Descargar la aplicación
28.31% No Strings Attached / Chapter 32: Rest House

Capítulo 32: Rest House

ELLE

I woke up early in the morning to start exploring this resthouse of ours here in tagaytay. Pagkatapos kong maligo, magbihis, ay lumabas na agad ako sa room..

Simple lang naman ang ayos ko ngayon. Black tshirt, tapos shorts na kulay puti at nakatsinelas lang ako.

Dala-dala ko ang cellphone ko for documentations na rin. Since gabi na ako nang dumating kagabi, tinignan ko ang designs nitong resthouse namin.

Maganda, may mga wood material ang ginamit dito. Unlike sa ibang resthouse na 2-storey to 3-storey, ito naman simpleng resthouse lang. Ang pinagkaiba nga lang, pahaba siya..

May pool rin pala, may garden sa likod ng bahay at mga mga malalaking puno rin. Biglang tumawag si Mama saakin kaya sinagot ko ito

"Hello, ma?"

"Anak, kumusta ang unang araw mo dyan sa tagaytay?" Tanong ni Mama saakin.

"Ayos lang naman po ma, kayo ni papa dyan?" Umupo ako sa may poolside at nilubog ang mga paa ko doon sa tubig.

"Kakaalis lang ng papa mo nak, kaya mag-isa lang ako dito sa unit ngayon..." Narinig ko na huminga ng malalim si Mama.

"May problema po ba ma?" Tanong ko.

"Anak.. Kagabi kumatok si Kyle dito, and..." Muling nagbuntong hininga si mama. "And...?" I asked her.

"Hinahanap ka nila saamin. Tinatanong niya kung saan yung resthouse natin sa Tagaytay.." Pagtutuloy ni mama

"Sinabi niyo ba yung exact address ng resthouse natin dito sa tagaytay ma?" Bakas sa boses ko yung nerbyos..

"Hindi nak. We didn't say anything to him, pero lasing na lasing siya kagabi nak. Hindi namin alam ng papa mo yung nangyari, pero bukambibig niya parati ay ikaw nak. Ano ba talagang nangyayari sa inyong dalawa ni Kyle?" Naguguluhang tanong ni Mama. Ako naman ngayon ang napahinga ng malalim.

"Sige ma, ibababa ko na po.." Tanging sabi ko kay mama. Noong una ayaw niya, pero pumayag na rin si mama na i-end na yung tawag.

Tumingin ako sa tubig ng pool na to, ang linis. Litaw na litaw yung reflection ko nang biglang sumagi sa isipan ko yung mga araw na masaya kaming apat nila Kyle, Patty at Vanessa.

Biglang bumalik sa isipan ko yung nagnight-out kaming apat. Masayang-masaya kami nun, yung nagbakasyon kami, yung birthday ni Kyle... Ang sarap lang alalahanin, pero iba na ngayon dahil may nagbago na.

Kung dati, no feelings involved.

Ngayon, nagkasakitan na..

Dahil may feelings na nainvolve.

Muli akong bumuntong-hininga at pumikit pero hindi iyon nagtagal dahil biglang may nagsalita sa likod ko.

"Ms. Elle, handa na po yung breakfast ninyo.." Sabi ni Claire saakin..Siya yung caretaker ng resthouse namin dito..Actually, apat yan sila.

"Sige, salamat.." Sabi ko sa kanya. Ngumiti lang siya at nagpaalam nang umalis. Nagstay pa ako doon sa pool hanggang sa napagdesisyunan ko nang umahon at dumiretso na sa dining area kung nasaan naka-handa na yung breakfast ko.

Umupo na ako doon at tinignan kung anong inihanda nilang breakfast para saakin.

"Bacon, egg, tocino, hotdog at fried rice!" Masaya kong sabi pero agad yung nawala dahil sa isang alaala.

'Pinagluto kita ng paborito mong breakfast. Tocino, bacon, fried rice, eggs and of course, hotdog!' Masayang sabi ni Kyle..

Bakit ko ba iniisip ang mga ito?! Nagpunta ako dito para magbakasyon, para maglibang, hindi para isipin at alalahanin ang nagdaan.

Umiling ako at nagsimula nang kumain.. Pero bago yun, pinicturan ko muna ito para i-upload sa social media.

Inopen ko yung IG account ko para i-upload na nga ito, pero natigil ito nang makita ko yung litratong pinost ni Kyle sa IG.

Pictures namin ito nung nagbakasyon kami sa isang isla.

Unang litrato ay picture naming apat, at yung pangalawa naman, picture naming dalawa.

Binasa ko yung caption na nilagay niya, 2 words lang naman. Pero hindi ko alam kung bakit ganoon ang epekto nang dalawang salita na yun.

'Priceless moments..'

Yan ang nakalagay sa kanyang caption. Tinignan ko ang picture naming dalawa ni Kyle. Masaya. Masayang-masaya kami dito. Hindi ko na maalala kung ano o kung bakit ganito na lang yung kasiyahan ko sa litrato.. Masaya pa kami ni Kyle, wala pang problema at hindi pa kami nagkakasakitan..

Anong nangyari ngayon, Elle?

