>Veon's POV<
"Veon!"
Hindi ako makahinga. Biglang naging black ang paningin ko. Nararamdaman kong umiiyak ako. Nararamdaman kong gumagalaw ang ulo ko, ang katawan ko pero bakit hindi ako makapagsalita. Bakit hindi ako makahinga masyado? Bakit pawis na pawis ako?
Anong nangyayari?
"Veon! Please!"
May tumatawag sa pangalan ko. Familiar ang boses niya. "She...Loah." Pinilit kong sinabi ang pangalan niya pero rinig ko na ang hina-hina ng pagsalita ko. Naramdaman kong may yumuyugyog sa katawan ko pero bakit hindi ko maimulat ang mata ko? Bakit hindi pa rin ako tumitigil sa kaiiyak? Bakit parang hindi ako makabangon?
"Veon... Please! 'Wag kang ganito!"
Narinig ko na naman ang boses niya pero ngayon parang may halong pagpa-panic. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Pinipilit ko sarili kong gumalaw, pero hindi ko naman kaya. Kanina gumagalaw lang ang ulo ko, ng katawan ko pero ngayon tumigil na at patuloy na lang akong niyuyugyog. Umiiyak pa rin ako. Gusto kong magsalita pero walang lumalabas na salita sa labi ko. Hindi ko man maramdaman na humihinga ako.
Black talaga ang paningin ko.
"Veon! 'Wag mo akong takutin! Magising ka!"
Agad akong umubo at ramdam ko na ang buong katawan ko. Naimulat ko na ang mata ko pero parang umiikot ang buong paligid ko at medyo blurry siya. Pinapawisan ako at ramdam ko na may luha pa rin ang lumalabas sa mga mata ko. Feeling ko umiiyak pa rin ako. Yung nangyari kasi. Si...
"Sheloah!" sigaw ko at bumangon ako. Medyo finocus ko ang ang sarili ko at may nakita akong shape ng tao sa harapan ko. Pinunasan ko ang luha ko at si Sheloah pala ang nasa harapan ko. Umiiyak na siya at halos hindi na siya mapakali. Parang panicked talaga siya dahil sa akin.
Teka, bakit nasa harapan ko si Sheloah?
Naalala ko ang nangyari. Nakagat siya ng zombie at malapit na siyang mamatay. Natakot ulit ako at tiningnan ko siya ng mas mabuti at napabuntong-hininga si Sheloah.
"Veon, ano ba ang nangyari? Katatapos ko lang maligo kanina at nagpapahangin ako sa veranda natin. 11:37 na ng gabi at sumisigaw ka." sabi ni Sheloah at hindi ako makapaniwala na nasa harapan ko siya. Nananaginip ba ako? Pero kahit panaginip, takot na takot ako na mawala siya.
Nagulat si Sheloah dahil agad ko siyang niyakap. "Veon---" hindi ko siya pinatapos.
"Ayaw kitang mawala, Sheloah." sabi ko n lang sa kanya at umiyak ulit ako. Bumilis ulit tibok ng puso ko at medyo humiwalay ako sa yakap, pero hawak ko pa rin ang likod niya.
"Veon, ano ba ang nangyari? Ano ba ang napanaginipan mo?" Tanong niya at hindi ko na lang sinagot ang tanong niya at tiningnan ko siya.
Nandito si Sheloah sa harap ko. Okay siya. Panaginip lang ang nangyari pero parang totoo kasi ang panaginip na iyon kaya hanggang ngayon, takot ako. Takot na takot ako. Hindi ako ganito dati. Ayaw kong mawala si Sheloah. Gusto ko na nasa tabi ko lang siya. Ayaw ko na siyang bitawan. Kung nasaktan siya, kung nawala siya, ako ang may kasalanan dahil hindi ko siya katabi.
Agad ko siyang niyakap nang mahigpit at bumagsak kami sa kama. "Dito ka lang sa tabi ko." sabi ko at napansin ko na ang lapit ng mukha ko kay Sheloah.
Tinignan ko siya ng diretso sa mata at halata sa mukha niya na medyo gulat siya. Namumula pa itk. "Matulog na tayo, please. Huwag mo akong iwan." sabi ko sa kanya at halata sa boses ko ang takot ko.
"Veon." sinabi ni Sheloah ang pangalan ko at hinawakan niya ang buhok ko at nginitian niya ako. "Hindi kita iiwan." sabi niya at napabuntong-hininga ako. Hindi ko alam kung ano ang pinaggagagawa ko kaya hinalikan ko na lang ang forehead niya at sa sobrang hiya niya, tinago niya ang ulo niya sa dibdib ko at niyakap ko pa siya nang mahigpit.
"Hindi na kita bibitawan, Sheloah." sabi ko sa kanya at pinikit ko ang mata ko at natulog na kaming dalawa.
Ngayon na nasa tabi ko si Sheloah, ayaw ko n siyang pakawalan. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito. Na ayaw kong bitawan ang isang tao. Na gusto ko nasa tabi ko lang siya. Na gusto ko na hindi na siya umalis sa tabi ko. Parang gusto ko na sa akin lang si Sheloah. Ano ba ang ibig sabihin nito? Siguro nga, isa lang ang tamang sagot sa tanong ko.
I think I love Sheloah.
Akala niyo totoo, 'no!? Hahahaha! COMMENT NAMAN KAYO DIYAN! XD
Anyway, salamat sa pagbabasa!