YUL
Walang kibo akong nakatitig kay Stella. Napakaganda niya sa suot na pang-abay. She glows like a mystical princess while walking down the aisle. My eyes are misty as I begin imagining her wearing her own wedding dress. Kailan ko kaya maibibigay sa kanya ang pagkakataong yun? Nahagip niya ang kinatatayuan ko and her eyes become teary too... my chest gets heavy because inspite of her smile, I feel loneliness in her eyes.
Pinanood ko siya hanggang makarating sa harap ng altar. I didn't have time to approach her because I was late. Nang dumating ako ay nag-uumpisa nang maglakad ang entourage. I had prior commitment but I did my best to find time for her bestfriend's wedding.
Tahimik akong pumwesto kung saan natatanaw ang aking girlfriend. I sensed her loneliness in the whole ceremony and when the groom kissed the bride, tahimik siyang lumuha at palihim na pinunasan ng panyo ang kanyang mga mata. Dinudurog ang puso ko sa aking nakikita habang inuusig ako ng aking konsensiya. Sumagi sa isipan ko ang naging pag-uusap namin ni Jewel sa Cebu, noong inihatid ko siya sa villa sa kalagitnaan ng launching party.
"Sir, kung ako ang tatanungin mas mabuting ipagtapat niyo na nang mas maaga kay Ma'am Stella ang tungkol sa kasal natin. She deserves to know the truth."
"Hindi pa ako handang saktan siya."
"Whether you tell her now or later, parehas pa ring masasaktan siya. Mas mahirap pa nga ho yung pinapatagal niyo dahil ngayon pa lang ay nasasaktan niyo na siya sa ibang paraan. Bilang kapwa babae, I can feel her unspoken agony that despite giving everything to the person you love, you still can't have certainties about your relationship."
"Paano kung iwan niya ako pag nalaman niya ang totoo?"
"It's just an initial reaction. She loves you and I'm sure she will evetually understand and accept your situation.Ganun naman ho talaga di ba? Kapag mahal na mahal mo yung tao, tatanggapin mo ng buong-buo ang pagkatao niya kasama na pati lahat ng mga naging pagkakamali at kapintasan niya."
"Pag ginawa ko yun, hindi ka ba nag-aalala na baka pati ikaw ay malagay sa alanganing sitwasyon?"
"I don't mind as long as I can keep my job. Nangako naman ho kayo di ba na hindi niyo ako pababayaan."
"Yes I do. But Stella treats you as her friend now. Paano kung kamuhian ka na niya pag nalaman niya ang totoo?"
"I'd rather be hated for who I am than be liked for who I'm not. What I need now is a long term friendship not a temporary and insincere one. Kung magagalit siya, wala ho akong magagawa. Kaya nga habang mababaw pa ang sakit na maaring idulot sa kanya ng pagsisinungaling natin, mas mabuting malaman niya na ang totoo mula sa inyo bago pa man maging huli ang lahat.
Huwag niyong hintaying malaman niya pa ang katotohanan sa ibang paraan. Let's stop torturing ourselves from a lie that we can't hide forever."
Ngayong nakikita ko ang sakit na sinasarili ni Stella, I guess Jewel had a point. The sight is cruelly crushing my heart too. At hindi ko alam kung hanggang saan ko kayang tiising makita siyang nasasaktan dahil sa isang bagay na hindi ko kayang ipaunawa sa kanya.
After the ceremony, I approached the newly wed to congratulate them. I apologized also for being late.
"It's alright. Alam ko namang busy ka. Nagpapasalamat na kami na naglaan ka ng oras para sa kasal namin. Eh kayo ni Stella kelan naman?" wika ng bride na may halong pagbibiro.
Tumawa lang ako nang mahina and Stella smiled at me wryly.
"Sumunod kayo sa reception ha."
"Yes of course," sagot ko samantalang ngumiti lang nang mapakla ang aking kasintahan.
Magkasama na kami ni Stella mula simbahan at sa kotse ko na siya sumakay. Ako ang nagmaneho to have more private moments with her. Nanatili siyang tahimik at nakatingin lamang sa labas ng bintana. I'm trying to ignore her gloomy moods while talking to her actively. Sa kabila nang pagiging makwento ko, tipid lagi ang mga sagot niya.
"Love, pwede bang dumaan muna tayo sa hotel namin?" she muttered.
"Sure." Madadaanan naman namin kaya walang pag-aalinlangang sumunod ako. Siguro may importanteng trabaho lang siyang dapat munang asikasuhin.
