Descargar la aplicación

Capítulo 5: Chapter 3

ILANG LINGGO na rin ang nakalilipas simula ng nagpunta sila ni Hector sa mansyon ng mga magulang nito. Napakabilis talaga ng oras dahil hindi nya namalayan na mag-mo-'Moving Up' ceremony na pala sa school na pinapasukan ng alaga ni Candy na si Victor.

Nakangiti sya habang pinagmamasdan ang alaga sa suot nitong mini-business suit. Hindi na rin nya mabilang kung naka-ilang take na sya ng pictures ni Victor. Para syang proud mommy dahil sa cute na cute at matalinong alaga nya.

"Boss, picture-ran mo kami." Inabot nya ang cellphone nya sa boss nya na ngayon ay nakangiti rin habang tinitingnan ang anak. Kaagad nyang hinimas-himas ang likod nito dahil alam nyang naiiyak na ito.

"Nakakaiyak. I know." Ngumiti sya at tinapik tapik ang braso ng boss nya. "Kaya Boss Hector, paki-kuhanan kami ng picture. Kailangan may remembrance ako dito."

Tumingin ito sa kanya at kinuha ang phone nya at sinenyasan syang tumabi kay Victor.

Tumabi sya sa bata at nag-pose, nag 'dab' pose, wacky pose, finger-heart pose, at peace pose. Lahat na ng klase ng pose ay  nagawa na nya kaya naman tumigil na sya sa pag-pose at nilapitan ang boss nya para kunin ang phone nya.

"You look so cute in those pictures."

Pakiramdam nya ay humaba ang buhok nya sa sinabi ng boss nya. Nag-imaginary hair flip sya at nginitian ito. "Thank you Boss."

Nawala ang ngiti nito. "Ayan ka na naman. Bumabalik na naman ang habit mo. Akala ko ba nawala na yan?"

"Ay sorry. Hector pala." She winked at him.

-

"AY SORRY, Hector pala." Candy winked at him, making his heart thump in it's fast rate.

Damn! Why am i like this?? She just winked at me! She does that all the time for pete's sake!

He tried to act cool. Pero deep inside ay parang gusto ng tumalon ng puso nya mula sa ribcage nya. Hindi nya maintindihan ang sarili. Ngayon lang sya nagkaganito. Well, simula nang tawagin sya ng dalaga sa totoong pangalan nya.

"Sir namumula ka. Okay ka lang ba?" Candy immidiately landed her palm on his forehead, trying to feel his temperature.

"Oo nga medyo mainit ka. Pero normal lang naman yata temperature mo." Anang Dalaga sa kanya at sinapo naman ang leeg nya.

F*ck!

A familiar heat flowed in his veins like a liquid fire. In a blink, he held her hand and gently pushed it away from him.

This is what he was trying to avoid. His lust... his lust for her.

Ilang taon nyang pinipigilan iyon sa sistema nya. God knows how much self-control he's having just to stop himself from desiring her. Kaya hanggat maaari ay ayaw nyang hinahawakan sya ni Candy. Heaven knows that he wouldn't be able to tame the beast underneath his pants when she attempted to get closer to him. She's temptation in the making. At sya ay handang kabigin ang tuksong iyon.

Mierda! Mierda!

"Bakit? May problema ba?" Nagtaka ang dalaga sa ginawa nyang paglayo ng kamay nito sa leeg nya.

"Yeah. Im good. Actually...." he cleared his throat. "..better." He smiled, hiding the desire evident in his eyes. "Bihisan mo na si Victor, susuotin pa nya ang mini-tuxedo na yan bukas."

Tumango-tango na lang si Candy sa kanya bilang pagtugon. Nang makaakyat na ang dalaga kasama ang anak nya ay mariin syang pumikit at pinahupa ang kakaibang init na naramdaman nya. But his body won't listen. No, scratch that. His libido won't listen! He is now having a massive boner.

Ano pa bang bago? Parang hindi ka na nasanay. Anang isip nya. For almost 8 years, he tried to stop himself from desiring the most efficient employee he has ever had. Kaya naman nasanay na sya sa mga ganoong sitwasyon kung minsan.

