Descargar la aplicación
48.85% AFTER ALL (Tagalog Novel)(Book 1) / Chapter 64: C-63: THE PAIN

Capítulo 64: C-63: THE PAIN

Kasalukuyang naglalakad si Joaquin patungo ng pool side. Dahil naroon na rin si Russell tinawagan s'ya nito na doon na lang n'ya ito puntahan kasama ng mga pinsan niya.

Malayo pa s'ya natanawan na n'ya na may dalawang babaing nag-uusap sa gilid ng pool.

Habang lumalapit s'ya unti-unti n'yang nakikilala ang dalawang babae. Si Angela at Mandy pero bakit doon sila nag-uusap? Tanong pa niya sa sarili.

Lalo lang s'yang nagtaka dahil habang palapit s'ya ng palapit nabatid n'yang hindi lang ito basta nag-uusap. Kun'di parang nagtatalo pa ang mga ito.

Napahugot s'yang bigla ng paghinga at binilisan na ang paglalakad.

Ngunit bago pa man s'ya tuluyang makalapit sa mga ito.

Na-shocked na lang s'ya sa sunod na nangyari. Nakita na lang n'ya si Angela na nahulog na sa pool. Habang si Mandy nasa gilid ng pool at pinagmamasdan lang ito.

Hindi man s'ya sigurado kung itinulak ito ng babae. Subalit sigurado s'yang ang babae ang dahilan kung bakit ito nahulog.

Mabilis n'ya itong tinakbo upang daluhan. Dahil sa pagkakaalam niya hindi ito marunong lumangoy.

Minsan nang nasabi sa kanya ni VJ na hindi marunong lumangoy ang Mama niya. Nalaman rin n'ya mula sa kanyang Papa na may phobia ito sa malalim na tubig.

Kahit lumulusong ito sa tubig nanatiling takot ito sa malalim. Kaya nga kahit gusto pa nitong matutunan ang magscuba diving at snorkeling hindi nito magawa.

Tila segundo lang ang lumipas nasa tabi na rin s'ya ng pool. Mabilis s'yang tumakbo upang makalapit lang agad kay Angela.

"Aw! Shit... Anong ginawa mo? Hindi s'ya marunong lumangoy. Tumabi ka r'yan at baka hindi kita matantiya." Agad na wika n'ya ng makalapit na.

Malakas niyang binulyawan si Mandy na nakatulala lang sa mga nangyayari. Nakita man n'ya ang pagkabigla at kalituhan sa mukha nito ngunit hindi na niya ito binigyan ng pansin. Mabilis na n'yang tinanggal ang kanyang sapatos at saka wala s'yang pag-aalinlangan na lumukso sa tubig. 

Habang si Angela na panay na ang singhap at kawag sa tubig.

Nang makalapit na si Joaquin sa dalaga. Maingat at kalmado niyang sinikap na iangat ang katawan nito kahit pa panay pa rin ang kawag nito at puno ng ligalig. 

Iniyakap niya ang kanyang braso sa katawan nito sinigurado rin na nakaangat ang kalahati ng katawan nito sa tubig at saka patalikod na hinila palapit sa pool side.

May ilang lumukso sa tubig at tinangka sanang tumulong ngunit hindi na niya ito napansin walang laman ang isip niya kun'di ang mailigtas ang dalaga.

Nang marating nila ang gilid ng pool mabilis niya ito iniangat sa tubig at maingat ring inihiga sa lapag sa tulong na rin ni Rusell na naghihintay na sa gilid ng swimming pool.

Saka lang n'ya na-realized na marami na rin ang naalarma ng mga oras na iyon.

Ang iba lumukso pa sa tubig upang daluhan sila at ang iba naman nagkakagulo na sa gilid ng pool. Kabilang na ang mga pinsan nila at si Joseph na agad na ring nakalapit sa dalaga. Bago pa man s'ya tuluyang makaahon sa tubig.