Magkasabay kaming pumasok sa hotel. I wonder if what's really her reason for dropping by. Hindi niya ugaling magsingit ng trabaho sa kalagitnaan ng pribadong oras naming dalawa. Gusto ko siyang tanungin pero halatang wala pa rin siya sa mood kaya payapang sinundan ko na lamang siya.
Akala ko ay papunta siya sa kanyang opisina pero nagtaka ako nang dumiretso kami sa skylounge bar ng hotel. She ordered the staff to close it for us and no one should be allowed to enter. Naupo siya sa mahabang bar counter at humingi ng alak. Tinanggal niya ang garland sa kanyang ulo at itinapon ito sa tabi. She grabs a glass of cocktail and drinks it in her bridesmaid outfit.
Napapabuntong-hiningang tumabi ako sa kanya. Walang nagawang sinabayan ko na lang siya sa pag-iinom. I asked the bartender for a glass of blue label johnie.
"Love we're still going to the reception," mahinahong paalala ko sa kanya.
"I'm not going there anymore. Lalo lang akong malulungkot," ngingisi-ngising saad niya sabay hingi ulit ng cocktail drink.
Napalunok ako. Nais ko man siyang sawayin pero masyado na akong magiging selfish kung pati ang karapatang maging malungkot ay ipagkakait ko pa rin sa kanya.
"Love, just because your best friend got married doesn't mean you're going to lose her already. Napagdaanan niyaona ang maraming chapters sa buhay niyo pero nanatili pa rin naman kayong magkaibigan hanggang ngayon and this wedding is just going to be one those chapters." I'm that what I said really contributes to her sadness today.
Tumingin siya sa akin at ngumiti nang matamlay. "Love do you really think that's the reason why I'm feeling down today?"
Napalunok ako. "Y-Yes," sabay inom ko at iwas ng tingin.
"Can you leave us alone," utos niya sa bartender.
"Yes ma'am."
"Tell the other staff to leave too," dugtong ko. Ramdam ko nang magkakaroon kami nang malalim na pag-uusap at walang pwedeng ibang makarinig maliban sa aming dalawa.
"Yes sir."
She looked me in the eyes after everyone left. "Do you purposely ignore what I truly feel?" she asked.
"I perfectly understand what you're feeling," I sincerely answered.
Nangilid ang kanyang luha. "Kung ganun, may kulang pa ba sa pagmamahal na binibigay ko sayo?"
"I don't measure a person's love just to love her back. Kulang man o sobra ang pagmamahal mo, it doesn't matter basta ang importante ay alam ko sa sarili ko na mahal kita," seryosong sagot ko nang nakatingin sa kanyang malulungkot na mga mata.
"Then do you love me enough?"
"Y-Yes." I'm hating myself for my eagerness to eacape this kind of conversation but I guess I have no way out anymore. Wala akong magagawa kundi ang magdadag ng kasalanan dahil sa napipinto na namang mga pagsisinungaling ko.
Lumapit siya sa akin at marahang dumampi ng halik sa aking mga labi. It tastes flirtatious and contemptuos at same time. I planned to kiss her back deeply to stop her from uttering frightening words. Pero inilayo niya agad ang mga labi sa akin.
"Will you marry me Ulysses Dela Vega?"
Natulala ako sa aking narinig. Biglang nanlamig sa kaba ang buo kong katawan. My chest is suddenly filled with million fears while looking at her smiling yet misty eyes. I was expecting something scary but not the scariest one.
"You'll say yes, tama ba ako?" anas niya habang nakatitig sa akin ang mga matang may luhang nakaamba nang pumatak.
Wala akong maisagot maliban sa malalim na paglunok. Naluluha na rin ako dahil dama ko ang sakit na naidudulot sa kanya ng aking pananahimik.
Pumatak ang kanyang luha sabay tawa nang mapait. "Sabi ko na nga ba ay pinapahiya ko lang ang sarili ko." She returned to her seat and grabbed her glass. "I get it now. Hindi pa rin pala ako ang babaeng nakikita mong pakakasalan. You still don't love me enough Yul."
I bit my lip and sighed deeply. Hirap na hirap na akong tingnan siyang nasasaktan.
Inubos ko ang natitirang alak sa aking baso at tumingin nang diretso sa mga nakahilerang bote ng alak sa aking harapan. "Kung alam mo lang kung gaano kita gustong pakasalan Stella. I'm dying to do it, but I can't," mahinang salita ko.
Bigla siyang napatingin sa akin. "W-Why can't you do it?" Unti-unting dumungaw ang takot at pagdududa sa kanyang mga mata.
