Shanaia Aira's POV
MASAMA ang loob ko ng mahiga ako sa aking kama. Kahit pinipigilan kong umiyak ay hindi ko na napigil ang mga luhang nag-uunahan na sa pagpatak.
Biglang sumagi sa isip ko ang isang eksena sa nakaraan.
" Really? Talagang-talaga? Wala ng bawian?"
" Oo sabi ang kulit!"
Lumabas sya ng kotse at parang sinasapian na sumisigaw.
" Yes! Ang saya-sayo ko, girlfriend ko na si Shanaia Aira Gallardo! Thank you Lord! Best Valentine's day ever! YAHOOO!"
" Hoy Gelo ano ba, nakakahiya ka!"
Napaiyak akong muli ng maalala ko yung araw na yun na halos ipagsigawan nya sa buong bayan na kami na. Never syang nahiya na sabihin at ipakita sa mga tao na girlfriend na nya ako.
Umakyat sya sa pinaka tuktok nung burol at umayos ng pwesto.Nasa mataas na bahagi kami nun sa Antipolo. Kumain kami sa isang restaurant dun kung saan tanaw ang mga bahayan at maliwanag na ilaw sa daan.Second year anniversary namin yun.Nagulat ako ng tumanaw sya sa ibaba at ng tumingala sya sa kalangitan ay bigla na lang syang sumigaw.
" Aira Gallardo,mahal na mahal kita."
" Huy,ano ba bhi marinig tayo ng mga tao.Para kang sira dyan." natatawa kong awat sa kanya.
" Bakit ba baby? Kung kailangan kong ipagsigawan sa buong mundo na mahal kita,gagawin ko. At hindi ako mahihiyang sabihin sa lahat na ikaw ang girlfriend ko.Tandaan mo yan."
I heaved a sigh..Really Gelo? But what happened to you a while ago? You just denied me big time!
Nawalan na ako ng ganang kumain ng dinner.Nagmukmok lang ako sa room ko at pinipilit ang sarili ko na makatulog. I toss and turn to bed and sleep was not kind to me.
Tears began to sting in my eyes when I thought of that interview once again.
" hindi ko po sya girlfriend, siya po ang pinaka matalik kong kaibigan."
Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko yung mga binitawan nyang salita. At sa bawat sandali na nagpa-flashback sa isip ko yung itsura ni Gelo habang ini-interview sya,naiiyak ako. Sobrang casual lang ng sabihin nya yon. Parang wala lang. Ikinahihiya ba nya na malaman ng madla na ako ang girfriend nya?
Bwisit ka Gelo! Nakakainis ka! Kapag nagkita tayo humanda ka sa akin.
Habang nagngingitngit ako ay biglang tumunog ang cellphone ko. Rumehistro ang numero at mukha ng denial king sa screen.
Hmp.bahala ka dyan. Manigas ka!
Hinayaan ko lang syang mag-ring hanggang sa huminto na lang ng kusa.
Lalo lang madadagdagan ang inis ko kung makakausap ko sya.
Maya-maya lang, kumatok naman si yaya Didang sa pinto ng room ko.
"Yaya bukas po yan,pasok kana po."
" Anak nasa landline sa baba si Gelo gusto kang makausap, hindi mo raw kasi sinasagot ang tawag nya."
" Ya sabihin nyo po wala ako, sumama na kamo sa grupo ng Maute sa Mindanao." inis kong turan.
" Anak may problema ba kayo ni Gelo? Siguro mas maganda na mag-usap kayo para masolusyunan nyo."
" Hay naku yaya wala po akong panahon para sa mga denial king na katulad nya. Hayaan nyo sya, magsasawa din yun."
" Aira anak bakit hindi mo hayaang makapagpaliwanag si Gelo sayo, siguradong may maganda syang dahilan kaya nya ginawa yun. Makinig ka lang sa kanya." malumanay na wika ni yaya.