Kaya ang pakiramdam n'ya naitsa-pwera na naman s'ya dahil sa presensya ng kanyang kuya. Dahil pag-ahon niya sa tubig hindi na niya nagawa pang makalapit sa dalaga. Tila ba nawalan na siya ng papel upang daluhan pa ito.

Pinagkaguluhan na ito ng mga pinsan sa pangunguna ni Joseph. Gusto man niya itong lapitan at alalayan. Bigyan ng first aid at higit sa lahat ang tanungin kung okay lang ba ito o kung may masakit ba dito.

Ngunit kahit ang lumapit hindi na n'ya magawa, masakit para sa kanya ang ganito? Pero okay lang kaya pa naman n'yang tiisin.

Dahil walang mahalaga para sa kanya ng mga oras na iyon. Kung hindi ang masigurong ligtas na ito sa peligro at malaman na maayos na ang kalagayan nito.

Kahit pa parang pinipiga ang puso niya sa eksenang kanyang nakikita. Dahil hindi s'ya ang may hawak ng kamay ni Angela. Hindi s'ya ang humahagod ng likod nito. Habang panay ang ubo at pilit inilalabas ang tubig na nainom.

Higit sa lahat hindi sa kanya ang Jacket na suot nito ngayon. Para magbigay init sa katawan nito upang kahit paano mabawasan ang nararamdaman nitong lamig.

Gustong-gusto n'ya itong yakapin para maiparamdam sa dalaga kung gaano niya ito kamahal at nais rin n'yang sabihin na lagi lang s'yang nasa tabi nito.

Pero ang lahat ng iyon ay nanatili lang sa kanyang isip at hindi n'ya magawa.

Dahil ginagawa na ito ng iba, nang kanyang kuya Joseph.

Only he can do now is...

Watching them, while his heart wrapped in pain...

__

Si Mandy na hindi mapakali ng mga oras na iyon. Punong-puno ng pag-aalala at pagsisisi sa nagawa.

Subalit pilit itong iniignora sa kanyang isip.

Kasalanan n'ya ang nangyari kay Angela hindi man niya ito sinadyang itinulak. Ngunit wala rin namang pinagkaiba ang ginawa n'yang pagpukaw dito kanina.

Nagtatalo ngayon ang kanyang isip sigurado s'yang walang nakakaalam ng kanyang ginawa, maliban kay Joaquin at Angela.

Nang masiguro n'yang maayos na ang kalagayan ni Angela at mukha naman malayo na ito sa peligro.

Kaya kahit paano naging maluwag na rin ang kanyang pakiramdam at napanatag rin ang kanyang kalooban. Naisip niya maaari na s'yang umalis.

Ngunit bago pa man niya ito nagawa. Nahuli niya si Angela na nakatingin sa kanya. Hindi niya alam kung ano ang nasa isip nito. Pero sigurado s'ya na sisisihin s'ya nito sa nangyari.

Kaya mabilis s'yang tumalikod at nagmadaling umalis. Walang lingon likod at dere-deretso lang s'yang lumakad. Nagpasalamat s'ya na wala isa man ang pumigil sa kanya.

Marahil walang nakapansin sa kanyang pag-alis. Lalo pa niyang binilisan ang paglalakad. Lakad takbo na ang kanyang ginawa ng hindi lumilingon at wala na ring dereksyon.

Hinding-hindi niya aaminin na may kasalanan s'ya, hindi!

Aksidente ang nangyari kaya wala s'yang kasalanan...

Ito ang pilit niyang itinatanim sa kanyang isip. Habang lalo pa niyang binilisan ang walang direksyon niyang paglalakad na wala ring tiyak na patutunguan.

Hanggang sa makarating s'ya ng aplaya. Dahil dito s'ya dinala ng kanyang mga paa. Hindi na niya namalayan na nakatuntong na pala s'ya tubig sa gilid ng dagat.

