Descargar la aplicación
80% The Coldest Heart / Chapter 28: Chapter 27. "The Engagement"

Capítulo 28: Chapter 27. "The Engagement"

Chapter 27. "The Engagement"

Laarni's's POV

Monday. Pagpasok ko sa room. Ang ingay ng mga classmates ko. Kanya-kanya silang tingin sa mga phone nila habang gulat na binabasa ang naroon. Ano naman ang meron? May alien na bang pumunta sa Earth? O di naman kaya may concert ba si Hatsune Miku dito? O baka naman nabuhay si Michael Jackson? Ang creepy naman.

Nilapag ko ang bag ko sa upuan. Napatingin naman ako sa katabi ko, wala pa pala si Abrylle. Napangiti ako ng maalala ko ang nangyari kahapon. Parang buong weekend lang magkatext kami ah. Ano ba 'yan, kinikilig ako.

"Arni! Have you heard the news?" tanong ni Leicy sa akin. Nagtataka naman ako lumingon dito. "I guess you're not, look!" hinarap niya sa akin ang phone niya at pinabasa ang headline sa internet.

The inheritors of Aickman Group and De Mesa Food Corp. engagement

"Oh? Sino namang mga inheritor 'yan?" tanong ko sa kanya. Mukha namang nagulat siya sa tanong ko.

"Ano ka ba, it's Courtney and Abrylle!" sigaw nito. Para namang di nag-sink in sa utak ko ang sinabi niya, o sadyang ayaw lang dinggin ng tainga ko ang sinabi niya.

"Ano?"

"Si Courtney at Abrylle ang nasa news!"

Natulala naman ako sa sinabi niya. Ano daw? Hindi ko nakuha pang magsalita matapos ng sinabi niya, pakiramdam ko para akong nahulog mula sa rooftop ng building na 'to.

"Hey Arni! Okay ka lang ba?"

"Hindi ko alam—"

"Lexter!" napalingon ako sa tinawag ni Leicy. "Narinig mo na ba ang balita?" napatingin ako kay Lexter, nagkatinginan kami. Seryoso ang mukha niya habang nakatingin sa akin. Parang puyat din siya at lutang ang isip.

"Oo Leicy." Maikling sagot nito at naupo na sa upuan niya.

"Anong masasabi mo? Totoo ba 'to Lexter?" pangungulit sa kanya ni Leicy. Tumango tango naman 'to habang tulala. "Okay ka lang ba? Para ka ring si Arni ah." Nagaalalang sabi ni Leicy sa kanya. Napalingon naman 'to sa akin at nagbanggaan ang aming mga tingin.

"Alam mo na?" seryosong tanong nito. Kapag ganito ang mukha ni Lexter, para akong natatakot sa kanya. Usually kasi masayahin siya, kaya naman nakakapanibago kapag ganito siya. "Ayos ka lang ba?" dugtong nito.

Iniwas ko ang tingin sa kanya. Ayos nga lang ba ako? Natigil naman ang pag-iisip ko ng magkaroon ng ingay ang buong klase. Napatingin ako sa tinitignan ng lahat. Lahat silang nakasilip sa bintana.

"Gosh, totoo nga ang balita."

"Sila na nga?! I can't believe this!"

"Oh my gosh, Courtney win the crown!"

"Nakakainggit naman!"

"Ugh, I wish I was her"

Gusto ko sanang tignan, kaso may kung ano sa paa ko at hindi ko makuhang makatayo. No Arni, kailangan mong tignan. Lakas loob akong tumayo at sumilip sa bintana. Pagsilip ko, para akong pinana ng limang daang sundalo sa dibdib sa nakita ko. Gulat at nagpipigil ng luha. Sandali? Bakit naman ako naiiyak? Arni wala ka namang paki di ba?

Nakita kong magkasabay na naglalakad papasok si Abrylle at Courtney habang nakahawak si Courtney sa braso ni Abrylle. Umupo na ako at tulala lang dahil sa nakita ko.

