Descargar la aplicación
20.21% PRIDE of Friendship / Chapter 19: Chapter 18: Fake Emotions

Capítulo 19: Chapter 18: Fake Emotions

Dahil sa kumakalat na picture ni Kenny na buhat-buhat nya si Barbie marami ang nang gagalaiti sa galit na kababaihan lalong lalo na si Ellaine na sinugod pa si Barbie sa cafeteria at sinampal ito sa harap ng maraming estudyante.

"What the heck are you doing Ellaine?!" Ang pagalit na sambit ni Thew na hinawakan ang braso ni Ellaine ng sobrang higpit.

"Aw…nasasakatan ako Thew!"

"Nasasaktan? Sa tingin mo hindi nasaktan si Barbie sa ginawa mo?!"

Hinawakan naman sya ni Barbie at sinabing "tama na yan Thew."

"Hindi Barbs, sinampal ka ng babaeng ito hindi mo dapat pinalalagpas yon!"

Ang sama naman ng tingin ni Barbie kay Ellaine "at sino bang may sabing palalagpasin ko ang ginawa nya?" she smirked "lintek lang ang walamg ganti."

"A—Anong gagawin mo?!" Ang kinakabahan na sambit ni Ellaine dahil unti-unting lumalapit sa kaniya si Barbie.

"Ang nanay ko ni hindi ako pinag bubuhatan ng kamay tapos ang isang tulad mo mag lalakas loob na sampalin AKO?!!!"

"DAPAT LANG YAN SAYO! HALIPAROT KA KASI!!!" Ang pagalit namang sambit ng mga alipores ni Ellaine at pati na rin yung mga babaeng estudyante na may gusto kay Kenny ay sumang ayon rin.

"Ano? Sinong haliparot ang tinatawag nyo?!!!" Ang pagalit na sambit naman ni Thew at nilapitan sya ni Gaile at ipinakita yung picture ni Kenny na buhat si Barbie pauwi sa bahay nila.

"Sa tingin ko may nag edit nyan kaya galit na galit ang mga babaeng yan kay Barbs."

"What the? Kanino galing yan?"

"Hindi ko alam pero sa tingin ko yan ang bagong trending dito sa campus look at them ang sama ng tingin nila kay Barbie."

Sinimulan ng pag babatuhin si Barbie ng kung ano-ano may nilukot na papel, may balat ng saging, balat ng kung ano-ano na kinakain nila kaya naman hinarangan sila ni Thew.

"TAMA NA YAN!!!"

"Wag mo syang ipagtanggol Thew maharot yang babaeng pinagtatanggol mo! Hindi sya nararapat sa help mo!" Ang sabi naman ni Ellaine at samangayon sa kaniya ang mga kababaihan.

"TIGILAN NYO NA SYA!!! Walang katotohanan ang kumakalat na picture!"

"Paano mo naman na sabi yang newbie na yan yung na sa picture. Sigurado kami!"

"Oo nga sya yon ang lakas ng loob nyang mag pabuhat sa Kenny namin at sumama pa sya sa bahay nito?"

"Kapal ng mukha nya!!!"

"Hindi sya deserve ni Kenny!!!"

Ang sabi ng mga kababaihan at bigla namang may sumigaw "ENOUGH!" at paglingon ng lahat sa may bandang likuran bumungad sa kanila si Kenny na kasama sila Uno at Sam at pinag gigitnaan pa sya na para bang may pa grand entrance effect pa ang eksena at nag give way naman ang mga kababaihan at pa utal-utal pa nilang sinabi "Ke—Kenny."

Lumapit si Kenny kay Barbie pero hinarangan sya ni Thew pero tinulak sya nito.

"Anong ginagawa mo?!" Ang pagalit na sambit ni Thew pero hindi sya pinansin ni Kenny na kino-comfort si Barbie.

"Ayos ka lang?"

Tinabig naman ni Barbie ang kamay nya "umalis ka na!"

"No, hindi kita iiwan dito."

"Umalis ka na sabi!!!" Ang galit na galit na sambit ni Barbie at tinulak nya pa nga si Kenny.

Nilapitan naman ni Ellaine si Barbie at sasampalin nya ulit sana ito pero pinigilan sya ni Kenny "subukan mo ulit syang sampalin mawawala yang kamay mo."

"Ke—Kenny…pero… tinulak ka nya kaya gusto ko lang syang turuan ng leksyon."

Kenny forcedly let go of her "oras na dumampi ang kamay mo at ng…" ang sama ng tingin nya sa mga kababaihan "kahit sino sa inyo kay Barbie ako mismo ang mag tuturo sa inyo ng leksyon!"

