Ara's Point Of View
Sinamahan ako ni Bwi sa canteen, ng dahil sa pag-sama niya sa akin, gumaan gaan ang pakiramdam ko.
"Saan ka na pupunta?" Tanong niya sa akin nang matapos kami'ng kumain.
"Ah, uuwi na ako, last subject na namin, salamat sa pag-sama sa akin, see you tomorrow ah!" Sabi ko dito.
"Sige, thanks for the lunch, see you tomorrow!" Sabi nito at kumaway, ako rin at umuwi na ako pero sobra na lang ang gulat ko nang makita sila Mama at Papa pati na rin yung mga kapatid ko.
"Ate!" Sabi ni Sahara at lumapit sa akin at niyakap ako, ganon din si Mahara.
"Bakit nandito kayo, akala ko nandon kayo sa dati nati'ng bahay?" Tanong ko.
"Eh, kasi ayaw namin dun ng wala ka!" Sabi ni Mahara.
"Hay nako, ayos lang naman ako dito, kaya ko na ang sarili ko!" Sabi ko dito.
"Eh basta, dito na kami titira!" Sabi ni Sahara.
"Sige" sabi ko dito at inilapag yung bag ko at lumapit kila Mama at Papa para mag-mano pero tinaboy lang nila ako.
"Palit lang muna ako!" Sabi ko kila Sahara at Hara.
"Sige!" Sabi nito, pumasok na ako sa kuwarto ko at nag-palit ng damit.
"Mukha ka namang matanda diyan, palitan ko yan!" Napalingon ako kay Mama.
"O-opo" sabi ko dito at nag-bihis ulit pero yung maiksi na short tapos sando.
"Para ka'ng bayaran diyan, palitan ko naman yan, yung maayos ayos, kakahiya ka!" Sabi ni Mama sa sa akin.
"Sige po!" Sabi ko dito at nag-palit, sinuot yung t-shirt at short.
"Yan, ng hindi ka mag-mukha'ng bayaran at matanda, ayusin mo sarili mo!" Sabi ni Mama, tumango na lang ako at pumunta sa kusina para uminom ng strawberry milk.
Bumalik ako sa sala at kinuha yung bag nila Mama at Papa para dalhin sa Kuwarto nila pati na rin yung kila Hara at Sahara.
Bumalik ako sa sala at naupo sa couch.
"Kamusta na po kayo?" Tanong ko kila Mama at Papa.
"Ayos lang kami" sabi ni Papa.
"Sorry po sa nangyari dati" sabi ko.
"Aba, dapat ka lang mag-sorry, alam mo ba'ng matagal na nami'ng pinapa-hanap si Sahara, kung hindi ka lang tatanga tanga para ipamigay ang kapatid mo, hindi kami gagastos ng sampu'ng milyon!" Sabi ni Papa, napa-yuko na lang ako ng dahil sa kahihiyan, dun na nag-simula'ng pumatak ang mga luha ko.
"Excuse me po!" Sabi ko dito at umalis ng bahay at kinuha yung susi ng motor ko pati na rin yung wallet ko, magpapa-hangin muna ako, pinunasan ko yung mata ko at sumakay sa Motor at pinaandar ito.
Pumunta ako sa bar para uminom, um-order ako ng vodka, tequila at red wine, naupo ako sa isa'ng couch.
Nanood na lang ako sa mga sumasayaw at um-order ako ng isa'ng case ng san miglight flavored beer.
"A-ara, anong ginagawa mo dito?" Napalingon ako sa nag-salita, si Bwi.
"Oh, Bwi ikaw pala, upo ka" pag-yaya ko, naupo siya sa tabi ko.
"Ano'ng ginagawa mo dito?" Tanong niya sa akin.
"Ah, just hanging, andyan na kasi sila Mama at Papa na matagal na ako'ng kiniinisan eh, ikaw?" Tanong ko dito.
"Ah, nagpapahangin lang ako, samahan na kita ah!" Sabi niya, tumango naman ako, "Andami na'ng nainom mo ah!" Sabi pa niya.
"Hay nako, konte pa yan, saan ka nga pala naka-tira?" Tanong ko.
"Diyan lang, malapit lang dito yun, ikaw?" Tanong niya.
"Ah, sa may HIU lang" sagot ko dito.
"Bakit ka nga pala kinaiinisan ng Mama at Papa mo?" Tanong niya.
"Eh kasi nung bata pa kami, me and my family had an tragic accident, ipinaiubaya sa akin ni Papa yung kakambal ko, humingi ako ng tulong pero may isang matanda'ng babae na nag-sabi'ng tutulungan niya ako at binuhat niya yung kakambal ko pero nung tinuro ko na yung lugar kung saan nangyari yung aksidente nawala na lang sila bigla pero nahanap na namin!" Kuwento ko dito.
"Sad pala yung story ng buhay mo, at can I ask you?" Tanong nito.
"Ano yun?" Tanong ko dito.
"Can we be friends?" Tanong niya.
"Sure haha, basta wag ka lang mangi-iwan ha, sige alis na ako, baka hinahanap na ako nila Mama at Papa eh, nice to see you again!" Sabi ko.
"Oh sige, alalayan na kita!" Sabi niya sa akin.
"Ay hindi na, kaya ko na to!" Sabi ko dito.
"Hindi, ayos lang sa akin!" Sabi niya.
"Sige, pero salamat ah!" Sabi ko dito at inalalayan na ako papunta sa motor ko.
"Naka-motor ka pala, hatid na kita, delikado mag-drive ng mutor kapag-lasing!" Sabi niya.
"Sige, salamat!" Sabi ko dito.