Descargar la aplicación
30% ROYALEIGH ACRES ACADEMY / Chapter 6: RAA : CLEANERS

Capítulo 6: RAA : CLEANERS

Napapahikab nalang ako sa lamig ng hanging dumadampi sa aking balat habang nakatanaw sa buong paligid ng Academy. Nandito ako ngayon sa rooftop kung saan kita ang buong kapaligiran ng paaralan. Ito ang paborito kong spot na tambayan dahil nakakapag-isip ako ng matiwasay.

Kakasimula pa lang ng school year. Sa wakas nakaabot din ako ng Grade 11 na buhay at buong-buo pa ang katawan. Isa akong Corfe-C student ngayong school year. Hindi na muna ako pumasok sa first week dahil alam ko namang wala pang masyadong tinuturo ang mga guro.

Ang sarap talaga huminga sa lugar na ito. Preskong-presko ang hangin at wala pang distorbo. Pero ilang minuto ko pa lamang naeenjoy yung sense of peace na gusto ko sa paligid ay may nararamdaman akong padating. Hindi pa naman siya tuluyang nakarating sa pwesto ko pero alam kung dito ang patutunguhan niya.

Hmmm.... Kung paano ko nalaman? Well, sabihin nalang nating maypagkapsychic ako.

'Sino kaya ang may lakas ng loob na bibisita sa akin dito?'

Nakakaexcite naman. Alam ng lahat na ito ang teriteryo ko and no one dares to come here without my permission. Wala naman akong naalalang may pinapunta ako dito.

Hmmm... Anu pa nga bang magagawa ko. Siguro mas maganda ding masurpresa paminsan-minsan.

Humiga nalang muna ako sa parihabang monoblock bench at pinikit ang mga mata. Mga ilang minuto pa ay alam kong darating na aking hindi inaasahang bisita.

"As expected, you're here."

Isang malamig na boses na tila ba nakalunok ng sandamakmak na yelo ang naririnig ko. Alam kong nakatayo na siya sa aking gilid. Oh, he's fast. Ineexpect ko na mga 5 minutes pa bago siya makarating dito pero in less than that time ay nandito na siya. Napangiti nalang ako. Alam kong hindi siya basta-basta lang.

"Welcome to my place. What can I do for you?"

Nakahiga at nakapikit pa din ako. Ayoko siyang aluking maupo sa tabi ko dahil wala siyang scheduled appointment sakin kaya magtiis siyang tumayo.

"I've heard it's your club who's in-charge on cleaning the mess of the Distressed Days last week."

Sandali? Club ko ba ang in-charge? Well, hindi ko maalala na sa amin pala iniatas ang trabahong iyon. Hindi nga kasi ako pumasok, 'di ba? Pero alam kong may ginawa ang mga club members ko. Hindi ko pa alam kung nagawa ba nila ng maayos ang trabaho kasi hindi pa ako nakatanggap ng updates mula sa kanila.

"Oh that, I'm sure my club members were doing the job."

Nakakabored kausap naman ng taong ito. Napahikab nalang tuloy ako.

"But, you're not."

Matigas ang pananalita nito na tila ba nagpipigil para hindi ako ihagis nito sa ground floor ng building.

"Oh, I was taking a break."

"You should know your responsibilities as their club president. I bet you don't even know na may muntikang madulas sa sahig dahil nakalimutan nilang linisin ang isang parte ng hallway."

"Sinasabi mo nga na muntikan lang. Hindi natuloy. Walang nadisgrasya."

"Paano kung meron?"

Nararamdaman ko na ang sobrang lamig ng paligid dulot ng malamig na simoy ng hangin at ng presensya ng lalaking ito. Alam kong nagtitimpi na siya. Nakakatuwa lang na sa sobrang lamig ng presensya niyang kasinlamig ng Antarctica ay alam kong kasing-init din ng naglalawang apoy sa impyerno ang ugali nito kapag nauubos ang pasensya. Ayoko pang matusta sa apoy kaya napaayos nalang ako ng upo. Pero hindi ibig sabihin nito na takot ako sa kanya.

"Kailan ka lang ba nagkaroon ng interes sa kinalalabasan ng trabaho ng iba? Ang club mo na ba ang bagong monitoring team ng paaralan? "

Alam kong nagdidilim na ang awra niya sa sinabi ko.

Napakunot-noong tanong ko. Nakakagulat kasi ang reaksyon nito. Sa pagkakaalam ko, wala siyang pakialam kung ano ang mangyayari sa kung sinuman. Pero ngayon, he sounded like he cares for the welfare of this society.

"Ngayon lang! Kaya sa susunod ayusin mo ang trabaho mo or else ako ang makakalaban mo."

Alam kong nagdidilim na ang awra niya sa sinabi ko. Kung gaano ito kabilis dumating dito sa teritoryo ko, ganun din ito kabilis umalis tulad ng isang kidlat.

'Mang-iiwan!'

Napailing nalang ako sa inasal nito ngayon. Nananakot pa ang loko. Nakakatawa lang dahil kahit kailan hindi ko naman siya nagiging kakampi.