" Sige po ya pero wag muna ngayon. Ayoko muna syang makita o makausap. Naiinis ako sa kanya."
" Hay nako! Sige ako na ang bahalang magdahilan sa kanya kung bakit ayaw mo syang kausapin."
" No yaya! Sabihin mong galit po ako,wag mong pagtakpan sa kanya ang inis ko.Gusto kong malaman nya na hindi okay sa akin yung ginawa nya."
" O sya sige kung ano ang sinabi mo yun ang sasabihin ko." wika ni yaya at lumabas na ng silid ko.
Hmp.akala nya ha? Siya kaya ang i-deny ko on national television, matutuwa kaya sya?
Simula nun hindi na nga kami nakapag-usap pa ni Gelo. Malamang busy sya sa pagpo-promote nung movie nila. Pero every night tumatawag sya kay yaya para kumustahin lang ako. Aaminin ko, nami-miss ko na sya pero masama pa rin ang loob ko sa kanya at hindi ko alam kung kailan huhupa ang nararamdaman kong inis sa ginawa nya.
Kinabukasan nakatanggap ako ng tawag mula kay daddy. Masaya nyang ibinalita na uuwi na raw sila sa susunod na buwan dahil maayos na daw si kuya Andrew at si mommy. Natuwa ako dahil miss na miss ko na sila, ang tagal na namin silang hindi nakakasama ni Dindin. Yung six months kasi nila na pag-stay dun ay nadagdagan pa ng ilang buwan dahil gusto ni dad na totally healed na si kuya bago sila umuwi. At isa pa, hinintay na rin nilang matapos yung contract dun ni ate Shane para kasabay na nila itong umuwi.
Masayang-masaya ako at maku-kumpleto na naman kami ng pamilya ko. Higit na naging masaya si Dindin ng ibalita ko na uuwi na ang mommy nya. Ilang buwan na kasi na kami lang at si Gelo.
Bigla na namang sumagi sa isip ko si Gelo. Ang hirap talaga kapag nasanay ka sa taong matagal mo ng kasama. Hindi ko alam kung paano ako mag-aadjust sa sitwasyon namin ngayon ni Gelo.Nag-uumpisa pa lang ulit sya, wala na halos syang panahon sa akin. Paano na kaya kapag kabi-kabila na ang offers sa kanya?
Malungkot akong napa-buntung-hininga. Biglaan ang pagbabalik ni Gelo sa showbiz kaya biglaan din ang mga pangyayaring dumarating sa relasyon naming dalawa. Kung ano ang pinaka-aayawan kong mangyari tila doon din yata kami papunta ni Gelo.
Lord huwag naman po sana. Mahal na mahal ko po si Gelo.
MAHIGIT isang linggo na kaming hindi nagkikita ni Gelo. Halos dalawang araw na rin syang hindi tumatawag kay yaya Didang para kumustahin ako. Sa isiping yon ay parang nadaragdagan lang ang pangamba ko para sa relasyon namin.
Pinapanood ko sya kapag may tv guesting sila para mag-promote nung movie nila. Nakikita ko syang sumasayaw at kumakanta bilang bahagi ng promotion ng movie. Tanggap na tanggap pa rin sya ng mga tao. Sobrang talented naman kasi ni Gelo.
Eksaktong two weeks na, na hindi kami nagkikita at nagkakausap ni Gelo. Kagabi ay tumawag sya kay yaya at sinabing miss na miss na raw nya ako.Babawi na lang daw sya sa akin kapag showing na nung movie.
Kinabukasan ng gabi ng Sunday kinausap ako ni yaya Didang, katatapos lang namin na mag dinner.
" Anak baka gusto mong manood mamaya ng GGV, guest ang buong cast nung movie nila Gelo. Showing na kasi yun sa Wednesday."
Medyo na excite naman ako sa narinig ko kay yaya. Siguro sinabihan sya ni Gelo kagabi nung magkausap sila.
