Descargar la aplicación
90.69% FLOWER OF LOVE / Chapter 117: IS SHE PREGNANT?

Capítulo 117: IS SHE PREGNANT?

Dumeretso ang mag-asawa sa opisina ni Dixal pagkalabas sa conference room. Si Lemuel nama'y lumihis agad ng landas at nagtungo sa sariling opisina.

Pagkapasok pa lang ni Flora Amor sa opisina ng asawa'y hinanap nito agad ang pinabiling mangga at alamang sa byenan kasama na 'yong pinyang madami ang asin na inihatid kanina ng driver bago sila magtungo rito.

"Dixal, balatan mo ako ng mangga. Tatlo ha?"

utos nito sa lalaki at agad ibinagsak ang pwet sa malambot na sofa.

"Mamaya na bago tayo kumain ng tanghalian. Magluluto muna ako Amor," sagot ni Dixal.

Nagpantig agad ang tenga nito.

"Mangga ang gusto ko, Dixal. Tsaka damihan mo ng alamang. Dalawang linggo akong nagbantay sa'yo sa ospital, bumawi ka ngayon. Tsaka naalala ko, madami kang kasalanan sa'kin. Buti nga 'di kita hinihiwalayan sa ginawa mo, binantayan pa kita sa ospital kahit galit ako sa'yo!" binirahan nito agad ng dada ang lalaki pagkarinig lang na ayaw niyang sumunod.

Nagtatakang tumitig siya sa asawa.

"Ano'ng kasalanan? Hey, isa lang ang sinabi ko, andami mo agad isinagot" angal niya.

"Ayaw mo kasi sumunod eh. Para magbabalat ka lang ng mangga!" singhal nito.

Nalilitong nagtungo si Dixal sa kusina.

"What's happening? Bakit ang tapang no'n?" takang tanong niya sa sarili.

Hihirit sana siyang masakit ang kamay na isinuntok kanina pero baka naman lalo itong magmukhang tigre kaya sumunod na lang siya.

Tatlong mangga nga ang binalatan niya at hiniwa-hiwa na sa malaking mangkok tsaka madaming alamang sa mangkok uling isa at ang panghuli ay isinalin niya sa platito 'yong pinyang nabalatan na bago niya ilagay sa tray, maya-maya'y bumalik sa asawa.

Subalit dismayado siyang napatitig na lang sa babaeng nakatagilid na habang natutulog sa sofa.

"What the---!"

Inilapag niya ang tray sa center table, lumuhod sa harapan nito saka ito niyugyog.

"Andito na ang mangga," wika niya.

Ungol lang ang isinagot nito.

"Hey, wake up. Hindi na 'to masarap pag naabutan ng isang oras," an'ya.

"Ano ba, gusto kong matulog. Ayuko na niyan. Itapon mo na lang," atungal nito at tumalikod sa asawang nalilitong napatitig rito.

Nagpabalat ng mangga tapos ipapatapon lang pala?

Napapailing na lang siyang bumalik sa kusina, tinakpan ng malapad na cellophane ang tray saka inilagay sa ref.

Baka antok na antok ito. Paggising mamaya, tiyak na hahanapin nito ang mga 'yon.

Pagkuwa'y bumalik siya sa kinaroroonan ng asawa upang buhatin sana para ilipat sa kwarto niya nang tumunog ang phone nito sa bulsa ng slacks na suot.

Kinuha niya iyon at sinagot ang tawag.

"Hello, Flor. Pasensya na sa ginawa ko kanina. Pero wala kaming napala sa nangyari. Uminom ng lason ang suspek habang nasa sasakyan pa lang. Wala kaming impormasyong nakuha sa kanya," pagbabalita ni Ricky.

"'Yong cellphone na gamit niya, malamang ando'n ang number ng nag-utos sa kanya," sagot niya.

"Dixal?" takang sambit ng tumatawag.

"Natutulog si Amor," sagot niya.

Sandaling natahimik ang lalaki.

"Number ni Donald Randall ang huli niyang tinawagan," pakli nito pagkuwan.

"Malaking bagay na rin 'yon."

"Dixal, hindi ko alam kung kailangan ko pang sabihin sa'yo to. Pero bumalik na ang alaala ni Flor. Baka bigla siyang magpunta sa Novaliches, baka mapahamak siya," paalala nito sa kanya.

Napaawang ang kanyang bibig sa sinabi ng lalaki at salubong ang mga kilay na patatingin sa asawang mahimbing nang natutulog.

Kaya ba nito sinabing marami siyang kasalanan at buti nga hindi siya nito hiniwalayan ngayon?

Merun talagang mabigat na dahilan kung bakit ito umalis noon bago pa ito magka-amnesia?

"Dixal tandaan mo, hindi siya pwedeng bumalik sa Novaliches. Malamang ang una niyang gagawin ay makipagharap sa kabit ng kanyang ama," muling paalala ng lalaki bago nito pinatay ang tawag.

Hindi na siya nakasagot. Ipinatong niya sa center table ang phone at binuhat ito papunta sa kanyang kwarto, inilapag sa malambot na kama saka niya pinagmasdan ang maamong mukha.

Hindi niya alam kung ano'ng nangyari sa loob ng isang linggo bago siya magising. Pero sa ikinikilos ni Amor ngayon, parang may kakaiba. Ga'no ba kalaki ang iniisip nitong kasalanan niya at parang tigreng paiba-iba ito ng ugali mula pa kaninang nagbibiyahe sila sa papunta rito.

