Bakit parang alam nila 'yung history ng buhay ni Gussion? Hmph, bestfriend niya ako pero 'di man lang niya sinabi sa'kin kahapon 'yun. Hmph nakaka-inis. Nagtatampong emosyon ni Chelsea habang iniisip niya ito.
"Chelsea! 'Eto na 'yung ban aid oh, akin'a 'yung kamay mo." pamungkahi ni Gussion at inabot ni Chelsea ang kamay niya kahit na nagtatampo siya.
"Oh ayan, ok na haha." kamot ulo na sinabi ni Gussion kay Chelsea.
Habang nilalagyan ni Gussion ng ban aid ang sugat na braso ni Chelsea ay maraming tanong na sumulpot sa isipan ni Chelsea at gusto niyang itanong agad ito kay Gussion habang ginagamot ang sugat nito.
Ba't alam nila 'yung background story ni Gussion,ako hindi?
Ba't 'di niya sinabi sa'kin 'yun? Ano ba 'yung totoo?
'Di halata sa kanya na wala siyang parents, kasi masayahin naman siyang kaibigan.
Ba't 'di siya nagkusang sabihin sa'kin 'yung background story niya?
"Chelsea, humawak ka sa kamay ko para maka-akyat ka agad" pamungkahi ni Gussion kay Chelsea habang nakahawak ang kaliwang kamay nito sa sanga ng puno at ang kanang kamay naman nito ay nakalapad kay Chelsea.
Hmph... "Salamat.." nagtatampong sagot nito at humawak siya sa kamay ni Gussion at hinila siya nito pataas.
Ng makaakyat sila ay nagkaroon ng katahimikan ang dalawang bata.
"Gussion.. A-ano bang ibig sabihin ng matabang lalaki na 'yun na wala kang parents, ha?" seryosong tanong ni Chelsea kay Gussion.
"Haha 'yun ba?.." napakamot sa ulo si Gussion at natahimik ito bigla at natulala.
"Ganyan rin 'yung emosyon mo kahapon nung tinanon kita kahapon.. Ano ba 'yung totoo Gussion?" dagdag tanong pa nito sa kanya.
Hindi nagsalita si Gussion pero may ipinakita itong kuwintas kay Chelsea na pwedeng i-close at i-open at sa loob ng kwintas na 'yun ay may isang litrato.
"Heto, family picture namin 'yan" nakangiti pa rin si Gussion pinakita niya ang picture kay Chelsea.
"Namatay sila nung isang taon palang ako. 'Di ko sila nakita sa personal pero kahit na papa'no.. Isa 'yan sa patunay na inalagaan nila ako at 'di nila ako pinabayaan." nakangiting sagot ni Gussion kay Chelsea habang nakatingin sa langit.
"Gussion, pasensya na sa tanong kong ito ahh.. Pwede mo bang ikuwento sakin 'yung buong nang-yari, tutal mag-bestfriend narin naman tayo." pamungkahi pa ni Chelsea sa kanya at sinagot niya ito NG may ngiti.
"Hahahaha bestfriend?"
"Oo naman, bakit?" nakangiting tanong ni Chelsea
"Hahahaha oo nga bestfriend! Gusto mo talaga malaman kung ba't sila namatay?"
"... Oo naman that's bestfriends do kaya!" sinabi ito ni Chelsea na medyo girlish at tumingin si Gussion sa malayong lugar.
Nagkaroon muna ng konting katahimikan sa kapaligiran at sa dalawang bata bago magsalita si Gussion about sa background story niya.
"Namatay sila dahil sa aksidente, pero bago sila maaksidente nanggaling muna sila sa isang reunion. Sa isang reunion 'di mawawala ang inuman at kasiyahan, kaya lasing sila nung pauwi sila dito. Si mama 'di masyadong lasing at si papa naman ay lasing,motor lang ang gamit nila papunta do'n kase 'di naman masyadong kalayuan. 'Di marunong mag-motor si mama kaya si papa ang nagmaneho kahit na dihado sila..." nakangiti pa rin siya habang sinasabi niya ito at lumingon siya kay Chelsea.
