Chapter 43: Disguise
Jasper's Point of View
"Mag-aral ka, huh? Para hindi ka matanggal sa Track Team, ikaw ang pinaka kailangan do'n" naalala kong paalala ni Mirriam sa akin bago ako umuwi. Pinilit ko namang mag-aral pero ayaw mawala sa isip ko 'yong bagong laro na nakita ko nu'ng isang araw sa internet! Limited edition lang kasi ang copy no'n kaya kailangan ko ring mabili kaagad!
Pabato kong inilagay ang ballpen sa lamesa at kinuha 'yong susi ng motor, hindi ko muna ginamit ang kotse dahil diyan lang naman makakabili ng video games saka matatagalan pa 'ko sa paglabas ng sasakyan. Bumaba ako at lumabas papuntang garahe.
Pinindot ang button para umangat ang roll up.
"Saan po kayo pupunta sir Jasper?" tanong ng isang kasambahay nang makasakay ako sa motor.
Inatras ko ang motorsiklo hanggang sa makalabas ito, "Diyan lang, may bibilhin." sagot ko na may pag ngisi pa sa aking labi. Para cute ako sa paningin ni manang.
Her eyebrows furrowed as I opened the gate, "Pero sir Jasper…" nag-aalanganin nitong wika.
Binigyan ko siya ng thumbs up.
"It's fine. Sandali lang naman ako, eh. Promise." pagkasabi ko no'n ay pinaharurot ko na ang motorsiklo. Hindi naman kasi ako ang mapapagalitan kaya okay lang. Ang pogi ko talaga.
Mga ilang minuto lang nang makarating ako sa G.Shop. Nag park lang ako sa vacant space sa harapan lang din ng shop saka taas noong pumasok sa loob.
Mula sa counter ay makikita kaagad ang tagabantay na nakatingin sa akin. Iniisip siguro nito kung sino 'yong fafa na pumasok.
Alam ko namang gwapo ako, huwag lang ipamukha. Pero ang sama talaga ng tingin niya sa 'kin. Minamalisyahan na yata ako nito. Naku! Lagot, kaya dapat bilisan ko na ang pagbili nang makaalis na ako rito. Baka rape-in pa niya ako.
Hinanap ko na lang ang hinahanap kong laro at nang makita ko ay hinablot ko ito at dumiretsyo na sa counter upang bayaran. Nakasuot ang kahera ng eyeglasses na may makapal na frame. Naka-cap siya at nakasuot din ng work uniform.
Sinilip ko ng kaunti ang mukha niya, bakit parang familiar 'tong babaeng 'to? Lalo na 'yung height? Hmm…
Inangat niya ng kaunti ang ulo, "Baka gusto mo na pong ilapag ang pinili mo, Sir?" ngiti nitong tanong sa akin kaya kaagad ko naman itong ibinigay sa kanya. Ini-scan na't kinuha ang inaabot kong pera.
Hindi pa rin natatanggal sa labi niya ang matamis na ngiti kaya napatitig ako sa kanya't nagpa-cute. Tumikhim ako saka inayos ang bangs, "Kung magpapa-cute ka sa akin, miss. 'Di bale na lang dahil--
Pabagsak at padabog niyang ibinaba sa marble ang binili ko at binigyan ako ng nakamamatay na ngiti. Nakakatakot! "Balik po ulit kayo, Sir." mariin nitong sabi kaya para naman akong nanigas na tumagilid at animo'y isang robot kung maglakad palabas ng shop.
Nagsara ang automatic door na siya namang kasabay sa paghinga ko ng maluwag. Hawak-hawak ang dibdib na tila parang nabunutan ng tinik. "G-grabe! Sino 'yong babaeng iyon?" sumulyap ako.
Irita niyang kinukuha ang pinamili ng mga customers at pabagsak na ibinalik sa kanila ang sukli. Tumaas ang balahibo ko at iling na pumunta sa motorsiklo ko para makauwi. Lalaruin ko sandali ito.
