>Sheloah's POV<
Kung saan-saan kami pumupunta rito sa rooftop. Kumukuha kami ng nakuha naming resources na pwede madala in cases of emergencies. Medical things, tapos weapons. Bumalik kami sa meeting place namin sa rooftop, at tiningnan namin one last time ang mga kinuha namin. Grenades sa pouch ko, bullets rin, mayro'n. Mga medical things sa kabilang pouch ko at sa pouch ni Isobel. Mga weapons namin dala-dala namin. Kumpleto na ang lahat.
Pumunta kami sa harapan ng pinto ng rooftop, pero hindi pa namin ito binubuksan. Tiningnan ko si Dean at Ace.
"Guys… kayo muna mag guard sa section natin habang nasa labas kami," sabi ko at binigyan ni Veon ng baril si Ace at Dean at tumango sila sa amin.
Hinawakan ni tito yung doorknob at binuksan niya. Lumabas kami lahat at sinarado niya yung pinto. Dahan-dahan kaming naglalakad, at nasa gitna namin si Isobel since siya ang walang weapon sa amin.
"Oh my gosh… nakakakaba." pabulong na comment ni Isobel at dahan-dahan parin kaming bumababa.
No'ng pagbaba namin ng isang staircase, sumigaw si Isobel dahil may nakita kaming zombie at agad ito tinamaan ni Josh ng stick at namatay yung zombie. Pero no'ng sumigaw si Isobel, madaming zombies na ang pataas dahil sa sigaw niya.
Tiningnan ko siya. "Isobel, 'wag masyadong maingay," remind ko sa kanya at nag peace sign siya sa akin. Tumakbo kami pababa para lapitan yung ibang zombies at binaril namin sila. Kahit naka silencer yung mga baril namin, maraming zombies parin ang pumupunta sa amin.
Nandito kami sa gate malapit sa computer lab at napapansin ko na parang ang bagal ni Sir Jim. Yung mga iba atake ng atake ng zombies tapos siya nakatayo lang sa isang gilid kaya nilapitan ko siya.
"Sir," tinatawag ko yung pansin niya pero hindi parin niya ako pinapansin. Tiningnan ko siya ng mas maigi and I tapped his shoulder. "Sir, ano'ng problema," tanong ko at bigla niya ako tiningnan. Finally, I got his attention.
"Umm… wala, wala. Bilisan lang natin. Dumadami ang mga zombies dito," sabi pa ni Sir Jim at binabaril niya rin yung mga zombies.
Okay, that's weird. Ano'ng nangyari kay Sir? Nandito lang kami sa tabi ng computer lab. Kanina ang stable niya lang tapos ngayon parang nagmamadali siya? Ano'ng mayro'n? May tinatago ba siya sa amin?
Hinayaan ko na lang yung iniisip ko at binalik ko yung focus ko sa pag atake ng zombies. Si Tyler at Josh ang bilis nila umatake. Pagkatapos nilang pumatay ng zombies, pagkalingon nila, papatay na agad sila gamit ng spear nila. Si Sir Erick naman at si tito ang gagaling nila sa pagbabaril. Head shot. Kung hindi head shot, dalawang shot sa ulo, patay na ang zombies.
Lumingon ako at may zombie na nasa harapan ko at binaril ko pero no'ng binaril ko, hindi pa siya patay pero umupo ako at sinipa ko siya. Yung style ng pag sipa ko yung paikot sa floor. No'ng ginawa ko 'yon, tumayo ako tapos binaril ko ulit yung zombies two times sa ulo at namatay na siya. Lumingon ulit ako tapos binabaril ko yung ibang zombies na malapit kay Isobel.
Tiningnan ko si Veon at nakita ko na ang bilis ng pag atake niya. Binabasa ko yung tactics niya at ang mga zombies na malayo, binabaril niya sa paa tapos 'di sila makakalakad. Tapos yung mga zombies na malapit sa kanya, head shot tapos yung mga binaril niya na zombies sa paa, babarilin niya pag walang zombies ang malapit sa kanya. Ang galing ng strategy niya.
Wala nang masyadong zonbies kaya tumakbo kami papunta sa playground kahit malayo-layo ito. Yung ginagawa namin hit and run. Hindi kami masyado nagtatagal sa isang lugar dahil pag nagtagal kami, mahuhuli kami ng zombies.
Nakarating kami sa playground at pumasok kami sa respective cars kung saan kami sasakay. Sinasabi ni Veon yung directions at sure enough, mabilis ang pagkamaneho ni Kenneth kaya nauuna kami kaysa kina tito. Sinusundan na lang nila kami para makahabol sila.
Habang papunta kami sa bahay ni Veon, binuksan namin yung pinto ng service car at nagbabaril ako ng zombies. It took us 5 minutes to reach their house at no'ng nandito kami sa harapan ng bahay nila, bumaba lahat kami at binabaril namin yung mga zombies. Dumadami na talaga. Kagabi walang zombie rito at ngayon, marami na. Mabilis kumalat ang zombie contamination.
"Veon, bilisan mo," sigaw ko habang binabaril ko yung zombies.
Lahat kami nag babaril ng mga zombies dito habang kinukuha ni Veon yung susi ng kotse niya sa bahay niya. Yung garahe kasi siguro nasa likod ng bahay niya kaya pupunta pa siya doon. Nandito lang kami sa front yard, pinapatay ang mga zombies habang hinihintay si Veon.
Nilapitan ako ni Sir Jim habang nagbabaril kami ng mga zombies. "Sheloah… pinag usapan namin 'to ng tito mo sa kotse kanina. Pag nakuha na ni Veon ang kotse niya, iiwan na natin ang service car dito. It's no use anymore," sabi sa akin ni Sir Jim habang nag babaril kami ng mga zombies.
I nodded at him. "Sige, Sir. Yung gagawin namin siguro, si Veon magmamaneho tapos si Kenneth ang nasa passenger's seat. Tapos gagamitin niya muna yung baril ni Veon para sa left and right, babarilin niya yung zombies," sabi ko naman kay Sir at nagpahinga siya saglit.
"Paano kayo ni Tyler at Josh," tanong niya at binalik niya yung concentration niya sa pagbabaril ng mga zombies.
Hindi ako makasagot ng maayos dahil sa sobrang zombies na lumalapit kay Tyler and Josh, pinagbabari ko and I can't focus two things at the same time.
"Pick up naman yung kotse ni Veon kaya roon kami sa likod. Babaril ako ng zombies doon tapos makiki-attack din sina Tyler at Josh," I said finally at tumango si Sir Jim.
"Sige. Sabihin ko yung plano sa tito mo," sabi ni Sir Jim and he ran past Sir Erick kasi nasa likod niya si tito.
Salamat sa pagbabasa! ^^ Please do comment. :3