Dinukot ko nalang ang aking cellular phone na nasa kanang bulsa ng aking pantalon at idinayal ang numerong nasa unahan ng call register. Kakumustahin ko lang ang aking vice president. Ilang minuto ding nagring lang ang kabilang linya bago may sumagot.

"Yes Sixto, what's up?"

"Any updates?"

"Ahm, nothing really. Its just that I would like you to know that it's our club who were in-charge of cleaning up the mess in last week's Distressed Days."

"Yeah, I know."

"Oh, don't worry everything were under control. We've done the job successfully. Welcome back, by the way. We've not heard anything from you from the first week of the school year."

"I've heard there's almost an accident because you guys really didn't do well on a very simple job."

"W-what do you mean by that?"

Nauutal na sagot ng kausap ko. Alam kong hindi na nito napansin pa ang simpleng muntikang aksidenteng nireport sa akin ng president ng Raven Eye Royale Club na si Stefan. Pero gusto ko pa ding kumpirmahin kong napansin nito dahil isang kapabayaan ang nangyari kung totoo mang may nakalimutan ang mga tauhan kong linisin ang isang hallway dulot ng Distressed days.

"RERC president just talked to me a while ago reporting to me about our negligence to clean the mess in the hallway. I've heard na may muntikang madulas."

Narinig kong tumawa ang kausap ko sa kabilang linya.

"What's funny?"

Napatigil naman ito.

"Sixto, it's just a minor incident. Hindi naman nadulas talaga ang babae. At hindi natin kasalanan na tatanga-tanga siya sa paglalakad. The blood was all over the area and it's impossible for someone not to noticed it. Nahuli kasi naming nalinis ang part na iyon dahil inuna namin idispose ang mga mabibigat na objects like the cold body of Mr. Choi."

Napakunot-noo nalang ako. Hindi naman ako nagtaka na isang araw mangyayari ito kay Mr. Choi. Masyado siyang atribida at istrikto sa mga estudyante niya. Nacurious lang ako sa isang tangang babaeng nabanggit.

"Kilala mo ba kung sino yung babae? Is she a member of Stefan's Club or other club?"

"Ahm, she's new. I'm not sure kung may club na siya."

Oh, a newbie. Napangiti nalang ako. That makes sense, hindi pa siya masyadong aware sa paligid. Maybe wala pa siyang masyadong alam.

But I'm getting very much curious why Stefan acted so indifferent today.

"Find out everything about the girl and file an incident report about this. Submit it to me in our clubroom office after the last period this afternoon. Kapag napatunayan ko na may palpak kayong nagawa, alam niyong makakatikim kayo sa akin."

Walang emosyon ang pagkakasabi ko na ikinatakot ng kausap ng nasa kabilang linya. Presidente nila ako, higit sa lahat mga miyembro ko ang mas may alam kung paano ako dumisiplina ng tauhan.

"N-noted on this, Pres."

Pinutol ko na agad ang pag-uusap namin. I need to know why the Ice King of the Raven's Eye seems like caring a newbie. Whews! Kahit kailan talaga hindi ko malaman ang motibo ng lalaking iyon.

'What are you up to this time, Stefan?'

Napapaisip tuloy ako kung anung klaseng bugtonh ang gusto mong paglaruan. Nagising ako sa malalim na pag-iisip ng maramdamang nagvibrate ang cellphone na hawak ko. Napatingin nalang ako sa nagpop-up na pangalan sa screen na siyang pinanggalingan ng mensahe. Galing kay Mrs. Magdalene Ruiz.

I swiped the lock screen and read the message. The message goes like this:

Mrs. Magdalene Ruiz

+639157155897

Aug. 18. 11:13 PM

'Santi Sixto Barrera, please meet me at my office today whenever you have vacant time. I have something good to offer.'

Napakunot ang aking noo. Mga ilang segundo din bago ko sinara ang message. Bumungad sa akin ang aking wallpaper ng aking homescreen. Napatitig nalang ako sa larawan ng pusong umaapoy at sa ibabang bahagi ay nakatatak ang mga letrang bumubuo ng The Flaming Heart Royale Club.

Napabuntunghininga nalang ako. Sa huling sandali ay pinasadahan ko muna ng tingin ang buong paligid ng akademya bago ko naisipang bumaba mula dito sa rooftop.

'I wonder how this school will endure for another relentless school year?'


Load failed, please RETRY

Estado de energía semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Piedra de Poder

Desbloqueo caps por lotes

Tabla de contenidos

Opciones de visualización

Fondo

Fuente

Tamaño

Gestión de comentarios de capítulos

Escribe una reseña Estado de lectura: C6
No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
  • Calidad de escritura
  • Estabilidad de las actualizaciones
  • Desarrollo de la Historia
  • Diseño de Personajes
  • Antecedentes del mundo

La puntuación total 0.0

¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
Votar con Piedra de Poder
Rank NO.-- Clasificación PS
Stone -- Piedra de Poder
Denunciar contenido inapropiado
sugerencia de error

Reportar abuso

Comentarios de párrafo

Iniciar sesión