Descargar la aplicación
32.65% Self Healing Magic / Chapter 32: Rank Up!

Capítulo 32: Rank Up!

Ang mga hybrid rats ay mas malaki pa sa ordinaryong pusa at mas mataba pa sa katawan ng aso ang kanilang katawan. Mapula ang kanilang mata at matulis ang dalawang ngipin na lumalabas sa bibig. May mahaba din silang buntot na halos dalawang metro. Maliksi silang gumalaw at ang kagat nila ay nagdudulot ng lason.

Matapos patayin ang dalawang hybrid rats, ay sininyasan ni Yman si Rea na nasa likod niya na magpatuloy. Pareho silang nakabalot ng mahabang tela ang kanilang katawan. At nakasuot ng combat boots sa kanilang paa. Sa mukha naman, ay may mask na nakatakip sa kanilang ilong at bibig para maiwasan ang masansang amoy.

Medyo madilim na sa unahan kaya naisipan ni Rea na kumuha ng flashlight mula sa cyber storage niya. Pagkatapos ay dumiretso na agad sila para magpatuloy sa paglakad. Malawak ang espasyo sa loob ng tunnel na ito. Nasa labing limang metro ang taas nito mula sa lupa at sampung metro naman ang lapad ng daan. Pero dahil sa gitna ay may umaagos na iba ibang dumi. Tanging sa mga gilid lang pwede dumaan. Kasya dalawang tao na magkatabi na dumaan sa magkabilang gilid nito.

Kada 20-30 hakbang ay may makikitang eskinita. Kakaiba ang tunnel na ito. Para itong maze at mukhang malawak ang looban. Makikita din ang mga nagkukulay brown at berde na mga pader ng tunnel dahil sa mga algae na nakadikit dito. At dahil sa matagal na siguro ang pader na ito ay nagkukulay itim na ang ibang parte nito.

"Kaya pala pinagpupugaran ito ng mga hybrid rats." Bulong ni Yman.

"Hm?!" Biglang napatanong si Rea nang marinig kunti ang bulong ni Yman.

Umiling naman si Yman para sabihing wala lang yun. Magkatabi na naglalakad ang dalawa. Sinulyapan ni Rea si Yman. Napansin niya na walang kaba o takot na makikita sa binatang katabi. Sa isip ni Rea ay, "Sabagay elder ghoul nga na rank A+ ay natalo, bakit pa matatakot si Yman sa mga rank -D na hybrid rats." Sabi sa isip ni Rea.

Ilang sandali ay nakarinig ulit sila ng hissing sound. Ngunit ngayon ay tatlo nang hybrid rats ang mabilis na sumugod sa kanila. Mabilis na binunot ni Yman ang espada sa kanyang Inventory.

Pagkabunot ng espada na hawak sa kanang kamay ay diretso itinusok ni Yman ang matulis na bahagi nito sa unang hybrid rat na tumalon sa kanila.

*Zing!*

Tunog ng mabilis na pag atake. Diretso tinamaan sa ulo ang hybrid rat na unang tumalon.

*Squeak!*

[You've killed rank -D monster hybrid rat!]

[You've got hybrid rat tail!]

[Exp gained +1000]

Tanging malakas na iyak lang nito ang naiwan bago naging itim na usok.

Mabilis naman na sabay sumugod ang dalawa pang Hybrid Rat na natira. Ngunit para kay Yman at Rea ay mabagal ang mga galaw nito. Nagpakawala ng horizontal slash si Yman.

*whoosh!*

*squeak!* *squeak!*

[You've killed rank -D monster hybrid rat!]

[Exp gained +1000]

[You've killed rank -D monster hybrid rat!]

[You've got hybrid rat tooth!]

[Exp gained +1000]

Magkasabay na nahati sa dalawa ang mga katawan ng Hybrid Rats. Dahil sa pag level up kanina ay lalo pang lumakas ang katawan ni Yman. Bumilis ang kilos at tumalas ang pandama.

