Descargar la aplicación
93.87% Self Healing Magic / Chapter 92: New uploaded video...

Capítulo 92: New uploaded video...

Gaya nga ng inaasahan ay maagang umalis ang mga special stundents ng WMRMHS na papuntang station 7 para sa gaganaping practice match.

Limang malalaking karwahe ang kasalukuyang tumatakbo patimog patungo sa direksyon kung saan matatagpuan ang EMRMHS.

Habang bumabiyahe ay masayang nagkukuwentuhan sila Lily, Jacky, at An.

Maya maya, ay napansin ni Lily na parang tahimik ang ibang mga kasama sa loob ng malaking karwahe.

Nilinga niya ang mga ito at napansin niya na parang may pinapanood ang ibang mga kasama sa kanilang hologram screen na makikita sa harap ng kanilang mga mukha.

Kitang kita sa hitsura ng bawat isa na tutok na tutok ang mga ito sa kanilang mga tinitingnan.

Pati si Cross na katabi ni Jacky ay ganun din. Si Stoff naman na katabi ni Cross ay ganun din. Pati ang iba pa nilang kasama. Tanging silang tatlo lang ni Jacky at An ang nagkukuwentuhan.

Hindi napigilan ni Lily ang sarili at tinanong niya ang mga ito. Agad na napalingon sila Jacky at An.

Si Cross ang tinanong ni Lily dahil nasa tabi lang ito ni Jacky na nasa harap nila. Agad na sumagot si Cross sa tanong ni Lily at sinabi rito kung ano ngaba ang kanilang pinagkakaabalahang panoorin.

"Video sa siyudad ng Sitona?!"

Napasigaw ng tanong si Lily. Dahil hindi ganun kalayo ang lugar na ito mula sa siyudad ng Albi kung saan sila nagmula.

"Oo Lily, tingnan niyo sa Wetube dali may bagong upload diyan." Si Stoff ang sumunod na nagsalita.

Agad na sinunod ni Lily at ng iba pa ang sinabi ni Stoff. Inopen nila ang kani-kanilang Interface at inadjust yung laki ng screen at ang layo nito sa kanilang mga mukha kung saan sila komportable.

Pagbukas nila sa app ng Wetube na makikita sa entertainment section, ay agad nakita nila ang bagong upload na video.

Hinanap agad nila ang title ng video na tinuro sa kanila ni Stoff.

<Monsters Seige on Sitona>

Mula sa uploader na may pangalang: <NoToFakeNews>

Base sa oras ng pag-upload ay siguradong hindi pa ito katagalan. At makikita rin na milyon milyon na ang nanonood nito.

Pag-play ni Lily sa video ay agad na binate siya ng medyo makulimlim na kalangitan na makikita sa screen ng video na pinapanood.

Base sa video, mukhang kinunan ang video kahapon ng dapit hapon.

Sa video ay maririnig ang bosses ng uploader at ng iba pa na tarantang nagsisigawan.

Makikita pa ang kamay ng uploader habang tinuturo nito sa mga kasama ang direksyon.

Kung titingnang maayos ay makikitang nasa taas sila ng pader. May sundalo din na nagtatakbuhan, mukhang isa sa mga guwardiya ng siyudad ang uplaoder ng video.

Pinakita pa sa video ang mga namumutlang mga mukha ng iba sa mga sundalo at guwardiya.

"Commander! Commander! Enemy spotted!" Sigaw ng isa sa mga sundalo habang tinuturo ang direksyon salungat sa palubog na araw.

"Ok, Everyone, Take your position!" Sigaw ng malakas at buong bosses. Ito ay mula sa komander ng mga sindalo.

Sa pagsigaw ng kanilang commander ay mabilis na nagsitakbuhan ang mga kasama.

"Hold your fire!" Dagdag ng Commander.

