Descargar la aplicación
45.74% PRIDE of Friendship / Chapter 43: Chapter 43: Barbie’s Secret Identity

Capítulo 43: Chapter 43: Barbie’s Secret Identity

Sa classroom...

"Okay, so lahat ng nakalista dito ay kasama sa Sabado ibibigay ko na ito kay Sir Mariano ngayon kung may mag back out pa sabihan n'yo na ko ngayon din para mabura ko ang pangalan n'yo rito." Sambit ni Quinley.

Nag palista naman yung iba na di pa nag papalista natakot na mag general cleaning kaya napilitan nalang na sumama.

"Oh, kayo? Hindi pa ba kayo sasama ni Kenny?" Tanong ni Gaile kay Uno na katabi n'ya sa upuan.

"Di ko nga alam wala pa si Kenny eh."

Napahanap rin naman si Gaile kay Barbie dahil wala pa rin ito sa classroom nila.

"Baka mag kasama yung dalawa? Parehas wala dine eh."

"Eh pano? Mag papalista na ba ako?"

"Sige akong bahala, naka lista naman na si Barbie kaya sasama yon si Kenny."

"Paano kung hinde?"

"Timang! Kita mo na ngang mag pinsan sila di ba?"

Bumulong naman si Uno kay Gaile "pero hindi naman sila totoong mag pinsan di ba?"

"Ssshhh... ang ingay mo."

"Pero di ba nga?"

"Ah basta! Kapag kasama si Barbie sure akong sasama yun si Kenny takot lang nun kay principal."

"Sabay no? Inaanak ni pricipal Bruce si Barbs kaya sure si Kenny ang mag babantay dun kaya sige mag papalista na ko."

"Go na! Dami pang kuda."

Samantala hinahanap naman ni Thew si Barbie gang sa nakabanggaan n'ya si Yveth sa paglalakad.

"So— Sorry... Hmm? Yveth?"

"He— Hello."

"Long time no see. Parang hindi kita na pagkikita, you okay?"

"Um. Nagkasakit kasi ako eh kaya madalas akong wala sa School."

"Ohhh... ganun pala. Nga pala, si Ronmar..."

"Ah, si kuya nasa rehab s'ya eh our parents sent him there para daw maging maayos na sya."

"Ohhh... ikaw? I heard na lilipat ka daw ng school sa susunod na pasukan? Dahil ba ito sa kuya mo?"

"Ah... hindi naman, my grandparents need my Mom in our province so... I need to accompany her baka dun na din kami manirahan."

"I see, goodluck to your new journey there."

Yveth smiled and she seems about to cry...

"Oh? Ayos ka lang ba?"

Yveth begin to cry then she wiped her tears "nah, I'm fine I just realized na sa tagal ko ng may crush sayo ngayon lang kita nakausap ng ganitong katagal."

"Silly!" He bring out his handkerchief and wiped Yveth tears "hindi mo dapat iniiyakan ang tulad ko. Marami pa naman dyang iba na mas matino yung kaya kang ipaglaban.... Malay mo sa susunod mong school..."

Yveth suddenly hugged him "kahit na lumipat pa ako ng ibang school ikaw parin ang first love ko. Kaya sana wag mo kong kalilimutan pag wala na ko dito."

Thew sighed and smiled and he even hugged Yveth too "okay, basta dapat wag ka ng iiyak sa taong di ka deserve. Understand?"

"Yes Sir. Hehe..."

At the same time sa lugar ng maraming bulaklak kung san dinala ni Kenny si Barbie...

"Eh??? Lupain nyo to?" Ang pagulat na sambit ni Barbie habang nakaupo sa maraming mga petals na kinuha ni Kenny para sa kaniya. Pero hindi na fresh ang lahat ng petals na yon mga nanlagas nalang ang iba doon.

"Um. Welcome to Flora Zapanta."

"Woah! The name,rhyme talaga?"

"Hehehe... Oo si daddy ang may gusto ng pangalan na yon sya din ang nag tanim ng karamihan sa bulaklak dito."

"Ehhhhh??? Si tito Bruce???"

"Um. Pero yung iba mga tanim na talaga dito ng binili ito ni daddy."

"Ohhh... ang galing naman ang daming bulaklak." Tumayo sya at kinuha nya yung phone nya sa bulsa at kinuhaan nya ng litrato ang mga nag gagandahang bulaklak.

"Hindi lang halata pero mahilig talaga si daddy sa mga flowers gaya nitong pulang rosas." Kumuha sya ng isa at tinanggal na rin nya yung mga tinik.

Patuloy namang nagkukuha si Barbie ng picture gang sa nakuhanan nya si Kenny na naka tingin sa rosas at naka smile.

"Candid."

"Hmm?"

"Ha? Wa— Wala... umalis ka nga dyan! Di ako makapagkuha ng picture ng ayos eh."

"Ah, o— okay. Gusto mo ba ikaw naman ang picturan ko?"

"Ayoko."

"Hmm? Bakit naman? Sa tingin ko pwede ka ngang maging model eh kung mag aayos ka lang."

