Ng makawala sa rope si Gin ay tumayo agad ito at tumakbo papunta kay Gussion.
"Hehe, sabi na ehh" payabang na sinabi ni Gussion ng pabulong.
Nag-clone sa ilalim si Gussion ng tatlong clone at hinila ang paa ni Gin pailalim. Nakalubog ang buong katawan nito at ulo lamang ang nakalitaw, kinausap naman ni Gin si Gussion ng may ngiti sa mukha.
"Gussion.. Haha sigurado mas magiging magaling ka pa sa'kin balang araw." pikit matang sinabi ito ni Gin kay Gussion habang taas noong nakatayo sa harapan nito.
"Syempre kuya mas magiging malakas ako kung ma-aactive ko 'yung Zone States ko ng 5 stages." payabang na sinabi ni Gussio. kay Gin.
"Gussion 'di ba sinabi ko na.." dagdag sabi pa ni Gin kay Gussion pero 'di niya natuloy itong sabihin.
"Kuyaaa, alam ko na yan, dapat, 'di ko ma-open ang stage 5 dahil magiging beast ako tama? Tapos 'di ko makokontrol ang sarili ko tapos makakapatay ako ng mga tao." pikit matang sagot ni Gussion kay Gin.
"Hayyy bahala ka, kung makokontrol mo 'yung ika-5 palapag ng Zone States.." payabang na sinabi ni Gin kay Gussion. ".. Baka naman pwede mo akong tulungang itayo dito." hiling pa ni Gin kay Gussion.
"Haha sorry kuya.. May tanong ako kuya.. Magaling na ba ako?" Seryosong tanong ni Gussion kay Gin.
"Oo naman, mas magaling pa sa inaakala mo." Sagot ni Gin sa tanong ni Gussion na may halong magandang ngiti.
After wards.
"Gussion saan ka pupunta?" tanong ni Gin kay Gussion habang nanood ng TV.
"Haha, maglalaro ako sa playground kuya kasama si Chelsea." sagot ni Gussion kay Gin ng may halong napakagandang ngiti.
".. Mga 5 or 6 bumalik ka na ahh." paalala ni Gin kay Gussion habang nanonood ng tv.
"Haha opo kuyaa!" sagot pa nito at lumabas na ito ng bahay nila at dumiretso na agad sa playground.
Nang makarating sa playground si Gussion ay agad niyang hinanap si Chelsea para makipaglaro.
"Chelsea—" nang makita ni Gussion ni Chelsea ay nagulat ito at napatigil sa puwesto niya at nakatingin lang ng seryoso sa kanila.
Nakita ni Gussion na tinulak si Chelsea ng batang lalaki na laging nang-aasar sa kanya.
"Sa amin lang ang playground na ito. 'Di ka pwede dito." payabang na sinabi ng matabang batang lalaki.
"Bakit?! Kayo ba ang nagpagawa nito?! Kayo ba gumastos dito?! Si Mayor ang nagpagawa nito ehh!" Malakas na sagot ni Chelsea sa mayabang lalaki na si Kiel.
"Grr, 'di ka talaga aalis" nagtitimping boses ng matabang batang lalaki na si Kiel.
"Umalis ka na kung ayaw mong masaktan" sagot pa ni Brando kay Chelsea.
"Oo nga! Iba panaman kapag nagalit si Kiel, noh Brando" sinenyasan ni Tristan si Brando gamit ang kilay.
"Hindi ako aalis! Wala naman kasi kayong patunay na kayo ang nagmamay-ari nito ehh!" pilit na pinaglalaban ni Chelsea ang sagot niya.
"Grrr" nagagalit na sinabi ni Kiel.
At tinulak na nga ni Kiel si Chelsea at agad na lumapit si Gussion at sinabi nitong..
"Mga bakla ba kayo! Pati babae sasaktan niyo! Mga wala kayong dulot!" nagagalit na boses ni Gussion.
".. Owww ang yabang mo ahhh!" Sabi ni Brando.
" 'Di ba ikaw 'yung batang laging nag-iisa dito sa playground, kawawa ka naman wala kang kaibigan. Wala na ngang magulang wala pang kaibigan!" pang-aasar na sinabi ni Kiel kay Gussion.
"Hmph. Ano naman? Ikaw nga matabang bakla eh." pang-aasar na sinabi ni Gussion kay Kiel.