Bakit pakiramdam ko, labis akong nasasaktan? Hindi naman ako dapat masaktan. Wala naman akong pinanghahawakan ah? Pero bakit parang ang sakit. Gusto kong umiyak pero matigas ang ulo ng luha ko't ayaw lumabas.

"Come with me." Nabigla ako ng may humawak sa wrist ko. Si Lexter. Napatingin ako rito, seryoso pa rin ang mukha niya. Hinawakan ko ang kamay niyang nakahawak sa akin at dahan-dahan kong tinanggal. Nakita ko naman ang pagkabigla sa mata niya.

"I'm fine." Maikli kong sagot dito tsaka pinunasan ang tumulo kong luha. "Ano ba 'yan, naiiyak na ako sa sakit ng ulo ko. Hahaha, Ahm Leicy, samahan mo naman ako sa clinic."

Naglakad kami ni Leicy palabas ng room para pumunta sa clinic. Paglabas namin, nakasalubong naman namin si Abrylle at Courtney sa hallway. Tahimik ako at nagulat ng makita sila.

"Uh, congratulations sa inyo." Sabi ni Leicy sa kanila.

"Ah, Oo nga, congratulations sa inyo." Sabi ko rin habang pilit na ngumingiti. Nakita ko naman ang inis sa mga tingin ni Courtney kaya naman umiwas na kami at naglakad papuntang clinic.

Pagpunta ng clinic, nagpaiwan na ako kay Leicy at pinapasok na siya sa klase. Habang ako, nahiga muna para magpahinga. Habang nakahiga ako, sunod sunod ang pagiyak ko. Hindi ko rin maisip kung bakit ako umiiyak. Basta ang alam ko, nasasaktan ang puso ko. Bakit nga ba? Ang gulo eh. Hindi ko alam, pero masakit.

"Hay nako, business nga naman, ikakasal ka kahit di mo mahal para lang isalba ang business." Narinig kong sabi ni Ms. Kagura. Mabuti na lang at may curtain at natatakapan ako rito. "Ay, bakit?" narinig kong nagulat si Ms. Kagura. Mayamaya pa biglang bumukas ang curtain sa kamang hinihigaan ko. Nakatalikod ako kaya di ko makita kung sino pero nakikita ko ang anino nito sa dingding.

"Tumayo ka diyan." Nanglaki ang mata ko ng marinig ko ang nagsalita. Hindi ko siya pinansin.

"Masakit ang ulo ko." Sagot ko rito.

"Hihilain pa ba kita o kusa kang tatayo?" rinig ko ang diin sa pagsasalita nito. "Tumayo ka riyan!" sigaw nito.

Dahan-dahan akong tumayo. At tinignan siya. "Ano bang kailangan mo Abrylle? Masama ang paki—" bigla ako nitong hinawaka sa braso at hinila palabas ng clinic.

"Sandali, yung sapatos ko." Sigaw ko rito pero hindi siya nagpapapigil. Pilit ko namang tinatanggal ang kamay niya sa braso ko pero ang higpit ng hawak niya. "Abrylle ano ba?"

Dinala niya ako sa rooftop. Pagdating 'don, binitawan niya na ako. Seryoso siyang nakatingin sa akin. At ako naman ay nagtataka sa inaasal niya. Magkatitigan lang kami, tila naghihintay kung sino ang unang magsasalita. Kinakabahan ako, nangangamba at natatakot.

"A-Ano ba 'yon?" tanong ko habang nanginginig ang aking boses dahil sa kaba.

"Alam mo na?" tanong rin ang sinagot niya sa akin.

"Ang alin?"

"'Wag ka ng magkaila pa! Alam mo na ang tungkol sa engagement hindi ba? Nakita mo? Nakita mo ba?"

"Oo! Nakita ko! Alam ko! Bakit ba? Wala namang big deal 'don ah? Ano bang problema mo?"

"Walang big deal? Huh, para sayo hindi big deal 'yon?"