"Tsk! Alam mo, okay na eh epal ka na naman." Iniwan nya si Kenny at pumunta sa ibang direction pero sinundan sya nito.

"Sandali lang.... Sorry na. Napansin ko lang kasi na parang hindi ka mahilig sa pictures. Dun kasi sa kwarto mo puro picture lang ni Ivanna..."

Napahinto naman si Barbie sa pagkukuha n'ya ng mga pictures "tapos kung hindi si Ivanna si Lisa ng blackpink. Isa ka palang blinks ha? Si Gaile si Jennie ang bias eh."

"Shut up!!!"

Ang sama ng tingin ni Barbie kay Kenny "what else did you see?"

"Ha?"

"TELL ME!!!"

"Wa— Wala na..."

Bigla namang nag iiyak si Barbie "eh???? Ba— Bakit ka na iyak?"

"Boo... Hooooooo...."

"Hu— Huy!!! May... May masakit ba sayo? Hindi ko naman natapakan ang paa mo. Sorry na... wag ka ng umiyak."

"Boo... Hoooooo... bakit kasi ang dami mong nakikita?!"

"Ha? Anong nakikita?"

"Yung mga pictures sa kwarto ko!!!"

"Ha? Ahhh... kasi nung nag linis ako ng kwarto mo nung nakaraan na pumasok ako dun tulog ka kasi pa nun eh ang kalat di ko matiis kaya nilinis ko tapos iyon... tatabi na ako ng mga malinis mong damit na tiniklop ko syempre... pagbukas ko ng cabinet mo..."

Lalo namang umiyak si Barbie...

"Hu— Huy! Hindi ko naman sinasadya. Ang kalat mo kasi eh ang ayoko sa lahat yung makalat napaka OC ko kasi kung hindi mo napapansin kapag wala si ate Chinchay ako ang naglilinis ng bahay kaya nga ayos lang sakin na mag general cleaning at di na sumama sa camping sa Sabado eh."

"Eh? Are you gay?"

"A— Ano?! Gay? Ako?! Hoy!"

Pinahid naman ni Barbie ang mga luha n'ya "okay, what if we make a deal?"

"Deal?"

"Um. I think di alam ni Tito Bruce na OC ka no? Na gay ka rin."

"Ha??? Anong pinagsasabi mo?"

"Okay, I will confess na din."

"Co— Confess?"

Sa isip-isip ni Kenny "may gusto na ba s'ya sakin? Oh Lord, napaka aga naman po ng gift n'yo sakin ang layo pa po ng birthday ko." Kinikilig pa nga ito ng palihim pero nabasag ito ng sabihin ni Barbie na...

"I'M A LESBIAN!"

"H— Ha???!"

"I know, may tatanong syempre. Pero satin-satin nalang ito ha? Tatago ko ang secret mo tapos tago mo rin yung sakin ha? Kapag may pinagsabihan ka lagot ka sakin di talaga kita patatahimik gang sa kabilang buhay."

"Te— Teka lang.... so, tomboy ka?"

"Um. At hindi alam ni mommy kaya wag kang maingay kahit kay tito Bruce ha? Matagal ko ng gusto mag out kaso natatakot ako baka magalit sakin si Mom eh."

"Ah... Eh... may iba ka na bang pinagsabihan ng gender reveal mo?"

Barbie shooked her head "ikaw palang kaya lagot ka talaga sakin kapag may ibang naka alam!"

"Ehhh???"

"."

Nang gabi ring iyon hindi makapag isip si Kenny ng ayos ni hindi n'ya nga magawa ang assignment n'ya sa sobrang di s'ya makapag focus sa naging revelation ni Barbie sa kaniya.

"AHHHHHH!!!" Sumigaw s'ya sa unan at nag roll ng nag roll sa kama n'ya.

"Bwiset! Ano ng gagawin ko?! Yung babaeng gusto ko tomboy?! Pambihira naman!!!

Bumangon at nag push up ng mga sampu at nahiga sa sahig matapos ang ikaw sampu.

"Haysssss... kung kailan naman may na gugustuhan na ko hindi pala babae?! Bwiset naman!!!"

Knock... Knock...

"Sino yan?"

"Ako!"

Bumangon naman agad si Kenny ng marinig n'ya si Barbie at binuksan ng bahagya ang pintuan "a—anong kailangan mo?"

"Huh! Ayos ah, pag ikaw papasok sa kwarto ko pwersahan ang pag bukas ng pinto? Pero pag ako sa kwarto mo? Parang may dala akong virus ah at ayaw mo kong papasukin?"

Tinulak ni Barbie yung pinto gang sa nakapasok na s'ya sa loob.

"A— Ano ba kasing kailangan mo?!"

Nag palinga linga naman si Barbie at napansin nyang simple lang pala ang kwarto ni Kenny na pinalilibutan ng kulay asul at isang typical na kwarto ng isang teenage boy na mahilig sa video games.

"Wow, talaga nga palang napaka OC mo ano? Mas malinis pa nga talaga ang kwarto mo sa kwarto ko. Iba!"