O baka pagod at puyat lang talaga ito at ngayon lang babawi ng tulog, ngayong alam nitong magaling na siya. Gano'n na lang ang iisipin niya.

Naalala niyang marami pa siyang dapat asikasuhin sa kompanya.

At gusto niyang alamin kung ano'ng kinalaman ni Elaine sa nangyari sa kanila.

------

NAALIMPUNGATAN SI FLORA AMOR NANG MAAMOY ANG PABORITONG ULAM NA niluluto ni dixal.

Kahit medyo nahihilo ay napilitan siyang bumangon at kumakalam na rin ang kanyang t'yan.

Eksakto namang nakabukas na ang pinto ng silid palabas kaya dumeretso na siya sa kusina.

"Wowww, ang sarap niyan ah," sambit niya nang makita ang niluluto ng asawa sa kawali.

"Ilang kilo 'yan, Dixal?" usisa niya.

"Isang kilo," tipid na sagot nito.

"'Wag mong kukuhanan ha?" babala niya.

Nagsalubong agad ang kilay ng lalaki.

"Ang damot mo talaga. Ako ang nagluluto, Amor. Tapos ako ang hindi mo pakakainin," reklamo nito.

"Aba! Eh 'di dapat nagluto ka ng dalawang kilo, hati tayo. Basta 'wag mong kukuhanan yan!" singhal niya at nagkalkal ng kung ano sa ref. Pagkakita sa manggang nasa tray ay napangiti siya.

Pagkakuha ng tray ay tinanggal niya ang cellophane na takip at bumalik sa kwarto, duon kumain.

Pa-squat siyang naupo sa ibabaw ng kama, ipinatong sa mga hita ang tray saka niya nilantakan ang mangga.

Wala pang sampung minuto, alamang na lang ang natira.

"Dixal! Magbalat ka uli ng mangga. Dalawang piraso!" sigaw niya sa lalaki.

Nagmamadaling pumasok sa loob ang huli.

"What?" balik-tanong nito. "Kakain na tayo Amor. Ito na lang hipon ang niluluto ko. Mamaya na 'yong mangga. Kumain ka muna ng kanin."

Ang talim ng tinging ipinukol niya sa asawa.

"Ayuko nang kumain niyan. Mangga ang gusto ko. Magbalat ka uli, dalhin mo rito!" maawtoridad niyang utos sa lalaking 'di na nakapagsalita at baka tupakin na naman siya.

Pagbalik nito sa kanya ay dala na ang nasa platong hiniwang mangga.

Napangiti siya sa nakita.

"Ambait talaga ng asawa ko," humahagikhik niyang sambit.

Hindi ito umimik at bago muling makalayo ay hinawakan niya ito sa braso.

"Dixal, mamaya pag-uwi natin sa bahay, daan tayo sa palengke, bili tayong guyabano," parang bata niyang lambing.

"Guyabano?" takang usal ng lalaki.

"Oo. Madami 'yin ngayon sa Imus. Bili tayo ha?" lambing niya.

Sinipat nito ang kanyang noo.

"Wala ka namang sakit," kunut-noong wika nito.

"Bakit?" taka rin niyang usisa.

"Nothing," anito saka umalis na. "Dadalhin ko na lang rito ang pagkain natin."

HABANG kumakain siya, nakatingin lang si Dixal na tila siya ang ilang linggong nakaratay sa ospital at ito ang nagbabantay.

"Amor? 'Di ka ba nakakain nang maayos habang nasa ospital ka?" nag-alala nitong tanong.

"Nakakain. Kaso lagi akong nagugutom eh," sabad niya habang nilalantakan ang hipon.

Nang mapansin niyang hindi ito sumusubo man lang ng ulam ay saka na siya nag-angat ng mukha at bumaling sa asawa.

"Ayaw mo bang kumain?"

Napalunok ito.

"Ano pang kakainin ko eh halos maubos mo na lahat ng ulam?"

Nang bumaling uli siya sa mangkok, tatlong pirasong hipon na nga lang ang ando'n, 'yong niluto nitong teriyaki chicken ay said na rin, pati ang chop suey, wala na ring natira kahit sabaw.

Napangisi siyang bumaling sa asawa--ngising aso.

"Wala na palang ulam,"" sambit niya.

"I will just cook again," anang lalaki.

Nakaramdam siya ng awa rito. Hindi niya alam kung bakit bigla siyang naging maganang kumain simula pa kahapon. Parang kahit anong dami ng kain niya, 'di siya mabusog-busog. Kahit siya, naninibago sa sarili.

Nakakapanibago.


Load failed, please RETRY

Estado de energía semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Piedra de Poder

Desbloqueo caps por lotes

Tabla de contenidos

Opciones de visualización

Fondo

Fuente

Tamaño

Gestión de comentarios de capítulos

Escribe una reseña Estado de lectura: C117
No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
  • Calidad de escritura
  • Estabilidad de las actualizaciones
  • Desarrollo de la Historia
  • Diseño de Personajes
  • Antecedentes del mundo

La puntuación total 0.0

¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
Votar con Piedra de Poder
Rank NO.-- Clasificación PS
Stone -- Piedra de Poder
Denunciar contenido inapropiado
sugerencia de error

Reportar abuso

Comentarios de párrafo

Iniciar sesión