Anong nangyari saatin, Kyle?

Hindi ko alam kung bakit biglang pumatak yung mga luha ko. Hindi ko mawari kung anong nararamdaman ko ngayon.

Masaya ba ako?

Malungkot ba ako?

Bakit parang nasasaktan ako pag inaalala kong nasaktan ko si Kyle?

Bakit parang nakakaramdam ako ng guilt sa tuwing iniisip ko yung malungkot na mukha ni Kyle?

Bakit parang....

parang...

parang may kulang saakin ngayong araw?

Ano ba yun?

Bakit hindi ko maintindihan?

Bakit parang wala akong gana sa lahat ng bagay ngayon?

On the other hand, I managed to finish my breakfast and tried to enjoy the rest of the day..

I tried to explore our mini forest here sa resthouse namin,

Discover the type of trees na nakatanim dito,

Nagpicture taking kasama ng mga bulaklak sa garden, at I also tried to plant some seeds of flower plants sa garden.

"Kumain muna tayo ng tanghalian Kuya Arnold." Alok ko sa kanya.

"Sige po, Ms. Elle." Sabi naman niya. Si Kuya Arnold ay ang kasama nila Claire dito sa resthouse. Isa siyang gardener dito.. Sabi niya, 29 years old na daw siya at wala pang planong magpakasal.

"Heto na po, Ms. Elle." Sabi naman ni Claire sabay lapag ng mga pagkain.

"Sumabay ka na rin, Claire saamin. Saan yung iba?" Tanong ko sa kanya.

"Si Clay po nasa kusina, siya yung cook habang si Paulo po nasa may playground po. Naglilinis." Tugon niya naman saakin.

"Pakisabi sa kanila na sumabay na saatin magtanghalian para naman makilala ko kayong lahat dito." Pagbibiro ko. Hindi ko alam na may playground pala dito sa resthouse.

Din nagtagal, dumating na sina Clay at Paulo. So tatlong lalaki at isang babae pala ang nagtatrabaho dito.

"Clay po, Ms. Elle." Sabi ng isang maputing lalaki. May katangkaran siya at medyo chinito rin. "Hello." Sabi ko sa kanya. Tumingin naman ako sa isa pang lalaki na kung hindi ako nagkakamali, si Paulo to.

"Paulo po, Ms. Elle." Tumango naman ako sa kanya.

"Umupo na kayo at nang makakain na tayong lahat." Umupo na sila at nagsimula na kaming kumain.

"Nga pala, hindi ko alam na may playground na pala dito. Dati kasi nung huling punta ko dito, walang playground. Si papa ba yung nagpalagay noon, Paulo?" Tanong ko kay Paulo.

"Ay opo, Ms. Elle. Siguro may dalawang taon na rin po simula nang maitayo ang playground doon, Ms. Elle." Paliwanag niya.

"Saan banda ang playground na yan? Gusto kong puntahan mamaya pagkatapos nating kumain." I asked him.

"Sige po, Ms. Elle. Sasamahan po kita mamaya." Sabi niya. Tumango naman ako at pinagpatuloy na yung pagkain.

Masaya rin naman pala silang kasama, medyo naguilty lang ako kasi hindi man lang ako nakakabisita dito.

"May problema po ba, Ms. Elle? Parang ang lalim po ata ng iniisip niyo?" Biglang tanong ni Claire saakin.

"Ah wala. Medyo nakaramdam lang ako ng guilt kasi eversince na naitayo itong resthouse, madalang lang ako kung magpunta dito. Siguro, pangalawang beses ko palang dito sa resthouse.." Sabi ko sa kanya.

"Ah ganoon po ba, Ms. Elle? Alam niyo po, naaalala ko pa dati nung pinapatayo ito ng papa ninyo. Malapit na po itong matapos dati nung bumisita siya dito, na kung sakali raw na nagka-pamilya na kayo at naisipang tumira sa lugar na malayo sa city, eh may nakalaan na daw po para sa inyo.."

Mahabang explanation niya saakin. Hindi man lang ako sinabihan ni papa ang tungkol dito. Tsk.

"Si papa talaga. Oh siya, kumain na lang din tayo."

Pagkatapos naming kumain ay nagkaroon pa ulit ng kwentuhan at I must say, nakikisabay na ako sa kanila lalo na pag nagtatawanan.

"Alam niyo, pag may time kami, dadalhin ko yung dalawa kong kaibigan dito, siguradong mas gugulo tong resthouse. Hahahaha!" Tawa ko pang sabi.

"Sige po, Ms. Elle. Tiyak na magiging masaya po yun pag nagkataon." Sabi naman ni Kuya Arnold. After nun, tumulong na rin ako sa paglilinis, nung una ayaw nila akong tumulong sa pagliligpit, pero dahil sa makulit ako ay napapayag ko rin naman sila. Sanay na rin naman ako noh.

Bandang 1:30pm nang maisipan kong magtungo na sa playground. Gaya nga nang napangakuan ay sumama saakin si Paulo papuntang playground. Nasa likod lang pala ito ng garden, hindi mo lang siya mapapansin dahil natatakpan ito ng mga malalaking puno.