I riskily looked her in the eyes. I smiled with bitternes and contempt to myself. "I can't... because I made a big mistake in the past. It happened when I was in college. A desperate girl asked me to marry her to escape an arranged marriage set by her parents...I was stupid enough to grant her wish. I'm sorry. I was dumb for not foreseeing I'd be meeting a great woman like you in the future. But I'm working already on the annulment of the marriage. Pagnatapos na ang proseso dun ko balak magpropose ng kasal sayo."
Nanlaki ang mga mata niya. She was speechless for few seconds. Tumayo siya at muling lumapit sa akin. Nanginginig ang mga labi niya habang nangingilid muli ang mga luha. She slapped me. It was so strong yet I didn't feel anything at all.
"I'm sorry..." buong pagsisising sambit ko. "Hindi ko gustong magsinungaling tinalo lang ako ng takot na baka hindi mo kayang tanggapin ang pagkakamali kong yun."
"Where is that woman now? Who is she?" Her jaws were clenching.
"She's someone from the past. Hindi na importante kung sino siya."
"Minahal mo ba siya para pakasalan mo nang ganun-ganun na lang?"
Hindi ako sumagot.
Muli niya akong sinampal nang malakas. Nagngingitngit siya sa galit habang pumapatak ang luha. "So you have flaws too. Hindi pala ikaw ang perpektong lalaking iniisip ko. You deceived me Yul!"
"I'm sorry Stella pero kasal lang ang nangyari sa amin at wala nang iba pang namagitan sa amin. Not even a brief romantic relationship. Ginagawa ko ang lahat para maitama ang pagkakamali kong ito. Please give me a chance to prove myself to you. Ikaw ang mahal ko at ikaw ang babaeng gusto kong makasama habang buhay," may pagmamakaawang salita ko.
Her tears stopped and she smirked. "Let's break up. I don't want to see your face again. Hindi kita kailanman mapapatawad sa ginawa mong pangloloko sa akin. Loving you is my biggest regret in life." She turned her back and left without hesitation.
I want to stop her, kneel down and beg for her forgiveness pero sa halip ay pinanood ko lang siyang lumayo. My heart is excruciatingly breaking into pieces but she has all the right to get angry and hate me. I don't want to selfishly deprive her of that emotion. I'm extremely hurting subalit may maliit na bahagi sa puso ko na tila biglang nakahinga nang maluwag dahil sa wakas ay natuldukan na rin ang pagsisinungaling ko.
I'm in the verge of breaking down. All my strenght is gradually leaving me. Pero may isang bagay na nagbibigay sa akin ng lakas at siyang dahilan kung bakit nakakayanan kong magkunwaring kalmado, yun ay ang sinabi ni Jewel na mahal na mahal ako ni Stella at kahit anong mangyayari ay mapapatawad at matatanggap niya rin ako ng buong-buo balang araw.
JEWEL
"Grabe gurl! Yung picture niyo ni Sir Luigi sa launching party ang may pinakamaraming likes sa company page natin ha," ani Lorraine.
"Oo nga. Ikaw na naman tuloy ang pinagtsitsismisan sa buong CGC. Lahat ay may haka-haka na ikaw ang kasulukayang girlfriend ng matinik na apo ng chairman," wika ni Joanna.
Ngumiti lang ako nang payak. "Magkaibigan lang kami ni Sir Luigi. Nautusan lang akong maging partner diyan dahil wala siyang ibang babaeng mapagpipilian. Di ba Lorraine?"
"Yes. Pero alam ko namang ginusto rin yun ni Sir Luigi. Eh di ba nga matagal na naman talagang may gusto sayo yung tao."
Lumukot ang aking noo. "Kayo talaga napakamalisyosa niyo mag-isip. Biro-biro lang naman ni Sir Luigi dati yun. Kita niyo naman ngayong medyo nagpapakatino na siya, hindi na siya nagdedemand na ako yung magbaba ng mga dokumento sa office niya. Nagkataon lang na unti-unti kaming nagkakalapit ngayon pero hanggang dun lang yun at wala nang iba pang kahulugan yun.
"Pero in fairness girl, okay na namang matsismis ka ngayon kay Sir Luigi tutal bumabango na ang pangalan niya sa CGC," sabi ni Lorraine.
"I don't care about the rumors basta ang mahalaga sa akin ay ang nakikitang malaking pagbabago kay Sir Luigi. And I'm proud of him as friend, that all," seryosong paglinaw ko.
Tumahimik kami nang bumalik si Ma'am Nora sa opisina mula sa office ni Sir Yul kung saan may inayos siyang dokumento sa mesa ng aming amo. Walang imik na naupo siya sa kanyang mesa. Kanina pa siya mukhang problemado subalit wala naman siyang binabanggit sa amin. Basta ang alam namin ay kanina niya pa hinihintay si Sir Yul. Maya't maya na nga ang pag follow ups ng iba't ibang departmentamento kung napirmahan na ang mga papeles nila.