Naramdaman na lang n'ya ito ng bahagya na s'yang natatangay ng alon at panay na rin ang talsik ng tubig sa kanyang mukha.

Ito ang gumising sa abala n'yang  kamalayan. Dahil sa suot niyang boots hindi na niya namalayan na nakatuntong na pala s'ya sa tubig.

Nababasa na rin ang laylayan ng kanyang damit. Bigla tuloy s'yang napaurong at nakaramdam ng bahagyang takot.

Madilim na sa bahaging iyon ng tabing dagat. Malayo na rin s'ya sa karamihan at higit sa lahat nag-iisa.

Pero ano ba ikatatakot niya marami na s'yang pinagdaanang mas nakakatakot pa. Bulong ng nagrerebelde niyang isip.

Kaya walang dahilan para matakot pa s'ya sa simpleng dilim lang dahil kung tutuusin mas madilim dito ang buhay niya.

Tapang at lakas ng loob na lang ang natitira sa kanya. Kaya hindi na ito dapat pang mawala sa kanyang sistema.

Para maka-survive sila ni Kisha kailangang maging matapang s'ya palagi. Dahil paano na lang sila ng kanyang anak?

"Kasalan mo ito Angela, kasalanan mo ang lahat ng ito! Pinabayaan mo kami, hindi ka tumupad sa pangako mo. Bakit hindi ka na bumalik, bakit hindi mo kami binalikan?!"

Punong-puno ng sama ng loob na sigaw ng kanyang isip...

"Namatay ang Mamang ng wala ka, namatay s'ya ng nangungulila sa'yo! Hinintay ka n'ya, hinintay ka namin pero hindi ka naman dumating."

"Kung alam mo lang ang nangyari pagkatapos ng lahat?!"

"Pagkatapos mo kaming iwan..."

"Ang sabi mo babalik ka, babalikan mo kami pero nasaan ka ngayon?"

"Narito ka at nagpapakasaya, ang sama mo. Ang samà samà mo!"

"Sinungaling ka!"

Malakas niyang sigaw habang nakaharap siya sa malawak at madilim na karagatan. Wala na s'yang pakialam sa paligid at sa kung ano na ang itsura niya.

Wala naman sa kanya ang makaririnig sa lugar na iyon na malayo na sa lahat.

Wala s'yang kakampi nag-iisa lang s'ya tanging si Kisha lang ang meron s'ya, kaya gagawin niya ang lahat para sa kanyang anak.

Dahil ang nag-iisang taong inaasahan niya na magiging kakampi nilang mag-ina.

Wala na at tuluyan na talaga silang kinalimutan.

Magmula ngayon kalilimutan na rin n'ya na may kaugnayan silang dalawa. Kung nagawa nitong kalimutan sila magagawa rin niyang balewalain ito.

Hindi na niya ito bibigyan pa ng pagkakataon. Magmula sa araw na ito pinuputol na niya ang ugnayan nilang dalawa. Binigyan na niya ito ng pagkakataon.

Kahit pa may sama na s'ya ng loob dito noon pa man nang malaman niya kung nasaan ito. Umasa pa rin s'ya na babalik ito at hahanapin sila ng kanilang Mamang. Kaya nga bumalik s'ya ng Cebu sa pag-aakala na baka pinapahanap na sila nito.

Kinailangan pa niyang sundan sundan si Joseph sa Cebu para lang may malaman tungkol sa kanyang kapatid.

Pero hindi man lang ito nagpakita at parang hindi man lang sila nito naiisip. Hindi naman niya ito maitanong ng direkta kay Joseph noon.

Dahil siguradong malalaman din nito ang kanyang ginawang katangahan at kagagahan.

"Pagsisisihan mo ang lahat ng ito Angela. Hindi kita mapapatawad, ikaw ang dahilan ng lahat kung bakit naging ganito ang buhay ko ikaw! Kasalanan mo kung bakit kailangan kong magtago at magpanggap..."

