Descargar la aplicación
90% ROYALEIGH ACRES ACADEMY / Chapter 18: RAA : Loving Icicle

Capítulo 18: RAA : Loving Icicle

Panay ang sulyap ni Lheanne sa nakatulalang si Icicle. Kanina pa ito nakatitig sa malayo at sunod-sunod ang pagbubuntunghininga na tila ba kay lalim ng iniisip. Kilala na niya ang kanilang presidente ng Sovereign Mind Royale Club. Kapag ganito ang estado nito ay alam niyang nahihirapan ito sa kung anumang problemang dinadala nito ngayon.

"He's troubled!" Lheanne thought.

Hindi lingid sa kaalaman niya ang mga nangyayari kailan lang dito sa paaralan nila. Hindi lumalampas sa kanyang mga kamay ang mga reports ng mga members ng kanilang club dahil siya ay ang bise presidente o kanang kamay ni Icicle. Hindi din nakalampas sa kanya na ang lalaki ang siyang prospected suspect ng Student Supreme Council sa pagsabog sa chemistry laboratory at sa pagpatay ng kanilang janitor.

Kilala niya si Icicle. Magkaklase na sila noong Junior high pa lamang siya. Ito ang unang naging kaibigan niya sa paaralang ito at naging sandigan niya sa lahat ng bagay. Ito ang dahilan kung bakit buhay pa siya hanggang ngayon. Masama man ito sa paningin ng iba pero sa paningin niya ay ito ang pinakamaymabuting puso sa paaralan nila.

Hindi siya naniniwalang ito nga ang nasa likod ng mga krimeng binibintang dito dahil lang henyo ito sa larangan ng mga kemikals. Napabuntunghininga nalang din siya at nag-iisp kung paano matutulungan ang lalaki sa problema.

"Am I this handsome to be stared so much, Lheanne?"

Napapitlag si Lheanne sa kinauupuan at napakurap. Nakatutok na sa kanya ngayon ang mga mata ni Icicle. Biglang nagrigodon ang kanyang puso. Napaiwas nalang siya ng tingin para pakalmahin ang sarili. Tila ba nag-iinit ang mga pinsgi niya. Huling-huli siya sa akto, hindi niya alam na napapatagal pala ang pagmamasid niya sa lalaki.

"I-i'm not staring. Napasulyap lang din ako sayo at saktong tumingin ka din sa akin."

Palusot niya kahit alam niyang huli-huli siya. Nagbabakasakaling umepekto nga ang paliwanag niya.

"Kailan pa naging sulyap ang mahigit sampung minutong pagtitig?"

Tanong nito na nakangiti sa kanya. Napalunok naman siya nang mapagmasdan ang mukha nito.

"Bakit ba kasi ang gwapo ng mokong na ito?" Tahimik na tanong niya sa sarili.

"Ngayon lang. Bakit ba?" Sagot niya sa tanong nito.

Napasimangot nalang siya at napayuko. Narinig naman niya ang mahinang pagtawa nito. Magpapaliwanag pa sana siya pero tila nablangko na ang kanyang utak at wala na siyang mahagip na depensa para sa sarili. Medyo naawa siya sa sarili. Hulog na hulog na talaga ang puso niya para sa lalaki.

Napatikhim ito kaya upang kunin ulit ang atensyon niya. Napaangat naman ang kanyang mukha at tumingin dito.

"Pupunta pala ako ngayon sa Supreme Student Council Office. Ikaw na muna ang bahala dito sa club. "

Napakunot nalang ang kanyang noo at biglang kinabahan.

"Bakit ikaw ang pinagbibintangan nila? Wala pa naman silang ebidensya laban sa'yo na ikaw nga ang nasa likod ng krimen. This is unfair!"

Natatarantang niyang sabi nang mapagtantong pinapatawag na pala for interrogation ang lalaki.

"Everything in this school is unfair, Lheanne. But relax, okay? Aikee is not that bad. Alam kong bibigyan niya ako ng pagkakataong magpaliwanag."

Napabuntunghininga nalang siya. Alam naman niyang mabuti si Aikee. Ang inaalala lang niya ay ang ibang administrators ng school. Alam niyang mga tamad ito mag-imbestiga at iipitin nito ang kahit na kaninuman para may maipalbas na kriminal.

"May alibi ka na ba? "

"Hmm.. Wala pa. Nag-iisip sana ako ngayon ngayon lang kaso nadistract ako nang mapansing sinsulyapan mo ako ng halos sampung minuto."

Sabi nito sabay ngiti ng nakakaloko. Hindi naman niya napigilan ang sarili at binato ang lalaki ng lapis na hawak-hawak niya. Nakailag naman ito kaya hindi ito tinamaan.

" You jerk! Tinatanong kita ng seryoso but you're just taking it as a joke! Bahala ka sa buhay mo!"

Padabog siyang tumayo at dirediretsong nagmartsa palabas ng clubroom. Naiwan namang nakangiti si Icicle. Napailing nalang siya nang tuluyang makalabas ng clubroom ang babae. He really likes it kapag napipikon na ito. Nagagalit pero hindi naman talaga. And he really adores her when she's blushing.

"She's really cute." Nasambit nalang niya sa inakto ng babae.

Inaayos muna niya mga papel sa table na nakakalat at agaran na pumunta sa SSC room.

--------

Nakapamulsang nakatayo si Icicle sa harap ni Aikee at ni Mrs. Magdalene.

