Shanaia Aira's Point of View
NAKAUWI na si Jaytee at ang kambal sa Dasma.Sinundo sila ni Mang Simon kaninang bago sumikat ang araw. Kailangan din kasing makaabot ni Jaytee sa meeting nya sa pharmaceutical company nila. Akala ko magmamarakulyo pa yung dalawang bata kaninang umalis sila pero wala namang nangyaring ganon. Kinausap na kasi sila ni Jaytee kagabi pa lang habang patulog na kami.
Mahusay talagang magdisiplina sa kanila si Jaytee at talagang nakikinig yung kambal sa kanya. Spoiled sila kay Jaytee pero may limitations. Magiging isang mabuting ama rin sigurado siya sa mga magiging anak nila ni Feliche.
Isang panibagong araw na naman ang bubunuin ko sa ospital. Hindi naman ako nagrereklamo dahil mahal ko ang propesyon na pinili ko. Baka lang kasi mayroon na namang unwanted people ang makasalamuha ko ngayong araw. Sana lang wala silang shooting sa ospital ngayong araw.
Pero hinanda ko ang sarili ko para sa mission number one ko. Sabi ni Jaytee kagabi simulan ko na raw ang mission ko. May title pa nga siyang binigay dito.
Mission X daw ang title. Natawa ako kasi walang ka-effort-effort yung title, hindi man lang pinag-isipan pero sumang-ayon na lang din ako sa kanya. Gusto lang din naman niyang may parte siya sa gagawin kong 'pagkurot' kay he who must not be named.
Tatlo lang naman yung nilista ni Jaytee. At ang unang mission ay magpaganda ako para matulala ulit si ex. Sa totoo lang ayoko ng ganon, hindi ko gusto ang kalorete o make up sa mukha ko pero dahil sa utos ni Dada, susundin ko. Kaya naman may dala akong make up kit ngayon at magpapaganda ako. May shooting man siya sa ospital o wala.
Pagdating ko sa station namin dumiretso na ako sa CR. Ang naririto lang ay si dra. Rica dahil nag duty siya kagabi at pauwi na siya ngayon.
Light make up lang ang ginawa ko tapos yung buhok ko ay hinayaan ko lang na nakalugay.
" Wow! Nakakaganda talaga ng umaga kapag ganyan kaganda ang masisilayan mo!" biro agad ni dra. Rica paglabas ko ng CR.
" Sinabi mo pa. Kahit yung mga artista dyan sa labas eh kakabugin mo dra. Aira." segunda naman ni dra. Cherry. Dumating na pala siya.
" Sus! Ayan na naman kayo. May shooting ba ulit ngayon dito? " tanong ko.
" Oo pero dun naman sa labas sa may parking at isa dito sa second floor. " sagot ni dra. Che.
Ow, mabuti. Mabuti naman! Ngayon ko mapapatunayan ang mission number one ko.
Paglabas ko ng station namin, namataan ko na mayroon ngang nagse-set up sa labas. Hindi ko makita kung sino-sinong artista na yung nasa labas pero hindi ko na muna inabala ang sarili ko na tingnan pa.
Umakyat na ako sa second floor at inabala ko ang sarili sa mga pasyente namin doon. Medyo natagalan ako sa huling pasyente dahil maraming dinadaing dun sa tinahing sugat niya kaya ginamot ko muna.
It's almost lunch time ng matapos ako sa ginagawa ko. Sa food court na lang sana ako kakain dahil nandito na rin lang ako sa taas pero naalala ko na pinabaunan pala ako ng lunch ni tita Laine.
Napagpasyahan kong sumakay na lang ng elevator kasi feeling ko hindi ko na kayang ihakbang ang mga paa ko dahil sa pagod.
Pagbukas ng elevator hindi ko alam kung matutuwa ako o maiinis. Pero mas pinili ko ang una kasi nga may misyon ako sa kanya. At ang nakakatuwa pa don hindi niya kasama yung sawa kundi mga co-actors niya.
Palihim akong natuwa sa reaksyon niya. Siyempre hindi ako nagpahalata. Poker face lang ako habang siya ay parang namatanda yung pagkakatingin niya sa akin.