"Huh! Syempre naman gaya mo ko sayong burara."

"Ikaw!!!"

"What? Kung nag punta ka dine dahil sa secret mo wag kang mag alala hindi ko ipagsasabi yon dahil hindi ako mahilig mangialam ng problema ng iba."

Lumapit naman sa kaniya si Barbie at tinulak sa kama.

"A— Anong... gagawin mo? Baka nakakalimutan mo mas matanda pa rin ako sayo!"

"Oh... really..." sambit ni Barbie habang naka upo s'ya sa thighs ni Kenny.

"Barbie!!!"

"Ano?! Natatakot ka na ngayon sakin? Hindi ba ganito din yung ginawa mo sakin nung ninakawan mo ko ng first kiss?"

"A— Anong... kapag hindi ka pa tumigil baka di na talaga ko makapag timpi!!!"

Barbie caress Kenny's lips "Pffft... Hahahahaha..." then she get up.

"You!!! You do it on purpose!!!"

"Then what? After all you like me, right big Brother Kenny? Tsss!"

Bumangon naman si Kenny at inayos ang sarili "ano naman kung gusto nga kita? Bakit hindi ba naalis ang pag ka gusto ng isang tao? Kung..."

Lumapit naman muli si Barbie kay Kenny ng sobrang lapit talaga "kung kaya mo?!"

Kenny gulped "lu—lumayo ka nga!!!" He pushes her awkwardly.

"Heh! I knew it, you didn't saw me as your lover."

"What?! I like you and I fell in love for you! Wala pa kong nagugustuhan bukod sayo!"

"Oh... is that so?"

"Oo! Kaya nga..."

"Kaya???"

"Kaya I made up my mind... kahit maging ano ka pa... mahal pa rin kita."

Nagulat naman si Barbie sa sinabing iyon sa kaniya ni Kenny pero hindi s'ya nakaramdam ng kahit ano sa sinabing iyon sa kaniya but her heart beat kinda weird.

"Cough! Enough with your sweet words alam mong hindi ako mamomove sa ganyan mong pakana. I'm here to tell you my condition kapag nalaman ni mommy ang secret ko malilintikan ka talaga sakin."

"Oo na! Hindi ako chismoso para sabihin ang ganoon bagay sa ibang tao isa pa, its your choice to be like that tao ka lang na gustong maging malaya kaya I understand you."

Napatulala naman si Barbie sa sinabing iyon sakaniya ni Kenny dahil hindi n'ya inaasahan na considerate pala ito.

"Cough! Si— Sige lets make a pinky swear."

"Tsss! Fine pinky swear I don't tell anyone kapag sinabi ko, ignore me forever."

"Hmm? Grabe naman yon nasa iisang bahay tayo kaya paano ko naman gagawin na di ka pansinin?"

Habang naka pinky swear sila hinila ni Kenny si Barbie at nagkalapit ang mukha nila "that's why I won't dare to tell anyone dahil hindi ko kayang hindi ka pansin my lil' sis."

"Huh! Lil' sis? Kaya mo talaga kong tawaging lil' sis kahit crush mo ko?"

"A— Ano?"

"Ganito kung papipiliin kita sinong ililigtas mo sa zombie apocalypse si Thew o ako? At bakit?"

"Ha? Ano bang??..."

"Sagutin mo nalang!"

"Syempre si Thew."

"Ano? Bakit sya? Ako yung crush mo ah."

"Eh ano naman kung crush kita?"

"Ano?! Bahala ka dyan!"

Aalis na sana si Barbie ng bigla humarang sa pintuan si Kenny "hindi ba kailangan ko mag explain? Kasi may bakit sa question mo."

"Tsss! Hindi na! Alis dyan!"

"Kaya ko pinili si Thew kasi alam kong pag sya ang niligtas ko mag i-insist sya na ikaw nalang ang iligtas ko kasi varsity sya kaya niya ang sarili nya. That make sense right?"

Barbie pushes him and walk away "whatever! Goodnight and thanks." At dali-dali syang lumabas ng kwarto ni Kenny.

Kenny smiled "ang cute n'ya talaga kapag nahihiya s'ya."


REFLEXIONES DE LOS CREADORES
lyniar lyniar

Happy Valentine’s Everyone! ^_^

Load failed, please RETRY

Estado de energía semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Piedra de Poder

Desbloqueo caps por lotes

Tabla de contenidos

Opciones de visualización

Fondo

Fuente

Tamaño

Gestión de comentarios de capítulos

Escribe una reseña Estado de lectura: C43
No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
  • Calidad de escritura
  • Estabilidad de las actualizaciones
  • Desarrollo de la Historia
  • Diseño de Personajes
  • Antecedentes del mundo

La puntuación total 0.0

¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
Votar con Piedra de Poder
Rank NO.-- Clasificación PS
Stone -- Piedra de Poder
Denunciar contenido inapropiado
sugerencia de error

Reportar abuso

Comentarios de párrafo

Iniciar sesión