Descargar la aplicación
80.1% The Actor that I Hate to Love / Chapter 153: The Wedding

Capítulo 153: The Wedding

Shanaia Aira's Point of View

INIS na inis ako. Habang ginagamot ko nga yung putok sa labi ng pinsan kong si Martin ay panay ang reklamo niya. Napapadiin kasi ang dampi ko sa bulak na may alcohol dun sa labi niya.

" Doktora naman huwag mo sa akin ibuhos yang inis mo sa jowa mong best actor." sabi niya. Mas lalo naman akong nainis sa sinabi niya.

" Pwede ba doc Martin, huwag mong mabanggit-banggit yung taong yon, naggigigil ako."

" Ano ba kayong magpinsan dyan, mukhang kayo pa ang mag-aaway nyan eh. Martin dito ka na matulog para sabay na kayo niyang si Aira sa pagpasok bukas." sabi ni lola Paz.

" Opo la. " sagot nya.

" Ano ba apo, gusto mo na ba akong makialam diyan sa away ninyo ni Gelo? Aba'y kapag ako ang humarap dun sa batang yun mahahalibas ko na yun ng tungkod ko. " sabi naman ni lolo Franz. Nakwento ko na kasi yung nangyari kasi napuna nilang duguan yung nguso ni Martin, hindi namin ugaling magpipinsan ang hindi magsabi ng totoo kay lolo.

" Franz huwag ka ng makialam sa problema nila. Mag-asawa yan. At isa pa hayaan mo na lang si Gelo ang tumuklas ng totoo na sigurado namang gagawin niya. Marami na siyang narinig dito kay Aira na marahil eh napapaisip na siya ngayon." turan ni lola Paz kay lolo.

" Bweno kung yon ang gusto ninyo eh di sige. Iwasan mo na lang muna siya apo. Siguradong kapag natapos ang trabaho niyan dito saka yan magsisimulang magtanong para malaman na niya yung totoo. Yun eh kung gusto pa niyang bumalik sayo. Mukhang mahal na niya yung nobya niya ngayon ayon diyan sa kwento mo. " sabi muli ni lolo.

" Lo, kahit masakit tatanggapin ko kung wala na talaga siyang pagtingin sa akin. Kahit para na lang sa mga bata. "

" Naku Aira wag ka ngang martyr dyan. Ikaw ang legal na asawa, hahayaan mo na lang ba yon? " sabi naman ni Martin.

"Kung hindi na niya ako mahal, bakit ipipilit ko pa yung sarili ko di ba? Walang Guererro na ganon, insan. Tayo yung hinahabol, hindi tayo yung naghahabol."

" Naku, itaga mo sa bato Aira, mahal ka pa nun kaya nagseselos pa." saad muli ni Martin.

" Nagseselos? "

" Oo, nagseselos. Hindi aasta ng ganun yon kung hindi. Kaya nakapagsalita ng masasakit yon kasi kinain siya ng selos. Kunwari lang na para kay Jaytee yung galit niya. Ano ba ang pakialam niya kay Jaytee di ba? Threath sa kanya yun noon pa. Alam na alam ko yung mga ganyang galawan insan. Selos lang yun. "

" Ewan sayo insan. Palibhasa ganyan ka rin minsan. "

" Kaya nga alam ko eh. "

" Tumigil na nga kayong dalawa dyan. Magsipagbihis na kayo at kakain na tayo ng hapunan pagdating nila tita Laine nyo. Mga naka-pang doktor pa kayo eh wala naman kayong pasyente dito. " pagtataboy pa ni lolo Franz sa amin. Para pa rin kaming mga bata kung itrato niya.

Nagkatawanan na lang kami ni Martin saka nagtungo sa kanya-kanyang silid. May kwarto din kasi dito ang isang yan. Kapag tinatamad umuwi dun sa bahay niya na puro kasambahay naman ang kasama, dito siya kila lolo. Dito na nga pinapauwi yan pero sayang kasi yung bahay na nabili niya. Sariling pundar niya kasi yon.

Mag-isa lang kasi si Martin dito sa Pilipinas. Nasa US ang parents niya pati mga kapatid. Yung mommy niya, si tita Sugar ang nagma-manage nung chain of restaurants ni lolo Franz dun, dito naman sila tita Laine na at sa Makati naman sila tito Frank. Nung magtapos siya ng medicine, dito na siya nag-practice, at isa pa, lolo's boy din kaya umuwi dito. Yung mommy niya at mommy ni Feliche ay magkapatid pati si tita Laine.

KINABUKASAN ay magkasabay kami ni Martin sa pagpasok. Pagdating namin ng parking lot ay may namataan akong pamilyar na sasakyan. Yung McLaren namin ni herodes. Alam ko kasi yung plate number niya.

