NAABUTAN ni Nadia na may nakaparadang puting van sa labas ng mansion nila. Kumunot ang noo niya habang hawak ang manibela at inaantay na pagbuksan siya ng gate. Nabasa niya sa gilid ng van ang logo: Love and Hope Rehabilitation Center.
Bakit may mga rehab staff sa bahay nila?
Ilang sandali pa at bumukas na'ng gate at pinasok na niya ang minamanehong pulang Audi A5 Cabriolet. Inabot niya sa driver nilang si Mang Jojo ang susi ng kotse at mabilis na pumasok sa loob. Naabutan niya si Rosanna sa gitna ng malaki at malawak nilang living room. May mga kasama itong staff na nakasuot ng light-blue scrubs.
"What's happening here?" salubong ang mga kilay niyang tanong. Hindi maganda ang kutob niya sa mga bisita nila. Something is not right.
Malamig ang mukha ni Rosanna nang naglakad ito papalapit kay Nadia. Inangat nito ang kamay sa harapan niya at binuka ang palad nito. Napakunot ang noo niya nang makita ang isang maliit na pakete ng plastic na may puting pulbos sa loob. "What's that?"
Tumaas ang isang kilay nito. "Ikaw dapat ang tinatanong ko, Nadia. Why do you have a cocaine in your drawer?"
Malakas siyang suminghap at nanlaki ang mga mata. "What the hell are you talking about? Wala akong alam sa sinasabi mo. Paano ako magkakaroon ng ganyan, eh, hindi naman gumagamit ng cocaine!" Nagsisimula nang uminit ang buong mukha niya. Anung gusto nitong palabasin?
Umismid si Rosanna. "Huwag ka ng magmaang-maangan, Nadia. Ito na'ng pruweba." Mula sa malamig nitong mukha ay mabilis na nagpalit ang reaksyon nito at umaktong naluluha. "Alam kong hindi mo `ko gusto bilang pangalawang asawa ng daddy mo. And I also understand that until now, you're still mourning for the death of your father. But please, you have to stop this addiction. It's not healthy for you at ayokong masira ang buhay mo. You're like a daughter to me. I care for you, Nadia."
Halos malaglag sa sahig ang panga ni Nadia. Gusto niyang sumuka sa harapan ng stepmother niya. Ngayon niya lang nalaman na bukod sa pagiging beauty queen, eh, dati rin pala itong artista. Ano'ng pinagsasabi nito? Gusto niyang magwala sa matinding galit. At pinagbibintangan pa siya nitong adik?! #FeelingBetrayed
Nadia tried her best to calm her raging senses. Humugot siya ng malalim na hangin sa dibdib at sinalubong ang mapashugang mga mata ng kaharap. "Tita Rosanna, I'm not an addict!" mariin niyang sabi. "Hindi ko alam kung paano napunta `yan sa kwarto ko. But I'm telling the truth. Hindi ako gumagamit ng cocaine. Never in my life!"
Umiling si Rosanna at nagbalik anyong yelo uli ang mga mata nito. Sinasabi na nga ba ni Nadia at tatlo ang katauhan ng magaling niyang madrasta sa bilis nitong magpalit ng mukha. Malakas na agad ang kutob ni Nadia na pini-frame up siya nito. #FeelingBetrayedLevelTwo
"I'm sorry my dear, pero hindi ko hahayaan na may adik dito sa pamamahay ko. Damputin niyo na siya!"
Mabilis na lumapit sa kanya ang mga staff. Agad nagpumiglas si Nadia. "Bitawan niyo ako! Ano ba? Hindi sabi ako adik! Don't touch me! Ididemanda ko kayo! Tita Rosanna! Pagbabayaran mo `to! I'm going to sue you!" Dumadagundong sa buong mansion ang malakas niyang sigaw. Hindi siya nagpapaawat at patuloy na lumalaban sa mahigpit na kapit ng mga staff sa braso at mga binti niya.