"Oo! Ano bang akala mo?"

Nagsisigawan na kami rito. Hindi ko maintindihan ang ibig niyang sabihin. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at ibinaling sa ibang direksyon.

"Ano bang akala mo? Na may gusto ako sayo? Pwes...nagkakamali ka..." hindi ko na siya tinignan pa at naglakad na palabas ng rooftop. Tahimik lang siya, pero ramdam kong nagulat siya sa sinabi ko.

Habang naglalakad ako, sadya ko itong binabagalan. Gusto kong, habulin niya ako at pigilan. Gusto kong sabihin niyang hindi totoo ang sinasabi ko. Gusto ko yakapin niya ako. Ramdam ko pa semento habang naglalakad dahil wala akong suot na sapatos.

"Hindi. Hindi 'yan totoo. Laarni!" narinig ko ang sigaw na nito na siyang nagpahinto sa akin sa paglalakad. Dahan-dahan ko siyang nilingon at saktong paglingon ko at papunta siya sa akin.

Ang sunod ko na lang nalaman ay hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako papunta sa kanya tsaka niya hinawakan ang mukha ko at hinalikan ang labi ko. Nakatingkayad ako dahil matangkad siya, gulat ang mata ko at puno ng pangamba, ngunit marahan ko itong ipinikit at dinama ang init ng halik niya.

Ang labi niya, ang lambot niya. Ang higpit ng hawak ng kamay niya sa mukha ko, parang ayaw na ayaw niyang mawala ako. Pero tama ba ang lahat ng ito?

"Bitawan mo ako. Ugh!" itinulak ko siya at sinampal. Hingal na hingal ako pagtapos 'non. "Mali 'to Abrylle! Nababalik ka na ba?"

"Mali? Mali bang mahalin ka?"

"Oo! Dahil...si Courtney dapat ang mahalin mo."

Tumakbo na ako palabas ng rooftop at hindi na siya muling tinignan pa. Habang pababa ako, patuloy na umaagos ang luha ko. Punas ako ng punas, meron na namang tutulo. Bakit ba kasi ako umiiyak? Hindi naman ako dapat umiyak ah.

Lexter's POV

Katatapos lang ng presentation. Pauwi na ako ng tanungin ako ni Leicy. Pansin ko rin sa sarili ko, kanina pa ako tulala mula ng mapanuod ko ang pagtatanghal nila Arni at Abrylle.

"Hahaha oo naman 'no! by the way, you did a great job! Dahil diyan, I'll treat you! Anong gusto mo?" masaya kong tanong kay Leicy.

Nakatingin ako sa kanya. Seryoso ang mukha nitong nakatingin sa akin. Tila binabasa ang nasa isip ko.

"Leicy? Anong problema?" nakangiti kong tanong, pero alam ko sa sarili ko na pinipilit ko lang na ngumiti.

"Lexter, alam kong nasasaktan ka." Nabigla ako sa sinabi nito.

"Ah? Ano bang pinagsasabi mo, tara na nga—" akmang aakbayan ko siya ng umilag siya sa akin. "Oh? Tara na, lilibre kita. Alam ko naman favotire mo eh, hmmm ice cream di ba?"

"Lexter..." nagulat ako sa bigla niyang ginawa. Niyakap niya ako. "Alam kong nasasaktan ka..." sambit pa nito.

Sa mga oras na 'yon. Hindi napigilan ng luha ko na lumabas mula sa mga mata ko.

"Alam kong, masakit na makitang may kasama ang mahal mong tao, alam kong—"

"Leicy..." natigilan siya nang banggitin ko ang pangalan niya sa pagitan ng mga hikbi ko. "Please...love me..."

And I was like a crying baby on her shoulder. Nilabas ko lahat ng luhang gusto kong ilabas dahil sa sakit na nararamdaman ko. Niyakap ko rin siya ng mahigpit. Sobrang higpit. Ramdam ko ang init ng yakap niya. Sana si Leicy na lang.

