Imbes na mag punta sa comfort room si Barbie at mag bihis ng damit nahiga lang sya sa bench dun sa may malaking puno kung saan sya madalas tumatambay para mamahinga.
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" Ang bungad ni Kenny.
Pero hindi naman tumayo si Barbie "masaya ka na? na bully na ko ng mga kulto mo anong next bilis na eexcite ako." Aniya na para bang gigil na gigil sya sa galit kay Kenny.
Hinubad naman ni Kenny ang coat nya at tumingin sya sa malayo para ipatong kay Barbie "kumilos ka na basang basa ka tapos nahiga ka pa dyan? Baliw ka na ba?"
Bumangon si Barbie at tinanggal ang coat na ipinatong sa kaniya ni Kenny "hindi ko kailangan ng coat mo at wag ka na ngang umastang mabait diyan dahil hindi bagay sayo."
Tumayo na si Barbie para iwanan si Kenny pero "sandali lang!"
"Wala akong balak na mag ka utang na loob sayo kaya iyo na yang coat mo after all ito naman ang gusto mo di ba? Yung binubully ako, ang sarap ba sa feeling? Huh! Hindi ka mag tatagumpay na paalisin ako sa AGA. Tandaan mo yan!" then she walked out.
Nakaramdam naman ng kirot sa puso si Kenny at sa galit nya itinapon nya yung coat nya "AHHHHH… Bwiset!!!"
"."
Nag ring na ang bell at hudyat na non na mag sisimula na ang klase pero wala pa rin sa upuan nya itong si Barbie kaya nag alala na si Gaile.
"Oy, nakita mo si Barbs?" Ang sabi ni Gaile sa kaklase nilang lalaki na nasa unahan ng kaniyang kinauupuan.
"Hindi eh sorry."
"Okay…nasan na kaya yon?"
Narinig naman ni Quinley ang class monitor ng klase nila "hindi mo ba alam?"
"Hmm? Ang alin?"
Napatingin naman si Quinley sa tropa ni Ellaine kaya bumulong nalang sya kay Gaile "maagang pumasok si Barbie at na bully sya ng tropa ni Ellaine."
"ANO?"
"Shhh…wag kang maingay…ang balita hindi makaalis si Barbie sa cr wala kasi syang pamalit na damit."
"Tsk… kawawa naman si Barbs, umandar na naman ang paka inggit ng mga kulto ni Kenny." Ang sama naman ng tingin nya kay Kenny at dumating naman na si Thew na hinahanap agad ay si Barbie.
"Oh? San ka pupunta? Nasan si Barbie? Wala pa sya?"
"Himala parati ka ng papasok?" Ang sabi naman ni Quinley pero hindi sya sinagot ni Thew.
"Kailangan na nating mag madali baka giniginaw na si Barbie." Ang sabi ni Gaile kay Thew.
"Bakit? Anong nangyare sa kaniya?"
Hinila na sya ni Gaile papalabas at sinabing "wag ka ng mag tanong sumama ka nalang."
Nakatingin lang naman si Kenny dun sa dalawa "san pupunta yung dalawa eh mag start na ng class." Ang sabi ni Uno.
"."
Nang makarating yung dalawa sa cr ng mga babae si Gaile lang ang pumasok bilang sya ang babae at hinanap nya sa loob si Barbie "Barbie? Na san ka?"
Nakita ni Gaile si Barbie sa dulo ng cubicle na naka upo at nilalamig ito "Bie!!! Diyos ko po anong ginawa nila sayo?"
Nag alala naman si Thew kaya pumasok na rin sya sa loob kahit nahihiya sya at alalang alala naman sya nung nakita nya si Barbie kaya binuhat nya ito "kailangan na natin syang madala sa clinic."
"Okay." Ang sabi naman ni Gaile at dinala nya ang bag ni Barbie at sumunod.
Habang dala-dala ni Thew si Barbie maraming estudyante ang nakakita sa kanila kaya mabilis na kumalat ang tsismis na may relasyon ang dalawa.
Nang magising si Barbie iba na ang kasuotan nya binihisan sya ni Gaile ng pam P.E nilang uniform "nasan ako?"
"Bie!!! Anong nararamdaman mo?" Ang nag alalang sambit ni Gaile.
