Descargar la aplicación
89.92% FLOWER OF LOVE / Chapter 116: THE RETURN OF THE BIG BOSS!

Capítulo 116: THE RETURN OF THE BIG BOSS!

Pagkatapat lang ng mag-asawa sa pinto ng conference room ay hinawakan bigla ni Flora Amor ang kamay ni Dixal at pinigilang pumasok.

Napakunot-noo ang lalaki.

"Why?" taka nitong tanong.

"Segurado ka bang okay ka lang?" paneneguro niya.

Tipid itong ngumiti saka siya biglang kinabig at niyakap, pagkuwa'y humalik sa likod ng kanyang tenga tulad ng nakagawian nito 'pag naglalambing.

"Hindi ako okay, Amor. Dalawang linggo akong 'di nakapagdilig ng halaman," pabulong nitong tudyo.

Hinampas niya ito sa likod pero tila lumulukso ang puso niya sa kilig at tuwa.

Laking pasasalamat niya sa Diyos na sa wakas nagising ito sa tamang oras at tamang pagkakataon.

"Halika na nga baka ma-late na tayo sa meeting," yaya niya, bahagya itong itinulak saka nito binuksan ang pinto at pinauna siyang pumasok sa loob.

Nagpakanganga ang mga nasa loob pagkakita lang sa kanya.

"Madam!" narinig niyang tawag ni Lemuel.

Tumingin siya rito at binigyang daan si Dixal na makapasok.

Nangingiting pinagmasdan niya ang asawang naglalakad papunta sa nakalaang upuan para rito. Siya nama'y nakasunod lang, saka lang siya naupo nang makaupo na ito. Tumabi siya kay Lemuel na nasa pangalawang hanay ng upuan sa tabi ni Dix.

Sumulyap sa kanya ang binata at tipid na ngumiti saka bumaling sa kakambal na sumeryoso agad ang mukha.

Inikot ni Dixal ang paningin sa mga naruon at huminto ang mariin nitong titig sa namumutla at nakatayo pa ring si Donald Randall.

"Why are you still standing Mr. Randall?" tanong nito sa malamig na boses.

"I heard you were the one who called for a meeting. What is this all about, huh?" kaswal na tanong nito sa gimbal pa ring ginoo.

Ilang beses na lumunok si Donald Randall bago nakapagsalita.

"N-no! You heard it wrong. P--inatawag lang din ako rito ng ibang mga shareholders," tanggi bigla, halatang nauutal.

"Y--ou can ask them if you want," paghuhugas-kamay nito.

Nagkatinginan ang mga shareholders at nagbulungan.

"I need an explanation about this so-called urgent meeting," malamig na uli ngunit maawtoridad na wika ng lalaki.

Pinagmasdan niyang mabuti si Dixal.

Paiba-iba ang mood na gingamit ng lalaki sa bawat taong kinakausap nito. Pero pagdating sa kanya, mas gusto nitong tinutudyo siya, sa kanya lang lumalabas ang tunay na ugali ng asawa, malambing na malandi na romantiko.

Walang may malakas ang loob na makapagsalita ngayong nasa harapan na ng mga ito si Dixal.

Nagulat na lang sila nang biglang tumayo ang lalaki at sinuntok ang ibabaw ng mesa saka itinukod ang mga kamay at nagtatagis ang bagang na tumingin sa bawat isa sa mga naruon.

Ibagsak lang nito ang ballpen sa mesa, natitigilan na ang lahat. Ano pa kaya ngayong sinuntok na nito ang ibabaw ng mesa?

Kahit siya'y biglang sumakit ang puson sa pagkagulat sa ginawa ng lalaki. Naihimas niya ang kamay sa gawing sumakit.

Magkakaroon na ata siya kaya sumasakit iyon.

"Ang lalakas ng loob niyong patalsikin ako sa sarili kong kompanya habang nakaratay ako sa ospital! Pero ngayong nasa harap niyo na ako, wala ni isang makapagsalita sa inyo!" nagpupuyos sa galit na sigaw nito.