His mother was wrong. He's not in love. Not even close. He's in lust with her in the truest sense of the word.

NAGTUNGO SI Candy sa taniman ng palay na pag-aari ng Boss nya para kamustahin ang mga trabahador. May maaasahan silang tauhan doon na nagma-manage at nagsasabi sa kanya ng mga kakailanganin ng mga trabahador at ng buong palayan doon.

"Mang Ramon kamusta naman kayo dito? Wala bang problema sa ani?" Tanong nya sa matandang katiwala habang pinagmamasdan ang mga trabahador na nag ng mga palay.

"Wala naman po, Mam Candy. Pakisabi po kay Bossing na sa susunod na linggo ay pwede ng ibenta sa merkado ang mga palay."

Tumango sya. "Good. Good."

Iginiya sya ng matandang katiwala sa isang kubo kung saan nagpapahinga ang mga trabahador nila. Nang makapasok na sila ay kaagad na inabot sa kanya ng matanda ang isang folder na naglalaman ng inbentaryo at mga resibo.

"Thank you po, Mang Ramon." Nginitian nya ang matanda bago umalis. Mabilis pa sa alas kwatro na nag drive sya papunta sa opisina ng Boss nya. Kailangan nyang matapos ang trabaho nya sa araw na iyon dahil kailangan nyang makipagkita sa boss nya. Iyong araw kasi na yon ang interview para sa magiging katuwang nya sa pag-aasikaso ng taniman at iba pa.

Nang makapasok sya sa opisina ay kaagad na bumungad sa kanya ang sampung aplikante na nakaupo sa mga monoblock chair sa bandang gilid. Mukhang na-late na sya ng dating.

Inumpisahan nilang dalawa ng boss nya na mag-interview. Mukha namang walang partisipasyon ang boss nya dahil siya ang halos tinatanong nito kung sa tingin ba nya ay pwedeng pagkatiwalaan ang bawat aplikanteng ini-interview nila.

"Boss ikaw ba? Ano sa tingin mo?" Bulong nya sa boss nya sa tainga nito.

"Kapag okay sayo, okay din sakin. Ikaw na ang bahala." Prente lang itong nakaupo sa swivel chair sa tabi nya.

Napasimangot sya. Inaatake na naman ng katamaran ang Boss nya.

Nang matapos ang interview ay kaagad syang tumayo at binuksan ang aircon. Nasanay kasi silang dalawa ng boss nya na hindi nag-e-aircon at kontento na sa electric fan pero kapag mainit ang panahon ay doon lang nila binubuksan ang aircon. Isa lang iyon sa mga napagkakasunduan nila ng boss nya. Hindi sila masyadong mahilig sa malamig na klima o panahon.

Kaagad nyang tinanggal ang puting blazer na suot nya para kahit paano ay hindi sya masyadong mainitan. She's wearing a pink spaghetti-strapped blouse kaya naman naging presko kaagad ang pakiramdam nya pagkatanggal nya ng blazer.

"Oh! Ang init!!" Pinaypayan nya ang sarili gamit ang kamay at saka bumalik sa pagkakaupo sa upuan nya kanina.

"Wear your blazer, Candy." Anang Boss nya sa tabi nya.

"Huwag kang epal, Boss. Mainit eh. Mamaya na lang kapag medyo lumamig na ang paligid." Pagod syang sumandal sa swivel chair nya. "Summer na kasi eh. Ang init. Ang sarap tuloy magbabad sa ilalim ng lumalagaslas na tubig ng shower. Hay!" She said in a dreamy tone. Pumikit sya at in-imagine ang maligo sa shower.

"Yeah. While making love." Tugon ng boss nya.

"Ha?" Bigla syang napadilat sa sinabi nito at binalingan ito. Seryoso itong nakatingin sa kanya. Napalunok sya nang maglandas ang tingin nito sa leeg nya pabalik sa mata nya. Kung tumingin ito sa kanya ay para bang gusto nitong suriin ang kabuuan nya.

"Nothing. Forget about what i said." Anito at nag-iwas ng tingin at bumalik na sa pagbabasa ng mga files ng mga aplikante.

