Descargar la aplicación
21.46% The Actor that I Hate to Love / Chapter 41: Settlement

Capítulo 41: Settlement

Shanaia Aira's Point of View

NAUMID ang dila ko, tila para akong ipinako sa kinatatayuan ko habang nakatingin lang sa taong nasa harapan ko.Parang tumigil ang oras at nanahimik ang buong paligid.

Mabilis ang tibok ng puso ko na parang sumali sa karera. Paano ba namang hindi eh naririto sa harap ko ang nagmamay-ari sa kanya.

" Baby?" tila nabalik ako sa realidad sa pagtawag nya sa akin. Yung boses nya,grabe kong na-miss. Feeling ko isang taon ko itong hindi narinig at sa mga sandaling ito, tila musika ito sa aking pandinig. Yung mga paro-paro sa tiyan ko nagkakaisa na naman, na-miss din kasi nila ng husto ang bossing nila.

Nang hindi pa rin ako tumitinag ay bigla na lang nya akong hinigit sa braso at mabilis na isinakay sa kanyang kotse. Narinig ko pa ang pagsinghap at anasan ng mga tao sa paligid bago nya isara ang pintuan ng kotse.

" OMG! Sila ba ni Aira Gallardo? "

" No mag-bestfriend lang sila. May something na kaya sila ni Charmaine Gonzalo."

" Bakit tinawag syang baby ni Gelo?"

Hindi ko na narinig yung ibang sinasabi nila dahil pinasibad na ni Gelo ang kotse.

Tahimik lang kami pareho habang nasa byahe. Walang gustong magsalita sa amin, parehong nasa daan lang nakatutok ang tingin namin.

Hanggang sa makarating kami sa condo ay ni gaputok na salita ay walang namutawi sa aming dalawa, nagpapakiramdaman kung sino ang mauuna.

Pagpasok namin sa unit ay saka lang sya nagsalita.

" Nagugutom ka ba? May pagkain dyan, initin na lang natin sa microwave kung gusto mong kumain."

Umiling lang ako. Inimbitahan ko na lang ang sarili ko na maupo sa isang sulok na bahagi ng living room. Iginala ko ang tingin ko. Halos isang buwan na rin akong hindi nagpupunta dito kaya parang magulo ang paligid. Ako kasi ang naglilinis at nag-aayos dito palagi kahit wala sya. Nawalan lang ako ng gana nitong mga nakaraang linggo dahil masama ang loob ko sa nangyayari at pakiramdam ko hindi na ako kabilang sa lugar na ito simula nung sabihin nyang wala kaming relasyon maliban sa pagiging mag bestfriend lang.

Nagulat na lang ako ng bigla syang lumapit sa akin at kulungin ako sa isang mahigpit na yakap.

" Baby I'm sorry. I'm sorry for being so irresponsible. Alam ko na nasasaktan ka sa mga nangyayari pero wala akong ginawa para mapagaan man lang yang nararamdaman mo dahil nawalan ako ng oras sayo. Hindi ko alam na ganito kaagad ang pag-uumpisa ng pagbabalik ko sa industriya,nagtuloy-tuloy ang mga projects, hindi ko napaghandaan. Wala na halos akong oras maging sa pagtulog ko. Naisantabi kita dahil ang buong oras ko, napunta sa promotion nung movie. Nang matapos,sunod-sunod naman ang shoot ko ng mga commercials na tinanggap ng manager ko.Baby, gusto ko mang umatras pero wala na akong choice,may kontrata akong sinusunod.Ngayon lang ako nagka-time dahil na- pack up yung shoot, ikaw na kaagad ang pinuntahan ko."

Lalo syang nagsumiksik sa akin. Isinubsob nya ang mukha nya sa leeg ko.Nag-aalangan man ay awtomatikong umangat ang kamay ko upang hagurin ang kanyang ulo. Pinasadahan ng mga daliri ko ang malambot nyang buhok.