Bakit yun ang dala niya? Huwag niyang sabihing isasakay niya yung sawa dyan. Hindi pwede! Conjugal property namin yun.

" Wow McLaren!" puna agad ni Martin.

" Anong ginagawa nyan dito?" wala sa loob na turan ko.

" Malamang naka-park kaya nandyan." sagot naman nya.

" Hindi yon. Amin yan eh. Bakit yan ang dala niya?"

" Iniinggit ka?" tanong niya.

" As if naman maiinggit ako. Huwag lang nyang isasakay yung girlfriend nyang sawa dyan kundi malilintikan siya talaga sa akin. "

" May ganong rule?"

"Oo. Bawal ang umupo ang kahit sino dun sa passenger's seat. Akin yon.Sa lahat ng sasakyan namin."

" Noon yon insan. Hiwalay na kayo di ba?" pang - aasar pa niya.

" Alam mo ikaw hindi ko alam kung kakampi ba kita o ano." naasar kong sambit.

" Haha. ikaw naman lagi kang pikon. Hoy Aira tumanda na tayo, ganyan ka pa rin. "

" Ikaw rin naman. Tumanda na tayo mapang-asar ka pa rin. "

" Sa tingin mo, bakit yan ang dinala niyang sasakyan? Ano ang gusto nyang palabasin? " tanong muli ni Martin.

" Aba ewan ko nga. Hindi ba yan din ang tanong ko kanina? "

" Paano kung kasama niya yung girlfriend niya at diyan nga sa Aira's seat niya pinaupo? " tanong nya muli.

" Ibang usapan na yon. Ibig lang sabihin inaalisan na niya talaga ako ng karapatan pati sa mga conjugal properties namin. Pwede ring iniinis nya ako at pinagseselos dahil dun sa nangyari kahapon. What do you think? "

" Pwede. Pero di ba sabi ni lolo hayaan mo na muna siya at wag ng pansinin? Huwag mong ipahalatang nasasaktan ka, para hindi ka niya lalong masaktan. Huwag mong ipahalata na affected ka pa rin. Hayaan mong siya ang maghabol lalo na kapag nalaman na niya ang totoo. Ano nga yung word nyo ni Jaytee? Para makakurot ka naman kahit konti. " napangiti na ako sa sinabi ni Martin. Tama siya, huwag ko na munang pansinin si Gelo, baka mas lalo lang akong masaktan kapag pinansin ko pa. Kung ano man ang rason ng pagdadala niya ng sasakyan namin, bahala na siya. Isakay man niya yung sawa dyan o hindi, wala na akong pakialam dun.

Sa lobby naman ng ospital ang shooting nila kaya naroon na sila pagdaan namin. Namataan ko rin yung girlfriend niya kasama nung ilang staff. Hindi ko na pinansin si Gelo kahit alam kong nakatingin siya sa akin. Kunwari wala akong nakita. Kumpirmadong naisakay niya yung girlfriend niya sa Aira's seat. Imposibleng sa backseat yon eh di nagmukha naman siyang driver nito. Wala na akong paki don, kanya na lang yang McLaren, isaksak niya sa baga niya. Hmp.

______________

Almost everyday basta't may shooting sila sa ospital, deadma lang ako. Hindi ko siya pinapansin o tinitingnan. Makasabay ko man siya sa food court o sa elevator o kaya sa parking lot, parang wala lang akong nakita. Gusto kong iparamdam sa kanya na nasaktan ako sa mga masasakit na salita na ipinaratang niya sa akin. Gusto kong ipakita sa kanya na wala lang sa akin kahit maglampungan sila nung girlfriend niya sa publiko. Kahit na ang totoo eh para na akong pinapatay sa sakit. Gusto ko na maging buo pa rin ang dignidad ko sa paningin niya.

Ganoon lang ng ganoon hanggang sa kahit paano ay nasanay na ako. Siguro naging manhid na lang ako sa sakit.

Hanggang sa sumapit ang kasal nina ate Shane at kuya Aris.

One week before the wedding ay nakapagpaalam na kami ni Martin sa ospital. Mga two days kaming mawawala kaya dapat maaga pa lang nagsasabi na.

Biyernes matapos ang duty namin ni Martin at pag-uwi naman nila tita Laine mula sa trabaho, sabay-sabay na kaming lumuwas pa-Makati nung hapong iyon. Kailangan kasi isang araw bago ang kasal naroon na kami.

