Descargar la aplicación
100% Man on a Wire / Chapter 3: Chapter 3

Capítulo 3: Chapter 3

"Labas tayo?" Napatingala ako kay Kuya na nakatayo sa harapan ko habang nakasalampak ako sa sofa.

Pasukan na bukas at handa na kami sa mga gamit. Namili na kami nung isang araw.

"Where to?" I asked without looking at him again. Kasalukuyan kasi kaming naglalaro nila Sam at ayaw kong maging pabigat. Aalaskahin nila ako.

"Southmall? Movie?" He suggested.

Naisip ko iyong nakita ko sa social media na bagong movie na kaka-showing lang.

"Okay, bihis lang ako." Umakyat na ako nang matapos ang game namin.

I wore my usual skinny jeans. For today, I'm gonna wear a light yellow sleeveless top and not my usual T-shirt. I still wore my black airmax though. I also fixed my hair in a half ponytail and applied powder and lip gloss.

When satisfied, bumaba na ako at naabutan si Kuya na nagpapaalam kay Mom at Dad. They all looked stunned when I approached them. Yeah, I will start to dress up properly from now on.

Natatawa si kuya pero Mom is all shocked.

"Baby! I knew you'll look good on that blouse. I'd buy more of it when I go malling." Excited niya akong pinasadahan ng tingin. Hinaplos haplos pa niya ang hanggang balikat kong buhok.

"Tara na nga. Baka hindi ka na payagan ni Mommy niyan lumabas." Kuya grabbed my wrist at nauna na akong pinapasok sa sasakyan.

He will drive today. He's already eighteen last February kaya nakakuha na siya ng driver's license niya. Malapit lang ang Southmall kaya siguro pinayagan siya ni Dad na magdrive.

When he finished parking ay nauna na akong lumabas ng sasakyan at naglakad patungo sa elevator. Sumunod si Kuya at dumerecho na kami sa movie house.

We agreed to watch the new horror movie. It's a sequel of the movie we watched last year. Nakabili na kami ng tix at popcorn pero wala pang balak pumasok si Kuya so I asked him.

"There they are!" Hindi ko na naisatinig ang tanong ko dahil sagot na niya mismo ang sinabi niya.

Napalingon ako sa apat na lalaking paparating. Bakit kulang sila?

Nasagot ang tanong ko nang mahagip ng paningin ko si Troy sa likuran na may kaakbay na babae. Napasagot na ata nito iyong babaeng nakita namin sa harap ng computer shop.

Nanlaki ang mata ko nang makita ang sumunod na dumating. Javi with this pretty girl from school. Kilala ko iyong kasama niya dahil sikat ito sa school. She's my batchmate pero sa ibang section. Nililigawan siya ni Javi? Or sila na ba?

Nabaling ang atensiyon ko sa umakbay sakin. It's Isaac. He's grinning widely.

"Hands off!" Hinawi ni Kuya ang braso niyang umakbay sakin.

Nagtawanan sila at namula naman ako. Kahit kailan si Kuya. Kaya lagi akong napapansin ay dahil sa kanya. Kung hindi lang siya O.A. ay hindi naman ako mapapansin. I just look normal.

"Grabe, ang kinis! Ngayon lang natin nakita ang buong mukha nitong si Morgan dahil sa ayos niya ngayon noh?" Si Jay. Isang maling salita mo lang. Sinasabi ko sa'yo.

"Oh shut up 'brah! Baka mag-walk out na naman to si Cali. Bahala na kayong magpaliwanag kay Dad." Banta ni Kuya.

Hindi ko na ulit nalingon si Javi dahil masyadong masakit sa mata. Hindi ko nga alam kung nakita ba niya ako dahil mukhang abala siya sa kasama niya.

Dahil medyo puno ang cinema ay hindi kami nagkasya sa isang row lahat. Ang iba ay sa likod ng row ng iba. Pinili ko sa likod ng inupuan nila Javi at Troy kasama ang mga date nila. Matangkad si Javi kaya kung maisipan man niyang halikan si Candy ay makikita naming mga nasa likod nila.

Okay naman iyong movie. Nakakatakot. Pero heto ako at tahimik na umiiyak. Halos hindi ako gumagalaw dahil ayaw kong may makahalata sa mga katabi ko. Hinahayaan ko lang tumulo ang mga luha ko.

Bakit ako umiiyak? Napuwing ako. Napuwing ako nang nilapit ni Javi ang mukha niya sa kay Candy at nakita ko mismo kung paano niya ito hinalikan. Kahit madilim ay kitang kita ko. Hindi napansin ng mga kasama ko dahil mabilis lang naman iyon.