Kinabukasan. Maayos naman na ang pakiramdam ko. Sa palagay ko maayos na ako. Buong gabi kong ka-text si Leicy. Dahil doon, naging maayos naman na ako. That time, pakiramdam ko, hati ang puso at isip ko. Sinasabi ng isip ko na si Leicy na lang ang mahalin ko, pero ang puso ko, si Arni pa rin ang sinisigaw.

Mali ba 'tong ginagawa ko? Panakip butas nga lang ba si Leicy para sa akin? 'yon nga ba ang ginagawa ko? Mahal ba niya ako, o awa lang ang nararamdaman niya sa akin. Magulo ang takbo ng isip ko, maguguluhan pa rin ako.

Nasa hotel ako at may inaasikasong importanteng guess nang paglingon ko nasa harap ko na si Courtney, ano naman ang gusto ng isang 'to? And I saw her irritated face.

"Oh? Anong ginagawa mo dito?" inis kong tanong dito.

"We need to talk." Sagot naman niya habang nakataas ang isang kilay.

"Talk to my hand." Pang-aasar ko tsaka itinaas ang kanang kamay ko. At iniwas ang tingin sa kanya at itnuon sa phone ko, ka-text ko si Leicy.

"I'm freaking serious asshole!" inis namang sabi nito.

"I'm damn serious Madame." Natatawa kong sagot. Habang nakaharap pa rin sa phone ko. Ang sarap talaga asarin ng mga babae.

"Alam mo pareho kayo ng tatay mo! Ang sarap niyong isako!"

"Oh? Galing ka sa office ni Dad?" this time, napalingon ako sa kanya.

"Oo! And do you know about this damn double wedding?" nagulat naman ako sa sinabi nito.

"What?"

"Huh, I guess you're not inform. Well, ask your father for more information!" tumalikod na 'to sa akin at naglakad palabas ng hotel namin. Anong ibig niyang sabihin?

Agad-agad akong pumunta sa office ni Dad to ask him what Courtney talking about. Pagpasok ko, naroon siya at ang secretary niya.

"Dad." Tawag ko dito. Nilingon naman niya ako with his smiling face.

"What about it Son?" he asked.

"Anong ibig sabihin ni Courtney about that double wedding?" I asked curiously.

"Hahaha, just like what I've thought, alam kong tatanungin ka niya tungkol 'don." Tumayo ito at nilapitan ako and he tap my shoulder. "You're going to marry Andrew's daughter." Sabi nito. Nagtaka naman ako sa sinabi nito at tinapik ang kamay niya sa balikat ko.

"What the hell do you mean Dad? Mr. Andrew hasn't a daughter? Oh Goddammit, is Abrylle a gay?" I asked impatiently. "Wala akong time for your jokes dad."

"Hahahaha, he's too good looking Son to be a gay,"

"So? What do you mean?" and gave him dark stare.

Naging seryoso naman ang mukha nito habang nakatitig sa akin. Magkatitigan kaming dalawa. At hinihintay ko ang sasabihin niya.

"Andrew has a daughter...and Abrylle is an adopted child." Nanglaki ang mata ko sa sinabi nito.

"What?"

"Yes, Son..."


Load failed, please RETRY

Estado de energía semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Piedra de Poder

Desbloqueo caps por lotes

Tabla de contenidos

Opciones de visualización

Fondo

Fuente

Tamaño

Gestión de comentarios de capítulos

Escribe una reseña Estado de lectura: C28
No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
  • Calidad de escritura
  • Estabilidad de las actualizaciones
  • Desarrollo de la Historia
  • Diseño de Personajes
  • Antecedentes del mundo

La puntuación total 0.0

¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
Votar con Piedra de Poder
Rank NO.-- Clasificación PS
Stone -- Piedra de Poder
Denunciar contenido inapropiado
sugerencia de error

Reportar abuso

Comentarios de párrafo

Iniciar sesión