Umismid lang si Rosanna sa kanya habang nasisiyahan itong nakikita ang kalagayan niya na tila isang mabagsik na asong pinagtutulungang hulihin at ikulong. Lalong kumulo ang dugo ni Nadia. She wanted to jump atop Rosanna and scratch her two-faced face! Hinayaan siya nitong damputin at kaladkarin ng mga staff. Kahit ano'ng pagpupumiglas ni Nadia ay mas marami ang mga ito. Napahiyaw na lang siya nang maramdamang may kirot sa batok niya.
Tinusukan siya ng syringe ng isang staff na babae. Mabilis na nanghina ang mga kalamnan ni Nadia at umikot ang kanyang paningin. Huli niyang nasilayan ang mala-demonyitang ngiti ni Rosanna bago siya tuluyang nilamon ng dilim.
***
TILA PINUPUKPOK ng martilyo ang ulo ni Jace nang magising siya. He had a bad hang-over. Napadami na naman siya ng inom kagabi. Hindi pa natapos sa public restroom ang sex nila ng babaeng naka-one night stand niya. Blondie invited Jace to her condo in Eastwood and to his surprise, the wild cat has two grams of crack hiding on her drawer. Naiwan pa naman niya ang supplies niya kagabi kaya't tuwang-tuwa siya may nakatago si Blondie.
Kakatapos niya lang mag-cr nang makarinig ng sunod-sunod na doorbell. Malakas siyang napaungol at naglakad palabas. Tila tinutusok ng daang-daang karayom ang sintido niya. Sapo-sapo ang noo at nakapikit pa nang binuksan niya ang pinto ng condo unit niya.
Unang bumati kay Jace ang dalawang security guards ng building. Kilala niya ang mga ito. Pero ang ipinagtataka niya ay kung bakit may dalawang pulis na nakatayo sa harapan niya. Kumunot nang husto ang noo ni Jace.
"Mr. Jace Devenecia?" tanong ng isang hepe na puti ang buhok.
Napalunok nang madiin si Jace at tumayo nang tuwid. His chest suddenly beat faster. "Ako nga, bakit?"
May inabot itong papel sa kanya. "We have a search warrant. May nagreport sa `min na gumagamit at bumibili ka ng ipinagbabawal na gamot. This is under the Section 11 and 15 of Republic Act. No. 9165: Possession and Use of Dangerous Drugs."
Mabilis na nalusaw ang antok ni Jace sa mga narinig. Nakatingin lang siya sa papel pero hindi gumagana ang utak niya para intindihin pa ang mga nakasulat doon. Hindi na siya inantay ng dalawang pulis na magsalita at mabilis na pumasok ang mga ito sa loob ng condo unit.
"W-wait lang! Wait, Mr. Officers!" Natatarantang humabol si Jace sa dalawa.
Agad naghalubog ang pulis na kausap niya sa mga drawer at cabinet sa living room habang ang mas nakababatang pulis ang diretsong pumasok sa loob ng kwarto. Pinagpawisan nang malamig si Jace habang dinudumbol ang dibdib niya halos mabingi na siya sa lakas niyon.
Matapos ang ilang sandali ay lumabas ang pulis galing sa kanyang kwarto at dala na nito ang mahigit twenty grams ng ecstacy, cocaine at marijuana. Nagkulay suka ang buong mukha ni Jace.
Ngumisi ito. "May kasama pang paraphernalia, boss. Pasok sa Section 12." Pinakita nito ang pipe at syringe na ginagamit niya. Umikot ang buong mundo ni Jace. Lumapit sa kanya ang hepe na may puting buhok at hinugot ang posas mula sa likuran nito.
"Mr. Jace Devenacia, you have the right to remain silent. Anything you say can be used against you in court. You have the right to talk to a lawyer for advice before we ask you any questions. You have the right..."
Unti-unting nawala ang pangdinig ni Jace at hindi na naintindihan ang mga sumunod na sinabi ng pulis. Nanatili siyang tulala. Wala na siyang nagawa nang posasan siya nito at dinala sa presinto.
Pahingi po ng powerstones! Salamuch!
JOIN OUR FB GROUP: Cupcake Family PH