"Wala pa rin ho bang paramdam si Sir Yul, Ma'am Nora?" di nakatiis nang tanong ko.
"Wala pa nga kahit text man lang. He doesn't answer my calls too. May meeting pa naman kami ng 3pm. You two are close, wala rin bang paramdam sayo?" tanong niya sa akin.
"Wala rin ho," sagot ko.
Bigla akong nag-alala sa aking nalaman. Baka naman may sakit? Pero kahit naman maysakit ay tiyak na magpaparamdam pa rin yun sa amin. Mas lalo akong kinabahan sa sunod kong naisip. Hindi kaya naaksidente?
Hindi na ako napakali pa. Maya't maya na akong napapatingin sa opisina niya, hoping that the next time I glance, nakaupo na siya sa mesa niya. Natutukso rin akong tawagan siya but I don't want to bypass Ma'am Nora's authority.
My phone chimed. Nabuhayan ako nang loob ng makitang may text si Sir Yul. I quickly read the message.
'Please see me at my unit upstair.'
Napangiti ako. I'm about to tell everyone na nasa CGC building lang pala siya pero muli akong nakatanggap ng text.
'Don't tell anyone.'
I instanly pursed my lips. Nag-isip ako nang magandang idadahilan kay Ma'am Nora para makaalis. "Ma'am pwede ho ba akong umalis saglit? N-Nagtext ho ang nanay ko. Magkikita lang kami sa malapit na restaurant dito dahil may pipirmahan akong dokumento tungkol sa pagkakasanla ng condo namin."
"Sige pero siguraduhin mong mabilis ka lang ha baka hanapin ka ni Sir Yul pag dumating yun."
"Yes Ma'am. Mabilis lang po ako," napapalunok na sagot ko.
Nagugulumihanang sumakay ako ng elevator. Nininerbyos at nag-aalala. What's going on with Sir Yul? Why is he acting strange?
Marahan akong kumatok nang marating ko ang unit niya. No one opened the door kaya kusa kong pinihit ang door knob. Hindi ito nakalock.
"Sir?" sambit ko nang nakaawang na ang pintuan.
"Come in."
The room is dark but since I heard his familiar voice kaya pumasok pa rin ako.
"Sir?" ulit ko. I see a silhouette of a man sitting on a mini bar counter. It looks like he's drinking in the middle of the day.
Nilapitan ko ang aninong nakaupo hanggang sa matiyak na si Sir Yul nga ito. Kumunot ang aking noo. Iginala ko ang aking paningin sa madilim na silid. Walang pag-aalinlangang binuksan ko ang kurtina at hinayaang makapasok ang liwanag.
"Sir ba't kayo nagkukulong sa dilim?" Tiningnan ko muli ang aking amo at nagulat ako sa kanyang hitsura. He looks gloomy and haggard. Naka t-shirt at short lamang. Gusot ang buhok at tila ilang araw nang hindi nag-aahit ng mukha.
I anxiously approached him. Nakahanda na akong pakinggan ang sasabihin niya at alamin ang dahilan kung bakit niya ako pinapunta sa unit niya. Subalit imbes na magsalita ay tiningnan niya lang ako nang walang reaksiyon at nagpatuloy sa pag-inom ng alak. Ilang sandali akong tila naging inivisible sa tabi niya.
I'm not happy about the sight. Dismayadong kinuha ko ang baso mula sa kanyang kamay. "Sir what's wrong with you? Wala kang paramdam sa opisina tapos nandito lang pala kayo at umiinom!" medyo galit na wika ko habang mahigpit ang hawak sa baso upang makasiguradong hindi niya na ito makukuha.
Malamlam ang mga matang tumingin siya sa akin. He's gradually getting teary eyes but it looks like he's holding it back. Natigilan ako at biglang nakonsensiya sa pagtataas ko ng boses, mukhang may problema nga siya.
"S-Sir may problema ka ba?" malumanay nang sabi ko.
Ngumiti siya nang pilit at tumingin nang diretso sa akin. "Sinunod ko na ang payo mo. Finally, I confessed to Stella about my hidden past and as what I expected... she broke up with me."
Nabitawan ko ang baso. Mabuti na lamang at sa carpet ito nalaglag kaya hindi kumalat ang bubog. Sir Yul quickly grabbed my arm to distance me from the shards.
Nataranta ako. I tried cleaning the mess but he stopped me from doing it. "Leave it there, ipapalinis ko na lang yan mamaya."