"Ano mo ba sya? Bakit may picture kayo ng ganun?! At totoo bang unuwi mo sya sa inyo?!" Ang sambit Ellaine na para bang na iinis na pa iyak na.

Hinila naman ni Kenny si Barbie at inakbayan "ang babaeng ito ay mahalaga sakin kaya kapag sinaktan nyo sya parang sinaktan nyo na rin ako! Dahil sya ay…"

"PINSAN!" Ang sigaw ni Barbie at napatingin naman sa kaniya si Kenny na nagulat sa sinabi nyang iyon.

"Pi—Pinsan?" Ang sambit ng lahat ng nakarinig at nakakita.

Tinanggal ni Barbie ang kamay ni Kenny sa kaniya na naka akbay at nilinaw nya ang sinabi "Oo, pinsan ko sya kaya wag nyo sanang masamain ang kumakalat na picture naming dalawa at oo sa iisang bahay kami na uwi dahil…" napatingin muna sya kay Kenny bago nya itinuloy ang sinasabi at ganon rin ito sa kaniya "dahil pansamantala kaming naninirahan sa kanila ng aking ina dahil bago lang kami dito."

"Totoo ba yon Kenny?" Ang tanong nila Ellaine.

"Ha—Ha—Ha…. Oo totoo yon ako mismo ang saksi na mag pinsan at sa iisang bahay sila nakatira." Ang sagot naman ni Thew na hinila sa kaniyang likuran si Barbie para itago.

"Ohhh…kaya pala ganun nalang mag care si Kenny sa kaniya." Ang sabi naman ng ilan sa mga kababaihan.

Para namang nabunutan ng tinik sa lalamunan si Ellaine at ang mga alipores nya.

"So, paano kayo naging mag pinsan?" Ang tanong nung isang babae."

"Ahm…yung tatay ko at yung nanay nya ay mag pinsan kaya…" napatingin naman si Kenny kay Barbie na para bang may ibang ibigsabihin "kaya…mag pinsan kami at totoong sa iisang bahay kami nakatira. Pero nangungupahan sila samin pansamantala dahil busy pa si tita Amanda ang nanay nya sa Manila."

Lumapit naman si Ellaine at ang mga alipores nya kay Barbie at inayos pa ang buhok nito na para bang giliw na giliw sila dito "ikaw naman kasi bakit di mo agad sinabi samin na pinsan ka pala ni Kenny. Sorry ha?" Ang sabi ni Ellaine na para bang may mood swing dahil biglang naging mabait kay Barbie.

"Oo nga kung nung una palang edi sana naging bestie ka na namin." Ang sabi naman ni Dana.

"Heh! Ako lang pwede nyang maging bestie hindi kayo." Ang sabi ni Ellaine na biglang naging clingy kay Barbie pero ang sama ng tingin nito sa kaniya.

"Bitaw!"

"Hmm?"

"Sabi ng bitawan mo ko!" Ang pagalit na sambit ni Barbie at itinulak nya si Ellaine at nag walked out.

"Is she mad at me?"

"Masyado ka kasi maka hawak sa kanya ang tulis kasi ang kuko mo baka nasaktan." Ang sabi naman ni Hannah na tinutulungang tumayo si Ellaine.

"Really? Nasaktan ko kaya sya?" lumapit naman sya kay Kenny at nag sorry pero hindi sya pinansin nito at sinundan si Barbie na nag walked out.

"Yan kasi feeling close." Ang sabi ng isang babaeng estudyante na may gusto rin kay Kenny.

"Anong sabi mo?!" sinabunutan nya yung babaeng nag sabi sakaniya nun kaya nag kagulo na ang mag kababaihan doon sa cafeteria.

"Haysss… kahit kailan sakit sa ulo ang mga ito." Ang sabi ni Gaile kay Thew pero wala na pala syang kausap pag lingon nya "eh? nasan na si Thew?"

Lumapit naman sa kaniya si Uno at Sam "wala na umalis na rin gaya ni Kenny." Anila.

"Tsk…yung dalawang yon talaga…"

"Pero naniniwala kayo na mag pinsan sila Kenny at Barbie?" Ang sabi ni Sam.

"Well, si Kenny ang may sabi at sa tingin ko totoo naman yon di ba Gaile?" Ang sabi naman ni Uno.

