Ang dalaga ay tatawagin ko nang bruha. Isang babaeng walang pinapakinggan. Hindi siya isang prinsesa kundi isang gorilla.
"Sino ka ba talaga?" ang mahinahon kong tanong, sabay hawak ng kanyang kanang binti para iwasan ang kanyang sipa.
"Ako si Natasha Armstrong. Ang panganay na anak ng boss mo lang naman." ang kanyang pagpapakilala, sabay taas noo na may pagmamataas. Mabilis niyang ginamit ang kanyang kaliwa at umikot. Tinamaan ang aking ulo ngunit hindi naman masyadong masakit. Nabitawan ko ang kanyang kanang binti dahil sa lakas ng impact na natamo ko.
"Ah, okay. Pasensya na po, Ms. Natasha." Kahit na tumugon ako ay tinangkang sipain pa rin ako sa aking ulo, na mabilisan kong inilagan. Sinundan naman niya ng upper cut at siko ngunit madali kong ililagan ang kanyang mga atake. Ang martial arts niya ay aikido at taekwondo. Ang dalaga ito ay hindi maaaring basta-bastahin lamang.
Ayon sa aking nalalaman, si Natasha Armstrong ay isa sa mga importanteng tao sa serye dahil siya ang mga responsible sa paggawa ng mga virus tulad ng X-virus at Z-virus. Isa rin siyang bida at naging isa sa susi sa pagpuksa sa mga masasamang tao. Hindi ko inaasahan na magkikita kami sa personal. Kung titignang maigi ay nakakapagtataka kung paano siya nakaligtas sa lugar na ito. Ayon sa nabasa ko sa wikia ng seryeng ito, siya lamang, sa loob ng mansyon, ang mag-isang nakatakas gamit ang helicopter bago dumating ang mga agents or mga bida sa serye. Napaisip tuloy ako kung magkaugnay ang mga nangyayari ngayon sa oras na ito.
"Magaling ka kumpara sa mga nakaharap ko noon. Marami na akong nakaharap na mas malaki at matipuno pero ni-isa ay walang nakakaligtas sa aking mga sipa." ang mayabang na pagpuri aniya.
"Pakiusap maghulos dili ka muna," ang aking pakiusap, lumayo agad ako ng ilang distansya para hindi pa humaba ang oras ng aming paglalaban, Hindi talaga ako masamang tao. Pakiusap, maaari ko bang malaman kung bakit mo naman nasabi na lahat ng mga tauhan ng iyong ama ay masasama?"
"Hmpf," niyapos niya ang kanyang dibdib at itinutok ang kanyang pistol sa aking direksyon. "Dahil kanina lamang ay tinangkang gahasain ako ng isa sa mga katulad mo. Nabaliw na yata ang tatlong 'yon dahil sa takot." ang kanyang maikling paliwanag, kasabay ng pagputok ng kanyang baril.
"Ang iyong paliwanag ay hindi maaaring basehan para ako'y paslangin. Kung ganyang kaikli ang iyong pagsagot ay katulad mo rin na maikli ang pasensya." ang tugon ko, madaliang nagtago agad ako sa isang bangkay.
Si Ms. Natasha ay nagpalit ng magazine at pinagpatuloy ang kanyang pagpatay sa akin ng walang-awa. Halatang-halata sa kanyang mga mata na seryoso siya.
"Dahil sa takot ay nangangambang hindi na muli silang makakahanap ng maganda at sexy na syota. Hindi ko naman sila masisisi dahil napakaganda kong dalagita. Alam mo ba ang nakakainis na ginawa nila kanina ay tinangkang ipakain sa akin ang kanilang mga ari. Nakakadiri. Mabuti na lamang ang mga asungot na mga hayop na 'yan ay dumating at kinain ang mga kasamahan mo." ang sabi niya.
"Aaah, sige. Ganun ba? Pasensya na, hindi ko naman sinasadyang nagtatrabaho ako sa 'dad' mo at ang mga nagligtas sa'yo ay mga manyakis at duwag ay tinangkang gahasain ka. Alam mo Ms. Natasha mas maganda na iwan na lamang kita. Kung gusto mo talaga ako patayin, eh, pasensyahan na lamang. Bigla ko siyang inatake sa likod at dahil hindi niya inaasahan ang aking pagsulpot ay nawalan siya ng balanse. "Iiwan na kita dahil wala akong oras na labanan ka pa."
Inagaw ko ang baril niya, itinulak siya sa sahig at naglakad palayo sa kanya. Ipinatong ko ang baril niya sa mesa at nagpatuloy sa paglalakad.