"Kasalanan mo ang lahat ng ito, kung binalikan mo lang sana kami agad ng Mamang."

"Hindi mangyayari ang lahat ng ito, hindi ko mararanasan ang magdusa ng ganito."

"Kaya humanda ka sisiguraduhin ko na magdurusa ka rin. Kayong dalawa ni Anselmo! Pagsisisihan n'yo ang lahat ng sakit na idinulot n'yo sa'kin. Dahil ibabalik ko sa inyo ang lahat ng sakit na dinanas ko."

"Ang sama n'yo parehong-pareho kayo, pareho lang kayong dalawa makasarili at sinungaling!"

"Nagpapanggap ka pa na hindi marunong lumangoy ha?"

"Sinungaling ka!"

Paikot-ikot s'ya at pabalik balik habang nagsasalitang mag-isa. Para na s'yang baliw na tanging sarili lang ang kausap pero wala s'yang pakialam.

Punong puno na rin ng dumikit na buhangin ang laylayan ng kanyang damit. Wala na rin sa ayos ang kanyang itsura, halos hulas na rin ang make-up n'ya sa mukha. Dahil wala na rin s'yang tigil sa pag-iyak.

Kung gaano s'ya kagandang tingnan kanina, kabaligtaran naman ng pagiging miserable niya ngayon. Pero patuloy lang s'ya sa matalas na pagsasalita.

"Kung nagagawa mo silang lokohin sa pagkukunwari mo. P'wes ako hindi, hindi mo ako maloloko sinungaling ka!"

Napaiyak at pasalampak s'yang napaupo sa buhangin ng muli niyang ma-realized ang kanyang ginagawa.

Hindi!

Hindi s'ya dapat nakakaramdam ng pagsisisi. Mabuti nga buhay pa s'ya! Saka imposible naman talagang mamatay s'ya du'n, ang babaw lang ng tubig na 'yun! 

Kumpara sa nilalangoy n'ya noon kaya hindi n'ya ako maloloko!

_

_

Hanggang sa unti-unti nang hatakin ang isip niya ng mga alaala patungo sa nakaraan...

__

FLASHBACK...

"Wow! Ate ang galing galing mo naman talaga..." Wika nito habang hawak sa isang kamay ang mga medalya.

"Ikaw din naman magaling ah? Sabi ng Mamang, ang sabi daw ng Adviser n'yo baka ikaw daw ang maging Valedictorian sa school this year. Kaya pareho lang tayong magaling no?"

"S'yempre naman dapat galingan ko din, idol ko yata ang Ate ko!" Pagmamalaki pa nito.

"Hmmm, nambola pa mas magaling ka kaya sa'kin, ako nga Salutatorian lang nu'ng High School. Pero ikaw nakuha mo ang pagiging Valedictorian. Kaya ang galing galing mo, gan'yan nga bunso pambutihan mo palagi ha?"

Wika nito habang hinahaplos ang buhok ng nakababatang kapatid. Malapit na rin kasi ang Graduation nito at ito ang nagtop-1 sa klase.

"Pero mas magaling ka pa rin Ate kasi matalino ka na magaling ka pa sa sports. Bukod du'n wala pa ring tatalo sa'yo pagdating sa pagandahan. Ikaw na talaga Ate!"

"Ikaw naman kaya mo rin ang lahat ng ginagawa ko no! Baka nga mas higitan mo pa ako kapag ikaw na ang nasa posisyon ko. Kapag nagdalaga ka na ng husto siguradong dadaigin mo pa ako. Ang taas mo kaya para kang isang modelo samantalang itong Ate mo hindi na yata lumaki!"

Turo pa nito sa sarili habang nasa mukha ang kunwaring pagkadismaya. Hanggang sa mapatingin sila sa isa't-isa at sabay na nagtawanan.