Lalong namutla ang lahat. Kung anong merun si Dixal bakit natatakot ang mga ito sa lalaki, kahit siya'y hindi niya alam.

Ngayon lang nangyaring nagalit ang asawa sa harap ng meeting simula nang mapunta siya rito. Mula sa pagsisimula ng meeting, tahimik lang ito lagi, ni hindi maririnig ang tila ginto nitong boses.

Pero ngayon, sumisigaw ito sa harap ng lahat, nagpupuyos sa galit na parang hindi ito naaksidente at hindi naoperahan sa ulo.

Bigla tuloy siyang kinabahan na baka makaapekto sa katawan nito ang ipinapakitang galit ngayon.

"Mr. Chairman, with all due respect, sumusunod lang po kami sa mandate samin ng mga nasa taas. Binigyan po kami ng memo na 'pag hindi raw po kami um-attend ng meeting na 'to, tatanggalin kami sa pwesto." matapang na sabad ng isa sa mga board of directors.

Lalong nagsalubong ang kilay ng chairman at mahahalata ang pagtatagis ng bagang. Pagkuwa'y matabang na tumawa.

"Is this company just a joke to everyone? Are you all idiots to the rules and procedures of terminating an employee here? Nasa handbook 'yon ng kompanya. Are we going to start from the beginning, an orientation? Or you're just afraid to tell me kung sino ang nagpatawag ng meeting na 'to para palitan ako sa pwesto?" namimilog ang mga mata ng lalaki habang nagsasalita at kahit hindi na pasigaw ang boses nito ay mas matindi ang epekto ng mga sinasabi nito ngayon.

Nang walang balak magsalita ay tikom ang bibig na umupo si Dixal sa swivel chair at kinuha ang lagi nang dala-dalang pin sa bulsa saka iniutos kay lemuel na buksan ang projector at ibigay sa kanya ang isang lappy.

Tumalima agad ang inutusan para sumunod.

Tinanggal ni Dixal ang takip ng pen saka isinalpak sa lappy ang usb.

Lalo lang namutla ang lahat ng makita sa board ang nangyari noong nakaraang meeting, kung sino sa mga shareholders at board of directors ang namumuno para patalsikin ito at kung kaninong pangalan ang ipinangangalandakan ng mga itong ipapalit sa lalaki.

Hindi pa man natatapos ang pinapanood ng lahat ay tumayo na ang isang shareholder.

"Mr. Chairman, wala naman talaga kaming balak na palitan ka kung hindi kami pinilit ni Mr. Donald Randall na mag-petition dahil sabi niya hindi ka na raw magigising mula sa coma. Natural na gumawa kami ng paraan para hindi maapektuhan ang operation ng kompanya," katwiran nito.

"Kaya ba may gusto akong ipapatay sa ospital para hindi na talaga ako magising?" pang-aakusa ng asawa.

Doon lang nakabawi sa pagkagulat si Donald Randall at agad na tumayo.

"Sino ang walang pusong gagawa ng gano'ng klaseng hakbang sayo, Mr. Chairman?" tila puno ng concern na malakas na wika nito sa big boss.

Nang-uuyam ang ngising pinakawalan ng lalaki sa ginoo.

"Are you sure you don't know anything, Mr. Donald Randall?" balik-tanong nito sa shareholder.

Napalunok ito, agad namutla ngunit nagawa pa ring magsalita.

"O-f course! Magtatanong ba ako kung alam ko?" painosente nitong sagot.

Habang nagsasalita ito'y tinanggal ni Dixal ang pen sa lappy at tinakpan iyon saka tulad ng dating ginagawa ay pinaikot nito iyon sa mga daliri at duon natuon ang pansin nito ngunit halatang nakikinig sa sinasabi ni Donald Randall.

Tila humupa na ang galit ng lalaki at normal na ang kilos ngayon.

Pagkatapos magsalita ng huli ay saka naman muling ngumisi si Dixal habang nakatingin sa pen.

"But i heard, nahuli ng NBI ang nagkunwaring nurse na pumasok sa loob ng kwarto ko para patayin ako," kaswal nitong wika.