Ipinukos ng camera man ang video sa commander at biglang tila may kuminang. (Hehe ulo pala un ng komander) Tinanggal nito ang helmet at pinahid ng kamay ang medyo pinagpawisang makinis na ulo. Mukhang medyo kinakabahan ni Commander.

Pila pila ang mga sundalong makikita sa ibabaw ng pader.

Ilang sandali ay biglang natahimik ang lahat. Rinig na rinig din ang paghinga ng camera man.

Mula sa di kaluyuan matatanaw sa distansya na parang may mga aninong mabilis na nagsigapang papunta sa direksyon ng siyudad.

"Andiyan na sila, andiyan na sila," pag-uulit na bulong. Mukhang galing ito sa camera man, este sa vlogger na si NoToFakeNews.

Iilang mga paglunok ang nahuli sa audio ng video. Mula ito sa paligid. Halatang kinakabahan ang mga ito.

Ilang sandali ay,

"Anong klaseng shit ito..." mga nakatagas na kataga na mula sa bibig ng taong di makapaniwala sa kanyang nakita.

Mga halimaw na naglalabas ng murderous intent habang mabilis na nagpapaunahan.

"Holy molly end of the world naba?!" Tanong naman ng isang guwardiya habang halata sa tinig na kinakabahan ito.

"Putik na shit! Anong klaseng sitwasyon thisss!" Dugtong naman ng kaninang bosses.

"Commander! Commander!" Ilang mga sundalo ang tumakbo palapit sa Commander.

"Bakit Captain BB Presyo?" Tanong ng Commander habang nakataas ang mga kilay.

"Pwede ba kami lumabas sir? Sasalubungin namin ang mga halimaw sa baba para mapabagal ang kanilang pag-usad, Sir!" Matapang na tanong ni Captain Presyo.

"Bawal lumabas!" Sabi ng Commander habang kumunot ng bahagya ang noo.

"Bawal lumabas?" Napatanong nalang si Captain BB Presyo.

"Mag-comply muna kayo sa sinasabi ko! Sa ngayon, Stay foot muna sa likod ng malaking pintong daanan(Town Gates)!" Malakas na utos ni Kumander.

Malakas na pinagsalubong ni Captain BB Presyo ang mga ngipin.

"Tsk, okay sir," wala na siyang nagawa kundi sundin ang utos ng Commander.

Ilang sandali ay makikitang nasa malapit na ang mga halimaw. Matatanaw narin ang kanilang nakakatakot na mga hitsura. Nakakatakot tingnan ang sitwasyon. Lahat ng nanonood ng video ay tila nakakain ng maasim na pagkain. Dahil sa hindi maiguhit na reaksyon na makikitang rumihestro sa kani-kanilang mga pagmumukha.

Bang!

Isang malakas na pag sabog nang bumangga sa pader ng Sitona ang isang malaking halimaw na may anyo ng malaking Buwaya. Malahigante ang laki nito. Mapapansin rin ang mga matutulis na parang mga sungay na nasa kanyang katawan. Naglalabas din ito ng mga pulang enerhiya. Ilang sandali ay...

Bang! Bang! Bang!

Sunod sunod na inihampas ng malahiganteng buntot ng buwaya ang pader ng Sitona. Nagkabitak-bitak ito at ilan sa mga sundalo at guwardiya ang nahulog sa baba.

Agad naman na pinagpipistahan ang kanilang mga laman ng mga halimaw.

Halos daan daang mutated beast na nasa rank BB at may iilan na rank AA pa nga. Dinumog ang pader ng Sitona. At makikita sa video na nahihirapan lumaban ang mga sundalo ng siyudad.

Magulo ang sitwasyon at nababalot ng iyak at sigaw ang buong paligid.

Halos hindi na nga maririnig ang sigaw ng Commander.

Ang mga sundalo ay nagpapaulan ng mga iba't-ibang klase ng mahika. Ngunit tila walang kaubusan ang mga halimaw at nagpatuloy parin ang mga ito sa paglusob.

