Descargar la aplicación
13.46% Paint Me Red / Chapter 7: CHAPTER 6

Capítulo 7: CHAPTER 6

"AEGEN...Aegen!" Hannah is frantically calling him.

"Where are you? Tell me!" sigaw niya sa hawak na telepono. Natataranta siya. Sa tono ng babae ay parang nasa peligro ito. Pero paano niya ito matutulungan kung hindi niya alam kung nasaan ito?

"I'm right here." Mula sa likod niya ay narinig ni Aegen ang boses ni Hannah.

He quickly turned around, expecting to see her standing behind him. Pero wala roon ang dalaga. Imbes ay nakanadusay ito sa semento. Her face is one big swollen mess.

"I needed you. You said you'd help me." Narinig niya ang nang-aakusang tono nito kahit pa mukhang wala nang buhay ang nakita niyang pigura. "Instead, you left me."

"Hindi ko sinadya. Hindi ko alam," protesta niya.

"I hate you. I hate you!" The words rang in the air. And then Hannah's broken figure disappeared like a puff of smoke.

"You killed her. You killed our daughter!" Ang nabungaran naman ni Aegen ay ang ama nito, nakatayo sa harap niya, nakaturo ang kamay sa kanya. "Pagbabayaran mo ang ginawa mo sa anak namin."

Sinubukang kontrahin ni Aegen ang sinabi nito pero walang boses na lumabas sa bibig niya. He opened his mouth again and he shouted with all his might.

"I did not!"

"I did not!" Nagulat pa si Aegen nang madiskubreng nakaupo siya sa kama. Sa paggising ng diwa niya ay inatake ulit siya ng lungkot at guilt.

You killed her.

Nagbingi-bingihan na lang si Aegen sa pag-alingawngaw sa pandinig niya ng mga salitang isinumbat sa kanya ng ama ni Hannah. He feels guilty enough as it is. Kahit hindi siya akusahan nito ay nakokonsensiya na siya.

Bumangon na siya saka tumayo sa harap ng salamin.

"You look like crap," sabi niya sa repleksiyon niya sa salamin.

Mahaba na ang tubo ng balbas niya. Ganoon din ang buhok niya. Umaabot na nga iyon sa balikat. It gave him a feral look, like an animal that could strike anytime and for no apparent reason.

Iginala ni Aegen ang tingin sa paligid. Magulo ang kuwarto niya. Nagkalat ang mga basyo ng inumin. Manaka-naka ay kinakailangan niyang lunurin ng alkohol ang mga bumabagabag sa kanya. He was bending down to pick up his phone when it rang. Si Arthur, ang nag-iisang taong nakakaalam kung nasaan siya, ang tumatawag.

"I found her," hayag nito nang sagutin niya ang telepono. "Ise-send ko na rin iyong mga hinihingi mo."

Marahas niyang isinuklay ang mga daliri sa mahaba niyang buhok pagkatapos ng pag-uusap nila. Hati ang kalooban ni Aegen kung matutuwa siya o madidismaya sa natanggap na balita. He had to admit, part of him was hoping the person he was searching for wouldn't be found. Pero may bahagi rin ng pagkatao niya ang gustong matagpuan ito. He was given a task he needed to accomplish even if he feels it is a huge burden on him.

Lumabas na ng kuwarto si Aegen. Diretso siya sa front door. Patuloy ang paglakad niya hanggang makarating sa itaas ng bangin na nakaharap sa karagatan. He looked down into the depths of the water. Dark blue ang kulay niyon, indikasyon na malalim ang bahaging iyon ng karagatan. He spread his arms and then, after a moment's hesitation, he dove head first into the water. Tubig man ang babagsakan niya at malalim iyon ay alam ni Aegen na dahil sa taas ng pinanggalingan niya ay kagaya ng pagbagsak sa matigas na kongkreto ang magiging impact ng pagtama ng ulo niya roon. He could end it right here, right now so he could escape the demons that had been relentlessly pursuing him.

Time seem to stop as he falls headlong to his death. Snatches of scenes from his life played in his mind...

"Habulin mo ako, Aegen." Humahagikgik si Hannah habang mabilis na tumatakbo sa kapatagang nalalatagan ng mayabong ng mga damo't halaman. The hem of her dress is billowing in the mind as she ran. Manaka-naka ay nililingon siya nito, tinitiyak yata na nakasunod pa rin siya rito.

Bata pa sila noon. Teen-agers. And he is deeply in the throes of his first serious crush. Kababata niya ang dalagita, nakakalaro pa nga niya ito noong maliliit pa sila. Panakaw lang ang lahat ng mga sandaling nakakasama niya ito dahil mahigpit ang daddy nito. Sa bayan nila ay ang pamilya nito ang pinakamayaman at sabi ng tita ni Aegen ay ayaw ng ama nito na nakikihalubilo si Hannah sa mga hindi kagaya ng mga ito ang estado sa buhay. Mga taong kagaya nila. Maagang naulila si Aegen. Ang tiyahin niya, si Tita Betty, ang nag-alaga sa kanya mula nang mamatay ang mga magulang niya sa isang aksidente.

Mahilig tumakas sa yaya nito si Hannah noong maliit pa ito. Minsan ay naabutan ito ni Aegen na naglalaro sa tabing ilog. Mabuti na lang at nandoon siya dahil nadulas ito sa palusong na pampang. Nahawakan niya ito sa braso kaya hindi ito nagtuloy-tuloy sa tubig. Naging magkalaro na sila mula noon.

Magkaiba ang pinapasukan nilang eskuwelahan. Nasa public school si Aegen at sa exclusive school for girls naman nag-aaral si Hannah. Pero kapag may pagkakataon ay lagi silang nagkikita.

He cherishes those moments. At ngayon, kahit puwedeng-puwede niyang abutan ang dalagita kung tutuusin, ay kunwaring hindi niya ito mahabol-habol. Gusto kasi niyang panoorin muna ito. She looks so graceful as she ran. Epekto siguro iyon ng ballet classes na bata pa ito ay pinapasukan na nito.

Sa paningin ni Aegen ay ito na an pinakamaganda sa lahat ng mga babaeng nakasalamuha niya. Kaya nga kahit pinagbabawalan siya ni Tita Betty na makipaglaro rito ay hindi niya magawang sumunod.

Ilang hakbang lang ang layo niya kay Hannah. Sinasadya niya na maglagay ng ganoong distansiya sa pagitan nila. Na-distract siya sa pag-imagine kung ano ang pakiramdam kung mayayakap niya ito kaya huli na nang madiskubre niya na huminto bigla sa pagtakbo si Hannah saka humarap sa kanya.

He was not able to stop on time. He barreled right into her.

Your votes and comments are much appreciated. Salamat po!


Load failed, please RETRY

Estado de energía semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Piedra de Poder

Desbloqueo caps por lotes

Tabla de contenidos

Opciones de visualización

Fondo

Fuente

Tamaño

Gestión de comentarios de capítulos

Escribe una reseña Estado de lectura: C7
No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
  • Calidad de escritura
  • Estabilidad de las actualizaciones
  • Desarrollo de la Historia
  • Diseño de Personajes
  • Antecedentes del mundo

La puntuación total 0.0

¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
Votar con Piedra de Poder
Rank NO.-- Clasificación PS
Stone -- Piedra de Poder
Denunciar contenido inapropiado
sugerencia de error

Reportar abuso

Comentarios de párrafo

Iniciar sesión