Descargar la aplicación
9.3% FLOWER OF LOVE / Chapter 12: THE MOST PAINFUL TRUTH

Capítulo 12: THE MOST PAINFUL TRUTH

Kakaiba ang atmosphere nang madaling araw na 'yon pagkagising ni Flora Amor. Sa wakas, 'di na niya narinig ang maingay na bunganga ng ina. Paano'y nauna siyang bumangon dito. Tapos na kasi ang kanilang finals kaya walang dahilan para magpuyat siya at tanghaliin ng bangon. Kagabi pa lang nagdesisyon na siyang babangon lagi nang maaga lalo at isang linggo nang gabi-gabing umuuwi ang ama sa kanila. Tutulungan na niya ang mga magulang sa trabaho. Hindi na siya magiging pabigat sa mga 'to. Simula ngayon magiging mabuting ate na siya sa mga kapatid. Maraming oras na ang mailalaan niya sa pamilya ngayong tapos na ang klase at pasahan na lang ng mga requirements at projects mamaya.

Nagsaing na siya agad ng kanin at nagprito na rin ng tocino, talong at itlog para sa agahan nila.

"Oy! Anong nakain mo? Bat and'yan ka?" gulantang na bulalas ng ina pagkalabas lang ng kwarto at nakita siya sa kusina.

"Hmp! Umagang umaga Ma, iniinis niyo ako!" pairap niyang tugon habang binabaligtad ang pinipritong talong.

"Asus, alam ko na style mo. May hihilingin ka na naman 'no?" paniniyak nito saka kumuha ng tasa at nagtimpla ng 3-in-1 coffee.

Pigil ang ngiti niya.

"Ma, baka gabihin ako mamaya ng uwi ha kasi may recognition daw kami sa school sa hapon. May award daw ako sabi ng adviser namin," paalam niya.

Tinitigan siya ng ina habang humihigop ng kape sa kanyang tabi. Umiwas siya ng tingin.

"Naku, aminin mo na, may lakad ka 'no?" pabulong na sambit ng ina, tila tiyak ang hula.

Napahagikhik siya. Hindi talaga siya makakapagsinungaling rito.

"Ma, mamamasyal daw kami ng bf ko mamaya pagkatapos ng recognition namin sa umaga," pabulong niya ring pag-amin.

Kinurot siya nito sa tagiliran.

"Ouch, Ma!"hiyaw niya.

Tuwang-tuwa siya. Hindi ito nagalit. Ibig sabihin, pumapayag itong mamasyal sila ni Dixal pagkatapos ng recognition. Excited na siya. Inihanda na niya kagabi pa ang isusuot at isang reserbang damit. Ipapasa na lang niya ang mga projects mamaya bago ang recognition.

Pagkatapos maghanda ng agahan ay nanggising na ang ina sa mga kapatid niya.

Pati ang ama'y nagising na rin at lumabas ng kwarto para kumain.

Pagkatapos kumain ay naligo na siya.

"Oy ate! Mababasag na 'yang salamin sa ginagawa mo. Kanina ka pa d'yan!" hiyaw ni Hanna nang mapansing ilang minuto na siyang nakaharap sa salamin.

"Moment ko ngayon. 'Wag kang kumontra!" singhal niya sa kapatid pero nakangiti.

Naglagay siya ng kunting lipstick sa labi tsaka pressed powder sa mukha. Gusto niyang maging maganda sa paningin ni Dixal buong araw. Ini-pony niya ang lagi na'y nakaladlad na straight at hanggang beywang niyang buhok para maiba naman.

Sayang, wala siyang hikaw man lang. Pero 'di bale, maganda pa rin siya kahit wala ang mga 'yon.

Pinagmasdan niya ang damit, pulang blouse na hapit sa katawan at fitted jeans na halata ang umbok ng kanyang pwet. Napapangiti siya, sexy pala siya.

Bagay sa kanya o hindi ang suot na lumang tennis ay wala na siyang pakialam. Hindi 'yun mahalaga para kay Dixal. Loyalty lang niya ang mahalaga para dito.

Pagkatapos magsawang pagmasdan ang sarili sa salamin ay lumapit siya sa ina na nagpapalit ng diaper sa anak.

