>Sheloah's POV<
Huminga ako ng malalim. "Tito… yung kotse ng tenant natin nandiyan ba," tanong ko at nag oo siya. "Yung susi pinapatago sa'yo, 'di ba," tanong ko at nag oo ulit siya.
Naglalakad ako sa rooftop nang biglang may naisip akong plano. "Tito, kung sakali…" Hindi ko alam kung pa'no sabihin. "Kung sakali na wala na sila… gamitin niyo yung kotse papunta rito," sabi ko na lang sa tito at sinagot niya agad ako.
Napabuntong-hininga siya. "Well, totoo nga, namatay na at bakit naman kami pupunta diyan," tanong ng tito ko.
"Pupunta kami ng SM to get resources. Isa pa, it's much safer here kaysa sa bahay natin. It's high time for you and the others to go here," sabi ko at napabuntong-hininga nanaman si tito.
"Mabilisan dapat natin 'to gawin if that's the case," Sabi naman ng tito ko at sumandal nanaman ako sa railings ng rooftop.
"Tito, kukuha kami ng food, clothes at iba pa. Pati yung gun shop, kukuha kami ng mga baril," sabi ko pa sa kanya.
"Let's get all we can sa guns hop. Talagang kailangan natin 'yan," sabi ng tito ko at tumango ako sa sinabi niya. "Especially the bullets," dagdag sabi pa niya.
"Nandoon na siguro kami by 5:30. Bilisan mo ang pagpunta rito at drive ka na rin alone papunta ng SM. Dalhin mo yung baril ni lolo," sabi ko kay tito at nag oo ulit siya. Pinatay ko yung call at tumingin ako sa paligid ko. Kailangan kong kausapin si Veon.
I looked around at nakita ko si Veon na may kausap sa cellphone niya. Tumakbo ako papunta sa kanya and I heard him talking with his dad. Kinakabahan na rin si Veon. Halata sa itsura niya. Well I can't blame him. Siguro ganito rin itsura ko kanina no'ng kinakausap ko yung tito ko kanina.
"Pa… pa, 'wag kayong umalis diyan ni ma. Babalikan ko po kayo pagkatapos namin kumuha ng resources sa SM. Please, magtago lang kayo," sabi ni Veon sa papa niya at sinandal niya yung ulo niya sa railings ng rooftop.
Mukha talagang problemado siya at natatakot ng sobra. Ramdam ko ang talagang nararamdaman niya dahil pati rin ako… ganyan kanina. Sobrang nag aalala.
"I-lock niyo yung mga pinto. Block niyo yung mga bintana. Magtago lang kayo sa kwarto. May baril ka naman po, pa. Gamitin mo," Sabi pa ni Veon sa tatay niya at napansin niya ako.
"Pa, ibababa ko na yung tawag. Pangako ko po na babalikan ko kayo, Diyan lang po kayo at 'wag kayo aalis ng bahay. Please… hintayin niyo lang ako," Sabi ni Veon sa papa niya at pinatay niya na yung tawag.
Nilapitan ko si Veon and I gave him a slight smile, at hinawakan ko yung balikat niya to calm himself down. "Babalikan natin sila, I promise. Sasamahan kita. Alam ko ang nararamdaman mo," sabi ko kay Veon at nginitian niya ako ng onti.
"Alis na tayo," sabi ni Veon sa akin at sinundan ko siya at pumunta na kami sa labas ng rooftop.
Halata rin sa paraan ng galaw niya na nagmamadali siya. Gusto niya talaga matapos ito kaagad para masagip niya ang mga magulang niya. Naiintindihan ko naman siya. Kung ang parents ko defenseless, mag mamadali rin ako para lang maligtas ko sila.
Nandito na kami sa labas ng rooftop. Hindi pa kami bumababa ng stairs. Nasa labas pa kami mismo ng pinto. Magkasakama kami ni Veon, Tyler at Josh. Seems to me na ako lang ang brave sa mga girls dito sa klase namin.
Ang melee weapons namin ay sticks na nanggaling sa billboard namin para sa sportsfest na hindi man lang nagamit dahil sa zombie apocalypse na nangyari.
Well, ayaw ko naman masyado ng sportsfest. It takes too much practice. Tulad nga ng sinabi ng isang teacher namin, binabawasan niya ang oras for lessons kaya mas maraming hinahabol na requirements and do you expect to right away do the projects and assignments pagkauwi nila, eh everyday may practice. Malamang pagod na pagod na lahat ang mga students.