Nagkibit balikat na lang sya at muling ipinikit ang mga mata. Siguro mali lang ang iniisip nya kanina.

Umidlip sya ng konti at bumalik na ulit sa pagtatrabaho. Nang magising sya ay wala na ang binata sa tabi nya at bumalik na ito sa harap ng desk nito.

Hindi na nya namalayan ang oras dahil sa sobrang pagkalunod sa mga resibong kino-compute nya. One thing that she loves about her job is it's a very indulging time consumer. Hindi na nya namamalayan ang oras.

"Kumain ka na ba?" Biglang tanong ng Boss nya sa kanya at umupo sa swivel chair na nasa tabi nya.

"Ni hindi nga po ako umalis diba? Ibig sabihin po nun hindi pa ako lumalabas para kumain. No worries, Sir. May baon akong skyflakes na panghuhugutan ng lakas." Kinindatan nya ito at muling itinuon ang pansin sa ginagawa.

"Candy?"

"Po?

"May lalake na bang nagsabi sayo na maganda ka?"

Natigilan sya. Bakit ito biglang nagtatanong ng ganong bagay?

"Oo naman Boss. Si Sir Charles po, lagi nya akong sinasabihan ng maganda daw po ako. Si Sir Barry din po. Si Sir Conrad. Ikaw na lang po yata sa pamilya nyo yung hindi nagsasabi sakin ng maganda ako eh." Binalingan nya ito at nginitian kapagkuwa'y ibinalik nya ulit ang atensyon sa monitor ng desktop nya.

"Well then, You're beautiful."

Pakiramdam nya ay na-estatwa sya sa kinauupuan. Suddenly, her heartbeat intensified. She was caught off-guard by him.

"Ahmmm...." She cleared her throat. "T-thank you po Bossing." Naiilang nyang tugon.

"There you go again. Hindi ba sinabi ko na sayo na Hector na ang itawag mo sakin?"

Hinarap nya ito. Nagulat sya nang makitang halos magkalapit na ang mukha nilang dalawa at gahibla na lang ang layo ng labi nya at labi nito.

Her system went nuts. Suddenly, an unfamiliar electric-like current ripped through each and every fiber of her being. Eversince na aksidente syang nahalikan ng boss nya sa leeg ay binubulabog na sya ng mga kakaibang sensasyon sa ngayon lang nya naramdaman.

She can smell his minty breath, and she likes it. She likes his smell. A part of her mind wanted to push him away but a big part says NO. Nanatili syang nakatitig sa kulay abo'ng mata ng binata at tila nagkakasundo silang dalawa sa kakaibang sensasyon na nadarama. They were like magnet with two opposite poles and as the time goes by, an unknown force between them seems to pull their faces close to each other. Before she knew it, his lips landed on hers. Making her close her eyes and feel the warmth and softness of his lips.

Mali itong ginagawa nila. Bakit sya pumayag na halikan nito? Bakit sya nagpapahalik? Bakit ni hindi nagbibigay ng suhestiyon ang utak nya na pigilan ang binata na halikan sya. She likes the feeling of the kiss inside her system.

Naramdaman nyang hinila sya ng boss nya patayo at ipinaupo sa kandungan nito.  Her body responded like it has a mind of its own! Mas lalong lumalim ang paghalik nito sa kanya nang makaupo sya sa kandungan nito. Pakiramdam nya ay hindi na nya kayang umupo ng tuwid dahil sa ginagawa nila kaya ikinawit nya ang kamay sa batok ni Hector at tumugon sa bawat halik nito. He's kissing her hungrily... na para bang matagal na nitong gustong gawin iyon sa kanya.

Tuluyan na syang nalunod sa mga sensasyong lumukob sa pagkatao nya. Nagpaubaya sya at tumugon ng buong puso.

When their lips parted, he looked at her in the eye... trying to read her emotions. They were both catching their breaths as they look at each other's eyes. Nang matauhan sya ay kaagad syang tumayo at lumayo ng kaunti sa Boss nya. Naramdaman nyang nag-init ang mukha nya sa sobrang hiya.

Bakit ko tinugon yung halik ni Boss!??