Pero sa isip-isip ni Gaile "bata palang ako kilala ko na sila Kenny at Thew bilang magkakaklase kami simula nung kinder gang ngayon at kilala kong lahat ang mga pinsan nila at hindi ko pa narinig ang pangalan ni Barbie as cousin of Kenny. I think…something is off here. I need to investigate."

***

Habang nasa isang mall ang mag kaibigan na sila Amanda at Bruce may lumapit sa kanilang isang lalaki.

"Amanda?"

"Jeron? Ang sabay na sambit ni Amanda at Bruce.

"Ikaw nga!" Niyakap nga nung Jeron si Amanda pero pinag hiwalay agad sila ni Bruce.

"Beshie halika na!"

Hinawakan naman ni Jeron ang kabilang kamay ni Amanda "sandali lang…"

"Bitawan mo sya!"

"Huh! Hindi ka parin nag babago Bruce isa ka paring singit saming dalawa ni Amanda."

"So, kilala mo parin pala ako Mr. Jeron Tang."

"Amanda let's talk."

Tinabig naman ni Bruce ang kamay ni Jeron "wala kayong dapat pag usapan matapos mong iwan ang bestfriend ko? Gusto mo syang makausap? Huh! Para san pa? Malaki na ang anak nyo kaya wag mo ng subukan pang guluhin ang buhay nila!"

"Anak? May anak tayo?"

Amanda made a facepalm "haysss… Besh naman! Ang daldal mo kainis."

"Ha? Hi—Hindi ba nya alam?"

"Kainis! Tara na nga!"

Aalis na sana yung mag kaibigan pero hinarangan sila ni Jeron "teka lang, aalis ka pagtapos kong malaman na nagka anak tayo?"

"Huh! Ano naman sayo? Hindi ba hindi ka nga naniwala nung sinabi ni Arlin na buntis ako tapos ano? Malalaman ko nalang na kayo pala eh may relasyon? Bestfriend ko si Arlin sya pa pinatos mo?"

"Sandali lang hayaan mo muna akong mag paliwanag wala kaming relasyon ni Arlin. Oo aaminin ko may gusto sya sakin pero hindi ko sya pinatulan dahil alam kong may lihim kang pagtingin sa kaniya."

Nagkatinginan naman sila Amanda at Bruce "alam kong hindi ka straight kaya nga nung may nangyare satin nung graduation nung highschool nag madali na kong umalis dahil ayokong magalit ka sakin at promise hindi ko sinasadya ang mga nangyare ng mga panahong yon. Nadala lang din ako ng emosyon ko."

Bigla naman syang sinapak ni Bruce "emosyon? May nangyare sa inyo tapos sasabihin mo emosyon? Alam mo bang nagkanda leche-leche buhay niya ng dahil sayo?! Tapos sasabihin mo hindi mo sinasadya? Huh! Ang kapal din talaga ng pag mumukha mo!"

"Bruce tama na ang dami ng taong nakakakita satin nakakahiya."

"Hinde, mabuting malaman nya na nag dusa ka dahil hindi mo natupad ang pangarap mong maging piloto dahil sa kaniya!"

"I said enough! Halika na!" galit na sya kaya hinila na nya si Bruce papalayo.

"Amanda, sandali lang…" ang pahabol na sambit ni Jeron kaya hinabol nya rin ito pero ng maabutan nya yung dalawa sinampal sya ni Amanda.

"Tigilan mo na ko! Hindi na ako ang Amandang kilala mo!" then she walked out with Bruce at hindi naman na nag tangka si Jeron na sundan sila.

"Sir, andito lang pala kayo kanina pa po kayo hinahanap ni Ma'am Vivian." Ang sambit nung isang lalaki kay Jeron.

"Sige susunod na ko…"

"Ayos lang po ba kayo? Bakit parang ang pula ng kaliwang pisnge nyo?"

"Wala ito, tara na."

"Ye—Yes Sir."


Load failed, please RETRY

Estado de energía semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Piedra de Poder

Desbloqueo caps por lotes

Tabla de contenidos

Opciones de visualización

Fondo

Fuente

Tamaño

Gestión de comentarios de capítulos

Escribe una reseña Estado de lectura: C19
No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
  • Calidad de escritura
  • Estabilidad de las actualizaciones
  • Desarrollo de la Historia
  • Diseño de Personajes
  • Antecedentes del mundo

La puntuación total 0.0

¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
Votar con Piedra de Poder
Rank NO.-- Clasificación PS
Stone -- Piedra de Poder
Denunciar contenido inapropiado
sugerencia de error

Reportar abuso

Comentarios de párrafo

Iniciar sesión