Yung mga baril namin nakatago sa bulsa namin at ito ang last resort namin. Kami lang ni Veon ang may baril sa aming apat. Naglakad ako nang tahimik papunta sa tabi ng stairs at tumingin ako sa butas sa gitna. Isa lang ang zombie, 1 stair case down pero kahit isa lang siya, nakakakaba kasi baka pag pinatay namin with a stick, makukuha namin yung pansin ng ibang zombies.
Tiningnan ko yung mga kasama ko. "May isang zombie sa baba," bulong ko sa kanila at naglakad kami ng dahan-dahan pababa ng staircase.
Nakatalikod yung zombie at naka uniform siya. Isang estudyante, naging zombie. Tiningnan ko yung collar ng zombie at nakita ko na kulay yellow ito.
Sa school kasi namin may indicator kung ano ang year level mo. Kung kulay green, first year or grade 7 ang estudyante. Kung yellow, second year or grade 8. Kapag red, third year at kung blue naman, fourth year.
Since yung zombie na nasa baba namin yellow ang nasa collar, meaning grade 8 siya. Medyo malungkot ako dahil naging zombie siya. Hindi man lang tumagal ang buhay niya rito sa mundo. Hindi man lang niya na-enjoy.
No'ng pagkababa namin, lumingon yung zombie at muntikan na akong sumigaw dahil sa sudden action niya kaya nilagay ko yung kamay ko sa bibig ko at nilapitan agad ni Veon saka niya hinampas yung ulo ng zombie nang malakas gamit yung stick na hawak niya.
Natumba agad yung zombie at yung dugo na galing sa katawan niya lumabas at nakagawa ng puddle of blood. Tinamaan ulit ni Veon sa ulo yung zombie para sure na patay ang kalaban namin at hindi kami maatake.
Lumingon ako agad at hinawakan ni Josh ang balikat ko. "Okay ka lang," bulong niya sakin at tumango ako and I took a deep breath.
"Oo… nabigla lang," sabi ko at tiningnan ko yung zombie sa sahig. "Dapat masanay na ako ng maaga. Hindi dapat ako ganito kahina," sabi ko at nag simula na akong nag lakad pababa ng stairs at sinundan ako ni Veon, Josh at Tyler.
No'ng nakababa na kami 3 staircases down, may dalawang zombie naman na nakaabang sa isa pang staircase. Umupo kami agad at sumilip kami ng onti.
"One wrong move, and we're done," sabi ni Tyler at nag isip ako ng plano.
Kung dalawa sila at nakaabang sa staircase… it'd be best kung aatakihin namin sila agad. Tatakbo kami papunta sa kanila at agad namin silang tatamaan sa ulo. Mahuhulog sila ng stairs at 'yon ang ikamamatay nila.
"Guys… tatakbo tayo papunta sa kanila at pag malapit na, we hit them hard on the head with our sticks. Sound alright," sabi ko at tumango yung mga kasama ko.
Tumakbo kami ng mabilis pababa ng stairs. Kami ni Veon ang nauna. No'ng malapit na kami sa zombie, lumingon sila at agad namin tinamaan ni Veon sa ulo ang mga zombies nang malakas gamit at stick na hawak namin.
No'ng nahulog yung zombies sa stairs, buhay pa sila kaya bumaba si Tyler at Josh at agad nilang tinusok yung zombie sa ulo gamit ang kanilang stick. Nandiri ako dahil tinusok nila mismo sa bandang mata nila. Siyempre natalsikan kami ng dugo sa mga damit namin.
Tiningnan ko ulit ang collars nila at napansin ko na may pinatay kaming grade 7 at isang third year.
Bumaba pa kami ng isang staircase at nakita namin yung home economics room. No'ng nandoon kami sa harap ng pinto, sumilip ako sa glass part at may nakita kaming nakatayo sa harap ng stove.
Tiningnan ko yung mga kasama ko. "Zombie or person," tanong ko sa kanila and Josh shrugged his shoulder.
"Pasok kaya tayo at tingnan natin," sabi ni Josh at hinawakan ni Tyler yung door knob at dahan-dahan niya itong binuksan.
No'ng binuksan niya, pumasok si Tyler at biglang may nagbato ng knife at na-stuck ito sa pinto. Nagulat si Tyler at nagulat din kami kasi muntikan nang matamaan ang mukha ni Tyler ng kutsilyo. Tiningnan namin agad kung sino ang bumato at nakita namin ang teacher namin sa Math.
Si Sir Jim.
Napaaga ang update ko for today. :3 Guys, remember, for noticed typos and grammatical errors, please do paragraph commenting. Thanks!
Salamat sa mga readers kong nagbabasa! ^^ Comment naman sana kayo. :3