"Ahhh bakla pala ahhh! Suntukan tayo?!" Sabi ni Kiel kay Gussion.
"Haha ano pikon ka na, bakla~" dagdag pang-aasar pa ni Gussion kay kiel.
Pumosisyon agad ang matabang lalagi na gustong lumikha ng gulo. Hinila naman ni Gussion si Chelsea sa likuran niya para na rin sa proteksyon ni Chelsea.
"Haha pikon na si baklang mataba! Walang sumbungan ng kuya ahhh" payabang na pang-aasar ni Gussion at pumorma na ito na gusto ring makipag-suntukan.
Nilingon-lingon ni Gussion ang mata niya sa dalawang kasama ni kiel dahil baka tumulong ito.
Flash Back.
"Gussion, 'wag na 'wag kang magpapahalata na may kapangyarihan ka ahhh." payo ng kuya niya sa kanya ng walong taong gulang palang siya.
Present Day.
"Lapit, baklang mataba." pang-aasar pa ni Gussion kay Kiel.
"Grrrr!!" napipikon na emosyon ni kiel.
Lumayo sina Brando at Tristan at nagbulungan sila.
"Kapag nakawawa na si Kiel tutulong tayo ahh" sabi ni Brando.
"Haha sige ba!" sagot ni Tristan.
Napatingin si Gussion kina Tristan at Brando dahil sa bulungan nilang dalawa.
"Lapit bakla!" patuloy na inasar ni Gussion si Kiel.
"Grrr!" Mas lalong napikon si Kiel.
At sumuntok na nga si Kiel ng maraming beses pero 'di manlang tinamaan si Gussion kahit na daplis manlang. At ng mapagod si Kiel ay sinipa agad ni Gussion ito sa tuhod at napaluhod, tumalon bigla ito at sinipa sa mukha si Kiel gamit ang dalawang paa niya ng sabay.
"Ngayon na Brando!" lumapit agad ang dalawang kasama ni Kiel at sumuntok rin ito ng marami hanggang sa mapagod ito.
Sinapak agad ni Gussion si Tristan gamit ang kaliwang kamay niya dahil naka puwesto ito sa kaliwa niya sinipa naman naman niya si Tristan sa bandang braso gamit ang kaliwang paa niya at natumba si Tristan dahil sa lakas ng sipa sa kanya ni Gussion. Ng matumba si Tristan ay agad na umikot si Brando sa likuran niya at niyakap ito ng mahigpit. Tumayo agad si Tristan at sinuntok sa mukha si Gussion pero 'di parin ito tinamaan at si Brando ang tinamaan,ng 'di na mahigpit ang pagkayakap nito sa kanya ay tinaldyakan agad niya si Tristan gamit ang dalawa niyang paa at natumba silang tatlo at nakawala na si Gussion kay Brando.
"Mahihina naman pala kayo ehh,lagi niyo akong inaasar na mahina pero kayo naman pala 'yun HAHAHAHA lalo na 'yung matabang bakla na 'yun." payabang na sinabi ni Gussion sa tatlo, "Pero sa susunod na ulitin niyo ulit 'yun.. 'Di lang yan ang aabutin niyo." seryosong sinabi ni Gussion sa tatlong bata at tumabo ang mga ito palayo at umiiyak.
"May araw ka rin sa'min!" pasigaw na sinabi ni Kiel habang umiiyak.
"Haha, bakla!" pagpagpag ito ng kamay ng sinabi ito ni Gussion. Napatigil si Gussion at lumingon ito sa likod at nakita si Chelsea na nakatulala.
"Huyyu!" Sabi ni Gussion.
".. Ow, Eyy.." Sabi ni Chelsea.
"Para kang nakakita ng multo ahhh" tumatawa si Gussion ng sinabi niya ito kay Chelsea."
"Haha 'di ahhh"
"May sugat ka sa braso mo."
"Ha?" tumingin si Chelsea sa braso niya at nakitang may sugat.
"Sila rin ba may gawa niyan?"
"Oo kanina, binato nila ako ng laruan nila."
"Wait lang bibili lang ako ng ban aid."
Tumango lang si Chelsea kay Gussion at umalis na ito para bumili ng ban aid.
Kung sakaling may makita po kayong typos or wrong gramar,just comment a paragraph nalang po hehe?Salamat po sa mga nagbabasa?God bless you all?❤