"Ma, baon ko."

Inabutan siya nito ng dalawang daan. Halos mapalundag siya sa tuwa.

"Love ko talaga ang mama ko." Sabay yakap dito.

"Tse!"

Humagikhik siya.

Pagkatapos magpaalam sa ama'y isinukbit na niya sa likod ang kanyang backpack at nagmadaling lumabas ng bahay.

"Oy, Beshie! Ang ganda mo ngayon ah. Ano'ng merun?" Salubong agad ni Mariel sa kanya sa labas ng kanilang department kasama si Anton.

"Aattend ako ng recognition mamaya," pakaswal niyang sagot sa kaibigan.

Sinulyapan niya si Anton. Mula nang mangyari ang insidente noong nakaraang linggo ay tila iniiwasan na siya nito. Hindi na siya pinapansin. Seguro'y tampo pa rin ito sa kanya hanggang ngayon. Hindi na lang din niya pinansin ang binata.

Palihim niyang sinulyapan ang malapit nang matapos na building. Wala pa ro'n si Dixal.

"Nagpasa ka na ba ng project kay Mrs. Manalastas?" tanong ng kaibigan.

"Magpapasa pa lang," sagot niya saka tinanggal sa likod ang bag at inilagay sa harap saka binuksan ang loob no'n.

"Hala! 'Asan ang projects ko?" namutla siya.

Wala sa loob ng bag ang mga ipapasa niyang projects. Nakalimutan niya sa kanilang bahay.

"Beshie, sandali lang. Naiwan ko ang mga ipapasa kong projects sa bahay," paalam niya't nagmadaling bumalik palabas ng gate at sumakay ng jeep pauwi.

Dasal niya'y wala sanang traffic ngayong umaga para makabalik siya agad. Ang sabi sa kanya'y alas nuwebe daw nang umaga ang recognition.

Kaso ang malas niya, umaga pa lang traffic na. Wala siyang magawa kundi maghintay.

Wala siyang relo kaya 'di niya alam kung ano'ng oras na.

Pagkatapos ng mahabang minutong paghihintay, sa wakas huminto din ang jeep sa tabi ng simbahan.

Halos tumakbo siya para lang makauwi agad.

Sa labas pa lang ng kanto ay tanaw na niya ang amang naglalakad palayo. Nakasuot itong barong at may kasamang dalawang matitikas na lalaki.

Mula sa kinaroroonan niya'y tinawag niya ito pero hindi ito lumingon. 'Di seguro siya narinig. Saan ito pupunta, hindi ba sa palengke?

"Pa!" tawag niya uli pero hindi pa rin ito lumingon.

Nagtaka siya nang makita itong sumakay sa isang magarang van kasama no'ng dalawang lalaki.

Blangko agad ang utak niya, tuloy nagdalawang-isip kung ama niya nga ang nakita. Pero segurado siyang iyon ang papa niya.

Binilisan niya ang mga hakbang. Kailangn niyang makuha agad ang mga ipapasa niyang projects.

Sa labas pa lang ng bahay ay dinig na niya ang boses ni Mamay Elsa.

"Gaga ka talaga, Nancy. Ikaw ang asawa tapos hinahayaan mong ganyanin ka. Tignan mo nga ang sarili mo. Bata ka pa pero lusyang ka na. Bakit 'di mo ipaglaban ang karapatan mo? 'Di ka ba naaawa sa mga anak mo?"

Nabingi siya sa narinig.

'Ano raw?!' sigaw ng isip niya.

Wala siya halos narinig pero bakit biglang nangatog ang mga tuhod niya? At ang mga kamay niya, biglang nanlamig.

"Hayaan mo na, Mamay. Sanay na ako. Sinanay ko na ang sarili ko. Ayuko lang ng gulo. Sapat na sa'kin ang gan'to," mahinang sagot ng ina.

Napasandig siya sa pader ng bahay. Ano ang eksaktong pinag-uusapan ng dalawa? Hindi niya maintindihan o ayaw niyang intindihin. Ang alam niya lang, nangangatog ang mga tuhod niya at nanlalamig ang mga kamay.