Naguguluhan sya. Unti-unti ng nilalamon ng hiya ang buong pagkatao nya. Nakakahiya ang ginawa niya! Bakit sila naghalikan?! Sa loob ng halos walong taon ay ngayon lang sila naghalikan ng ganoon katagal.

Inaamin nyang minsan na silang nag-kiss ng boss nya. Pero sa pisngi lang iyon at hindi sa mga labi!! At sya ang humahalik sa pisngi ng boss nya sa tuwing nagreregalo ito sa kanya sa birthday nya o christmas o new year! Kaya naguguluhan sya ngayon kung bakit nagawa nyang halikan ang Boss nya sa labi.

"Sorry po." Napayuko sya. "Hindi ko po sinasadya. H-H-hindi po dapat tayo naghalikan... p-para lang po yun sa mag-boyfriends." She cleared her throat. "K-kalimutan na lang natin to, Boss."

Tumango ito sa kanya bilang pagtugon. "Y-You're right. What we did was wrong." Saglit itong tumigil sa pagsasalita at tumikhim. "Pasensya ka na, Candy. I don't know what has gotten into me for kissing you like that. Magpatuloy na tayo sa pagta-trabaho. Pagkatapos ay pwede ka ng umuwi." Saglit itong tumingin sa kawalan at ipinikit ang mata. "Mierda!"

Kapag nagmumura ang Boss nya ay alam nyang nafu-frustrate ito. Kaya madali nya itong nilapitan at tinapik sa braso. Ayaw nyang ipahalata na big deal sa kanya ang halik na iyon.

"Okay lang yun Boss. Basta huwag ng mauulit. Umakto na lang tayo na parang walang nangyari." She smiled, hiding the shame evident in the depths of her eyes. Hindi lang naman kasi ang Boss nya ang may kasalanan. Kasalanan nya rin kung bakit sya tumugon.

"Im sorry Candy. Hindi na mauulit. Pangako." Marahan sya nitong tinapik sa balikat bago lumabas ng opisina.

Nakahinga sya ng maluwag. Pakiramdam nya ay gustong lumundag ng puso nya palabas ng ribcage nya dahil sa sobrang kahihiyan at kaba. Hindi nya masisiguradong makakalimutan nya kaagad ang halik na iyon. Lalo pa't pakiramdam nya ay nagising ang mga kakaibang sensasyon na nagpakilala sa kanya kanina. Sigurado syang hahanap-hanapin iyon at pipiliting makilala ulit ng sistema nya.

Santisima!

GUSTONG sapakin ni Hector ang sarili. He can't control his desire to kiss Candy earlier. Nang maamoy nya ang mabangong amoy ng dalaga ay kaagad syang nadarang at nagpadala sa tukso. All he wanted earlier was to smell her. Para naman kahit paano ay humupa ang pagnanasang nararamdaman nya. Ang akala nya ay makakatulong iyon, hindi pala. Dahil kung hindi pa sya natauhan kanina ay baka kung ano na ang nagawa nya sa dalaga sa opisina nya! Lalo na't alam nyang gusto ni Candy ang ginawa nya kanina. She returned his kisses with equal ferocity and ardor, allowing his desire for her to wake up his senses even more.

Nagpalamig muna sya sa labas ng opisina at hinayaang kalmahin ang init na lumukob sa buong pagkatao nya. Mabuti at nakapag-isip pa sya ng matino kanina sa kabila ng pagka-lango sa mga sensasyong matagal na nyang iniiwasan na maramdaman para kay Candy. She's really temptation in the making, and she never fails to attract sinners specially him.

What have i done??!

No! Kailangan nyang pigilin ang mga nararamdaman nya. He can't afford to lose the most efficient employee he has ever had. Natatakot syang bigla itong mag-quit dahil sa ginawa nya. Kailangan nyang kontrolin ang sarili bago pa maapektuhan ang matagal at matatag na samahan nila ni Candy. She's special to him and to his family, lalo na para sa anak nya kaya dapat pigilan nya ang mga bagay na alam nyang makakasira ng halos walong taon nilang samahan, isa na doon ang pagnanasa nyang maangkin ang dalaga.