Napanganga si Donald Randall at tila nawalan ng mga butong napaupo sa silya.

Napakunot naman ang kanyang noo. Pa'no nitong nalaman na nahuli nga ng NBI ang lalaking pumasok sa kwarto nito kanina gayo'ng 'di pa sila nag-uusap ni Ricky mula nang tumawag ito sa kanya bago dumating ang lalaking iyon?

Kunut-noong napatingin siya sa asawang nakayuko at nilalaro ang pen sa mga daliri nito.

O strategy lang nito 'yon para takutin si Donald Randall?

Sandaling tumahimik ang lahat.

"If you have nothing to say, you can leave now. Prepare for a weekly meeting tomorrow for managers and directors of FOL Builders!" nang walang marinig na salita mula sa lahat ay wika ni Dixal, idiniin ang huling mga salitang binigkas.

Mabilis na nagtayuan ang lahat at nagmamadaling nagsialisan.

Naiwan sina Dix at Lemuel, Flora Amor at si Nicky sa loob ng silid na 'yon.

"Sir, what are we going to do with the woman?" tanong ni Nicky sa lalaking tumayo na rin.

"Let her stay," malamig na sagot nito.

Tumango ang manager at nagmamadali na ring lumabas doon.

Hindi niya pinansin ang usapan ng dalawa at agad lumapit sa asawa nang wala na si Nicky.

"Dixal okay lang ba ang kamao mo?" nag-aalala niyang usisa rito saka hinawakan at itinaas ang kamay nitong isinuntok kanina sa mesa.

"Oo," sagot nito, pagkuwa'y bumaling kay Lemuel.

"Gawan mo ng minutes ang nangyari ngayon,"

utos nito sa kaibigan.

"Alam mo Dixal, hindi COO ang labas ko sa'yo, kundi secretary," reklamo na ni Lemuel pero nang akmang babatukan na ito ng una ay agad itong umilag.

"Ahem!" napaubo si Dix. "Kung wala nang importanteng bagay na dapat pag-usapan, aalis na ako," sabad nitong tila na-OOP at akmang tatalikod na nang magsalita ang kakambal.

"Great job Dix. I hope, tuloy-tuloy na 'to." seryosong wika ni Dixal.

Nagulat ito sa sinabi ng kapatid ngunit nagawa pa ring tipid na ngumiti at sumulyap kay Flora Amor saka bumaling agad sa una.

"I just did what I had to do as your substitute." sagot nito, pakaswal lang.

Sandali munang bumitaw si Dixal mula sa pagkakahawak niya at lumapit sa kakambal saka ito niyakap.

"I could feel that you did it out of concern, not that you were obliged 'to. We're brothers bro. You can't hide it from me," bulong nito sa binata saka tinapik ang likod ng huli.

Natawa bigla si Dix sabay ganti ng yakap sa kapatid.

"I just decided to be your brother---your elder brother," pabiro nitong sagot ngunit naruon ang kaseryosohan sa boses.

"Good luck," ani Dixal at natatawang lumayo sa kapatid.

Napapangiti na lang sila ni Lemuel at nang bumaling siya rito ay nag-thumbs up pa ito.

Napahagikhik siya. Sana nga magkasundo na ang dalawang magkapatid.

Wala na sanang problemang dumating, naidasal niya.


Load failed, please RETRY

Estado de energía semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Piedra de Poder

Desbloqueo caps por lotes

Tabla de contenidos

Opciones de visualización

Fondo

Fuente

Tamaño

Gestión de comentarios de capítulos

Escribe una reseña Estado de lectura: C116
No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
  • Calidad de escritura
  • Estabilidad de las actualizaciones
  • Desarrollo de la Historia
  • Diseño de Personajes
  • Antecedentes del mundo

La puntuación total 0.0

¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
Votar con Piedra de Poder
Rank NO.-- Clasificación PS
Stone -- Piedra de Poder
Denunciar contenido inapropiado
sugerencia de error

Reportar abuso

Comentarios de párrafo

Iniciar sesión