Bumangon naman si Barbie at inalalayan sya ni Gaile "nasa clinic na naman ba ako?"
"Um. Ano ba kasing nangyare?"
"Mukhang napapalimit ang pag punta ko sa clinic kesa ang pag pasok ko sa klase."
"Wag ka ng mag alala na sabi na ni Thew sa mga teachers natin ang nangyare sayo."
"Si Thew?"
"Um. Sya nga ulit ang nag dala sayo dito."
"Eh?"
"Alam mo nagiging savior mo na sya at infairness sayo lang sya sweet."
"Hmm?"
"Arogante kasi talaga yang si Thew hindi yan pala kaibigan gaya ni Kenny kaya nga sila tinaguriang "the rude prince of AGA" hindi kasi nila kinakausap ang hindi naman nila bet kausapin."
"Oh? Hindi halata kay Thew kala ko friendly sya kasi nung una ko syang nakita kinausap nya agad ako."
"Well, ganyan naman sya simula pag kabata nakikipag usap kapag intersado sya sa tao parang si Kenny ganon din hindi ko alam bakit tumakbong mga SK yung dalawang yon samantalang wala naman silang pakialam sa paligid nila."
"Bakit ikaw? Parang ang dami mong alam sa kanila at mukhang okay rin sila sayo."
"Ahhh…yun ba? Wala yon simula kasi kinder mag kakaklase na kami kaya siguro sanay na kami sa isa't isa pero hindi naman ako gaya nung dalawa pero okay rin naman na maging kaibigan ang dalawang bugok na yon minsan, pero madalas ayoko sa ugali nila makasarili kasi yung mga yon lalo na si Kenny palibhasa solong anak."
"Ohh…ganun pala."
"Nga pala, na gugutom ka na ba?"
"Um. Pwede na ba kong kumain?"
Noon lang naman na pansin ni Barbie na iba na ang kasuotan nya..
"Ah? Ba—Bakit ganito na ang uniform ko?"
"Ahhh…sakin yan buti nga mag ka size lang pala tayo binihisan na kita."
Bigla namang na hiya si Barbie "i---ikaw?"
"Tsss…ano ka ba? Ayos lang yan meron rin naman ako ng tinatago mo pero mukhang gaya ko hindi ka rin pinagpala."
Napatingin naman si Barbie sa dibdib ni Gaile "oh, wag mo ng tignan baka mausog eh."
"Pffft…ahm…salamat."
"Wala yon… maliit na bagay."
Ngumiti lang naman si Barbie at inalalayan sya ni Gaile na bumaba sa kama at pag labas nila ng clinic nandon si Kenny "Kenny?" Ang sabi ni Gaile at hindi naman kumibo si Barbie at umiwas sa tingin ni Kenny.
"Sumama ka sakin." Ang sabi ni Kenny at hinawakan nya ang kaliwang kamay ni Barbie pero nag pupumiglas ito.
"Bitawan mo ko."
"San mo ba sya dadalhin Kenny?" Ang nag woworried na sambit ni Gaile.
"BITAWAN MO SYA!!!" Ang pasigaw na samit ni Thew at tinabig nya ang kamay ni Kenny sa kamay ni Barbie pagka lapit nya.
"Thew…" Ang sabi ni Barbie.
"Ayos ka lang?"
"Um."
Tumingin naman ng masama si Thew kay Kenny at itinago nya sa likuran si Barbie "ano sa tingin mo ang GINAGAWA MO??" galit na galit na sambit ni Thew kaya naman naka agaw iyon ng pansin ng karamihan ng estudyante.
Kinuha namang muli ni Kenny ang kamay ni Barbie "we need to talk halika na!"
"Bitaw!" Ang pagalit na sambit ni Thew kay Kenny.
"Hindi ito tungkol sayo kaya wala kang pakialam kung gusto ko syang kausapin!":
"Huh! Wala akong pakialam? Bakit may pakialam ka ba sa kaniya? Dahil sayo kaya sya na bu-bully. Hindi ka pa ba masaya na may nasasaktan na naman ng dahil sayo?"
Hinila naman ni Kenny ng sa pilitan si Barbie kaya na pa bitaw si Thew "paano kapag sinabi kong hindi pa ko masaya? At magiging masaya lang ako kung parati ko syang nakikitang nahihirapan."
