Descargar la aplicación
73.8% MY BODYGUARD [TAGALOG - COMPLETED] / Chapter 31: CHAPTER 30

Capítulo 31: CHAPTER 30

SUMMER POV

PARA parin akong nakalutang sa ulap dahil sa usapan namin kanina ni Parker. Kahit hindi niya ako nililigiwan parang ramdam ko ang sensiridad sa bawat salitang binitiwan niya sa akin.

Hindi ko matatawag na official na kaming mag on dahil wala namang tinanong sa akin si Parker kahit iniisip kong hindi masyadong mag assume pero hindi ko mapigilan ang puso kong kiligin Sa sweetness na pinapakita niya kahit medyo may pagkaseloso siya ng konte.

Natigil ako sa mahabang pag iisip nang biglang may kumatok sa kwarto. Agad akong tumayo at naglakad para buksan ito.

"Day, halikana maghapunan na tayo nasa labas na ang lahat mas maganda ang view dito sa Isla pag gabi "nakangiti nitong anya sakin saka mahina akong hinila at kinulong sa mga bisig niya. Sweet gesture of him again.

"Doy, Ano na ba tayo?"biglang tanong ko sa kanya at sabay siksik sa mukha ko sa matipuno niyang dibdib.

"Anong tanong yan Day?,"tugon naman niya.

"Eh Sympre gusto ko may closure sa relasyon natin ngayon ayaw kong mag assume hindi mo kase ako nililigawan eh"ngumunguso ko pang sabi.

Bahagya itong tumawa. Kaya napakalas ako nang yakap sa kanya saka kinunutan ng aking noo.

"Sama mo sa akin , bakit moko tinatawanan Doy?"humalukipkip ko nang tanong at seryuso itong tumingin sa mga mata ko.

"Eh para ka kaseng teenager , bakit kailangan pa na may closure? Di pa sapat yung ipinaramdam ko sayo?" May bahid nang lungkot ang tono ng pananalita niya.

"E hindi naman sa ganon pero gusto ko yung may official na tayo hirap kaya mag assume "sabi ko saka inangat ko ang dalawang kamay ko at hinaplos ang pisngi niya.

"Eh di sagutin mona ako para official na ang mag boyfriend girlfriend natin."nakangiti na nitong suhestyon hinawakan niya ang kamay ko na nasa pisngi niya saka iginiya iyon sa labi niya at hinahalikan. Subrang lapit pa ng mga mukha namin Sa isat isa.

Yung puso ko naman parang abnoy na lakas na naman ang pintig niya diko tuloy mapigilan ang kiligin sa ginagawa niya. Bakit ba ? Eh sa kinikilig naman talaga ako ang gwapo pa naman niya nakakadistract lalo ngayon ko lang nakita ang kagwapohan ni Parker. As in super Gwapo ayuko nang ediscribe baka mainggit pa kayo.

"Ligawan mo muna ako Doy."pang iinis ko sabay taas baba ng kilay ko at ngumisi ngisi pa.

"Anak ng!, hindi pa ba panliligaw tong ginagawa ko? Akala ko pa naman, "at umakto pa itong parang nadidismaya sa harap ko daming ka eng engan din tong isang to.

"Ewan ko sayo ! "Irap kong sabi papasok na sana ulit ako sa loob ng hilahin na naman niya ako saka niyakap.

"Alam mo hindi na natin kailangan maging official na mag on para tayong teenager niyan tsaka Sa edad kong ito baka pagtawanan ako ni Lixx pag nalaman niyang hindi kita nililigawan , bully pa naman ang isang yun "

"Sege na nga tayo na agad "

"Ang bilis naman di pa nga kita nililigawan sinagot muna ako kaagad?"nakatawa nitong sabi.

"Tagal mo kaseng manligaw dami mo pang sinasabi, pero Doy wala ba tayong problema sa Ex wife mo? "Bigla kong naitanong sa kanya.

Hindi ko rin alam kong bakit iyon ang lumabas sa bibig ko. Pakiramdam ko kabit na ako ngayon dahil nga hays! Kasal siya sa ex-wife niya. Mali parin tong nararamdaman namin nakakalungkot lang isipin pero naiisip ko palang na layuan si Parker parang ayaw ko ng huminga.

Muli kumalas siya sa pagyakap sa akin hinawakan ang magkabilang pisngi ko at pinakatitigan niya ang mga mata ko. Para akong mapaso sa mga titig niya. Pero kailangan ko yun labanan.

"Malinaw na sa kanya ang mga sinasabi ko , may iba na yung kinakasama at may anak narin sila "

"Hindi mo anak yung binuntis niya?"takang tanong ko.

"Hindi Day anak niya sa lalaki and yes halikana baka ano pang magawa ko sayo dito masyado monang tinorture ang pagkalalaki ko"ngiting saad nito dinampian ako lang niya ng halik ang noo ko.

"Teka lang, so Ano? Tayo na nga ? "Ulit ko pa.