"Harold! Bilisan mo d'yan at aalis na tayo!" tawag kapatid niya.

"Pag-isipan mong mabuti ang lahat, Nancy. Malalaki na 'yang tatlo mong anak. Hindi pwedeng ganyan kayo habambuhay. Ikaw, nagpapakahirap sa paghahanap-buhay tapos ang asawa mo, ando'n sa kandungan ng iba. Ginagawa ka lang palahian."

Natigagal siya. Awang ang mga labi pero di makapagsalita.

'Hindi!'

Hindi totoo ang mga narinig niya. Ang papa niya ang nagpapakahirap sa trabaho para lang may makain sila sa araw araw at may magastos sila sa pag-aaral. Tumutulong lang ang kanyang mama.

"Hindi ko kailangan ng pera niya, Mamay. Pero ayuko lang malaman ni Flor ang sitwasyon namin kaya ako na ang kumausap sa kanyang pagbigyan ang anak niya kahit isang linggo lang pagkatapos ng finals ng bata para 'di magulo ang isip ng anak ko."

Napakapit siya sa pader nang maramdamang bibigay na ang kanyang mga tuhod. Gusto niyang tuluyang mabingi ng mga sandaling 'yon, pero heto't umaalingaw sa kanyang pandinig ang mga sinabi ng ina.

'Hindi! Hindi 'yon totoo!' Ilang beses siyang umiling.

Ulirang ama ang kanyang papa. Isang beses nga lang niyang nakitang 'di nagkasundo ang mga magulang, last week lang.

Ang mama niya ang mabunganga at madaldal, madalas manigaw at mabilis magalit. Pero ang ama niya, ando'n lagi sa palengke nagtitinda ng isda para lang may makain sila at may pangtustos sa kanilang pag-aaral.

Pero bakit biglang pumatak ang luha sa mga mata niya nang mga oras na 'yon? Bakit gusto niyang humagulhol?

Hindi 'yon kayang gawin ng mabait niyang papa. Mahal sila nito, mahal na mahal.

Gusto niyang sugurin ang ina at sabihing bawiin nito ang paratang sa papa niya. Gusto niyang pagalitan ito dahil wala itong tiwala sa asawa. Pero bakit gano'n? Bakit wala siyang lakas ng loob na gawin 'yon?

"Ma, okey na po. Nakahanda na lahat. Alis na tayo." Boses ni Harold ang narinig niya.

Pinilit niyang maglakad kahit nangangatog ang mga tuhod. Ayaw niyang makita ng mga itong nasa labas lang siya ng bahay. Tumakbo siya papalayo palabas sa kanto, patawid sa kabilang kalsada at doon siya impit na umiyak.

Wala siyang pakialam sa mga taong nakatingin sa kanya. Gusto niyang ilabas lahat ng emosyong nararamdaman ngayon.

Hindi kayang tanggapin ng utak niyang matagal na siyang niloloko ng mga magulang, na matagal nang nagsisinungaling ang mga ito sa kanya.

"Lagot ka sakin pag di ako nakapuntang palengke bukas." Biglang umalingawngaw ang boses na 'yon ni Harold sa kanyang pandinig.

Ang kapatid niya, may alam ito sa nangyayari pero 'di man lang ito nagsumbong sa kanya. Kaya pala galit na galit ito sa papa nila. Kaya pala pinagsabihan siyang makasarili at walang pakialam sa nangyayari sa kanyang kapaligiran. Alam pala nito ang lahat.

Napaupo siya sa gilid ng gusaling kinatatayuan at niyakap ang nangangatog na mga tuhod saka napahagulhol.

Siya lang itong si tangang walang kaalam-alam sa nangyayari.

Lahat sila nagsinungaling sa kanya.

'Bakittt?'

'Bakiittt?'

Ilang oras marahil siya sa gano'ng ayos hanggang sa wakas ay tumayo siya at inayos ang sarili. Kinuha niya ang reserbang damit sa loob ng bag at ipinahid sa luhaang pisngi saka inilabas ang sipong kanina pa pabalik-balik sa kanyang ilong.

Ang alam niya'y pupuntang palengke ang ina. Susundan niya ito doon. Gusto niyang alamin ang totoo. Hindi niya kayang tanggapin ang lahat pero kailangan niyang malaman ang totoo.