Ganu'n sila palagi magkasundo kahit pa madalas na lagi silang nagpapagalingan sa lahat ng bagay. Alam nilang may kanya kanya silang galing.

Palagi nilang iniiwasan ang magtalo. Dahil palagi na lang sinasabi sa kanila noon ng kanilang Papang na palagi nilang unawain ang isa't-isa. Dalawa na lang daw sila kaya hindi sila dapat nag-aaway.

Dapat daw mahalin nila ang isa't-isa para kahit magkalayo man sila. Palagi nilang maiisip ang kabutihan ng bawat isa.

Magmula ng umalis sila ng Sta. Barbara at magpalipat-lipat ng tirahan sa Ilo-ilo hanggang sa mapadpad sila dito sa Cebu.

Dahil na rin sa kulang sila sa pinansyal at dahil na rin sa patuloy na pagtatago kay Anselmo. Kaya kung saan-saan sila napadpad.

Ang huling balita nila wala na sa bansa si Anselmo kasama ito ng asawa na nagpunta ng America. Kaya kahit paano napanatag sila sa paninirahan nila dito sa Cebu.

Kahit pa naapektuhan ang pag-aaral nila dahil sa kanilang sitwasyon. Sinikap pa rin nilang magkapatid na maging mahusay sa klase.

Dahil palaging sinasabi ng kanilang inang si Annabelle. Ito na lang ang p'wede nilang ipagmalaki ang magiging kayamanan nila.

Para sa katuparan ng mga pangarap nila lalo na nang kanilang ama. Kaya h'wag daw nila itong bibiguin.

Kasalukuyan nang nasa ikatlong taon sa kolehiyo sa kursong Nursing ang panganay nitong anak. Habang ang bunso naman nito ay Graduating na sa High School.

"Ate kailan kaya tayo aalis dito at luluwas ng Maynila? Gusto ko nang makita ang Maynila Ate."

"Siguro kapag nakaipon na ang Mamang? Kapag may pera na tayong pamasahe papunta doon."

"Kailan kaya tayo magkakapera lagi naman tayong walang pera Ate e."

Wika nito habang nakatukod ang siko at ang kamay ay nakahawak naman sa baba.

"Kaya nga di'ba gumagawa naman ng paraan ang Mamang. Kaya nga sumasali ako sa mga kompitisyon para kapag may cash prize makakadagdag din 'yun sa ipon natin."

"Buti ka pa Ate kahit paano nakakatulong kay Mamang, ako kaya paano kaya ako makakatulong?"

"H'wag mo na lang isipin 'yun basta pagbutihin mo lang ang pag-aaral mo!" 

"Kapag nasa Maynila na tayo at nakita na natin ang mga kaanak ng Papang. Hindi na siguro tayo mahihirapan no Ate?"

"Siguro? Kasi baka tulungan na nila tayo."

"Ano sa tingin mo Ate mababait din kaya sila tulad ng Papang? Gusto ko nang makita 'yung malaking swimming pool nila sa bahay na palaging kinukwento ng Papang. Doon daw sila madalas magkarera ng kuya n'ya sa paglangoy. Ate kapag nandun na tayo magkarera din tayo sa paglangoy ha?" Hiling pa nito na tila excited na sa mangyayari.

"Oo naman... Ang tanong matalo mo na kaya ako?" Nakangiting biro pa nito.

"Aba tingnan na lang natin?! Kasi tatalunin din kita Ate gaya ng ginawa ng Papang sa kuya n'ya."

"Madaya naman ang Papang eh' kaya lang naman n'ya natalo ang kuya n'ya kasi nag-aalala ito sa kanya. Bigla na lang kasi s'yang nawala sa tubig."

"Hindi kaya, ang sabi ng Papang hindi s'ya nandaya ah' gumamit lang s'ya ng taktika para malansi niya ang kalaban."

Pagmamalaki pa nito sa ginawa ng ama.