Lumingon sa likod si Yman at nakita niya na tahimik lang si Rea habang nakatingin sa kanya.

"Pwede silipin ko muna ang Status ko?" Tanong ni Yman kay Rea.

"O-oo naman." Mahinang sagot ni Rea habang itinaas at baba ang ulo.

*zing!*

Mabilis na pinitik ni Yman ang bone sword sa hangin para maalis ang mga itim na dugo ng hybrid rat na dumikit sa espada.

Pagkatapos ay tiningnan niya ang stats sa interface. Binati si Yman ng notification pag open ng Interface:

[Congratulation's you rank up!]

[Rank D>>>Rank C Magician]

GHOUL SLAYER

Yman Talisman

Level 3

————

STATS

HP: 3400/3500

MP: 600/1100

Stamina:99%/100%

Rank: C

Job: Healer

————

Atk:

160+100

Matk:

151

Def:

80

Mdef:

76

Eva:

35

Acc:

35

————

Str:

5

Int:

1

Dex:

1

Agi:

1

Vit:

1

————

Extra Points: 20

Exp: 4900/10000

————

SKILLS

Magic Skill:

•Heal[Active]

•Enforce[Active] (Promotion Avail..)

•Restoration[Active] (New!)

Magic Type:

•Self Healing Magic

•Self Buff Magic

•Self Healing Magic

Magic Rank:

•Heal[D]

•Enforce[D]

•Restoration[-C]

Talent:

•Black Energy

Self Healing Magic ulit?

"....."

"Excited pa naman ako dahil mag ra-rank C magician na ako. Pero self healing ulit? Joke ba ito? Kala ko ba binabase sa ugali o pagkatao ang makukuhang magic? Namimigay nga ako ng isang billion? Makasarili pa ba yun? Hah!" Hindi napigilan na magreklamo ni Yman sa kaloob looban.

"Wala ba'ng dagdag na stats sa rank up?" Napalakas na bulong ni Yman. Dahil dito ay narinig siya ni Rea.

"Uh-uhm, Yman!" Biglang pagtawag ni Rea.

"Bakit Rea?" Lumingon si Yman kay Rea.

"Nag rank up ka?" Tanong ni Rea.

"Mhm!" Tumango si Yman.

"Wala talagang dagdag stats yan pero..."

"Pero?"

"Pero pwede ka maka claim ng title dahil diyan."

"Title?"

"mhm!" Tumango si Rea.

"Kung ganun, Alam mo ba kung anong klaseng mga title ang pwede ma claim?" Excited na tanong ni Yman.

"Mhm! Una rank D is Novice title, rank C is Advance title, rank B is Elite, rank A Master at rank S is Grand Master." Paliwanag ni Rea.

"Uhm saan naman pwede e-claim yung title?"

"Para sa atin na mga estudyante, ay sa Principals office."

"Ganun ba?"

"Mhm!"

"Uhm, Rea salamat." Sabi ni Yman habang ngumiti.

"Mhm! Walang anuman!" Tumango naman si Rea. Sa isip ni Rea ay, "Bakit kaya hindi alam ni Yman ang ganitong bagay? Sa tingin ko ay rank S magician siya. Lalo na at napakalakas niya."

Tiningnan ni Yman ang details ng bagong skill.

Restoration:

Mana: 100

CD: 5seconds

•+25% Heal Ailments

"....."

Napakamot nalang ng ulo si Yman habang tinitigan ang bagong skill. Sunod niyang tiningnan ay promotion skill ng Enforce. Ang Enforce ay;

Enforce:

Mp:100

CD:1min

•+50% magic skill damage

•2x healing effect

•+10 attack

•+10 magic attack

•+10 defense

•+10 magic defenses

•+10 Evation

•+10 Accuracy

•10seconds effect

Ang promotion skill nito ay;

Enforce II:

Mp:150

CD:50seconds

•+50% magic skill damage

•2x healing effect

•+20 attack

•+20 magic attack

•+20 defense

•+20 magic defenses

•+20 Evation

•+20 Accuracy

•20 seconds effect

"Kuku not bad!" Masayang sabi ni Yman. Dahil sa pagka abnormal ng skills ni Yman ay minabuti niya na hindi muna gamitin ang kanyang extra points.