Nagsimula siyang maglakad papuntang palengke. Hahanapin niya ang pwesto ng ina. Kahit ga'no pa kalawak ang palengkeng 'yon, kailangan niya itong hanapin.

Pagdating sa palengke, mabilis niya itong nakita sa looban.

Hawak ang sariling bibig at impit siyang umiyak habang pinagmamasdan itong nagtatawag ng mga kustomer katabi ni Harold. 'Pag may bumibili, ang kapatid ang tagalinis ng isda saka ibibigay sa bumibili. Sa paraan ng paglilinis nito ng isda at sa bilis ng kilos nito, maniniwala ba siyang kahapon lang nito ginawa ang gano'ng klaseng trabaho?

Marahil ay simula no'ng lumipat sila sa manila, 'yon na ang trabaho ng kapatid. Hindi ba ito nag-aaral?

Lalo siyang napahagulhol. Wala pala siyang karapatang magalit sa kapatid kasi ito ang tumutulong sa ina para makakain sila sa araw-araw at may panggastos siya sa pag-aaral na dapat sana ay siya ang gumagawa dahil siya ang panganay na kapatid.

Nakita niya si Hanna sa likuran, binabantayan ang nakababatang kapatid habang naglalaro ito malapit sa pwesto ng ina. Hindi ba nag-aaral ang mga kapatid niya?

Ang mga ito, routine na marahil ang ginagawa sa loob ng halos dalawang taon, samantalang siya, parang batang walang pakialam sa mundo. Nagigising, kumakain, pumapasok sa paaralan, umuuwi kumakain at natutulog. Gano'n lang siya. Ang gaan ng buhay sa kanya, wala siyang dapat ikabahala basta't nag-aaral siya. Wala siyang pakialam sa mga kapatid niya kahit naririnig niyang umiiyak ang mga 'to. Ni hindi niya nga pansin ang halos araw-araw na pamumugto ng mga mata ng kanyang mama.

Hindi niya napigilan ang sarili. Napahagulhol siya nang malakas at agad na lumayo sa lugar na 'yon. Hindi niya kayang tingnan nang matagal ang ina't mga kapatid.

Wala siyang kwentang anak. Wala siyang kwentang ate. Nagpapakahirap ang mga 'to sa pagtatrabaho samantalang siya'y ang gaan lang ng buhay.

Ano'ng klase siyang anak?

Pinagtitinginan siya ng mga nakakasalubong habang humahagulhol sa daan. Ni hindi nga niya pansing muntik-muntikan na siyang mabangga kung 'di lang sa lalaki sa likuran niyang tahimik lang na sumusunod sa kanya.

Sa mahaba niyang nilakad at sa layo ng nilakbay ng kanyang isip, nagulat pa siya nang matauhan at matuklasan ang sarili sa loob ng simbahan na tulalang nakatitig sa kawalan.

Ilang minuto na ba siyang nakaupo sa mahabang bench na 'yon? Limang minuto, sampu, isang oras na o dalawang oras? Hindi niya alam at wala siyang balak alamin.

Ang sabi ng mama niya noon, 'pag mabigat daw ang problemang dala niya, tawagin niya lang daw ang Diyos at isumbong ang lahat dito at gagaan daw ang pakiramdam niya.

Nasaan ba ang Diyos? Andito ba sa tabi niya? Nakikinig ba ito? Gagaan ba talaga ang pakiramdam niya pag tinawag niya ito?

Pumatak na muli ang luha niya habang nakatitig sa kawalan.

'Diyos ko?' sigaw ng isip niya.

'Bakit hinayaan mong mangyari sa pamilya ko 'to? Galit ka ba samin kasi 'di kami madalas magsimba? Seguro ayaw mong maging masaya ang pamilya ko kaya pinaghiwalay mo sina mama at papa. Unfair ka!' Unfair ka!'

Nagsimula na uli siyang humagulhol.

'Ga'no ba kalaki ang kasalanan namin sayo para hayaan mong gan'to ang mangyari sa pamilya ko? Unfair ka! Ibalik mo sakin ang papa ko. Ibalik mo siya sakin!'

