Descargar la aplicación
39.26% The Actor that I Hate to Love / Chapter 75: Shooting

Capítulo 75: Shooting

Shanaia Aira's Point of View

" Grabe baby—I can't get enough of you. Can I have another round?" tanong ni Gelo. Grabe pawisan na sya pero ang lakas pa rin ng resistensya nya.

" Bhi naman nakailang rounds na tayo. It's already 2am. Another round na naman? Pagod na ako." reklamo ko.

" Last na talaga baby. Promise! " nag puppy eyes pa sya. Hay ang cute nya. Dahil marupok nga ako kaya pumayag na rin ako.

Muli akong nagpasakop sa asawa ko. Ito talaga ang role nating mga babae, kahit pagod ka na, kahit inaantok ka na kapag ang asawa mo hinarot ka, bibigay ka na rin. Lalo na kung ganitong nagpapa-cute pa sayo.

After 30 minutes, natapos din ang exercise sa madaling araw. Gelo is really good at this, although I'm already tired he manage to lit up every cell in my body. I felt fulfilled.

Kinarga nya ako at dinala sa banyo. Dinala nya ako sa bath tub na medyo mainit ang tubig. Pinaliguan nya ako tapos sinaluhan nya ako kaya sabay kaming nagbabad para ma-relax ang katawan namin.

After the hot bath, nagbihis na kami ng pantulog saka nahiga na muli sa kama para matulog. He hugged me tightly and we both fell asleep.

KINAUMAGAHAN nauna akong nagising kay Gelo. Medyo magaan ang pakiramdam ko kaya bumangon na ako para magpa-room service. Since, it's already 10:30 in the morning, pang lunch na ang inorder ko. Sinigang na hipon, relyenong bangus at kanin.

Nung dumating na yung mga pagkain, inayos ko na sa table saka ko ginising si Gelo.

" Bhi, gising ka na. Lalamig ang pagkain." niyugyog ko sya para magising. Kumilos naman pero dumapa ulit at niyakap ang unan.

" Hmm. Five more minutes baby."

" Okay five minutes." sang-ayon ko. Umupo ako sa kama at pinagmasdan sya habang nakadapa. Ang gwapo talaga nya kahit saang anggulo mo tingnan. May damit o wala.

Haha.. bad Aira.

" Bhi time is up!" niyugyog ko ulit sya. Tumihaya naman agad sya at nakangiti nya akong tiningnan. Nilahad nya ang dalawang braso nya para magpayakap ako sa kanya.

Hindi ako nagpayakap sa halip hinila ko sya kaya napaupo sya sa kama. Nung nakaupo na sya ay saka ko sya niyakap.

" Hmm. bango naman ng baby ko." sabi nya tapos hinalik-halikan ako sa leeg.

" Tara na bhi, lalamig na yung sabaw." kumalas naman sya ng yakap saka mabilis na nagtungo ng bathroom para maghilamos.

Umupo na ako sa hapag at doon ko na lang sya hinintay.

" Ano yang inorder mo baby?" tanong nya nung nasa hapag na rin sya. Inalis ko yung mga takip ng pagkain para makakain na kami.

" Hayan, sinigang na hipon at relyenong bangus."

" Wow! gusto ko yan."

" Come on, let's eat."

Magana kaming kumain tapos nagkwentuhan lang kami habang nagpapababa ng kinain.

" Anong oras ang call time mo?" tanong ko.

" Mamaya pang 3 in the afternoon . Pero may shooting na ngayong umaga, yung ibang cast ang nakasalang. Aagahan ko ang punta kaya gumayak na tayo."

" Tayo? Kasama ako?"

" Oo naman but you need to wear your disguise. Gusto ko nakikita kita habang nagta-trabaho ako, para ma-inspire ako. "

" Kunwari ka pa bhi. Ang sabihin mo clingy ka lang talaga. "

" Halata ba baby? "

" Ay hinde! Halatang-halata lang bhi. " natawa sya sa akin tapos niyakap ulit ako.

" Kung pwede lang na ganito na lang tayo baby. Nami-miss ko na yung inseparable tayo. Kailan kaya ulit mangyayari yon? "

" Kapag hindi ka na artista bhi. Pero sa ngayon, ganito na lang muna tayo. Nakakaya naman nating gawan ng paraan katulad nito kapag gusto nating magkasama. Ganun talaga bhi, kapag natapos na yung contract mo, nasa iyo naman kung hihinto ka na o magpapatuloy. Ano man ang maging desisyon mo, nandito lang ako. Kung saan ka, doon din ako syempre dahil mag-asawa tayo. " sagot ko sa tanong nya.

" Ewan ko ba baby. Kahit magkasama tayo, parang nami-miss pa rin kita. You're the first thing I think of each morning. You're the last thing I think of each night when I close my eyes. Ano sa palagay mo, adik na ba ako sayo nun?" natawa ako sa tanong nya.