Pagkatapos masilip ang Stats niya ay mabilis na nagpatuloy sila Yman at Rea. Marami silang nakasalubong pero sa isang hampas lang ng espada ni Yman ay mabilis naman namamatay ang mga ito. Lalo na at rank C magician na siya. Hindi rin basta basta ang stats niya. Tapos may dagdag attack pa ang espadang hawak sa kamay.

Nasa sampu na ang napatay ni Yman at kailangan din ng sampu para matapos na ang unang pagsubok. Hula ni Yman nasa dalawang daan na hakbang na sila.

"Uhm Rea." Biglang tawag ni Yman.

"Ye-yes?!"

"May itatanong sana ako kung ok lang. Pero pwede rin na huwag mo na sagutin."

"Uhm, ok!"

"Ilang level ka na?"

"Level 5!" Mabilis na sagot ni Rea.

Nagulat naman si Yman sa bilis na pagsagot ni Rea. Hindi manlang ito nagdadalawang isip. Hindi kasi maganda na ipaalam ang info mo sa iba ng basta basta. Dahil pwede ito gamitin sa masama at ikaw ang magiging kawawa. Mas kinagulat pa ni Yman ang level ni Rea.

"Ahaha mas mataas pala level mo."

"Eh?! Sa tingin ko mas mataas level mo ."

"Ahaha, sa totoo lang ay...." Nagdadalawang isip si Yman kung sasabihin ba niya na lowlevel pa siya,

"Ay?!"

Errm!

"Le-level 3 pa ako."

"Eh?!"

"Ahaha pasinsya na kung inakala mo na mataas na level ko."

"Ang cool nun Yman!" Bigla namang kuminang ang mata ni Rea.

"....."

Biglang na speechless si Yman sa reaksyon ni Rea.

"Kahit lowlevel kapa ay may kakaiba kanang lakas!" Excited na sabi ni Rea kahit nahihirapan sa pagsasalita dahil sa mask na nakatakip sa bibig at ilong nila. Ngunit bigla ay...

Ssshhh! Sinyas ni Yman habang nilagay sa bibig ang kaliwang hintuturo. Nakadama siya ng kakaiba.

Mabilis naman tinakpan ni Rea ang kanyang bibig kahit may mask na, na nakatakip dito.

Ilang sandali ay nakarinig ulit sila ng hissing sound! Mabilis na binunot ulit ni Yman ang espada sa inventory. Sampung hybrid rats ang mabilis na sumugod kay Yman. Mabilis na humakbang si Yman para salubungin ang mga daga at para narin hindi madamay si Rea.

Keeeee! Biglang naglalabas ng kakaibang tunog ang mga hybrid rats.

"Mukhang galit ang mga daga na'to." Bulong ni Yman habang mabilis na inilagan ang atake ng dalawang daga. Nagsitalunan naman yung iba sa kanya. Napansin niya ang buntot ng inilagang hybrid rat, mabilis itong inihampas sa bandang leeg ni Yman. "Kuku, nice try." Sabi ni Yman habang ngumisi. Para sa kanya kung ikompara ito sa atake ng ghouls, ay balewala ito.

*whoosh!*

Bilis na sinalo ni Yman ang inihampas na buntot gamit ang kaliwang kamay. Pagkasalo ay inikot niya ang kanyang katawan, at mabilis na ibinato sa isa pang daga na nagbabalak tumalon sa kanya ang dagang may-ari ng buntot na hawak ni Yman.