"Kong yun ang gusto mo eh di Tayo na para tayong mga bata nito Day , tara na hinihintay na nila tayo" saka hinila ang pulsuhan ko nagpatianod naman akong sumunod sa kanya palabas.

At napanga nga ako at namangha ng makita ang labas ng cabin maraming ilaw na nakakapit sa bawat puno ng mangga napakaliwanag perfect for date ang lugar na ito.

Nasa cottage na si Anton at ang Asawa nito pati si Lixx. Para tuloy kaming mag Asawa na ni Parker.

"Tagal niyo a, kanina pa nag aalburoto tong tyan ko "nakangising saad ni Anton sabay kuha na nang pagkain.

"Mahiya ka nga ng konte sa Kasama ni Parker Sweety mapagkamalan ka pa niyang patay gutom eh "saway naman ni Lera sa asawa.

Ang kulit din ng mag asawang to. Samantalang si Lixx seryuso lang na nakatingin sa amin.

Pinaghila ako nang upuan ni Parker sa tabi ni Lixx. At naupo na rin. Napagitnaan ako ng mag ama at nasa both side nila ang mag asawa.

"Parker , Tumawag si Nana naglalasing daw si Momy "biglang sabi ni Lixx dahilan na makuha niya lahat ng attensyun namin.

"Pabayaan mo siya , matanda na yun alam na niya pinanggawa niya "tugon ni Parker na hindi manlang sumulyap sa nagsasalita na anak at pinaghain pa ako ng pagkain sa plato.

"Kahit kailan talalaga tong si Salvie pasakit sa ulo "komento ni Lera saka umiling iling pa ito.

"I'm just worried to her child , i read many articles about pregnant woman since she's pregnant and its says alcohol is forbidden,"malungkot na saad ni Lixx. Ramdam ko ang pag aalala nito sa ina.

"Alam na niya yan Lixxie baby gusto lang niyang paglaanan siya ng Panahon ng Dady mo guilty is consuming her dahil sa ginagawa niyang kalokohan "dugtong pa ni Lera.

Nakinig nalang ako sa usapan nila. At seryusong kumain wala naman akong maibahagi dahil wala akong karanasan sa ganyan dahil may gosh diko pa naisuko ang bataan ko.

"I am glad to see you happy again Parker 5 years, 5 years ko ding hindi nakita ang genuine smile niyo"anang ni Lixx na ikinatigil ko sa pagsubo ng pagkain well curiously hits me on.

5 years? So meaning miserable ang buhay niya sa loob 5 years?

"Kumain ka nalang Honey."seryusong sabi ni Parker panay lang ang subo nito at parang ayaw niyang e open up ang sinabi ng anak.

"Tita Summer, wag munang iwan si Parker don't hurt him , he suffered already and i don't want to let that happen again "napatitig ako sa hitsura ng anak ni Parker nangungusap ang malungkot nitong mga mata. Nahawa tuloy ako.

Pero kahit hindi naman niya sasabihin iyon o hilingin sakin hinding hindi ko iiwan si Parker.

"Of course I love your Dady Lix Hindi ko siya iiwan at mas lalong hindi ko siya sasaktan "pag aasure ko sa kanya. Napatingin naman ako sa gawi ni Parker na napatitil sa pagkain.

Ngumingiti naman ng bahagya ang mag asawa sa narinig.

Parang nanunukso naman ang tingin ni Anton nang makita kong nagkatinginan sila ni Parker. Bakit ba? E sa vocal akong tao e.

"Sana ikaw nalang ang momy ko Tita Summer "literal na napatigil ako sa subo ko at napatingin ulit sa gawi ni Lixx.

Napatitig lang sa amin ang tatlo. At nagulat ng gaya ko nang bigla akong yakapin ni Lixx.

"Lixx , kumain kana wag munang kinukulit ang Tita Summer mo"biglang basag ni Parker.

"Mukhang botong boto ang anak mo Parker . kasal nalang ang kulang at matatawag na kayong pamilya"komento ni Lera na ginawaran pa ako ng ngiti.

Napangiti ako sa loob ko hindi ko kase inasahan na ganito ang trato sakin ng anak ni Parker.

"I'm on it , inaayos ko na ang papel namin for annulment process"

Natigilan ako sa saad nito so totoong gusto niyang magpapakasal sakin? Parang dinuduyan ang puso ko sa subrang kasiyahan sa narinig ko. Hindi ko rin alam kong ano ang iakto ko sa harap nila dahil pakiramdam ko namumula ang pisngi ko sa sinabi ni Parker.

Hindi rin nagtagal ang usapang iyon dahil natapos na kaming kumain si Lixx nauna nang pumasok sa cabin. Si Anton at Parker naman ay gumawa ng bon fire ako at si Lera nalang ang naiwan para ligpitin ang mga pinagkainan namin.

Natuto rin ako sa ganitong gawain. Kong dati palagi ko lang inasa sa mga house maid namin pati tubig na iinumin na kaya ko naman kumuha ang tamad tamad ko lang talaga.