"KENNY!!!" Ang galit na galit na sigaw naman ni Thew.
Sa pag sigaw na yon ni Thew syang sampal naman ni Barbie kay Kenny "baliw ka ng talaga." Ang sabi ni Barbie at iniwan niya yung dalawa at sinundan naman sya ni Gaile. "Bie, intayin mo ko." ang pahabol na sambit nito pero bago tuluyang sundan ni Gaile si Barbie may sinabi pa sya kay Kenny "ang sama mo."
Lumapit at sasapakin na sana ni Thew si Kenny pero naharang sya nito "ano? sasapakin mo ko dahil sa babaeng yon?"
"Wala kang pakialam!" ang sagot ni Thew habang sinabi naman yon ginamit nya ang isa nyang kamay para tuluyang masapak si Kenny at nag tagumpay nga sya sa lakas nga napa subsob ito sa sahig. "Tantanan mo si Barbie kung ayaw mong lalo kitang kamuhian!" dagdag pa ni Thew at iniwang naka salagmak si Kenny sa sahig.
Dumating naman si Jemie at gumawa ng eksena pumalakpak sya para makuha ang atensyon ng mga estudyanteng naka masid "hala, sige magsibalik na kayo sa kani-kaniya nyong classroom bago ko pa kayo paglinisin ng field." At dali-dali ngang nag si alis ang mga estudyanteng tsismosa at tinulangang ni Jemie na makatayo si Kenny.
"Ayos ka lang?"
"Um."
"Tara sa clinic gamutin natin yang nguso mo."
Dumugo ang sa may gilid ng bibig ni Kenny sa lakas ng suntok sa kaniya ni Thew.
"Hindi na kailangan ayos lang ako. Sige una na ko."
"Sandali lang…"
Lumingon naman si Kenny kay Jemie "kung sasabihin mo na tantanan ko si Barbie gaya ni Thew hindi ko magagawa yon kahit gusto ko."
"Bakit? Nakikita mo ba si Samantha kay Barbie?"
"Jemie tumigil ka matagal ng panahon na wala si Samantha wag mo ng ungkatin pa ang kapatid mo."
"Huh! Gusto mong kalimutan ko ang nangyare?"
Kinuwelyuhan ni Jemie si Kenny sa galit nya "tandaan mo ng dahil sayo kaya na aksidente ang kapatid ko at kapag na ulit yon sa kaibigan kong si Barbie ako na talaga ang makakalaban mo. Tandaan mo yan Kenny! Hinding hindi na ko papayag na may mawala na naman ng dahil sayo!" then he forcedly let go of Kenny and walked out.
"Cough…" hindi naman na naka kibo pa si Kenny sa sinabing iyon sa kaniya ni Jemie.
***
Kinahapunan bago mag uwian tinawag ni Sir Baysan si Barbie doon sa harapan para kausapin…
"Pumunta ka sa library mamaya at iintayin kita doon para ako mismo ang magtuturo sayo."
"Po? Nako, Sir hindi na po kailangan iwanan nyo nalang po ako ng module."
Tinapik naman ni Sir Baysan ang shoulder ni Barbie at napansin yon ni Uno "tignan mo itong si Sir alam nyang transfer student si Barbie kaya mukhang dumadamoves na naman."Aniya napatingin naman si Kenny dun sa unahan at nakita nyang parang may something si Sir Baysan sa pag himas sa braso ni Barbie at napansin nya ring parang uncomfortable si Barbie doon.
"Tirador talaga yang si Sir Baysan eh."
"Anong ibig mong sabihin?"
"Hindi mo ba alam? Isang pervy sage yang si Sir Baysan may naging jowa pa nga yan na estudyanter dito eh at na buntis nya pero wala naman na dito yung babaeng student na yon graduate na."
Ang lalim namang bigla ng iniisip ni Kenny "bro!"
"Ano?!"
"Sabi ko kung sasamahan mo ba ko sa bayan?"
"Hinde may gagawin ako."
"Sige… bakit parang parati ka nalang may ginagawa kapag uwian na tayo? Ganyan ba talaga kapag SK Chairman?"
"Wag ka ng maraming tanong tara na."
"Oo eto na nga."
Like it ? Add to library! ( ͡▀̿ ̿ ͜ʖ ͡▀̿ ̿ )