*thump!*

Malakas na tunog ng banggaan sa pamagitan ng dalawang daga.

Lihim naman namangha si Rea kay Yman. Dahil parang hindi healer ito kung makikipag laban. Ngunit biglang nanlaki ang mata ni Rea at napasigaw.

"Yman sa taas!" Sigaw ni Rea.

Isang hybrid rat ang gumapang sa bubungan ng tunnel at tumalon papunta kay Yman.

Pero hindi manlang tumingin si Yman sa taas at inabot niya ito gamit ulit ang kaliwang kamay. Hinablot ni Yman ang bibig ng hybrid rat na tumalon mula sa taas at mabilis na hinampas sa pader ng tunnel.

*bang!*

*squeaaak!*

Isang malakas na iyak ng hybrid rat ang umalingawngaw bago tuluyang naging itim na usok. Nag dot naman ang mga mata ni Rea. Hindi niya akalain na hahablutin ni Yman ang bibig ng hybrid rat. Hindi lang yun, pinaghahampas pa niya ang mga daga. Sa isip ni Rea ay, "Healer ba talaga siya?!"

Ngunit napansin ni Rea na may gasgas ang kamay ni Yman.

"Yman nakagat ka ba?!" Nag-alalang tanong ni Rea. Alam ni Rea na nakakalason ang kagat ng hybrid rat. Dahil sa may malakas na katawan ang mga magician, kahit malason ay hindi agad kumakalat ang lason sa katawan. Ngunit unti unti namang magbabawas ang Hp ng magician. Pag umabot sa zero ang hp, ay mamatay ang magician.

"Ah ito ba? Huwag kang mag-alala gasgas lang to." Mahinahong sabi ni Yman.

"....."

Hindi alam ni Rea kung mlungkot o matawa.

"Anong gasgas, la-lason yan Yman!" Natatarantang sabi ni Rea.

"Hehe, huwag kang mag-alala Rea."

"A-anong wa...." Biglang natigil ang sasabihin ni Rea dahil.

*Bling!*

Isang party invitation ang kanyang narecieve mula kay Yman. Mabilis na pinindot ni Rea ang accept. Ngunit nagulat siya sa nasaksihan. Malaki parin ang hp niya? Napansin ni Rea na hindi naman gumagamit ng healing spell si Yman, pero bakit mas mabilis pa bumabalik ang Hp niya kaysa sa bawas ng lason.

Tiningnan ni Rea ang kasamang binatilyo. Ngunit, mas lalo pa niyang kinagulat ang pinaggagawa nito! Pinaghahablot niya ang mga tumatalong hybrid rat. At ang mga kawawang daga na kanyang mahablot ay pinagtutusok ng espada. Bawat pagtusok ng espada ay siya namang pagdagdag ng mas maraming Hp kay Yman. Hindi alam ni Rea kung maiyak o matawa para sa mga kawawang daga. Gusto tuloy niyang e-cheer ang mga ito na kagatin si Yman.

Kahit puro kagat na ang kanyang kamay ay mabilis naman gumagaling dahil malaki ang hp na dagdag sa kanya. Sa isip ni Rea...

"Please mga daga huwag kayong sumuko kagatin niyo pa si Yman."

Hah! Nagpakawala nalang ng buntong hininga si Rea dahil sa sinapit ng mga kaawa awang mga hybrid rats.


Load failed, please RETRY

Desbloqueo caps por lotes

Tabla de contenidos

Opciones de visualización

Fondo

Fuente

Tamaño

Gestión de comentarios de capítulos

Escribe una reseña Estado de lectura: C32
No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
  • Calidad de escritura
  • Estabilidad de las actualizaciones
  • Desarrollo de la Historia
  • Diseño de Personajes
  • Antecedentes del mundo

La puntuación total 0.0

¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
Denunciar contenido inapropiado
sugerencia de error

Reportar abuso

Comentarios de párrafo

Iniciar sesión