Descargar la aplicación
95.28% The Actor that I Hate to Love / Chapter 182: I'm Finally Awake

Capítulo 182: I'm Finally Awake

Shanaia Aira's Point of View

" Happy birthday to you, happy birthday to you, happy birthday, happy birthday, happy birthday dear Shane."

Nag- wish si ate Shane tapos ni-blow niya yung candle sa cake nya. Pagkatapos kinuha nung mga bata yung mga flowers dun sa cake, hindi ako natirhan. Sabi ko kay mommy akin yung isa don pero nikuha lahat nung mga bata.

Malungkot akong pumunta sa loob ng bahay. Gusto ko kasi yung flower dun sa cake kasi parang candy yon. Naiiyak na ako pero may tumabi sa akin na isang bata. Kilala ko sya kasi best friend siya ni ate Shane pero hindi ko sya madalas nakakasama dahil matanda siya sa akin.

" Hi! bakit malungkot ka?" tanong niya. Parang may hawak sya pero tinatago niya sa likuran niya.

" Kasi hindi ako nabigyan nung flower sa cake, inubos nung mga bata." malungkot na sagot ko.

" Here. Para hindi ka na malungkot." sabi niya tapos inabot niya sa akin yung malaking lollipop na hugis flower. Ang ganda.

" Thank you kuya Angelo. May ganito pala na lollipop. " namamangha ko pang tanong.

" Ginawa ng mommy ko yan, madami yan para pang give-away sa mga bisita ni Shane. Nakita kong malungkot ka kanina kaya kumuha ako ng isa. Mabuti nagustuhan mo. "

" Oo naman. Ang ganda-ganda kaya. "

" Mas maganda ka. Ang cute mo nga eh. "

" Weh? Niloloko mo naman ako. Sabi ng mga classmate ko nerd daw ako. Kasi ang laki ng eye glasses ko oh. " turo ko sa mata ko.

" Sino maysabi? aawayin ko. " bumungisngis ako sa sinabi nya. Paano nya aawayin eh girl yung nagsabi non sa akin.

" Why are you laughing? Hindi ka ba naniniwala? "

" Hindi. Eh kasi naman kuya Angelo girl yung nagsabi non. Bawal mang-away ng girl di ba? "

" Oo nga. Pero tandaan mo to, maganda ka.Paglaki mo, liligawan kita."

" Ano yung lulugawan kuya Angelo?" inosenteng tanong ko. Natawa naman siya, yung malakas.

" Ah basta huwag mo ng intindihin yon, bata pa tayo. "

" Okay kuya. "

" And stop calling me kuya, okay baby?"

" Okay. " then nag-appear pa kami.

Since then I always play with kuya Angelo. He also brought me chocolates and lollipops. We became friends.

But one day, no more kuya Angelo na. Mommy said, he also entered showbiz like ate Shane. Nalulungkot ako kasi madalang ko na siya makita.

Lagi akong umiiyak kasi wala na akong kaibigan, kahit si ate Shane ay busy na sa pag-aartista.

One day I got hospitalized because I have a high fever. They need to confine me in the hospital for I don't know how long.

Lagi kong naririnig si kuya Angelo na kinakausap ako pero hindi ko pa maidilat yung mata ko. Parang ang bigat nung talukap ko.

Naririnig ko sila. Si mommy, si daddy, si kuya Andrew, si ate Shane at si kuya Angelo. Pero kahit anong gawin ko hindi ko talaga maidilat yung mga mata ko. May lagnat lang naman ako pero bakit hindi ko madilat yung mata ko?

" Hi baby! Na-miss kita dahil hindi kita halos nakita sa maghapon. Alam mo umattend ako ng awards night. Hindi ba nabanggit ko na nominated ako? Ang saya mo pa nga at gusto mong sumama. Sayang wala ka dun baby kanina, mas masaya sana ako kung kasama kita habang kinukuha ko yung trophy ko. Nanalo ako bilang best actor baby. Salamat sayo at sa mga anak natin dahil kayo ang inspirasyon ko. Gumising ka na please. Isang linggo ka ng tulog dyan. Laban lang tayo baby ha, wag kang bibitaw. Anong silbi ng lahat ng ito kung mawawala ka naman?"