" Oo bhi. Ipapatokhang na kita. Grabe ka! "

" Hahaha. Anong magagawa ko kung sobrang in love ako sa asawa ko. "

" Ariel Angelo nga! " nag blush ako sa pinagsasabi nya.

" Hahaha. Halika na nga maligo na tayo. Magsusuot pa ako ng disguise ko."

_____________

Umalis kami ng hotel room namin na suot na nya yung disguise nya katulad kahapon.Iba lang ang kulay ng damit nya na pang hiphop. May dala kasi syang backpack kahapon at doon nakalagay yung mga damit nya na pang- disguise.

Sumakay kami ng taxi at sa mall kami nagpa- hatid. Huhubarin nya yung disguise nya at ako naman ang magpapalit ng gayak.

Paglabas namin ng restroom ay nagtatawanan kami. Yung normal na Gelo na sya kaya lang may suot syang shades at hindi pa nya tinatanggal yung bigote nya. Tapos ako naman naka-wig na bob cut ang style tapos makapal yung kilay ko at naka-salamin na malaki ang rim. All in all, perfect naman ang disguise ko dahil kahit ako hindi ko nakilala yung sarili ko.

Magkahiwalay kami nung dumating kami sa location. Habang naglalakad sya ay pasimple nyang tinanggal yung fake nyang bigote at inilagay sa bag. Humalo ako sa mga taong nanonood at sya naman ay pumunta na sa tent nila.

Kasalukuyang kinukunan ang eksena ni Gwyneth nung dumating ako. Kaeksena nya yung beteranang aktres na si Marianne Rivas. Mukhang mag-ina ang role nila. Hindi pa sya ganon kagaling umarte pero carry na rin. Naka-ilang take pa sila bago nakontento si Direk Cathy.

Nakita kong pumasok si Gwyneth dun sa tent kung saan pumasok si Gelo. Pero hindi naman naglipat sandali ay lumabas naman agad si Gelo. Nakabihis na sya para sa scene nya. May hawak syang script saka umupo sa isang sulok. Luminga-linga muna sya tapos nung magtama ang tingin namin ay saka palang sya tila nakahinga ng maluwag bago ipinagpatuloy ang kanyang ginagawa.

Sobrang kinikilig yung mga babaeng katabi ko nung si Gelo na ang nasa harap ng camera.

" Grabe ang galing talagang umarte ni Gelo." fan no. 1.

" Oo nga. Ang haba ng lines nya pero kabisado nya. Ang galing nya at ang gwapo pa." fan no. 2.

" Magpapa-authograph ako mamaya sa kanya. I love you Gelo." sumigaw pa yung isa kaya nasita tuloy sya nung staff.

Nag-aagaw na yung liwanag at dilim nung ma-pack up ang shooting. Nagmamadaling pumunta si Gelo sa restroom. Tumingin sya sa akin at nagkaintindihan na kami nun. Susunod ako sa kanya sa rest room para sabay na kaming umalis.

Nakita kong pumasok sya sa rest room kaya naghintay ako sa paglabas nya dun sa may pinto.

Maya-maya lang ay may isang grupo ng kababaihan na sumusugod sa rest room, sa likod nila ay si Gwyneth.

" Miss nakita mo bang lumabas si Gelo Montero dyan sa rest room?" tanong nung isang babae.

" Hindi eh." sagot ko.

" Hinihintay mo rin ba sya?" tanong ni Gwyneth.

" Hindi."

" Eh sinong hinihintay mo? Si Gelo lang naman ang pumasok dyan." tanong uli nya. Medyo mataray pa ang tono ni Gwyneth.

" Maraming pumasok dyan kanina. Yung asawa ko ang hinihintay ko. "

" Hmp." ingos pa nya.

Nagulat ako nung may humatak sa akin. Nakita ko si Gelo na naka-disguise na at naka-baligtad na rin yung backpack nya. Baligtaran kasi yun. Black kanina yon nung dumating sya sa set tapos binaligtad nya ngayong lumabas sya ng rest room. Red na sya. Kaya wala talagang makakahalata na si Gelo sya.

" Eiw! Ang baduy naman pala nung asawa nya!" dinig naming sabi ni Gwyneth.

" Bakit ba ang tagal ni Gelo?" sabi nung isang girl. Lumakad na kami palayo at iniwan na namin sila. Kahit isa ay walang nakahalata na si Gelo yung lumabas.


Load failed, please RETRY

Estado de energía semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Piedra de Poder

Desbloqueo caps por lotes

Tabla de contenidos

Opciones de visualización

Fondo

Fuente

Tamaño

Gestión de comentarios de capítulos

Escribe una reseña Estado de lectura: C75
No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
  • Calidad de escritura
  • Estabilidad de las actualizaciones
  • Desarrollo de la Historia
  • Diseño de Personajes
  • Antecedentes del mundo

La puntuación total 0.0

¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
Votar con Piedra de Poder
Rank NO.-- Clasificación PS
Stone -- Piedra de Poder
Denunciar contenido inapropiado
sugerencia de error

Reportar abuso

Comentarios de párrafo

Iniciar sesión