"OKAY KA LANG ba?" Tanong sa kanya ni Peter habang kumakain sila ng hapunan. Dahil nga maaga syang umuwi ay sa bahay na nya sya naghapunan. At dahil palaging naka-tambay sa bahay nya ang binata ay dito na rin ito naghahapunan kung minsan. Talagang feel at home ang peg nito sa bahay nya habang nanonood ng anime.

"Ang tanda mo na nanonood ka pa rin ng anime. Ibang klase." Komento nya habang pinagmamasdang ang binata na nanonood ng anime sa laptop nya habang kumakain.

"Palibhasa kasi trabaho ang hobby mo kaya hindi ka nakaka-relate sakin. Try mo kayang manuod? Siguradong magugustuhan mo, Dulce." Nag-angat ito ng tingin sa kanya. "Nga pala, isinet-up ko na yung blind date mo sa kaibigan ko. Huwag kang aatras ha?"

"Pfffttt... ako? Aatras? Blind date lang yun. At saka isa pa, kapag nagkatuluyan kami ng lalakeng isinet-up mo sakin, may gift kang laptop mula sakin. Promise yan." Kinindatan nya ito at ipinagpatuloy ang pagkain. Nag-request kasi sya kay Peter na hanapan sya ng pwedeng maka-blind date. Na-realize nya kasi nitong mga nakaraang linggo na walang mangyayari kung hindi nya susubukang makipag-socialize sa mga tao sa paligid nya. Hindi pwedeng maghintay na lang sya na kumatok ang Love sa pintuan nya. Kailangan nya ring kumilos at kumembot kahit konti. Isa iyon sa mga natutunan nya mula sa Boss nya. Walang mangyayari kung hindi ka kikilos.

"Kapag hindi nakapasa sa taste mo yung magiging blind date mo bukas, may ise-setup ulit ako na isang hunk sayo. Sisiguraduhin kong hindi masasayang ang magandang genes mo, friend."

Napairap sya at pumunit ng tissue sa isang malaking rolyo sa tabi nya at nilamukos iyon para ibato kay Peter. "Matigil ka. Hindi ko pa sigurado kung gwapo nga ba talaga yung mga ire-recommend mo." Yup. She's idealistic. Gusto nya ng gwapo. Hindi naman yung tipong pang-artistahin yung dating. Gusto nya lang makasigurado na cute ang magiging anak nya kapag nagbalak na syang mag-asawa at magkapamilya. Hindi nya kailangan ng lalakeng mayaman o ma-pera. Basta magkakasundo lang sila ng lalakeng iyon sa maraming bagay ay okay na sa kanya.

Katulad ni Boss Hector? Biglang sigaw ng isip nya. Napailing-iling na lang sya para iwaksi ang laman ng isipan. Bakit nya ba biglang naiisip ang Boss nya?

Bigla syang pinamulahan ng mukha nang maalala ang halik na pinagsaluhan nila kanina ni Hector. Her mind reminisced every single sensation she felt earlier when their lips met, making her heart beat in its fastest rate again. Mariin nyang ipinikit ang mga mata at huminga sya ng malalim para ikalma ang sarili. Dapat na nyang makalimutan iyon. Nangako syang kakalimutan na ang halik na iyon!

"Anong nangyari sayo? Bakit bigla kang naging balisa dyan?" Tanong ni Peter sa kanya habang hindi inaalis ang tingin sa laptop.

"Wala. May naalala lang ako."

Nagpatuloy sila sa pagkain. Napapitlag sila nang may marinig silang katok mula sa main door ng bahay nya. Nagmadali syang uminom ng tubig at pinuntahan ang pinto para buksan iyon. Napasinghap sya nang makita ang seryosong mukha ng boss nya.

"Boss? Anong ginagawa mo dito?" Nanlaki ang mga mata nya. Ni minsan ay hindi pa pumunta sa bahay nya ang boss nya lalo na kapag gabi! Nagpupunta lang ito sa bahay nya sa umaga kapag sinusundo sya o may kinukuha sa kanya na mga files kapag day-off nya pero hindi ito nagpupunta sa bahay nya kapag gabi. She looked at him in confusion.