Sino kaya yung nagsasalita na naman? Bakit niya laging sinasabi na may anak kami. Paano ako magkakaanak eh eight years old lang ako?

Gusto ko ng dumilat kasi baka crazy yung kuya na nagsasalita, ang liit-liit ko pa may anak na ako?

Try ko nga galawin kamay ko.

" Oh my God! Baby totoo bang kumilos yung daliri mo? " narinig kong sabi nya.

" Baby can you hear me? Please move your fingers again. "

Kaya ginalaw ko ulit, sabi nya eh. Tapos dahan - dahan kong dinilat mga mata ko.

" Tubig." mahinang sabi ko.

Pero umalis siya hindi nya ako binigyan ng tubig tapos nung bumalik siya may kasama na syang mga naka-puti. Tiningnan nila yung mata ko, ni-flashlight pa nga tapos yung mouth ko. Dinampian lang nila ng basang cotton yung lips ko. Nakakainis, nauuhaw nga ako eh.

" Salamat sa Diyos baby at gumising ka na. Mahigit isang linggo ka ring natulog. Mamaya ililipat ka na dun sa kinuha kong kwarto para sayo."

Nagsasalita na naman yung poging kuya. Sino ba sya? Kumunot na yung noo ko sa kakaisip kung sino sya.

" Baby? "

" S-sino ka? "

" Baby, ako si Gelo, ang asawa mo. "

" Ha? " nagulat ako. Nahihirapang sinulyapan ko yung isang kamay ko. Malaki na. Tapos yung katawan ko. Oo nga, malaki na ako.

Bakit nung natulog ako eight years old lang ako?

Gusto kong magtanong ulit kaya lang mabilis ulit syang lumabas. Tiningnan ko ang paligid, parang nasa ICU ako ng isang ospital at maraming nakatusok sa akin, pati ilong ko meron. Hanggang sa mag-sink in sa akin kung ano ang kalagayan ko.

Oo nga. Si Gelo yun. Ang asawa ko.

Tapos unti-unti ko ng naalala ang lahat. Nasa presscon ako ni Gelo tapos may kumuha sa akin pero nabawi ako nung mga bodyguards ko. May naramdaman akong malamig na tumusok sa tagiliran ko tapos nawalan na ako ng malay.

Narinig ko na may mga pumasok na naman. In my peripheral vision, I saw Gelo with a doctor and nurses. They examine me again.

" Doc tinanong niya ako kanina kung sino ako. May possibility ba na nagka-amnesia siya?" tanong ni Gelo sa doktor. Hindi muna siya sinagot ng doktor sa halip ay ako ang tiningnan saka dumukwang at nagtanong sa akin.

" Mrs. Montero can you hear me? " tumango ako.

" Do you remember everything now? " tanong nyang muli at tumango ulit ako.

Humarap syang muli kay Gelo.

" When coming out of a coma, a patient probably will be confused and only slowly respond to what's going on. It will take time for the patient to start feeling better. In her case, she's just confused when you asked her a while ago. It's a good thing that she's now in her right state of mind. " narinig kong paliwanag nung doktor. Na-comatose pala ako. Ngayon ko lang naintindihan yung sinabi ni Gelo kanina na mahigit isang linggo akong tulog.

Dahil gising na ako at normal lahat ng vital signs ko, inalis na yung nasa ilong ko at ilang mga nakalagay sa kamay ko. Then after another series of tests, inilabas na nila ako ng ICU para dalhin na sa kwarto na kinuha ni Gelo para sa akin.

Narinig ko na nagbilin pa yung doktor kay Gelo ng kung ano-ano pero hindi ko na halos naintindihan dahil inantok na naman ako.

Paggising ko ay nauuhaw ako.Hinanap ng mga mata ko si Gelo at natagpuan ko siya sa couch at nanonood ng tv.

" Bhi tubig." mahina kong tawag pero buti na lang agad syang napalingon.

Tumayo siya at dinala sa akin ang bottled water na may straw pero kaunti lang ang laman.

" Paunti-unti lang muna baby ang tubig sabi nung doktor." tumango ako. Alam ko naman yun dahil doktor din naman ako.

Matapos akong painumin ay umupo sya sa chair na nasa tabi ng bed ko. Hinawakan nya ang isang kamay ko at tiningnan ako ng seryoso. Nakikita ko sa mga mata nya ang pagmamahal at relief.