"Sira! Kaya nga sa huli binawi pa rin ni Papang 'yun sinabi n'ya na iyon di'ba? Ginawa lang naman n'ya 'yun dahil sa kagustuhan niyang talunin ang kanyang kuya. Pero hindi na niya inisip na mali pa rin ang kanyang ginawa. Kaya pinagsisisihan niya ang kanyang nagawa. Naisip rin n'ya na ang kuya n'ya mas inuna nito na alamin ang kalagayan niya kaysa ang mabilis s'yang talunin. Nakita ng Papang kung gaano ito nag-alala at nataranta sa paghahanap sa kanya ng bigla na lang s'yang mawala sa tubig at saka nakita rin n'ya ang tuwa sa mukha nito ng makita s'ya nitong ligtas at maayos. Kaysa isipin nito ang pagkatalo, mabilis pa nga s'ya nitong nilangoy at saka niyakap. Hindi rin ito nagalit sa kanya kaya na-realized ni Papang ng araw na iyon na kahit pa madalas na natatalo s'ya nito. Pero sa puso nito matagal nang s'ya ang laging panalo."

"Wow! Ang galing mo naman na-memorized mo talaga 'yun Ate? Eksakto ang kwento mo sa kwento ni Papang."

"Ikaw talaga, ikinukwento ni Papang 'yun para makita natin ang mga kamalian n'ya noon at para hindi na rin natin ulitin pa!"

"Oo na po... Mother Superiora!" Birong wika nito at niyakap pa ang kapatid habang tumatawa.

Ngunit maya maya lang ay wika ulit nito habang magkayakap pa rin silang magkapatid.

"Ate nami-miss ko na s'ya, ang boses niya kapag tumatawa, saka kapag kumakanta lalo na kapag kinakantahan n'ya tayo o kahit pa nga ang boses niya kapag nagagalit. Ang tagal tagal ko na s'yang hindi naririnig." Sinasabi niya ito habang panay ang pahid niya sa luhang kusang umaagos mula sa kanyang mga mata.

Pagtingala niya nahuli pa niya ang kanyang Ate na pasimple ring pinapahiran ang luha mula sa mga mata. Alam niyang pilit nitong pinipigilan ang pag-iyak.

"Ako din naman nami-miss ko na ang Papang pero hindi ba ang gusto n'ya maging masaya lang tayo palagi at h'wag tayong malungkot. Alam mo bang palagi kong naririnig si Mamang na umiiyak tuwing gabi. Habang kinakausap niya ang picture ng Papang. Lahat ng hirap n'ya at nararamdamang sakit bawat araw na wala na ang Papang. Dinadaing pa rin n'ya kay Papang kaya ayokong makita pa n'ya na nahihirapan din tayo. Dahil siguradong makadaragdag pa tayo sa sakit na nararamdaman ng Mamang. Naiintindihan mo ba?"

"Opo Ate, hindi ko lang talaga mapigilan ang sarili ko na hindi umiyak at hanap-hanapin pa rin ang presensya ng Papang."

"Pero kailangan nating maging masaya para kay Mamang. Dahil 'yun ang gusto ng Papang. Kapag naging Nurse na ako itutuloy ko ng Medisina. Tutuparin ko ang pangarap niya na magkaroon ng anak na Doctor. Kapag nasa Maynila na tayo doon ako mag-aaral ng Medisina pangako 'yan."

"Ako din Ate, itutuloy ko ang pangarap ng Papang na maging Arkitekto. Pangako ko gagawa ako ng bago nating kubo. Gagayahin ko ang ginawa ng Papang ibabalik ko ang kubo ng Papang..."

"Tama nga bunso kailangan nating tuparin ang ating mga pangarap para kay Mamang. Para maging masaya rin ang Papang kahit nasaan pa s'ya ngayon."

"Opo Ate!"

"Alam mo bang pumapayag na ang Mamang na sumali ako sa compitition na gaganapin sa Thailand sa susunod na taon. Payag na s'yang sumama ako at bumiyahe papuntang Thailand."