"Teka," ang kanyang kamay ay hinila ang aking sleeves at pinulot ang baril niya. Mabilis siyang nakahabol sa 'kin na pagod na pagod. "Iiwan mo ako? Hindi ba misyon nyo na iligtas ako?" ang pagpigil niya sakin ay nangangahulugan na hindi niya kaya mag-isa na manatili pa dito sa loob ng mansyon. Wala sa aking misyon na iligtas siya pero mas nakabubuti na isama ko siya bilang pansangga sa aking pagtakas dahil alam ko na magagamit ko siya laban sa halimaw na nakabantay sa helipad. Napaisip rin ako dahil baka masira ko naman ang balangkas ng istorya dahil dapat mag-isa siyang tumakas, eh.
"Umm, hindi ba ayaw mo sakin?" ang tanong ko.
"Ako ang iyong priyoridad, tama ba? Hindi ba may utos si daddy na iligtas ako? Kaya, sasama ako sa 'yo at wala kang magagawa," itinutok na naman niya ang pistol niya sa aking ulo. "Hindi ko man makita ang pagmumukha mo dyan sa loob ng helmet ay wala akong pakialam. Tandaan mo ang iyong misyon, tuta."
Hindi na lamang ako sumagot at baka lalong magalit pa ang dalaga. Nakakainis, malapit na akong makatakas at iwan ang lahat subalit, dahil sa bitch na ito, nasira na lahat ang mga plano ko. Ang plano ko sana ay umalis sa mansyon ng mag-isa at hayaan ang mga bida na maranasan at makaharap ang mga lamang-lupa na 'yon.
"Hoy, bakit hindi ka sumasagot?" si Ms. Natasha ay handang hilahin ang trigger, ngunit, dahil sa aking pananahimik at walang-kibo na pagtrato sa kanya ay itinulak na lamang niya ako. "Tandaan mo, 'wag mo akong hahayaan na makain ng mga halimaw."
Isang tungo na lamang ang aking isinagot, pagkatapos ay nagpatuloy na kami sa paglalakad habang alisto sa aming paligid.
"Oo nga pala, nakarinig ako ng malakas na pagsabok kanina. May alam ka ba sa nangyari?" ang tanong ni Ms. Natasha. Sasagot sana ako kaso may narinig ako sa aming harapan. Sa pagsulpot ng tatlong undead ay napakapit sa kaliwa kong balikat ang dalagang maldita, "Mga undead. Maghanda ka mahirap patayin ang mga katulad nila. Kahit anu man ang iyong gawin ay hindi sila babagsak. Sinubukan ko na lahat pero bumabangon pa rin sila. Mas magadang lumayo na tayo at mag-iba ng daraanan. May alam pa akong ruta na mas ―"
Hindi niya namamalayan na napatay ko na ang mga undead gamit lamang ang isang kutsilyo. Kasi naman nakapikit siya kaya hindi niya nakita. Lumaki ang mga mata ni Ms. Natasha sa kanyang nakita dahil sa gulat. Hindi siya makapaniwala sa kanyang nakikita.
"P,p,pa'no?" ang dalaga ay biglang lumayo sa akin nang mapansin na rin niya na masyado na niyang nasasakal ang aking braso. "Oi, paano mo nagawa 'yan?"
Kung hindi lang na maginoo ako, baka nahampas na kita ng baril ko. Nagsignal na lamang ako na may senyales na 'tara na' at nagpatuloy sa paglalakad.
"Oi, wala ka man lang sasabihin?" ang pagalit na tanong na naman ni Ms. Natasha habang nakaasinta sa aking ulo. "Sabihin mo, paano mo napaslang ang mga undead na yon? Paano mo napa――"
"―― sa ulo," ang aking sagot sabay tutok ng aking hintuturo sa noo ko.
"Huh? Oo nga, possible na mapaslang mo ang mga halimaw kung aasintahin mo ang ulo nila. Ang utak ay ang sentro ng sistemang nerbiyos sa lahat ng bertebrado(vertebrate) at karamihan sa mga inbertebradong(invertebrate) mga hayop. Ang ilan sa mga primitibong inbertebrado gaya ng mga sponge, jellyfish, sea squirt at starfish ang walang utak. Ang utak ay matatagpuan sa ulo na malapit sa pangunahing pandamang aparato gaya ng paningin, pandinig, balanse, panlasa at pang-amoy. Kung masisira natin ang utak ay maaaring maging sanhi ng pagkawalang balanse at pagkapatay sa mga ito. Isang magandang balita ang aking nadiskubre ngayon." ang mahabang bulong ni Ms. Natasha, na tuwang tuwa sa kanyang nalalaman. "Magaling ang iyong ginawa, tuta. Ipagpatuloy mo lang 'yan."
"Bahala ka." ang aking tugon sa kanyang pagpuri.