ko syang kausapin tungkol sa nangyari kahapon. It was her fault kung bakit ganito ang inaasal ngayon ng kapatid ko.

"Oh my gosh! Angelo you're alive!" sigaw ni Riri.

Lechugas naman! Akala nya sa kapatid ko namatay? Naiinis ako ha. Napatingin sa kanya si Angelo at mabilis na tumakbo sa akin para magtago.

"Angelo what's wrong baby?" binuhat ko sya.

Niyakap nya ako ng sobrang higpit parang ayaw nya na bitawan ko sya. Itinatago rin nya ang mukha nya sa leeg ko. Tinignan ko nang masama si Riri. For some reason natatakot sa kanya si Angelo. May ginawa ba ang babaeng ito sa kapatid ko?

"I-I am so sorry about what happened yesterday, it was an accident. I swear!" paliwanag ni Riri.

Sinasabi ng instinct ko na hindi totoo ang sinabi nya. Pero wala naman akong proof sa insincerity nya, maliban nalang sa statement ni Angelo. Pero ayaw magsalita ni Angelo. Parang may kinatatakutan talaga sya. Pero ano?

*Rica Manrique*

Stupid kid! Mabuti naman at hindi sya nagsalita. Sa oras na magsumbong sya lagot talaga ako! Kung bakit ba naman kasi nagsama pa sila ng bata dito! Ano ba kasi ang ginagawa ng mag-inang 'yan dito? Ang jologs, amoy mahirap!

Nakasuot pa sya ng branded na damit. Sigurado naman ako na fake ang mga 'yon! Sa Paris palang meron ng mga ganoong damit! Kahit ako wala pa non, kaya imposible na meron sya! Eeew!

Nasan kaya si Prince Red ko? Nag-punta lang naman ako dito para makita nya na mabait talaga ako sa anak nya. Oh Gosh! Nasusuka ako sa iniisip ko. Kahit siguro makasal kami ni Prince Red hindi ko matatanggap ang bastardo nyang anak. Over my dead HOT body!

Hinding hindi ako mag-aalaga ng bata! Sagabal lang sya sa mga plano ko sa buhay!

"Hi Angelo, how are you?" tanong ko sa istupidong bata.

Oh my gosh! Kailangan ko ba talagang gawin 'to para malinis ang pangalan ko at hindi sila mag-suspetya? Hindi ako pinansin nung bata. Ang sama ng tingin sa'kin ng muchacha nyang nanay. Nakakahalata na yata.

Kung ganon wala na akong ibang magagawa. Kailangan ko silang alisin sa landas ko.

*Miracle Samantha Perez*

"Ayoko talaga sa kanya, naiinis ako," kwento ko sa Crazy Trios nang makaalis na si Riri.

Natakot yata sa tingin ko. Eh sa naiinis ako sa pagmumukha nya eh! At ang isa pa, baka kung ano pa ang masabi ko sa kanya. Gusto ko syang komprontahin tungkol sa nangyari kahapon. Kung papaano nalunod si Angelo.

Ang dami ko'ng gustong gawin sa kanya sa totoo lang, ang kaso wala naman ako sa bahay ko para gawin ang gusto ko'ng gawin. Hindi ko 'to lugar.

"Kanino? Kay Ate Riri?" usisa ni Maggie.

"Oo, ayoko sa kilos nya, sa tingin nya pati sa mga salitang lumalabas sa bibig nya. Parang ang plastic eh," naiinis na sabi ko.

"Sobra ka naman Sammy. Hwag ka naman judgemental," saad ni Michie.

"Sus! Baka naman selos lang yan Sammy! Hahaha!" biro ni China.

"Selos? Duh! Bakit naman?" tanong ko.

"Eh kasi nilalandi nya si Red. Eh diba fiance mo 'yon?" sabi ni China.

"Ang baliw mo! Hahaha! Ano naman kung fiance ko si Red? Si Timothy parin ang mahal ko no!"

"Ows? Di nga? Tamaan ka man ng kidlat? Hindi mo magugustuhan si Fafa Red?" sunod-sunod na tanong ni Maggie.

"Oo!" mabilis na sagot ko.

"Kahit magkagusto sa'yo si Red, Sammy?" tanong ni Michie.

"Oo kahit magkagusto pa sya sa'kin hinding hindi ko sya papatulan! Kay Timothy lang ang puso at kaluluwa ko, sa kanya lang at wala nang iba!"


Load failed, please RETRY

Estado de energía semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Piedra de Poder

Desbloqueo caps por lotes

Tabla de contenidos

Opciones de visualización

Fondo

Fuente

Tamaño

Gestión de comentarios de capítulos

Escribe una reseña Estado de lectura: C74
No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
  • Calidad de escritura
  • Estabilidad de las actualizaciones
  • Desarrollo de la Historia
  • Diseño de Personajes
  • Antecedentes del mundo

La puntuación total 0.0

¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
Votar con Piedra de Poder
Rank NO.-- Clasificación PS
Stone -- Piedra de Poder
Denunciar contenido inapropiado
sugerencia de error

Reportar abuso

Comentarios de párrafo

Iniciar sesión