"Why did you do had to ruined the chemistry laboraty, Mr. Scott? And worst, killing an innocent is beyond your limits. "

Malamig na simula ng interrogation ni Mrs. Magdalene. Si Mrs. Magdalene ang Students' Affairs Adviser ng school.

" Where is your evidence to came up with that kind of verdict, Ma'am?"

Matalim ang mga titig na pinukol niya sa kausap. Kahit kailan hindi naging magaan ang loob niya sa babae. Isa ito sa mga school administrators na hindi dapat pagkakatiwalaan.

" Where is your evidence to prove your innocence? "

Balik na tanong nito sa kanya. Napabuntunghininga nalang siya.

"I'll have it soon."

"When is soon, Mr. Scott? We need to convict a murderer and a bomber as soon as possible. You knew this school. You knew the rules. You knew the capabilities of the admins. In one way or another, you will be punished soon without some explaining to do. Everyone knows you are the only capable one who can make such explosives, also your are very much capable of killing someone. Now our office and the council just want to help, but you must tell us Mr. Scott what are your motives? "

Napabuntunghininga nalang si Icicle at napailing.

" It seems like I am already convicted with these crimes you have said. It's just useless to be here. Okay, I'll accept whatever will be the punishment, but if I'll find an evidence to prove my innocence hindi ko mapapalampas ito, Mrs. Magdalene. I'll make sure your office and the council will have its worst nighmares!"

Matigas na pagkakasabi niya sa dalawang kaharap na babae. Napatitig naman sa kanya si Mrs. Magdalene habang napayuko nalang si Aikee.

Humupa ang tensyon sa paligid nang biglang may kumatok. Napatingin nalang silang tatlo sa nakasaradong pintuan. Nalipat ang tingin ni Aikee kay Mrs. Magdalene. Tumango naman ito sa kanya.

"Come in."

Sabi ni Aikee bilang pagbibigay ng pahintulot na pwedeng pumasok ang sinumang kumatok mula sa labas. At unti-unting bumukas ang pintuan. Iniluwa doon ang isang maliit na babaeng hanggang tuhod ang palda at nakapolo shirt na pink.Napakunotnoo si Icicle nang makita ang babae.

"Lheanne, what are you doing here? I told you to wait in the clubroom. "

Alangan na ngumiti kay Icicle si Lheanne at nilipat ang tingin sa dalawang babaeng nasa harap ni Icicle.

" Excuse me Ms. Aikee and Mrs. Magdalene. I am sorry for the intrusion. "

"What brings you here, Ms. Lheanne Sandoval? I believe you have no scheduled appointments today with the council."

Ang maawotridad na tanong ni Aikee sa kakapasok lang na babae.

"I want to confess something. "

"Confess what?"

Hindi maipinta ang mukhang tanong ni Icicle kay Lheanne. Nakataas naman ang kilay ni Mrs. Magdalene habang nakatitig sa babaeng hindi man lang makatingin ng diretso kay Icicle.

"I am the one who planted the bomb in the chemistry laboratory. The janitor saw me and tried to stop me that's why I killed him. "

Nakayuko at tumutulo ang mga luha ng babae habang sinasabi ang rebelasyon na ikinagulat ng tatlong nasa paligid.

"What the hell are you saying, Lheanne?!"

Madiin na sabi ni Icicle nang makalapit sa babae at mahigpit itong hinawakan sa braso. Pinilit nang lalaki na tingan siya sa mga mata ng babaeng napahagulhol na ngayon sa pag-iyak.

"I-i'm s-so s-sorry, Icicle."

Ang tanging nasambit nalang ng babae at biglang niyakap nito ang naguguluhang si Icicle.

"So, it's you who carelessly ruined one of my precious facilities. "

Isang tila mahiwagang boses ang nagpatigil sa kanilang lahat sa loob ng office. Napatayo nalang sa kinauupuan si Aikee at si Mrs. Magdalene. Bakas sa mga mukha nito ang gulat at pagkatakot. Napalingon naman si Icicle at Lheanne sa isang matandang lalaking nasa late 60's, matangkad at bakas sa physical features na may dugong banyaga ito, nakabusiness formal black suit, at hawak-hawak nito sa kabilang kamay ang isang metal na tungkod.

"Mr. President!"

Natatarantang sinalubong ni Mrs. Magdalene ang matandang lalaki at bahagyang yumukod sa haral nito bilang paggalang.

Halos hindi naman makagalaw si Aikee sa kaniyang pwesto at tila nakaglue lang ang mga mata sa matandang lalaki.

It's her first time to meet personnally with the most powerful person in the school. The President, the owner of the school, one of the most influential person in the business world, and the most mysterious and dangerous man in the Mafia world.

Mr. Willis Taylor. The great-great grandson of Mr. William Taylor who was the founder of Royaleigh Acres Academy.

'What is he doing here?' Napatanong nalang si Aikee sa sarili habang nakatitig sa Presidente.


Load failed, please RETRY

Estado de energía semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Piedra de Poder

Desbloqueo caps por lotes

Tabla de contenidos

Opciones de visualización

Fondo

Fuente

Tamaño

Gestión de comentarios de capítulos

Escribe una reseña Estado de lectura: C18
No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
  • Calidad de escritura
  • Estabilidad de las actualizaciones
  • Desarrollo de la Historia
  • Diseño de Personajes
  • Antecedentes del mundo

La puntuación total 0.0

¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
Votar con Piedra de Poder
Rank NO.-- Clasificación PS
Stone -- Piedra de Poder
Denunciar contenido inapropiado
sugerencia de error

Reportar abuso

Comentarios de párrafo

Iniciar sesión