" Bakit na-comatose ako bhi? Gaano ba ka-grabe yung nangyari sa akin?" tanong ko.

" You were stabbed by a knife with a poison. The doctors did their best to removed that poison and thank God you survived that. But after that, ilang beses kang nag-seizure then nag-flatline ka pa baby buti na lang na-revived ka nila pero yun nga lang na coma ka. I'm glad gising ka na, akala ko nagka-amnesia ka kanina, kinabahan na naman ako. "

" Medyo naguluhan lang ako bhi. Kasi yung nakikita ko nung tulog ako ay nung bata pa tayo. Nag-start nung birthday ni ate Shane tapos nun tuloy-tuloy na. Natapos ako nung na-ospital ako dahil mataas yung lagnat ko. Naaalala mo yun? "

" Yeah, everyday kitang dinadalaw sa ospital nun. Kinakausap kita kahit tulog ka. You mean, yun ang nakikita mo nung tulog ka? "

" Yeah, tapos biglang naiba na yung boses nung kumakausap sa akin. Yun pala nasa kasalukuyan na ako. Hindi agad kita nakilala kasi yung itsura mo nung bata ka yun yung huling nakita ko dun sa nakaraan na natulog ako. Saka ko lang na-realized ang lahat nung pagmasdan ko ang sarili ko at yung paligid ko. "

" Ganoon pala kapag na-comatose, parang bumabalik ka sa nakaraan?"

" Depende bhi. Yung iba nananaginip or may hallucinations. In my case, dun ako dinala ng diwa ko, kung saan eight years old lang ako. " paliwanag ko.

" Thank God baby, you're back. Sobrang nag-alala ako sayo pero alam ko naman na hindi ka pababayaan ng Diyos. "

Ilang oras ang lumipas ng magsimulang magdatingan ang mga kapamilya namin. Kumpleto sila. Both sides. May mga dala silang pagkain, bouquet of flowers, baskets of fruits at may baloons pa. Masaya sila dahil gising na ako at parang celebration na rin daw para sa pangalawang buhay ko .

At ang higit na nakapag-pasaya sa akin ay ang kambal namin. Nakiusap si daddy Archie na papasukin sila sa room ko kahit sandali lang. Gusto ko silang yakapin pero may mga nakalagay pa sa dalawang kamay ko. Binuhat na lang sila ni Gelo para mahalikan ako sa pisngi.

Mga ilang araw pa ang itinagal ko sa ospital nang sa wakas ay pinayagan na rin akong umuwi.

Pagdating namin sa bahay ay sinalubong na naman ako ng pamilya namin ni Gelo ng isang munting salo-salo. May pa-tarpaulin pa, na may nakalagay na "Welcome home Dra. Aira" . Naiiyak ako sa sobrang pag-effort nila.

" Mommy!" tumatakbong sinalubong ako ng kambal at mahigpit ko naman silang niyakap ng makalapit sila sa akin.

" Are you ready baby?" tanong ni Gelo.

"S-saan?" tanong ko, may halong pagtataka.

" Sa panibagong buhay natin sa ibang bansa. At aalis na tayo sa susunod na araw." mangha akong napatingin sa kanya.

Aalis kami?

Agad-agad?


REFLEXIONES DE LOS CREADORES
AIGENMARIE AIGENMARIE

Sorry guys for waiting. From this day, mag-uupdate na ulit ako regularly. Thank you sa mga patuloy na naghihintay sa update.

Enjoy reading.

Load failed, please RETRY

Estado de energía semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Piedra de Poder

Desbloqueo caps por lotes

Tabla de contenidos

Opciones de visualización

Fondo

Fuente

Tamaño

Gestión de comentarios de capítulos

Escribe una reseña Estado de lectura: C182
No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
  • Calidad de escritura
  • Estabilidad de las actualizaciones
  • Desarrollo de la Historia
  • Diseño de Personajes
  • Antecedentes del mundo

La puntuación total 0.0

¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
Votar con Piedra de Poder
Rank NO.-- Clasificación PS
Stone -- Piedra de Poder
Denunciar contenido inapropiado
sugerencia de error

Reportar abuso

Comentarios de párrafo

Iniciar sesión