" Alam mo bhi,aaminin ko sobra  akong nasaktan sa mga nangyari. Yung kauna-unahang interview mo, ikinaila mo ako, pangalawa yung kumakalat na tsismis na may something kayo nung ka-love team mo dahil inamin nya na gusto ka nya.Then yung mga pambabalewala mo sa akin. Gelo pwede mo namang ipaliwanag sa akin yun right away pero ni ha, ni ho wala akong narinig mula sayo. Kahit ba ilang minuto lang hindi mo ako pwedeng tawagan para magpaliwanag? Bhi nung mga panahong yon, ipinaramdam mo sa akin na balewala lang ako sayo. Ang sabi mo sa akin, ako ang buhay mo,ang mundo mo, ang lahat sayo.Kung ganon, paano ka nabuhay nung mga panahong binabalewala mo ako? Ang bilis lang bhi, masyado mo akong binigla, hindi ko rin tuloy napaghandaan." hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko,bumabalik na naman yung sakit na nararamdaman ko dahil sa pambabalewala nya.

" Oh God, baby I'm sorry. I didn't mean to hurt you.May dahilan ako kung bakit hindi ko inamin ang totoo sa ating dalawa in public. Noon gusto kong ipagsigawan sa buong mundo na girlfriend kita pero ngayon gusto kong itago ka na lang dahil iba dito sa showbiz baby, ayokong madawit ka sa mga intriga at magamit ka sa mga publicity. Gusto kong protektahan ang  privacy mo, ang relasyon natin, ayokong matulad tayo sa mga kapamilya natin na nagkahiwalay dahil sa mga intriga at tsismis. Sana maintindihan mo ako, patawarin mo ako kung ikinaila kita, kailangan lang talaga." paliwanag nya habang pinupunasan ang mga luha ko ng panyong hawak nya.Medyo nabawasan ang sakit na nararamdaman ko sa paliwanag nya pero may isa pa na nagpapasakit ng kalooban ko.

" What about the Charmaine Gonzalo thing, is it true?" tumingin sya ng diretso sa aking mata at marahang bumuntong hininga.

" Baby publicity lang lahat yon. Yes, she admitted that she likes me but there's no something going on between us. Sumasakay lang ako sa tsismis para sa promotion nung movie.Hindi kita ipagpapalit sa kahit na kaninong babae, alam mo yan. Mahal na mahal kita. At wala akong ibang gustong makasama hanggang sa aking pagtanda kundi ikaw lang.Sorry if I made you feel unwanted this past weeks, I didn't mean that. Ayoko lang na mag-usap tayo na may galit ka, kaya si yaya Didang ang tinatawagan ko para kumustahin ka. Tinitiis ko na lang kahit miss na miss na kita." he cupped my face and kiss me gently on the lips.

Hanggang sa lumalim na yung halik nya.Punong-puno ng pananabik at pagmamahal ang nakapaloob sa bawat paghagod ng labi nya sa labi ko. Buong kasabikan ko rin namang tinugon ang halik nya na para bang isang dekada ang lumipas nung huli kaming maging intimate na ganito.

Kapwa kami hinihingal nung huminto kami.Pinagdikit nya ang aming mga noo at tinitigan ako sa aking mga mata.

" I love you.Huwag ka ng magalit please." pagsusumamo nya. Hinaplos ko ang pisngi nya.

" Bhi galit lang ako sa nangyayari pero hindi ako pwedeng magalit sayo.Marahil nagtatampo ako kasi naman hindi ka nagpaliwanag kaagad. Pinuntahan ko na nga ang mommy mo para makibalita tungkol sayo pero maging sila hindi mo rin pala pinupuntahan. Alam ko nahihirapan ka sa sitwasyon mo kaya naman nagdesisyon na ako na...." hindi ko maituloy yung sasabihin ko,para kasing may bumikig sa lalamunan ko.Baka kasi hindi nya ako maintindihan.

" Nagdesisyon na ano? Baby parang kinakabahan ako dyan sa sasabihin mo.Huwag mong sabihin na makikipag-break ka sa akin, hindi ko matatanggap. Hindi ko kakayanin yon." nakita ko ang takot sa kanyang mga mata.Ako rin naman hindi ko kakayanin yon.Siya ang buhay ko.