Haha. One point Aira.
" Hi dra. Aira!" napatingin ako sa nagsalita sa may gilid.
" Uy dr. Martin! Uuwi ka?" tanong ko. Umuuwi kasi siya sa kanila during lunch break. Nasa kabilang street lang kasi yung bahay niya.
" Yeah alam mo na mas gusto ko ang luto sa bahay. By the way, bakit half day ka nung isang araw?" Hinanap kita sa station ninyo, umuwi ka na raw. "
" Ah oo dumating kasi si Jaytee kasama yung mga bata. Bakit mo ako hinahanap? "
" Yung baby kasi sa NICU lumabas na sila nung mother niya. Hinahanap ka nung mother para magpasalamat. Malaki daw ang naitulong mo sa recovery nung baby. "
" Ay sayang. Hindi ko naman kasi alam sana nag text ka sa akin. "
" Ikaw nga hindi ka nag text dumating pala pamilya mo. " nagtatampo pa.
" Eh sandali lang din kasi sila umuwi rin kinabukasan. Kailan ka dadalaw sa bahay? "
" Mamamaya hatid kita sa inyo. " sabi niya tapos tumunog na yung elevator, hudyat na nasa ground floor na kami.
" Bye Aira. See you later. " sabi ni dr. Martin tapos nagmamadali ng lumabas.
Nung palabas na ako, napatingin ako sa gawi ng herodes, nahuli kong nakatingin siya sa akin tapos yung tingin niya ay kakaiba. Yun bang para akong puzzle na hindi niya ma-solve. Inirapan ko na lang siya tapos tuloy-tuloy na ako papunta sa station namin ng hindi na lumingon pa.
Bahala nga siya! Atleast wagi ako sa unang misyon ko. Sigurado ako kasi kilala ko ang mga ganung tingin niya sa akin noon. Natutulala siya kasi nagagandahan siya sa akin. So, hindi nasayang ang effort ko.
Mission number one. Nagandahan at natulala. Check.
Doon sa number 2 ng listahan ni Jaytee, mukhang doon ako mahihirapan. Ang mission number 2 ay kailangan makita ko kung magseselos ba siya. Sabi ni Jaytee hindi daw sapat na batayan yung mga nagbasag si mokong ng cellphone at baso sa food court nung isang araw. Alam ko naman daw kung paano magselos yun kaya ako na daw ang bahalang humusga.
Mahihirapan ako kasi alam ko na hindi na yun magseselos dahil may girlfriend na siya.
Mas lamang na yung galit niya sa akin ngayon.
Naging maayos naman yung duty ko sa maghapon. Tinawag ulit ako sa ER para tumulong at duon na naubos yung buong maghapon ko.
Nung matapos ako ay naroon na si dr. Martin sa station namin, hinihintay ako.
" Dala ko yung kotse ko, paano mo ako ihahatid?" tanong ko sa kanya.
" Iiwanan ko dito yung kotse ko tapos magpapahatid na lang ako kay mang Gusting mamaya pauwi." sagot nya sabay ngiti ng malapad.
" Ayos ah. Hindi mo ako ihahatid kundi sasabay ka lang sa akin dahil nagtatampo na sayo si lola Paz at lolo Franz. Tama ba ako? " napahalakhak siya sa sinabi ko.
" Ito naman, hindi naman sa ganun pero parang ganun na rin."
" Bwisit ka! Kaya ka tinutukso sa akin eh. Kung alam lang nila. "
" Hahaha. May ganong ganap dito? " tanong nya.
" Oo kaya. Akala nila may something na sa atin." sagot ko.
" Hahaha. Hayaan mo nga sila sa kung ano ang iniisip nila. Tara na nga nagugutom na ako. Miss ko na luto ni tita Laine. " sabi niya. Tapos inakbayan na niya ako at lumakad na kami papuntang parking lot.