"Alam mo ikalawang beses ko pang nakita na masaya si Parker for almost of his Life."biglang basag ni Lera dahilan na mapaangat ang tingin ko sa kanya.

"And the First one?."

"Nong ipinanganak si Lixxie , Hindi ko nga rin alam kong anong nakita ni Parker kay Salvie hindi ko talaga gusto ang babaeng yun sa kanya simula pa malakas ang loob kong may tinatagong kademonyuhan ang isang yun."mahabang tugon niya at nakinig lamang ako. Wala naman akong pweding gawin kundi ang makinig tsaka sa tindig ng babaeng yun masamang masama talaga ang tingin niya sakin.

Parang gusto na niya akong ibaon ng buhay.

Katakot nga eh.

"Pero wag kang matakot dun Summer Maging matapang ka para sa inyo ni Parker and Kilalanin mo muna si Parker."pagkasabi niyang iyon ay iniwan na niya akong nangangapa sa huling sinabi niya.

May Kailangan pa ba akong alamin kay Parker? Saka ko nasapo ang noo ko. Shit! Diko manlang kilala ang parents niya.

Well kukulitin ko siya mamaya. Pagkatapos kong mailigpit pinagkainan namin ay pumasok na muna ako sa cabin nag boys talk pa kase si Parker at Anton ng mapadaan ako sa gawi nila.

PARKER POV

SA totoo lang hindi ko inaasahan na sasabihin iyon ni Summer sa harap namin kanina.

Hindi ko alam kong mahihiya ba ako o damn nakakababae yung word na "kiligin" pero yun ang nararamdaman ko.

"Alam na ba niya lahat ang tungkol sa pagkatao mo Parker?" Natigilan ako sa tanong ni Anton at napabuntong hininga.

Ito talaga ang pinoproblema ko paano ko sasabihin kay Summer ang lahat ng mga ginagawa ko.

Wala akong lakas ng loob na sabihin iyon sa kanya natatakot ako na baka layuan niya ako at hiwalayan.

"Wala siyang alam "malamig kong tugon dito.

"Kilan mo balak sabihin? O kong may balak ka pa bang sabihin yan sa kanya?"

"I don't know. Sa ngayon ineenjoy ko muna ang pagkakataon na magkasama kami dahil simula bukas marami na akong gagawin. "

"Well Goodluck din at asahan mo ang suporta ko jan Buddy "

"Maglagay ako ng bantay dito habang wala ako baka tatanga tanga ka na naman at may mangyari na naman sa kanya "inis kong baling kay Anton na umiwas naman agad ng tingin sakin.

Guilty ang gago ! Kamuntikan kona siyang lumpuin sa ginawa niyang kapabayaan noon kay Summer.

At hindi na ako makakapayag na may mangyari ulit sa kanya.

Teka nasan na ba ang babaeng yun?

Wala na akong makitang tao sa cottage at patay na ang apoy sa ginawa naming bon fire ni Anton.

Tumayo nako sa pagkaupo nang muli itong magsalita.

"Alam mo bang may natuklasana ko ,"

"Natuklasang Ano?,"kunot noo kong tanong sa kanya.

"Yung Ina ni Summer hindi Nag tanong ako sa Hospital kong san siya ipinanganak pero wala ang pangalan niya doon, nakakapagtaka Parker "

Napaupo ako sa sinimulang topic ni Anton puno nang curiosidad. Umalis kase ako noon sa poder ni Don kaya wala na akong masyadong alam pero tanda ko pa ang hitsura ni Tita Azuela.

Mabait sa akin yun at hindi ko nakikitaan ng masamang ugali ang ginang. Nakakapagtaka lang na may edad na siya saka pa siya nabuntis. Ang nalaman ko lang noon buntis si Tita pagkaalis ko pero dahil hindi ako namalage sa bahay nila dahil paalis alis ako wala akong masyadong nalalaman.

"So ano ang ibig mong sabihin?

Nagsisinungaling si Don?"

"Nagsisinungaling nga ba siya? O may pinagtakpan ang matandang yun? Isipin mo kampante siyang iasa sayo si Summer ni hindi nga mag atubiling itanong sakin kung kumusta ang anak niya ? Something is wrong ayaw ko namang bigyan ng meaning alam mona "

So anong ibig sabihin nito? May itinatago sakin ang Don? Kung meron man ano naman ito?


Load failed, please RETRY

Estado de energía semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Piedra de Poder

Desbloqueo caps por lotes

Tabla de contenidos

Opciones de visualización

Fondo

Fuente

Tamaño

Gestión de comentarios de capítulos

Escribe una reseña Estado de lectura: C31
No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
  • Calidad de escritura
  • Estabilidad de las actualizaciones
  • Desarrollo de la Historia
  • Diseño de Personajes
  • Antecedentes del mundo

La puntuación total 0.0

¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
Votar con Piedra de Poder
Rank NO.-- Clasificación PS
Stone -- Piedra de Poder
Denunciar contenido inapropiado
sugerencia de error

Reportar abuso

Comentarios de párrafo

Iniciar sesión