***
ARAW ng exam, ayan ang pinaka ayaw kong mangyari sa tanang buhay ko lalo na't alam ko sa sarili ko na hindi ako nakapag-aral. Tapos kahit hindi ako manghuhula ay nakita ko na kaagad ang hinaharap. Bagsak ako.
Napasabunot ako sa buhok ko, Argh! Malalagot nanaman ako kay mommy nito!
"Kumusta exam ninyo?" tanong ni Haley na may ngiti sa kanyang labi. Tapos na ang exam at lahat ng mga test papers namin ay nacheck-an na. Alam na namin ang results.
Ngumiti ang apat sa tanong ni Haley at nag thumbs up pa, "Ayos na ayos" sabay na sagot nila. Tinitigan ko ng masama si Reed na ngiti lamang na nakatingin sa test papers niya. T*ngina! Sana all!
"Halos perfect lahat ng exam ko" buti pa si Kei. Perfect. Ang talino talaga ng love of my life.
"You're genius. It won't be difficult for you to get into a good university" puri pa ni Haley dahilan para mamula si Kei. Ngumisi lang si Reed habang pa-simpleng ngumiti si Harvey.
"I'm not." tanggi niya at umiwas ng tingin, "I'm just good at academics, you know? Compare to you, at least you can do what you like." tinaasan siya ng kilay ni Haley saka pahampas na hinawakan ang magkabilaan niyang pisnge. "It hur--"
"Idiot. You annoy me."
Dumating naman si Mirriam at ngiting nagpameywang, "Mukhang maganda ang resulta ng exam n'yo, ah? Maliban sa isa diyan." pagpaparinig ni Mirriam sa akin kaya pumunta ako sa gilid at pinaglaruan ang alikabok sa sahig.
"Fine, I'm an idiot." natawa lang si Kei habang nagkibit-balikat lang si Haley at Harvey.
***
HINDI AKO SUMAMA sa apat ngayong lunch dahil makikipagkita ako sa isang tao rito sa rooftop. Binuksan ko ang pinto at lumabas, naghihintay na pala 'yong naglagay ng sulat na hawak ko sa locker.
"Mabuti naman at nakarating ka, 'kala ko hindi ka na pupunta" bungad ng babaeng estudyante na mukhang siya rin ang nagpasok ng letter sa locker ko.
Ipinasok ko ang sobre sa bulsa at lumapit ng kaunti sa kanya, kaya malawak pa rin ang space namin. Mahangin dito sa itaas kaya sumasabay ang buhok namin sa paraan ng pagsayaw ng hangin.
Grabe, parang na sa isang romance anime ako.
Umarte akong cool sa paningin niya at tumagilid, siya rin 'yung babae na nakita ko sa G-Shop. Dito rin pala siya nag-aaral? Working student, ayos ha? "Ano naman kaya ang maipaglilingkod ko sa 'yo?" tanong ko sabay labas ng pulang rosas para ibigay sa kanya, nagmula pa ito sa mabango kong dibdib. "...Magandang binibini?" dagdag ko kasabay ang pagkindat. Imagine, may sumasabay ring nagkikislapang background?
Naglakad lang siya at patulak na ibinigay sa akin ang isang wallet. Teka, wallet ko 'to, ah?! Akala ko nawala!
"Just goin' to give that back to you, bye." paalam niya't pumasok na sa building. Malakas pa nga ang pagkakasara niya noong pinto, eh.
Unti-unti kong nilingon ang pintuan kung saan siya lumabas saka dahan-dahang hinawakan ang dibdib ko, "S-she touched my badeh."
Mirriam's Point of View
Init na init kong tinaggal ang suot-suot kong wig gayun din ang makapal na eye glasses na ito. Matapos kong magpalit ay lumabas na rin kaagad ako ng comfort room kung saan naghihintay lang din doon si kuya Jin.