Ito ang unang girlfriend ni Javi. And first kiss. I was a witness. He's my crush since gradeschool. I don't know how it started. I just woke up one day eagerly looking forward to meet him.

He treats me as one of his friends. He's also sweet. Lagi niya akong pinagtatanggol kay Jay. Hindi ko naman siya masyadong crush noon. Mas lumala lang ngayon maybe because of puberty?

Hindi ko na nasundan iyong story ng movie. Nang patapos na ito ay nagpaalam ako kay Kuya na CR muna ako at magkita nalang kami sa labas.

Naghilamos ako at nag-apply ulit ng powder para matakpan ang namamagang mga mata. Nakita kong pumasok si Candy at iyong kasama ni Troy. Nginitian nila ako kaya gumanti ako ng ngiti. Lumabas na ako doon at baka magtanong pa sila tungkol sa mata ko.

Nakayuko akong naglakad papunta sa kapatid kong naka-upo sa couch kasama ang ibang barkada. Kunot ang noo niya nang tiningala niya ako. Nag-iwas ako ng tingin at medyo lumayo sa kanya.

Saktong dumating naman ang dalawang babae. Dumerecho si Candy sa nakatayong si Javi sa gilid at awtomatikong umakbay ito sa babae.

I bit my lip. Nagtutubig na naman ang mata ko sa tanawin.

Nagulat ako nang tumayo si Kuya at hinawakan ang braso ko.

"Uwi na kami mga 'brah. Kita nalang sa school." Paalam niya sa lahat.

"Ang aga pa Mav. Kain muna tayo!" Aya pa nila pero desidido na si Kuyang umuwi. Mabuti naman.

"Hindi na. May pupuntahan kasi kami nila Mom. Nakalimutan ko." Napaisip ako kung saan iyong sinabi niyang pupuntahan namin.

"Bye Cali!" Paalam nila sakin pero hindi na ako nakasagot dahil hinila na ako ni Kuya palayo doon.

Nang makarating kami sa parking lot ay tsaka lang niya ako binitiwan. Nakahalukipkip niya akong hinarap.

"Why did you cry?"

"I didn't. Napuwing lang ako." Goodluck sa dahilan mo Caliyah.

"You can fool them Cali. But not me. Tignan mo nga, namumula iyang mata mo!"

Hindi ako nakasagot. Oo mahirap magsinungaling sa kapatid ko. He knows me more than I know myself.

"Why? What's wrong?" He asked again.

Umiling ako. Kahit mamatay ako ngayon hindi ko aaminin ang nararamdaman ko para kay Javi.

"You like him."

Napa-angat ang tingin ko sa kanya.

"No. You're in love with him."

I shooked my head drastically. Crush ko siya hindi mahal. Love is a deep word.

"I saw how you looked at them Caliyah Morgan. Tigilan mo kung ano man iyan. You're just hurting yourself."

He hugged me tight. Umiyak na ako ng todo sa dibdib niya. Kung kanina ay nagpipigil pa ako, ngayon ay all-out na ang pag-iyak ko.

He chuckled when I'm finished crying.

"My sister's really not gay." Parang nabunutan siya ng tinik sa dibdib sa pagkakasabi niya non.

Hinampas ko siya ng sling bag sa braso. Iyon pa rin talaga ang iniisip niya hanggang ngayon? Kapatid ko ba talaga to?

"Pero seryoso, tigilan mo na iyang puppy love mo para kay Javi."

Pinatunog na niya ang sasakyan at pumasok na siya sa driver's seat. Napilitan tuloy akong sumunod na sa front seat.

"Bakit?" I asked nang masarado ko ang pinto.

"Anong bakit? May girlfriend na siya. Ano ka masokista?"

"She's just a girlfriend. May pag-asa pa ako."

Tumawa siya at nagsimula nang magdrive. Naiiling siya sa sinabi ko.

"Sister, you sound like a guy pursuing a girl." Natatawa pa rin siya.

Ah basta! Hangga't hindi pa siya kasal, I'll be here waiting for him to notice me. Magpapaganda na ako.

Maaga akong nagising kinabukasan para hindi ako ma-late sa first day of school. Pag-baba ko ay wala pa si Kuya kaya ako na ang nang-gising sa kanya sa room niya.

Naalimpungatan agad siya dahil sa hampas ko ng unan sa mukha niya.

"What the fuck Cali?!"

"Tanghali na Kuya! Ayaw kong mag-community service!"