"Alam niyo po Ms. Elle, ang sabi ni Sir Danilo saakin, kaya niya daw tinayo ang playground na ito para sa magiging future apo niya raw po sa inyo. Lagi niya nga pong sinasabi saakin na sana daw, bigyan niyo siya ng kambal na apo para hindi daw po magiging katulad niyo yung magiging apo niya na nagiisa, na malungkot habang lumalaki.." Bigla naman akong napatingin kay Paulo habang sinasabi niya ang mga yun saakin.

"Nasaksihan daw po kasi ni Sir Danilo ang paglaki ninyo na nag-iisa, na wala daw masyadong kalaro, doon daw parang nakaramdam siya ng konsesnya kasi hindi niyo daw masyadong in-enjoy ang kabataan ninyo.." Pagtutuloy niya pa. Ako naman, parang nagiging emosyonal na.

"Nandito na po tayo." Napatingin naman ako sa harap. Nandito na nga kami. Medyo malawak ang playground na ito, may swings, seesaw, slides, may playground climber rin.

Umupo ako sa isa sa mga swings doon.. Naramdaman ko naman ang kanyang pag-upo sa tabi ng swing ko.

"Mahal na mahal talaga kayo ng Papa niyo, Ms. Elle." Muli akong tumingin kay Paulo.

"Malamang nagtataka kayo kung paano ko nalaman? Kasi nakikita ko po sa kinikilos ng papa ninyo. Kung paano siya mag-effort sa ganitong bagay, yung resthouse po, marahil matapang man ang sinasabi nilang awra kay Sir Danilo pero nakikita kong, isa siyang mapagmahal na tatay sa inyo, mapagmahal na amo, at mapagmahal na kaibigan. Isa ako sa mga magpapatunay na totoo yun. " Dagdag niya. Pansin kong kanina pang dumadaldal si Paulo kahit hindi ko siya tinatanong, parang nababasa niya yung takbo ng utak ko.

"Binigyan ako ng scholarship ng tatay niyo na makapagtapos ng pag-aaral sa college, Ms. Elle. Ngayon na nakapag-tapos na ako, balak kong ibalik ang kabutihang natanggap ko mula kay Sir Danilo sa paraang ito. Noong una ayaw niyang magtrabaho ako dito, pero napapilit ko naman siya. Trabahong walang sweldo, tanging utang na loob po, pero ayaw niya. Kahit allowance man lang daw ang ibigay niya kaya pumayag na lang rin po ako.." Wow. Akala ko walang pakialam si papa, pero mukhang mali ako sa akala ko ah!

'May kanya-kanyang paraan ng pagmamahal ang bawat tatay sa mundo, may soft, at may tough love. Yung tatay mo, tough love ang pinapakita niya sayo.'

Bigla namang sumagi sa isipan ko yung sinabi ni Kyle.

Nagbuntong-hininga ako at pumikit.

"Hindi po kayo nagpunta dito upang magbakasyon, Tama po ba ako Ms. Elle?" Napadilat naman ako sa tanong niya at tinignan siya.

"Hindi po kayo nagpunta dito para magbakasyon, kundi para makalimot, para tumakas sa problema sa syudad." Tinitignan ko lang siyang nakatingin sa malayo.

"It's either problema sa trabaho, o problema dulot ng isang tao, diba Ms. Elle?" Wala akong masabi. Parang umurong yung dila ko. Grabe ang lalaking to!

"Noong nalaman ko na pupunta po kayo dito, ang sabi nila magbabakasyon po kayo. Pero kanina nung nakita kita, alam kong may problema po kayong pilit na tinatakbuhan.. Pero alam niyong hindi mareresolbahan ang isang problema kung patuloy niyo lang po itong tinatakbuhan diba?" This time, humarap na siya saakin at ngumiti.

"Face everything that bothers you, Ms. Elle.." Sabi niya.

Nanatiling nakatitig lamang ako sa lalaking ito. Para siyang.

Para siyang si Kyle kung magsalita, kung mag-isip at kung tratuhin ako..

At dahil doon, mas lalo akong naguluhan sa mga nangyayari.

Hindi ko na alam kung anong tumatakbo sa isipan ko ngayon.

But one things' for sure.

Ramdam ko yung kulang saakin.

Randam ko na may kulang sa araw na ito.

At alam kong ang kulang na iyon ay makakapuno lamang ng isang tao..

Isang taong naging rason kung bakit ako nandito.


Load failed, please RETRY

Estado de energía semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Piedra de Poder

Desbloqueo caps por lotes

Tabla de contenidos

Opciones de visualización

Fondo

Fuente

Tamaño

Gestión de comentarios de capítulos

Escribe una reseña Estado de lectura: C32
No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
  • Calidad de escritura
  • Estabilidad de las actualizaciones
  • Desarrollo de la Historia
  • Diseño de Personajes
  • Antecedentes del mundo

La puntuación total 0.0

¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
Votar con Piedra de Poder
Rank NO.-- Clasificación PS
Stone -- Piedra de Poder
Denunciar contenido inapropiado
sugerencia de error

Reportar abuso

Comentarios de párrafo

Iniciar sesión