"Wow! Talaga ba Ate, ang ibig bang sabihin makakarating ka na ng Thailand?" Namimilog ang matang wika nito sa kapatid. 

"Oo bunso pero hindi pa naman ngayon matagal pa 'yun at saka hindi naman 'yun ang habol ko. Ang sabi kasi nila meron daw matatanggap na cash prize. Kapag ako ang nanalo may pamasahe na tayo papuntang Maynila. Tamang tama naman na Graduation na namin next year. Kaya p'wede na tayong pumunta ng Maynila."

"Tama ka nga Ate kaya sana talaga manalo ka!"

"Basta gagalingan ko talaga para yata ito sa ating mga pangarap."

"Tama!" Saad nito sabay taas ng kamay.

"Pero teka Ate, hindi kaya makalimutan mo na kami kapag nasa Thailand ka na?"

"Bruha ka talaga at bakit ko naman kayo makakalimutan?"

"Paano kung may makilala kang cute na Thai tapos magkagusto sa'yo? Tapos hindi ka na pauwiin."

"Talagang 'yan ang naisip mo ha? Bakit naman ako hindi uuwi e hindi naman ako doon nakatira, saka wala pa isip ko ang bagay na iyan aral muna bago landi. Bata pa naman ako at saka hindi pa ako makakalimutin kaya alam ko pa ang daan pauwi dito.

"Promise?"

"Oo naman bakit mo ba naiisip 'yan? S'yempre hindi ko naman kayo iiwan ng Mamang at kung sakali mang matuloy akong umalis babalik din ako agad no! Sasali lang ako sa kompitisyon hindi ako mag-aabroad ano ka ba? Saka kahit anong mangyari hindi ko kayo iiwan na lang basta ng Mamang, magkakasama pa rin tayong tatlo at kahit kailan hinding hindi tayo magkakahiwa-hiwalay tandaan mo 'yan!"

"Promise mo talaga 'yan Ate ah' hindi mo kami pababayaan ng Mamang."

"Oo naman, sabi nga ng Papang ako ang panganay kaya ako dapat ang nag-aalaga sa inyo. Kaya h'wag kang mag-alala dahil mahal na mahal ko kayong dalawa ng Mamang..."

_

_

"SINUNGALING KA!"

Malakas na naman n'yang sigaw ng muling magbalik ang isip n'ya sa kasalukuyan.

"HINDI MO KAMI MAHAL, MAHAL MO LANG ANG SARILI MO DAHIL PINABAYAAN MO KAMI..." Hindi na n'ya alintana ang bawat oras na lumilipas. Kung anong oras na ba ng gabi o baka madaling araw na?

"MATAGAL MO NA KAMING PINABAYAAN, NAGPAKASAYA KA LANG MAG-ISA. KINALIMUTAN MO NA KAMI, NAWALA NA ANG MAMANG PERO HINDI KA MAN LANG NAGPAKITA. ANO KANG KLASENG ANAK?"

Patuloy pa rin sa pag-agos ang luha mula sa kanyang mga mata. Hinahayaan lang n'ya ito na tila bumabalong, kahit pa halos wala na s'yang makita sa paligid. Ano pa ba ang dapat niyang makita? Tanong ng kanyang isip. Puro dilim lang naman, dilim sa malawak na karagatan.

"NAPAKAIMPOSIBLE MO ATE!"

Wala na rin s'yang pakialam pa kahit napupuno na nang buhangin ang kanyang damit. Dahil sa pagkakasalampak niya sa sahig at kahit nakakaramdam na rin s'ya ng lamig. Nagpatuloy lang s'ya kahit pa namamaos na rin ang kanyang boses at napapagod na rin ang kanyang pakiramdam.  