Napabangon siya sa sinabi ko. Kapag kasi na-late ka sa flag ceremony every Monday ay kailangan mong mag-community service ng isang oras bawat araw sa buong linggo.

Hinatid kami ni Dad sa araw na iyon. Titignan din daw kasi niya iyong sinasabi niyang gym para kay Kuya. Gusto niya kasing hanggang college ay varsity ito. Kagaya niya.

Boring ang first day of school dahil puro subject synopsis lang ang ginagawa. Walang pumapansin sa akin sa mga kaklase ko. Pinaayos ko kasi ang uniform ko sa tamang sukat para sa katawan ko. Dati kasi ay pinasadya kong maluwag ang blouse at mahaba ang skirt. Inayos ko rin ang buhok ko sa half ponytail. Sinabi kasi ni Mommy na mas maaliwalas tignan ang mukha ko kapag ganoon.

Nang nag-lunch break ay nagtungo na ako sa canteen kung saan kami kumakain nila Kuya.

Kinawayan niya ako nang makita niya ako sa bukana ng canteen. Kasama niya ang barkada maliban kay Troy at Javi. May sariling lunch date siguro.

"'Brah sinapian ba itong si Cali?" Exaggerated na puna sa akin ni Jay.

"Masanay na kayo. Inasar niyong tibo eh." Sagot ni Kuya.

Tinulak niya sa harap ko ang tray ng pagkain na naorder na niya bago pa ako dumating. Ang sweet talaga ng kapatid ko.

I smiled at him. Sumimangot siya.

"May kasalanan ka sakin. Ang aga mo kong ginising" He pouted.

Tumawa sila sa simpleng pagtatampo ng kapatid ko. Nakaka-bading daw.

"Asan si Javi?" Hindi ko napigilang itanong sa kanila.

Tinignan ako ni Kuya ng masama.

"Kasama si Candy. Si Troy naman kasama si Hannah." Si Jared ang sumagot.

Napag-isipan ko na ito kagabi. Na iwalang bahala lang dapat ang tungkol kay Javi at Candy. Hindi pa naman sila magpapakasal eh.

"What are you doing?" Kuya whispered.

Umiling lang ako sa kanya tsaka sumubo ng buttered vegetable.

Pagkatapos mag-lunch ay hinatid muna nila ako sa classroom ko bago sila umakyat sa floor ng room nila. Magkaka-klase silang lahat kaya solid talaga sila.

Nang maupo ako sa assigned seat ko ay may lumapit na mga lalaki sakin.

"Caliyah, parang gumaganda ka."

Naparolled eyes ako sa hirit ng isa.

"Kasali ka pa rin ba sa varsity?" Napatingin ako kay Alvin na kasama nila Kuya sa varsity.

"Oo." Simple kong sagot.

Bumalik sila sa kani-kanilang upuan nang dumating na ang teacher namin para sa subject na iyon. Nagsimula na naman ang isang boring na klase.

Maaga kaming na-dismissed dahil ngayon kami pipili ng org. na gusto naming salihan. As usual ay naabutan ko ang barkada sa booth ng varsity.

"Cali, first day of school may kampon ka na agad?" Nguso ni Troy sa mga kaklase kong nakasunod pala sa akin papunta sa booth namin.

"Uh, gusto daw nilang mag-try out Kuya." Nahihiyang sabi ni Alvin kay Javi. Si Javi kasi ang captain ng basketball team.

"Sige, palista nalang dito." Turo niya sa isang sheet na nasa clipboard.

Umupo ako sa tabi ni Kuya Mavy habang pinapanood ang mga kaklase kong nagfi-fill up ng forms.

"Pinilit mo ba ang mga iyan?" Siko niya sakin

"Hindi ah! Hindi ko nga alam na nakasunod pala sila sakin."

"Lagot! Kung sinong may gustong manligaw kay Caliyah, dadaan muna sa amin!" Sinadya talagang iparinig ni Jay iyon sa mga kaklase ko.

Nailing nalang ako sa kanila. Parang nataranta kasi ang mga kaklase ko sa sinabi niya. Tsk.

Nanood lang kami sa mga nagpunta sa booth namin para magfill up ng application form. Nang naubos ang mga nakapila ay nag-set na sila ng date kung kailan gaganapin ang try-outs para sa mga gustong sumali sa varsity.

Nang magkasundo ang lahat sa date na itinakda ay nagsimulang mag-alisan na ang iba sa amin. Nahagip ng paningin ko si Candy sa malayo na papunta sa amin kaya natigilan ako.

Bigla nalang akong inakbayan ni Kuya at giniya paalis na doon.

"Oh Mavy! Aalis na kayo?" Si Mike ang nakapansin sa amin.