"I'm sorry," naluluhang sabi ko habang di makatingin nang diretso sa kanya.
He smiled bitterly. "Okay lang yan. Baso lang naman yan."
"No... I mean I'm sorry that you're hurting right now because of me."
"I told you to stop blaming yourself. Hindi yan ang intensiyon ko kung bakit ko sinabi sayo ang nangyari... Gusto ko lang nang may makakausap."
"K-Kelan pa ho yan nangyari?" nakokonsensiyang sambit ko.
"Two days ago and I haven't heard anything from her until now. She won't answer my call nor reply my messages. What do you think she's thinking? Sa palagay mo ba ay tuluyan niya na akong iiwan?" puno nang kalungkutang wika niya.
Ngumiti ako sa kabila nang mabigat kong nararamdaman. "Huwag ho kayong mag-alala sir, hinding- hindi kayo iiwan ni Ma'am Stella. Just give her the space she needs because she's still hurting. She still needs more time to be alone para makapag isip-isip. Give her sometime to heal her pain at pasasaan ba't mangingibabaw din ulit ang pagmamahal niya sayo," I said with restless heart.
"I'm willing to give her that space. Handa akong maghintay hanggang sa mapatawad niya ako. Natatakot lang ako na baka sa kabila ng lahat ay desidido pa rin siyang hiwalayan ako."
"Pag nangyari yun ay yun na ang tamang oras para suyuin mo siya at patunayan ang pagmamahal mo sa kanya," malumanay na payo ko.
I'm grieving for his pain and my guilt is killing me but despite of these facts, I can't help not to worry for myself. "Did you tell her it was me?" napapalunok na tanong ko.
He chuckled. "I didn't. I'm sorry for not fully disclosing everything. Still, I wasn't brave enough to hurt her that much."
Napakagat ako sa labi at unti-unting naramdaman ang panlalamig ng aking mga kamay. Damang-dama kong paparating na rin ang araw na malalaman niya ang tungkol sa akin. I'm surprised when he grabs my hand and gently holds it.
"Don't worry. I made a promise to protect you no matter what happened." I guess my acting wasn't good enough to hide my fears.
Pilit ang ngiting tumango ako. "Huwag din ho kayong mag-alala dahil kung dumating man ang oras na yun, ako mismo ang magpapaliwanag kay Ma'am Stella nang lahat-lahat at hindi ako magdadalawang isip lumuhod sa harapan niya. Aakuin ko lahat ng kasalanan. Kahit huwag na ako, basta mapatawad niya lang kayo."
Nagulat ako nang bigla niya akong niyakap nang mahigpit. Pansamantala akong di nakakibo.
"I need you Jewel. I need you this time. I need all your positive and encouraging words. I trust everything you say. At iyan lang ang pinaghuhugutan ko nang lakas nang loob ngayon. I beg you not to leave me too... Don't leave me no matter what happened," he sadly whispered to my ears.
Lihim akong napaiyak. Gumanti ako sa yakap niya at marahan siyang tinapik sa likod. "I won't go anywhere. I'll help you get through all these pains. Andito lang ako pag kailangan mo nang mahihingahan at makakausap. I'll do everything to fix your relationship with Ma'am Stella. I promise to return to you the happiness you deserve."
Kumawala siya sa yakap at tumitig sa aking mga mata. "Aasahan ko yang sinabi mo."
"Yes you can depend on my words as I depend on yours," siguradong sagot ko. Pagkuway pabirong tinapik ko siya sa braso. "Hey where's my tough CEO now? I understand your devastated but I believe you can still act stronger than this. You have all day to work and all night to feel sad and broken hearted. Let's still be professional. Ang daming naghihintay ng pirma mo tapos may meeting ka pa mamaya."
He chuckled. "All right. I'll be at my office in an hour."
"That's my boss," kunway ngiti ko. "See you downstair."
"I'll take a shower now."
"Please don't make me iron your clothes. Hindi pa ho ako natuturuan ng nanay ko," patuloy na pagbibiro ko.
He managed to laugh at my shallow joke. "I won't. You can leave now baka hinahanap ka na ni Nora."
I left the room with a brighter face but right after I closed his door, my smile disappeared. Seryoso at problemadong binabaybay ko ang hallway patungong elevator. Muli na naman akong nakaramdam ng takot para sa mga darating na araw. Pero ganunpaman ay nakahanda na ako sa anumang pwedeng mangyari. I'd rather make things right in uncertainties than to live comfortably with all those lies.
— Un nuevo capítulo llegará pronto — Escribe una reseña