" No! Hindi yon bhi. Gusto sana kitang bigyan ng space kahit hindi mo ito hinihingi. Hinihingi kasi ng sitwasyon. Nahihirapan ka, nahihirapan ako.Hindi naman ibig sabihin non maghihiwalay na tayo. Kailangan yon para hindi tayo masira,para maituon mo ang pansin mo sa ginagawa mo ng hindi ka nag-aalala sa akin. Sa part ko naman hindi ako mag-eexpect sa oras mo o ng kung ano-ano sayo, alam ko kung saan ako nakalugar, hindi yung para akong nangangapa sa dilim.Love needs space to grow. Kailangan lang nating magkaintindihan at magkasundo sa mga bagay sa relasyon natin. Huwag lang mawawala bhi yung communication, kahit ilang minuto lang tayo mag-usap over the phone, mahalaga na yon. Kapag may libreng oras ka gaya nito,pwede tayong mag-bonding. Nasa maayos na pag-uusap lang yan bhi hindi yung ganito tayo, nagi-guilty ka tapos masama naman ang loob ko. I'm not setting you free bhi, I'm just giving you space to do your thing on your own. "

" Ok I understand. Siguro nga tama ka,mas mag-go-grow tayo ng sabay kung may space tayo sa relasyon natin. Ayoko rin naman yung nasasaktan ka dahil wala akong gaanong oras na naibibigay sayo.Sige, kahit na alam kong mahihirapan ako na hindi ka na madalas makakasama,payag na ako dyan sa suggestion mo, kung ito lang ang paraan para hindi tayo mapunta sa paghihiwalayan. Ngunit kung hindi ako nakakatawag sayo,pwede ba na ikaw na yung maunang tumawag sa akin? Kahit hindi tayo madalas magkasama basta't nakakausap lang kita,ok nako dun. Mawawala na ang pagod ko nun makakatulog pa ako peacefully."

" So, it's settled then?"

" Yeah pero baka naman hindi lang nila nakikitang kasama mo ako,dumagsa na naman yang mga manliligaw mo? Hindi pwede yun baby, hindi ako papayag!"

" O sino ba may sabing tatanggap ako ng manliligaw? Wag ka nga bhi, baka nga ikaw dyan kung sino-sino na naman yang nali-link sayo, pepektusan kita baka akala mo."

" Sus baby ako pa ba? Loyal kaya ako sayo at isa pa nagpupundar na nga ako para sa future natin, hindi pa nga tayo kasal may conjugal properties na tayo, may ipon, so ano pa ba ang ikinatatakot mo? Kung tapos ka na nga lang sana sa Med school, gusto ko  magpakasal na tayo." nanlaki naman ang mata ko sa huling tinuran nya.

" Nagpo-propose ka na ba bhi?" namamangha kong tanong.

" Baby madalas naman akong magpahiwatig di ba? Hindi nga lang ako nagpo-propose ng formal kasi nga hinihintay kitang makatapos sa Med school. Gusto ko maabot mo muna yung pangarap mo bago tayo magpakasal. You see, wala akong ibang gustong maging Mrs.Gelo Montero kundi ikaw lang. Sa panahong yon,hindi na ako mangingiming ipagsigawan sa buong mundo na ikaw ang other half ko." nakangiting turan nya.Napangiti na rin ako sa sinabi nya. Tila nabawasan na ang mga agam-agam ko sa mga nangyari at mangyayari pa dahil sa mundong pinasok nya.Siguro nga space lang ang kailangan namin sa ngayon at pang-unawa ko sa sitwasyon nya. Hindi ako dapat magpadala sa mga intriga sa showbiz. Gaya ng madalas nyang sabihin sa akin na sa kanya lang ako dapat maniwala at magtiwala, yun ang dapat kong gawin para hindi kami magkahiwalay.

I heaved a sigh.

A bit of personal space and a little time out from each other is always healthy for a relationship to work and last.


REFLEXIONES DE LOS CREADORES
AIGENMARIE AIGENMARIE

Haay mabuti naman na-settle ng dalawa yung problema nila. Kailangan lang talaga sa isang relasyon ay communication, lahat ng bagay ay nadadaan sa maayos na usapan.

Thanks again for reading guys!

God bless you all. ❤️

Load failed, please RETRY

Estado de energía semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Piedra de Poder

Desbloqueo caps por lotes

Tabla de contenidos

Opciones de visualización

Fondo

Fuente

Tamaño

Gestión de comentarios de capítulos

Escribe una reseña Estado de lectura: C41
No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
  • Calidad de escritura
  • Estabilidad de las actualizaciones
  • Desarrollo de la Historia
  • Diseño de Personajes
  • Antecedentes del mundo

La puntuación total 0.0

¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
Votar con Piedra de Poder
Rank NO.-- Clasificación PS
Stone -- Piedra de Poder
Denunciar contenido inapropiado
sugerencia de error

Reportar abuso

Comentarios de párrafo

Iniciar sesión