"Maawa ka, ibalik mo samin ang Papa ko!!!" ang sigaw ng isip ay naibulalas ng kanyang bibig saka tuluyang napahagulhol nang malakas, dahilan upang magtinginan sa kanya ang mga naroon.

"Flora Amor!"

Naagaw ng sigaw na 'yon ang kanyang pansin. Si Anton? Pa'no nito nalamang andito siya? Napalingon siya pero hindi si Anton ang una niyang nakita.

"Dixal?"

Nagtama ang paningin nila. Bakit andito ang binata? Sinusundan ba siya nito? Kelan pa?

Nakarehistro sa buong mukha nito ang sobrang awa sa kanya.

"Flor! Are you alright? OK ka lang? Kanina pa kita hinahanap sa palengke pero wala ka na ro'n. Okey ka lang ba?" Humihingal ito habang nagsasalita.

"Palengke?"

Pano nalaman ng kaibigang nanggaling siya sa palengke? At bakit siya tinatanong kung okey lang siya?

Napamulagat siya sabay tayo nang magliwanag sa kanya ang lahat.

Umawang ang kanyang bibig ngunit walang lumabas na mga salita doon. Dinuro niya ang kaibigan sa sobrang galit na nararamdaman. Alam nito ang lahat ng nangyayari sa pamilya niya pero wala din itong sinasabi sa kanya.

Bakit?? Bakit lahat ng mga taong nakapaligid sa kanya'y pinagsisinungalingan siya? Bakit??

Tumayo siya at naglakad papunta sa pinto ng simbahan.

Sumunod ito.

"Flor wait!" Hinawakan nito ang kanyang kamay.

Sa isang iglap ay umangat ang isa niyang palad at dumapo sa pisngi ng binata nang humarap siya dito.

"Damn you!" sigaw niya sabay duro sa lalaki.

"Alam mo ang lahat pero inilihim mo 'yon sakin! Anong klase kang kaibigan?" sumbat niya.

Marami pa siyang gustong sabihin sa lalaki. Gusto pa niya uli itong sampalin. Gusto niya itong sumbatan nang paulit-ulit pero bakit biglang namanhid ang kanyang katawan? Biglang sumikip ang kanyang dibdib. Ang sakit! 'Di siya makahinga hanggang biglang nagdilim ang kanyang paningin.

Subalit, bago siya tuluyang mawalan ng malay ay may mapagpalang kamay ang agad sumalo sa kanyang katawan.

------

Mabuti na lang naging maagap si Dixal at nasalo niya agad ang hinimatay na nobya. Binuhat niya ang katawan nito.

"Hey you!" sambit ni Anton sabay turo sa kanya.

"Back off!" tiim-bagang niyang tugon saka dere-deretso siyang naglakad buhat ang dalaga.

Naiwan itong natitigilan.

"Bakit 'di niyo siya pinigilan?" narinig niyang hiyaw nito.

"Mahigpit ang utos saming 'wag siyang gagalawin," ang narinig niyang sagot ng isang lalaki.

So kilala siya ng mga lalaking nakasunod lagi kay Amor. At kilala rin ang mga 'to ni Anton? Kanino galing ang utos na sinusunod ng dalawa kung 'di galing kay Anton?

Sa ama ng binata?

Bakit? Ga'no kahalaga ang nobya para sa ama ng kaibigan nito?

Naguguluhan siya.

"Amor you're so mysterious."


Load failed, please RETRY

Estado de energía semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Piedra de Poder

Desbloqueo caps por lotes

Tabla de contenidos

Opciones de visualización

Fondo

Fuente

Tamaño

Gestión de comentarios de capítulos

Escribe una reseña Estado de lectura: C12
No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
  • Calidad de escritura
  • Estabilidad de las actualizaciones
  • Desarrollo de la Historia
  • Diseño de Personajes
  • Antecedentes del mundo

La puntuación total 0.0

¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
Votar con Piedra de Poder
Rank NO.-- Clasificación PS
Stone -- Piedra de Poder
Denunciar contenido inapropiado
sugerencia de error

Reportar abuso

Comentarios de párrafo

Iniciar sesión