"Tapos?.."
"Haha tapos na, iyun 'yung sinabi sakin ni kuya nung tinanong ko siya tungkol sa kanila. Aha oo nga pala, siyam na taon naman si kuya nung namatay sila" kamot ulo na sinabi ni Gussion kay Chelsea.
"Eh?.. Ba't ka pa rin nakangiti?" pakunot na tanong ni Chelsea.
"Kase nga, kahit namatay na sila, sabi ni kuya na'ndito lang raw sila lagi sa tabi namin. Binabantayan at inaalagaan kami." taas noong sinabi ni Gussion kay Chelsea.
"Woah nakakamangha ka naman." nginitian niya si Gussion.
"Ikaw? Kuwento mo naman sakin." seryosong naki-usap si Gussion kay Chelsea.
"... Ano kase ehh." kumamot siya sa ulo niya habang sinasabi ito kay Gussion.
"Ano?"
"Naghiwalay kasi sina mama't papa. 'Di ko man alam kung anong dahilan kung ba't sila naghiwalay at least.. Balang araw malalaman ko rin 'yun." nginitian niya si Gussion ng matapos niya itong sabihin.
".. Hayyy, gusto ko ng maglarOoOoo" umunat si Gussion habang sinasabi ito.
"Hahahaha tara na! Laro na tayo!"
"... Haha tara na!" tumalon si Gussion mula sa sanga ng puno pababa.
Napakadali naman sa kanya bumaba dito. Tinatalon lang niya.
"... Chelsea? Ba't 'di ka pa bumababa?" Lumingon siya kay Chelsea.
"Ahh ehhh, Haha sige na mauna ka na susunod ako." kamot ulo na pamungkahi ni Chelsea.
"... Ok" dumiretso na si Gussion papunta sa playground.
Grrr ba't kase ang hirap bumaba dito—"Haaa" Nadulas ang kamay ni Chelsea na nakakapit sa sanga at tuluyan na ngang nahulog ito.
"ChelseA?!" lumingon agad ito sa puno at tumakbo papunta do'n
Naisip ni Gussion na 'di niya masasalo si Chelsea kung ordinaryong takbo lang ang gagawin niya, kaya't ginamit nito ang Zone States;Stage 2 na may speed ng 128kilometer per hour.
"Chelsea, ok na. Ligtas ka na." pamungkahi ni Gussion at idinilat ni Chelsea ang mata niya.
Huh? Ba't ganon? Iba ang kulay ng mata niya? Kulay dilaw ito at kumikinang na para bang butuin. Ng makita ito ni Chelsea ay kinusot niya agad ang mata niya at dumilat uli.
Ng dumilat ito ay wala na ang kinang nito sa mata nito at bumalik sa normal ang kulay ng mata ni Gussion sa kulay itim.
"Siguro namamalik mata lang ako" pabulong na sinabi ni Chelsea.
"Huh ano 'yun? May sinasabi ka ba?" tanong ni Gussion at binaba niya si Chelsea.
"Haha~ Tara na laro na tayo!" Sabi ni Chelsea at nagbu-blush ito.
"Haha tara!"
Halos araw-araw na kaming naglalaro ni Chelsea. Wala kaming araw na pinapalipas, walang araw na 'di ako nagsasaya kasama siya at si kuya. Tinuring ko na rin na isang pamilya si Chelsea at masaya rin si kuya para sakin. Mga ilang araw rin ang nakalipas bago siya nakilala ni kuya. At ilang araw nalang ay matatapos na ang sembreak at dito mag-aaral si Chelsea. Madalas pa rin siya bulihin sa playground pero lagi akong nando'n kapag binubully siya, pinoprotektahan ko siya do'n sa tatlong kumag. Si kuya naman lagi pa rin akong tinuturuan sa freetime niya,busy rin siya sa school niya at sa job niya bilang isang Legendary Hero. Sana nga tuloy-tuloy na 'yung kasiyahan na nangayari sa'kin ngayon.
Salamat po sa mga nagbabasa ^ ^ sana po magcomment kayo :D