"WALA KANG KWENTANG ANAK AT WALA KA RING KWENTANG KAPATID. PAREHO NGA KAYO NI ANSELMO, PAREHO LANG KAYO HINDI KO KAYO MAPAPATAWAD

HINDI..."

HU, HU, HU!

"Mamang, Papang kung nandito lang sana kayo!" Lalo lang n'yang naramdaman ang pangungulila sa kanyang mga magulang.

_

Punong puno ng galit at sama ng loob ang puso at isip n'ya hindi na n'ya alam kung gaano na s'ya katagal sa lugar na iyon. Wala rin s'yang nararamdamang takot ng mga oras na iyon.

Kahit pa nag-iisa lang s'ya at walang katao-tao sa bahaging iyon. Mabuti na nga lang at kahit paano maliwanag pa rin naman ang buwan.

Dahil sa pagkaalala niya sa mga magulang muli s'yang nagkaroon ng lakas upang kalmahin ang sarili.

Hanggang sa nagpasya na rin s'yang tumayo upang bumalik. Hindi n'ya alam kung hanggang sa mga oras na ito ay may tao pa rin sa party.

Ah' bahala na! Bulong na lang n'ya sa sarili.

Patakbo s'ya uling lumakad nang hindi na pinagkaabalahang ayusin ang sarili. Nasa isip na rin n'ya na siguradong hinahanap na rin s'ya ni Madi.

Dahil sa kanyang pagmamadali hindi na niya pansin ang mga nakakasalubong. Ngunit bigla rin s'yang nakaramdam ng hiya ng matapat na sa liwanag. Dahil sigurado s'yang kakaiba na ang kanyang itsura.

Binilisan na lang n'ya ang paglalakad habang bahagyang tinatakpan ng isang kamay ang kanyang mukha kahit pa wala namang natatakpan. Kung bakit naman kasi hindi man lang s'ya nakapagdala ng panyo. Iniwan n'ya kay Madi ang bag niyang dala pati na ang cellphone niyang dala.

Kaya wala s'yang magawa kun'di takpan na lang ang mukha. Kahit kesehoda pang magmukha na s'yang tanga.

Kaya nagulat pa s'ya ng bigla na lang may humawak sa kanyang braso.

Pagtingala niya dito nahigit niya ang kanyang paghinga ng makilala ang lalaking ngayon ay nakahawak ng mahigpit sa kanyang braso.

Kasabay rin ito ng malakas na pagkabog ng kanyang dibdib...

_

"Do you think you can escape on what you did to her?"

*****

By: LadyGem25


REFLEXIONES DE LOS CREADORES
LadyGem25 LadyGem25

Hello po sa lahat,

Nagustuhan n'yo ba ang mahaba nating update kahit mahaba rin ang paghihintay?

Pero sana kahit paano sulit ang inyong pagbasa? Pasensya po meron lang talagang kailangan na unahin bago ang pagsusulat.

Kaya nagpapasalamat ako sa mat'yaga n'yong paghihintay.

Sa mga nalilito po sa takbo ng kwento patuloy n'yo lang pong subaybayan at masasagot din natin 'yan!

At sana po this time mabigyan n'yo na ng rates ang story ko. P'wede rin naman ang review.

GOD BLESS!

SALAMUCH!❤️

Load failed, please RETRY

Estado de energía semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Piedra de Poder

Desbloqueo caps por lotes

Tabla de contenidos

Opciones de visualización

Fondo

Fuente

Tamaño

Gestión de comentarios de capítulos

Escribe una reseña Estado de lectura: C64
No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
  • Calidad de escritura
  • Estabilidad de las actualizaciones
  • Desarrollo de la Historia
  • Diseño de Personajes
  • Antecedentes del mundo

La puntuación total 0.0

¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
Votar con Piedra de Poder
Rank NO.-- Clasificación PS
Stone -- Piedra de Poder
Denunciar contenido inapropiado
sugerencia de error

Reportar abuso

Comentarios de párrafo

Iniciar sesión