"Nakalimutan mo to." Ibinigay nito sa kanya ang Blazer nya. Oo nga pala. Sinabit nya pala ito sa upuan nya kanina at dahil maaga syang umuwi ay nakalimutan na nya itong kunin.

"Oh.. thank you po." Mabilis nyang kinuha ang blazer nya mula dito. "May kailangan ka pa Boss?"

"Nothing." Tumikhim ito. "About earlier. Im really sorry. I tried to avoid it, you know? Sometimes, my body has a mind of it's own and it overpowers my mind. Sana ay hindi ka na-iilang sa akin pagkatapos non. I wanted us to..." Tumikhim ulit ito. "...to act normal and casual again. Just like before."

Tumango sya. "Oo naman Boss. Wala pa ring magbabago. Boss pa rin kita, empleyado mo pa rin ako. Pangako yan."

She saw a hint of disappointment flashed in his eyes. Hindi nya iyon nasuring mabuti dahil nawala kaagad iyon noong kumurap ito.

"Dulce!! Ang tagal mo! Sino ba yan!??" Tawag sa kanya ni Peter mula sa loob ng bahay nya at dinig na dinig sa labas. Kaagad na napakunot-noo ang boss nya nang marinig ang boses na iyon.

"May kasama kang lalake sa bahay mo? At dis-oras pa ng gabi?" Bahagyang nagdilim ang mukha nito sa kanya.

Bigla syang nilukob ng takot. Unang beses iyon na nagdilim ang mukha ng boss nya sa harap nya mismo. Alam nyang galit ito.

"Boss, kaibigan ko po sya. Lagi po talaga syang naka-tambay dito sa bahay. Nakiki-share po kasi sya ng internet conmection ko."

Nag-igting ang bagang nito. "Nanliligaw ba yan sayo?"

Natawa sya. "Ikaw talaga Boss. Syempre po hindi. Kung manliligaw ko yan, hindi ko yan papapasukin jan sa bahay."

"Let me in." Kaagad itong pumasok sa bahay nya at nagtungo sa dining table. Kaagad nya itong sinundan at naabutan nya itong nakatayo sa gilid ni Peter at galit ang mga matang tinitigan ang kaibigan nya. Mukhang nagtataka si Peter sa biglaang pagsulpot ng Boss nya sa bahay nya kaya nagtatakang napatingin si Peter sa kanya. Nagkibit-balikat lang sya at muling binalingan ng tingin ang boss nya.

"Uhm... Mauna na ako, Dulce. Tapos na akong kumain eh." Tumayo si Peter at yumuko para iwasan ang masamang tingin dito ng boss nya. Hector's eyes were shooting daggers at Peter when her friend stormed out of her house. A moment of silence filled the whole house. Nanatili lang syang walang imik at hinintay na magsalita ang Boss nya.

"Bossing------"

"Hindi ka ba nag-iisip, Candy? Nagpapapasok ka ng lalake dito ng dis-oras ng gabi?! Paano kung pagsamantalahan ka non? Kilala mo ba yon ng lubusan para ipagkatiwala mo na lang ang kaligtasan mo basta-basta?!" Galit na sigaw nito sa kanya.

Napapitlag sya. Unang beses rin iyon na sinigawan sya ng Boss nya. Bakas ang galit sa hitsura't pananalita nito ngayon. Hindi nya lubos maintindihan kung bakit ito galit sa kanya.

"Wala naman pong masamang ginagawa si Peter. Kaibigan ko ho siya. Anak po siya ni Tita Paula kaya parang kapatid-----"

"Kahit na!" He interjected. "He's a guy, Candy! Lalake ako kaya alam ko ang liko ng bituka ng mga kapwa ko lalake. Pwede ka nyang pagsamantalahan dito sa loob ng bahay mo!"

Bigla syang nagalit sa sinabi nito. "Tumigil ka na nga! Ano bang problema mo?! Kung nagagalit ka kasi sa tingin mo ay mapapahamak ako, huwag ka ng mag-alala! Kaya ko ang sarili ko! At isa pa, kaibigan ko si Peter kaya hindi nya magagawa sakin yon!"