" Sige po ya kung hindi pa ako aantukin, 10pm na po kasi yun maaga pasok ko sa school kinabukasan." turan ko.
" Ire-record ko na lang para kung sakaling makatulog ka,panoorin mo na lang pagdating mo bukas galing school."
Nung 10 pm na, nagtatalo ang loob ko kung manonood ba ako o hindi. Nami-miss ko si Gelo pero ayaw ko naman syang mapanood sa isang talk show baka makarinig na naman ako ng makakasakit sa damdamin ko.
Sa huli ay napagdesisyunan ko na buksan na rin ang tv sa kagustuhang makita na rin si Gelo.
Eksaktong pinapakilala na ang mga cast nung buksan ko ang tv.
" Heto na po ang mga cast ng bagong movie na sa US pa po ginawa ang "Live Without Your Love" na pinagbibidahan ng pinaka-sikat na love team ngayon, Enrique Bill at Raiza Sobereño." pakilala ng host sa dalawang pangunahing cast ng movie.
Marami pang mga tanong ang host sa dalawa, mga personal na katanungan pa yung iba.
Pagkatapos ay tinawag na yung ibang cast ng movie.
"Naririto po ang iba pang cast ng movie na sina Charmaine Gonzalo,Mr.Eddie Gonzales, Ms.Pilar Pilato at ang nagbabalik po sa industriya na tinitilian ng mga kababaihan, kina-iinggitan ng mga kalalakihan at pinapantasya ng kabaklaan,let us all welcome Gelo Montero." nagtilian ang mga tao lalo na ang mga babae at bakla nung lumabas na si Gelo.
I somehow felt proud when I saw him on screen but at the same time...jealous? Hindi ko alam kung bakit ako nakaramdam na parang kurot sa puso ko nung makita kong inalalayan nyang umupo at tinabihan sa upuan yung isang cast na tila yun ang kapartner nya sa movie.
Isa-isa silang tinanong ng host at ng mapadako na kay Gelo ang katanungan ay nagsigawan na naman ang mga tao sa studio.
" Gelo ayon sa aming reliable source,madalas daw kayong nakikita nitong ka-partner mo na si Charmaine Gonzalo na magkasama palagi kapag tapos na kayong mag-promote. Totoo ba ito?" medyo alanganin pa si Gelo na sumagot,nagtitilian na ang mga audience sa studio dahil hinihintay syang sumagot.
" Yes,totoo po." na-shock ako sa sagot nya, kinakain na naman ng selos ang buong pagkatao ko tapos ngumiti pa ng malapad ang mokong.
Kaya pala walang panahon sa akin ang hudyo dahil may iba na syang pinagkaka-abalahan.
Kainis! Gigil nya ako!
Mas lalo akong nainis ng yung Charmaine Gonzalo naman ang tinanong.
" Charmaine, ano naman ang masasabi mo sa bali-balitang, nahuhulog na daw ang loob mo dito kay Gelo? Ano na ba ang real score sa inyong dalawa."
" Honestly po,sino ba naman ang hindi mahuhulog ang loob dito kay Gelo. Bukod sa mabait at napaka talented nya,kita nyo naman ang looks at super hot pa." nagsigawan ang mga audience sa tono ng panunukso sa kanilang dalawa.
" Ang taray! Pero hindi mo sinagot yung tanong kung ano ang real score sa inyong dalawa."
Parang balisa si Gelo,tila may takot din akong nababasa sa mga mata nya. Ako rin naman ay parang naninikip ang dibdib ko sa nakikita kong reaksyon nya.
Lumipas pa ang ilang sandali ng marinig kong sumagot yung Charmaine sa tanong nung host.
" We have something special po."
Masayang nagtilian ang mga fans at parang gumuho naman ang mundo ko.
What have I done Gelo to deserved this?
Strike two kana ah!
Hayan po nag post ako ng update dahil sa request ninyo. Sana po mag post din kayo ng review para magkaroon naman ng rating si Aira at Gelo. Thank you so much.