Pack up na yung shooting noong dumaan kami. Napapansin ko na napapatingin sa amin ni doc Martin yung mga nakakasalubong namin. Syempre yung iba naiinggit dahil akbay ako ng pinaka gwapong doktor ng ospital na ito, may kinikilig din at yung iba parang gusto akong sakalin. Lihim na lang akong natatawa sa kanila. Kung alam lang nila.
Nag-uusap lang kami papunta sa parking lot. Tawa pa nga ako ng tawa dun sa kwento niya. Nung isang araw daw napagkamalan siyang artista na kasama din dun sa shooting sa ospital. May gusto pa raw magpa-picture kasama siya. Hindi naman kasi malayong mapagkamalan siya, gwapo nga kasi.
Nung malapit na kami dun sa kotse ko, nagulat na lang ako ng mawala yung braso niya sa balikat ko at tumilapon na lang siya kung saan.
" Oh my God! Martin anong nangyari?" patakbo ko syang dinaluhan na nakasadlak na ngayon sa semento, hawak ang kanyang panga.
" Kakaalis lang ni Jaytee, may kaakbayan ka na? Is that what you call loyalty?" napalingon ako kung saan nanggaling yong boses. Nanlaki ang mata ko ng makita ko syang pulang-pula sa galit at kuyom ang kamao. Pinipigilan siya nung co-actor niya.
Anong problema na naman niya?
Inalalayan kong tumayo si Martin at pinunasan ko ng panyo ko yung dumudugo nyang labi na tinamaan ng kamao.
Nang matapos ay dahan-dahan kong nilingon ang lapastangan. Kumukulo ang dugo ko sa galit.
" Alam mo ikaw, ano ba ang problema mo? Nung isang araw lang pinamumukha mo sa akin na masaya ka na sa buhay mo ngayon, nagpasalamat ka pa nga di ba? Bakit ngayon, nanggagalaiti ka dyan? Hindi ba wala ka ng pakialam sa akin?" nagtitimpi sa galit na sunod-sunod na tanong ko.
" Yan ba Aira? Yan ba ang sinasabi mong loyalty? Nagawa mo na sa akin tapos gagawin mo na naman ulit doon sa taong ipinalit mo? Ganyan ka na ba talaga? Bakit hindi ko yan nakita noon? Nasayang lang ang lahat ng panahon na inubos ko sayo. Kung alam ko lang na kaya mong magtaksil, hindi na sana ako nagpa—"
" PAK! " hindi na niya natapos ang sinasabi niya dahil binigyan ko siya ng isang malutong na sampal sa pisngi.
" Ganyan na ba talaga ang tingin mo sa akin? Gelo, lumaki at nagdalaga ako sa paningin mo, ni minsan ba nakita mo akong gumawa ng mga bagay na ibinibintang mo ngayon sa akin? Nagagalit ka ba para kay Jaytee o may iba pang rason? Hindi ako mababang uri ng babae at alam mo yan. Sa sitwasyon ko ngayon sa tingin mo ba may panahon pa ako sa mga bagay na inaakala mo sa akin? Hindi ako kailanman naging taksil. Hindi sayo o kay Jaytee man. Mali ang akusasyon mo sa akin at kay doc Martin. Siya ang nagpasok sa akin sa ospital na ito dahil pinsan ko siya. PINSAN. Anak siya ni tita Sugar, yung isang anak ni lolo Franz. Nagiging padalos-dalos ka na ngayon. Hindi na ikaw yung Gelo na nakilala ko. Pagsisisihan mo rin ang lahat ng mga ginawa mong pag-aakusa sa akin once na malaman mo na ang lahat. At pag dumating ang araw na yon sana ay may natitira pa akong respeto sayo kahit konti. "
Tinulungan kong tumayo si Martin at isinakay sa kotse ko. Pinaandar ko na ang sasakyan at iniwan ko na si Gelo na nakatigagal pa rin.
Hindi ko alam kung hanggang kailan ko makakaya ang lahat ng sakit ng loob na pinararamdam niya sa akin.
Sana hindi sumuko ang puso ko at hindi ito mapagod kundi masasayang lang ang lahat.
Pasensya na pero sa mga nagsasabi na wala akong update kahapon, meron po, pansinin nyo naman yung date.