Inilang hakbang sya ng Boss nya. Sa isang kisap mata ay nakasandal na sya sa pader at hawak-hawak na nito ang dalawang kamay nya at idinikit iyon sa magkabilang gilid nya, dahilan kung bakit hindi sya makakilos at ang tanging kaya nyang gawin ay ang tingnan ang boss nya.

"Sa tingin mo ba hindi ka kayang pagsamantalahan ng mga taong malapit sayo? Is that what you think, Candy? I am your Boss and i can also take advantage of you in the most dirty way possible. I can instantly pin you down to bed and make love with you right here, right now. Kaya huwag mong sasabihin na hindi ka pagsasamantalahan ng mga taong kilala mo na ng lubos dahil nagbabago ang tao, Candy. People change. Tandaan mo yan."

She felt an unfamiliar heat spread like a liquid fire in her system. Kasabay non ang malakas na pagpintig ng puso nya. Napakalapit nya sa Boss nya ng mga oras na iyon at walang pumasok sa isip nya kundi ang titigan ang mga labi nito. She gulped the lump formed in her throat. Pakiramdam nya ay biglang uminit ang lugar kung nasaan silang dalawa at naging sensitibo ang mga pandama nya dahil lang sa simpleng pagkakalapit ng mga katawan nila.

What the hell is happening?

She met his gaze. She almost gasped when she saw desire in their depths. Anong ibig sabihin non?

Bigla syang natauhan. Kaagad nyang itinulak palayo ang Boss nya. "Boss, umuwi ka na. Pagod ka lang kaya ka nagkakaganyan." Nag-iwas sya ng tingin. Ayaw nyang tanggapin ang katotohanang nakita nya kanina ang pagnanasa sa mga mata nito. Nagkakamali lang sya! Dapat paniwalain nya ang sarili nya na nagkamali lang sya ng tingin kanina! Her boss is not interested in her. Not even close! Dahil kung totoo nga ay dapat dati pa nya iyon nakita! She worked for him for almost 8 years! 8 YEARS!! At ni minsan ay hindi pa nya nakita iyon sa mga mata ng boss nya.

Napailing sya. Hindi nya nga ba nakita o nagbubulag-bulagan lang sya? Natatandaan nyang nakita na nya ang ganoong tingin ng Boss nya sa kanya dati pa pero pinipili nyang huwag na lang iyon pagtuonan ng pansin. Patay malisya sya sa mga kakaibang ekspresyon na ipinapakita minsan ng mga kulay abo na mata ng binata.

"Nakita mo na hindi ba?" Biglang tanong nito sa kanya sa kaswal at kalmadong tinig.

"H-ha?"

Nagtiim-bagang ito. "I knew it. Alam kong may nakita kang kakaiba sa mata ko. You might not be the smartest, Candy, but i know that you are smart when it comes to reading people's emotions just by staring in their eyes. Nag-aral ka ng Psychology bago ka mag-shift sa kursong accountancy kaya alam kong kaya mong basahin ang tinatago ng mga mata ko."

Napalunok sya. Wala talaga syang maitatago sa Boss nya.

Marunong nga syang magbasa ng emosyon ng mga tao base lang sa ekspresyon ng mukha at mata ng mga ito or body movements. Dati syang kumuha ng kursong psychology kaya napag-aralan nya ang bagay na iyon.

"Ngayon alam mo na, lalayo ka ba? Iiwasan mo ba ako?"

Saglit syang natigilan sa tanong nito. Nang makapag-isip ay tinagpo nya ito ng tingin. "Bakit ako iiwas, Boss?"

"Dahil..." he subtly licked his lower lip before pressing his lips. "...pinagnanasaan kita."

Mas lalong naghuramentado ang sistema nya sa sinabi nito pero hindu nya iyon ipinahalata. Umiling sya bilang pagtugon. "Hindi ako ganon kababaw, Boss. Alam ko namang pinipigilan mo eh. Maraming pagkakataon na pwede mong pagsamantalahan ang kahinaan ko pero hindi mo ginawa. Alam kong hindi mo kagustuhan yan. Kaya huwag kang ma-guilty, Boss."