Nakita ko siyang nakasandal sa pader pagkalabas ko, "Ba't ang tagal mong magpalit?" daing ni kuya Jin sa akin. Pa-salamat pa nga siya dahil pinahiram ko pa sa kanya 'yung pinahiram sa akin ni ate Jean, eh.
"Stop complaining kuya, na sa'yo na nga nagrereklamo ka pa" at inis kong ibinigay 'yung suot ko kanina. Kinuha ko rin ang kamay niya para ilagay sa palad niya ang fake pimples. Goodness!
Dumating bigla sina Haley kaya kami naman itong mukhang tanga na natarantang itago ang nerd disguise sa likod namin. Nagpapasahan pa nga kami ng mokong na ito kung sino maghahawak, eh.
"Ikaw maghawak!" pagpasa niya sa 'kin no'ng ginamit ko kaninang disguise.
"Ikaw ang nanghihiram, kaya ikaw!" bulong ko.
Nakalapit na sila sa 'min. "Third year building ito, ano'ng ginagawa mo rito?" tanong ni Reed kay kuya na medyo inangat pa ang ulo. Inaangasan niya si kuya Jin.
Napatingin naman sa kanya si kuya saka ngumisi at tumigil na sa pagpapasa sa akin nu'ng disguise outfit, "Ah, dinadalaw ko lang din kasi ang kapatid ko pero aalis na rin talaga ako" sagot niya't pinandilatan ako ng mata.
Inirapan ko lang siya at ibinalik ang tingin do'n sa apat, "Nasaan na si Jasper?" hanap ko kahit alam ko naman kung nasaan.
Humalukipkip si Haley at pumikit sandali, "May pinuntahan" sagot niya at lumingon sa likod, napatingin na rin kami roon at sabay-sabay na binigyan ng walang ganang tingin ang paparating, "Speaking of the devil." segunda ni Haley.
Masiglang kumaway si Jasper, "Hi! Nandito na ang pogi!" sigaw niya dahilan para pagtilian siya ng mga estudyante. Binigyan naman niya ito ng flying kiss na mas nagpatili sa mga kababaihan.
Gusto ko na lang talaga mapasapo sa noo dahil sa pinaggagagawa niya.
"Ang pogi mo talaga, Jasper!" kinikilig na puri ng estudyanteng nadaanan niya. Kumaway si Jasper na akala mo'y isang artista.
"Hi girls! Ang pe-pretty ninyo pa rin" patuloy nito sa pagpupuri.
Humawak sa noo si Harvey at napabuntong-hininga. Habang napatingala na lamang ng tingin si Haley na animo'y nawawalan na ng pasensiya kay Jasper, "Give me a reason not to kill him."
Nakalapit na sa amin si Jasper at kitang-kita sa kanya ang sobrang pagpapawis habang 'di inaalis ang ngiti sa labi niya. "Bastard, you don't have to use your charm if you're just going to be embarrassed later on." sermon ni Reed na tinanguan lang ni Kei.
Napatingin ako kay Jasper. Nahihiya siya? Saan? Sa babae?
Pinitik ni Haley ang kanyang buhok at inirapan si Jasper, "Leave him alone, buhay niya 'yan." pagtataray naman ni Haley. Kumuha ako ng panyo sa bulsa ng school blazer ko at inabot kay Jasper, napatingin siya sa panyo kong 'yon.
"Ipunas mo sa pawis mo, tumutulo" sabi ko. Nakaiwas pa ang tingin ko niyan. Siyempre, nahihiya rin ako 'no?!
Dahan-dahan naman nitong kinuha ang inaabot ko at binigyan din ako ng malawak na ngiti, "The best ka talaga, captain!" sinimangutan ko lang siya at umalis na nga roon.
"Saan punta mo? Ayaw mong sumabay sa 'ming kumain?" anyaya ni Kei pero sumenyas lang ako na parang sinasabing hindi na saka patakbong pumunta kina Tifanny.