>Sheloah's POV<
His explanation made it more clear. Ang ganda talaga ng painting niya. Sa totoo lang, naiinis ako sa kanya dahil sa kayabangan at aggressive actions niya. Tulad ng way ng pagka kidnap niya sa akin. Hanggang ngayon, hindi ko pa alam kung ano ang reason kaya niya ako kinidnap. And now, I want to know his reasons. Bakit niya rin ako kilala. I don't understand all of these.
Bumalik siya sa tabi ko at agad ko siyang tiningnan. "Kreiss…" Sinabi ko yung pangalan niya and he looked at me with his attention on me at bigla nanaman akong kinabahan at bumibilis nanaman ang tibok ng puso ko. And without me making this action, pinalo ko yung dibdib niya.
Hinawakan niya yung kamay ko and I felt my heart rush again. "What's your problem?" tanong niya and his lips curled up into a sweet smile, no longer the bad boy type, and I blushed again. Hindi ako makatingin ng deretsyo sa kanya.
"Wala…" sabi ko sa kanya at nilapit niya nanaman yung mukha niiya at agad kong binawi yung kamay ko at lumayo ako sa kanya.
Tinawanan niya ako. "Please tell me what you're thinking, princess." Pagpipilit niya sa akin at tiningnan ko siya. Nilapitan niya nanaman ako at hinawakan niya ang kamay ko and he put his face near mine. "Nagtataka ka kung bakit kita kilala, no?" bulong niya sa tainga ko at kinilabutan ako and I pushed him away at tumawa nanaman siya.
"Stop doing this!" reklamo ko sa kanya at nginitian niya ako. "Ang yabang mo. Nakakainis!" dagdag sabi ko pa at napa upo siya sa couch at the end of the room and he gestured to me to sit down beside him.
"Kung hindi ka tatabi sa akin, hindi ko sasabihin kung paano kita nakilala." He blackmailed me at inirapan ko siya kaya umupo ako sa tabi niya. May pitcher of water and he poured some sa glass of water at binigyan niya ako.
"Thank you." Sabi ko sa kanya at ininom ko yung water and I was waiting for him to tell the story on how he knows me and I don't know him.
"Nag usap tayo 2 years ago." Sabi niya at nagulat ako.
"Ha? 2 years ago? So meaning, 14 years old ako noong nakilala kita tapos 16 ka noon so that means, 18 ka ngayon?" sunod-sunod kong tanong and he nodded at me slowly while he's grinning at me from ear to ear.
"Wala kang naaalala so I'll try to make you remember. Kung hindi mo naalala sa mga binigay kong clues…" he trailed off at hinawakan niya yung baba ko. "My face will get closer to yours inch by inch and before you knew it… I'll kiss you." He finished at kinilabutan nanaman ako and I brushed his hand off at namula mukha ko. Tumawa nanaman siya at hindi ko siya tiningnan.
"You flirt!" sabi ko na lang sa kanya at tumigil na siya sa kakatawa pero tumatawa nanaman siya.
"You're so fun to tease!" sabi niya at tumawa nanaman siya at inirapan ko siya at sinimangutan ko pa.
"Will you please get to the point?" request ko sa kanya at tumigil na siya sa kakatawa and he started to tell the story again.
"Fine, fine!" sabi niya at uminom siya ng tubig at nagsalita ulit siya. "Nasa Baguio ako noon at sa school niyo noon tine-take ang exam." He started at tningnan niya ako. Lumapit siya sa akin at nagulat ako. "Ano ang exam na tine-take ko sa school niyo?" tanong niya at na-gets ko na kung bakit niya ito ginagawa. Kung hindi ko ito masasagot, his face will get near mine at kung hindi ko pa masasagot ang upcoming questions…
There goes my precious first kiss.