His expression softened. "Kaya gusto kita bilang empleyado, alam mo ba 'yon? Kasi kilalang-kilala mo na ako. Hindi ko na kailangang i-explain ang nararamdaman o iniisip ko kasi isang tingin mo pa lang ay alam mo na. You understand me when most people don't. Alam mo kaagad kung paano ako iha-handle kapag galit, naiinis, natutuwa, malungkot, o confused ako. Kaya naman gagawin ko ang lahat para hindi ka bigyan ng rason para umalis."

Parang may mainit na palad na humaplos sa puso nya. Lumamlam ang mata nya dahil sa touching na sinabi ng Boss nya.

"Pero kapag nakita kitang nagpapasok ng lalake dito sa bahay mo ay baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko. You know me, Candy. Kapag sinabi ko, gusto kong nasusunod. Kaya huwag na huwag kang magpapapasok ng lalake sa bahay mo. Huwag mo akong suwayin kung ayaw mong mag-away tayo."

Marahan syang tumango. "Sige po boss----"

"Ayan ka na naman sa habit mong iyan. I told you to call me Hector. Tsss... pasaway."

Nagngiting-aso na lang sya. "Endearment ko po yan sayo. Boss. Ikaw lang po ang nag-iisang 'Boss' ng buhay ko." Biro nya dito at kinindatan ang binata. Nagulat sya nang bigla itong pinamulahan ng pisngi.

Wait...what?

Sinuri nyang mabuti ang pisngi ni Hector. Natawa sya nang makitang nagbu-blush nga ito.

"Uy!! Si Boss. Kinikilig!" Sinundot-sundot nya ang tagiliran ng Boss nya. Nag-iwas lang ito ng tingin sa kanya at panay ang iwas ng bewang nito mula sa pagsundot-sundot nya.

Hindi sya makapaniwalang may mga lalake pa palang kinikilig kapag tinutukso.

"Boss..." Malambing nyang tawag dito. "Kinikilig ka pa rin ba? Gusto mo bang tatawagin kitang Boss? Sige na pumayag ka na Boss." Nagpa-cute sya dito. Natawa sya ulit dahil mas lalo itong pinamulahan ng mukha.

"Ang cute naman ng Boss ko. Kinikilig eh----"

"Stop okay? Hindi ka na nakakatawa." Nag-walk out ito sa maindoor nya at iniwan syang halos mamatay sa kakatawa.

"Bye Boss! Ingat ka! Mwah!" Pahabol na biro nya dito sabay flying kiss. Mas lalo pa syang natawa nang marinig ang malakas na pagmumura nito nang makalabas ng gate nya.

Who would've thought that her boss can act like a highschooler? Para itong first time na nagcu-crush sa isang babae.

Crush? Napailing sya. Walang crush sa kanya ang boss nya dahil according dito ay attracted lang ito sa kanya sexually.

Bigla nyang naalala ang naging pag-uusap nila ng Boss nya kanina. Hindi nya akalaing ganoong ang nararamdaman ng boss nya sa kanya. Pero mas nagtataka sya kung bakit hindi man lang sya nailang nang sabihin iyon ni Hector sa kanya. Parang nagustuhan pa ng isip nya na narinig mula sa binata ang ganoong bagay.

Napailing-iling sya at iwinaksi ang laman ng isipan. As long as walang magiging pagbabago sa pakikitungo nito sa kanya ay okay lang. She won't give a damn.


Load failed, please RETRY

Estado de energía semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Piedra de Poder

Desbloqueo caps por lotes

Tabla de contenidos

Opciones de visualización

Fondo

Fuente

Tamaño

Gestión de comentarios de capítulos

Escribe una reseña Estado de lectura: C5
No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
  • Calidad de escritura
  • Estabilidad de las actualizaciones
  • Desarrollo de la Historia
  • Diseño de Personajes
  • Antecedentes del mundo

La puntuación total 0.0

¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
Votar con Piedra de Poder
Rank NO.-- Clasificación PS
Stone -- Piedra de Poder
Denunciar contenido inapropiado
sugerencia de error

Reportar abuso

Comentarios de párrafo

Iniciar sesión