Yung mga tinamaan ng mga malalakas na kapangyarihan ng mga magician na sundalo ay agad naging itim na usok. Pero hindi nito nagawang patayin ang mga mutated beast.

Isang malaking bolang apoy ang itinira sa direksyon ng isang mutated beast na may hitsura ng malaking octopus. May dilaw itong mga mata at sa noo ay may makikitang matulis na sungay. Mas malaki rin ang mga galamay nito.

Lumulutang ito sa ere na parang saranggola.

Hindi ito natablan ng malaking bolang apoy o fireball. At mukhang nainis ito at tumira ng itim na na likido.

Ang kulay itim nitong dura ay itinira sa pader na parang laser beam.

Dahil sa lakas ng parang ink na itinira ng heganting octopus ay nabasag ang isang bahagi ng pader.

"Ikaw! Pwede na kayong lumabas!" Sigaw ni Komander sa grupo ni Captain BB Presyo.

"Tsk," inis na pinitik ni Captain BB Presyo ang kanyang dila. Alam niyang huli na ang lahat. Nakapasok na sa loob ang mga maliliit na halimaw.

Agad na gumamit ng Platform magic ang grupo ni Captain BB Presyo. At nagpatalon talon sa ere diretso sa labas ng pader.

Gamit ang mga iba't ibang magic-based firearms ay pinagpapaslang nila ang halimaw na makikita.

Ang mga sandata na kanilang gamit ay isa sa mga lumang sandata mula sa mayamang bansa ng western alliance.

Pinakain ni Kapitan BB Presyo ang kanyang hawak na Arctic Pistol ng mana. Biglang may makikitang magic array sa bunganga ng kanyang sandata.

Pagkalabit ng gatilyo ay sinundan ng malakas na tunog. Sa ibaba nila ay makikita ang isang halimaw na akmang kakagatin ang isang sundalong natumba. Biglang naging yelo ang buong katawan ng halimaw at ilang sandali ay naging alikabok ito.

Napansin ng nailigtas na sundalo ang grupo ni Captain BB Presyo na nakapatong sa Platform magic habang nasa ere.

Agad na nagsalut ang sundalo sa direksyon ng kapitan. Ilang sandali ay may mga healer na dumating at ginamot ang kanyang paang may malaking sugat.

Nagpatuloy ang grupo nila Captain BB Presyo papunta sa labas ng siyudad.

Agad ibinaling sa ibang lugar ang video ng vlogger. Makikitang marami pang mga halimaw ang papunta sa direksyon ng siyudad.

Ngunit.

Biglang nagulo ang video na para bang nahulog ito. Napunta sa langit ang kinukunan nito. Makikitang nag-umpisa na na magdilim ang kalangitan.

Ilang sandali ay may dumungaw na ulo ng halimaw. Isang Devil Helly(Isang uri ng jelly fish ngunit nag mutate at naging devil helly). May asul itong katawan at nakasuot ng pulang robe na gutay gutay sa baba. Malakas ito na nasa rank BB+, isang Grand Lord. Mas malakas pa ito sa mga rank AA mutated beast. Sa kanyang kamay ay may hawak na mapulang orb.

Biglang napatili ang vlogger nang itinutok ng Devil Helly ang kanyang nagliliwanag na galamay na daliri sa vlogger.


Load failed, please RETRY

Desbloqueo caps por lotes

Tabla de contenidos

Opciones de visualización

Fondo

Fuente

Tamaño

Gestión de comentarios de capítulos

Escribe una reseña Estado de lectura: C92
No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
  • Calidad de escritura
  • Estabilidad de las actualizaciones
  • Desarrollo de la Historia
  • Diseño de Personajes
  • Antecedentes del mundo

La puntuación total 0.0

¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
Denunciar contenido inapropiado
sugerencia de error

Reportar abuso

Comentarios de párrafo

Iniciar sesión