Tumango lang si Kuya sa kanya. Ewan ko kung bakit nagmadali si Kuya sa pag-alis doon. Wala naman sa akin iyon kung makita kong magkasama si Javi at Candy.

Habang tahimik niya akong kinakaladkad patungong parking lot ay panay ang bati ng mga kakilala ni Kuya sa kanya. May mga nakiki-high five pa kahit na kita namang busy ang kamay ng kapatid ko sa pag-akbay sakin. Ang iba naman ay mga babaeng nagpapa-cute.

"Kuya mag-girlfriend ka na kaya? Eighteen ka na ah." I suggested nang nalampasan namin ang lumpon ng kababaihan sa mga benches.

"I don't like. Tsaka kahit mag-eighteen ka bawal ka pa ring mag-boyfriend uy. Saan mo nakuha ang ideyang kapag legal age na ay pwede na mag-gf or bf?" Lalo niya lang hinigpitan ang hawak sakin.

"Grabe, daig mo pa si Daddy kung pagbawalan ako!" I hissed at pilit tinatanggal ang braso niya sa balikat ko. Pero sinasadya niya itong pabigatin kaya hindi ko matanggal.

Nakarating kami sa parking na nagkukulitan. Dahil ayaw niyang tanggalin ang braso niya sa balikat ko ay kiniliti ko siya kaya ayun naangat ng di oras ang braso niya. Pero hinabol din niya ako ng kiliti kaya naggagantihan lang kami hanggang sa parking.

I'll miss this kapag nag-college na siya. Nawala ang ngisi ko nang maisip iyon.

"What?" He looked concerned. Natigil din siya sa tawa niya.

"Naisip ko lang. I'm gonna miss you kapag nag-Manila ka na."

Ngumuso siya para pigilan ang ngiti. Lumapit siya sakin at inakbayan ako ng pasakal.

"One year lang Cali. After one year pwede ka nang sumunod doon."

"Tsaka kaka-start lang ng classes, graduation agad iniisip mo."

"Eh paano, wala akong friends maliban sa inyo." I pointed out.

"Asus! Magkakaroon ka niyan kapag naging open ka lang sa mga tao. Like iyong classmates mong gustong sumali sa varsity. They can be your friends too." He pinched my nose kaya nilukot ko ito.

Pumarada ang LX 570 ni Dad sa harapan namin kaya pumasok na kami sa loob. Si Mang Rey ang driver. May pinuntahan siguro si Daddy. Kapag free kasi siya ay gusto niyang siya ang maghatid o magsundo sa amin sa school.

"Mang Rey, daan tayo sa NBS. May kailangan po akong bilhin." Sabi ko sa driver nang umandar na kami palabas ng school grounds.

Dumaan kami sa mall kung nasaan ang bookstore at pumasok na ako agad para bumili ng kailangan kong colored papers at pencils para sa art work namin. Hindi na sumama si Kuya Mav dahil may titignan din daw siya sa ibang shop.

Natagalan ako sa pagpili ng magandang papel at lapis kaya panay na ang text ni Kuya sakin. Hindi pa nakuntento at tumawag pa.

"Naka-pila na ko sa cashier." I said.

"Nandito ako sa McDo. Bilisan mo uubusin ko na lahat tong fries."

Hindi na ako naka-angal pa dahil binabaan na niya ako ng tawag.

Nagmadali na akong pumasok sa fastfood na binanggit ni Kuya nang natapos akong mamili. Mabuti at malapit lang ito sa bookstore.

Napawi ang ngiti ko nang iba ang mahagip ng mata ko sa paghahanap sa kapatid ko.

Nasa dulong mesa sila. Sweet na sweet habang nagsusubuan ng fries at sundae.

Ang sakit sa mata.

Sobra.


Load failed, please RETRY

Un nuevo capítulo llegará pronto Escribe una reseña

Estado de energía semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Piedra de Poder

Desbloqueo caps por lotes

Tabla de contenidos

Opciones de visualización

Fondo

Fuente

Tamaño

Gestión de comentarios de capítulos

Escribe una reseña Estado de lectura: C3
No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
  • Calidad de escritura
  • Estabilidad de las actualizaciones
  • Desarrollo de la Historia
  • Diseño de Personajes
  • Antecedentes del mundo

La puntuación total 0.0

¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
Votar con Piedra de Poder
Rank NO.-- Clasificación PS
Stone -- Piedra de Poder
Denunciar contenido inapropiado
sugerencia de error

Reportar abuso

Comentarios de párrafo

Iniciar sesión