Descargar la aplicación
32.4% Army of True Salvation (TagLish) / Chapter 68: Land of the Dead

Capítulo 68: Land of the Dead

>Sheloah's POV<

"Sorry." That's all I could say to him. Hindi ko na alam kung ano pa ang sasabihin ko sa kanya dahil sa tono ng boses niya. Bihira kasi siyang magalit and it's scary.

He let out a deep sigh at binatukan niya ako sa ulo. "Pasaway ka talaga, Sheloah," sabi niya lang sa akin. Has he cooled down?

Tiningnan ko siya at nginitian niya ako ng onti at ginulo niya yung buhok ko. Sinimangutan ko siya at inayos ko ang buhok ko and I looked at him as I gave him a closed-mouth smile.

"Sorry na talaga, Veon," I told him again and he nodded at me.

"Pag sinabi kong 'wag mong uulitin, uulitin mo parin naman, eh," sabi niya sa akin at medyo natawa ako sa sinabi niya.

I smiled at him. "Worried ka ba sa akin," tanong ko at tiningnan niya ako.

"Oo," sagot niya agad.

"Kain na nga ako," sabi ko at tumayo ako pero tumigil ako no'ng bigla kong naalala ang plano ko para mamayang gabi.

"Okay lang ba kung mag training ako mamayang gabi kasama si Geof sa training grounds nila," tanong ko at lumingon siya para tingnan ako.

"Sabi ko na nga ba may pinaplano ka nanaman," sabi niya sa akin and I rolled my eyes at him.

"Can you please answer my question," I requested and he nodded at me slowly after he looked at me for 5 seconds.

"Oo, papayagan kita. Basta kasama mo si Tyler mamaya," sabi niya sa akin at bigla akong nagtaka.

"Bakit naman kasama si Tyler," tanong ko and he rubbed both of his palms.

"Kahit okay ang samahan ng grupo ng Army of True Salvation and Weapons of Massive Destruction, hindi kita hahayaan na sumama sa leader ng group nila. Recently tayong magkalaban at pinatay ko yung former leader nila. Sa tingin mo na lahat sila mabait? Or sadyang nakikipag plastikan lang," explain at tanong niya sa akin at hindi ako makasagot because he has a point.

"Basta kasama mo si Tyler mamaya. Hindi ko masyado pinagkakatiwalaan ang Weapons of Massive Destruction kasi pareho tayo ang nasa land nila ngayon," dagdag sabi pa niya and I nodded at him.

"Okay, Veon," sabi ko sa kanya.

Pumunta ako sa kusina, at kinuha ko yung dapat kakainin ko no'ng lunch time. No'ng nakuha ko yung lunch ko, bumalik ako sa hotel room ng pamilya ko at nagpaalam din sa kanila habang kumakain ako. Ayaw ako papuntahin ng mama ko pero kinausap siya ni tito. Nag aalala rin ang tito ko pero no'ng sinabi ko na kasama si Tyler, pumayag naman siya basta saglit lang daw kami.

******

Nagkita kami ni Tyler at ni Geof sa garden at ngayon papunta na kami ng bridge para mag training. Sa lahat ng kilala ko, si Tyler at si Geof lang muna ang makakakita ng pag gamit ko ng katana. Sa iba, surprise na lang. Magugulat na lang sila na gumagamit na ako ng katana instead of guns. Last resort ko na lang ang baril.

Tyler tapped my shoulder. "Did you bring your pistol? Just in case anything gets risky," tanong niya sa akin at pinakita ko yung baril ko sa kanya at tinali ko doon sa left leg ko at tinago ko ito sa ilalim ng skirt ko. Binalik ni Tyler yung attention niya sa harap nung na-confirm niya na dala ko yung baril ko.

"May dala akong extra bullets kung sakali mauubusan tayo. Kausapin niyo lang ako," sabi ni Geof and I nodded at him.

"Hindi tayo magtatagal sa bridge, ha? Challenging na yung place na 'yon pero mas challenging yung place beyond the bridge," dagdag sabi pa niya at napatingin ako sa kanya.

"Ano bang mayro'n pag nalampasan natin yung bridge," tanong ko sa kanya at nag stretch siya ng kamay.

"The land of the dead," sabi niya at tumigil kami no'ng nakita namin yung mga kotse na nakaharang sa bridge. Beyond that is our training ground.

Iniwan ni Tyler at ni Geof yung bag sa isang gilid tapos kumuha sila ng bullets para i-load yung baril nila tapos nagbulsa pa sila ng extra. Tataas na kami ng kotse to go to the bridge pero pinigilan ko si Geof bago kami tumaas.

Curious ako. "Ano'ng ibig mong sabihin no'ng sinabi mong 'land of the dead'," tanong ko at nag sigh siya at nag warm up ng katawan para sa training namin.

"Land of the dead. Meaning yung sementeryo," sagot niya sa tanong ko. Tumaas kami ng kotse at umupo kami saglit para tingnan yung zombies. Medyo marami sila rito sa bridge.

Tiningnan ko si Geof. "Bakit hindi tayo pwede mag training sa sementeryo," dagdag tanong ko at tiningnan ako ng seryoso ni Geof.

"Ang weird kasi ng nangyayari sa sementeryo, eh," he trailed off at hinawakan niya yung baril niya to give it a final check. "Noong pumunta kami roon, namatay yung tatlo naming kasama at ako lang ang nabuhay. Tumakbo lang ako pabalik dito at hindi na ako nakapatay ng zombies nang maayos," sabi niya at nagtaka kaming dalawa ni Tyler.

"What happened in the cemetery," tanong niya at hinintay namin yung sagot niya para malaman namin kung ano talaga ang nangyari noong time na 'yon.

Binalik ni Geof yung attention niya sa mga zombies. "Noong nangyari 'yon, first day ng zombie apocalypse noong naghahanap pa kami ng resources. Gabi noong time na 'yon," sabi niya tapos nag simula na yung kanyang kwento.


REFLEXIONES DE LOS CREADORES
MysticAmy MysticAmy

Please rate my chapters, add my story to your library, leave a comment or a review, and send me power stones. Thanks in advance!

Thank you for reading my story!

Load failed, please RETRY

Estado de energía semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Piedra de Poder

Desbloqueo caps por lotes

Tabla de contenidos

Opciones de visualización

Fondo

Fuente

Tamaño

Gestión de comentarios de capítulos

Escribe una reseña Estado de lectura: C68
No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
  • Calidad de escritura
  • Estabilidad de las actualizaciones
  • Desarrollo de la Historia
  • Diseño de Personajes
  • Antecedentes del mundo

La puntuación total 0.0

¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
Votar con Piedra de Poder
Rank NO.-- Clasificación PS
Stone -- Piedra de Poder
Denunciar contenido inapropiado
sugerencia de error

Reportar abuso

Comentarios de párrafo

Iniciar sesión