Sobrang busy na kami ng buong Sabado. Kahit medyo pagod sa biyahe galing ng Sto. Cristo nung sinundang gabi, maaga pa rin kaming nagising. Hinayaan ko na munang matulog yung kambal. Katabi ko silang natulog kasi pagdating ko nung gabi, ayaw ng humiwalay sa akin. Si Jaytee at Feliche ay nasa guest room namin. Hindi na sila nakigulo sa kabilang bahay dahil napakarami na nila doon, naroon lahat sumiksik ang team Sto. Cristo.

Pagbaba ko ay inabutan kong nag-aalmusal ang pamilya ko. Naroon si kuya Aris kasama nilang nag-aalmusal.

" Hala ka! Bakit nandito ka kuya? Di ba bawal yon, kasal nyo na bukas?"

" Anong bawal? Eh dito na nakatira yan simula nung magpakasal kami ng civil last week." si ate Shane ang sumagot.

"Ay ganon? Hindi ako na-inform may kasalan palang naganap."

" Sus! Wag ka ng magtampo bunso, kami man ay nagulat, dumating sila nung araw na yon kasal na sila. Hindi na namin nakuhang magalit kasi tapos na, bitbit na ni Aris yung maleta nya pagdating namin. " sabi naman ni daddy.

" Ay ang galing! " napa-palakpak pa ako.

" Mas magaling ka bunso noon. Nabigla kami talaga. Hindi namin alam na kasal na kayo kundi ka pa nakunan. Mas magaling yon. " pang-aasar naman ni ate Shane.

" Tse. Wag mo na ngang ipaalala, nasosora ako." sabi ko na nakanguso pa.

" Balita ko, yung shooting nila Gelo dun daw sa ospital sa Sto. Cristo, nagkita ba kayo? " tanong ni ate Shane.

" Sino naman nagsabi nyan sayo, si Martin?"

" Hindi ah. Hindi pa nga kami nagkikita nun eh. Si tita Jellyn nagsabi."

" Oo nagkita kami at nag-away. "

" Nag-away? " tanong ni mommy.

" Opo mom, mahabang kwento po. Kasama lagi niya yung girlfriend nya sa shooting nila. "

" Aba pambihira naman pala yung batang yon. Masabi nga kay Mindy. " sabi ni mommy.

" Huwag na po mom. Hindi ko na lang po pinapansin. "

" Hay nako bunso.Kapag nagkita talaga kami ng Gelo na yan at kasama niya yung girlfriend niya, lagot talaga siya sa akin. " sambit ni ate Shane.

" Naku babe ayan ka na naman. Sila lang dalawa ni Aira dun, wag ka ng makisali. " sansala ni kuya Aris kay ate. Hindi na kumibo si ate Shane.

Naging busy na kami sa buong maghapon sa pag-aasikaso sa lahat ng kailangan para sa kasal bukas. Maaga kaming natulog dahil maaga ang gising kinabukasan dahil aayusan pa kami ng make up artist na kinuha ni ate Shane.

______________

I finally found someone, that knocks me off my feet

I finally found the one, that makes me feel complete

We started over coffee, we started out as friends

It's funny how from simple things, the best things begin

Kumakanta na yung wedding singer na kinuha nila ate Shane nung dumating kami. Inayos na kami nung wedding coordinator. Ang cute nung kambal sa suot nila. Naka tuxedo si Shan at si Yella naman ay pareho kami ng suot. May flower crown pa siya sa ulo. Kumpleto na ang mga kasama sa entourage maliban na lang dun sa best man, kaya ako na lang ang walang ka-partner. Si Jaytee at Feliche ay magkapareha din. Si Dindin ay isa rin sa mga brides maid.

" Ready na ba?" sabi nung assistant nung wedding coordinator.

" Teka wala pa yung best man. Baka malatin na yung singer wala pa siya." sagot nung wedding coordinator.

" Sige start na. Nandyan na siya." napalingon ako sa likuran. Nandoon na nga tumatakbo na kasama pa yung girlfriend niya.

Kaya naman pala natagalan, napuluputan ng sawa.

Sa malas pa, siya pala yung partner ko.

Bakit ko nga ba nakalimutan?


Load failed, please RETRY

Estado de energía semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Piedra de Poder

Desbloqueo caps por lotes

Tabla de contenidos

Opciones de visualización

Fondo

Fuente

Tamaño

Gestión de comentarios de capítulos

Escribe una reseña Estado de lectura: C153
No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
  • Calidad de escritura
  • Estabilidad de las actualizaciones
  • Desarrollo de la Historia
  • Diseño de Personajes
  • Antecedentes del mundo

La puntuación total 0.0

¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
Votar con Piedra de Poder
Rank NO.-- Clasificación PS
Stone -- Piedra de Poder
Denunciar contenido inapropiado
sugerencia de error

Reportar abuso

Comentarios de párrafo

Iniciar sesión