Chapter 27 | The Twin Witch Sisters
Dalawang araw na ang lumipas at bumalik na rin ang lahat sa normal. Kanya-kanya ng kwentuhan ang karamihan sa mga estudyante tungkol sa nagdaang exams. Ang ilan naman ay nakatambay lang sa field para magpahinga, habang mayroon din namang mga naglalaro.
Halos lahat sila ay nagkakasiyahan at nagtatawanan. Ngunit wala kang maririnig na usapan na may kinalaman sa nagdaang student's party.
Nakatungo lang ako habang naglalakad patungo sa classroom namin, nang may biglang kumapit sa braso ko. I looked up and saw Mikan pouting beside me.
"Ano ba talagang nangyari nitong nakaraang Biyernes at hindi natuloy 'yong party? Kahit anong isip kasi ang gawin ko ay wala talaga kong maalala. Weird." Napatingala pa siya habang napahawak sa kanyang baba at tila nag-iisip.
Nagkibit lang ako ng balikat hanggang sa makarating at makapasok na kami sa loob ng classroom namin. Patuloy lang sa pagsasalita si Mikan hanggang sa makaupo kami. Pero wala naman akong maintindihan sa mga sinasabi niya. Lutang kasi ang isip ko nang dahil sa maraming bagay.
Kahit ng magsimula na ang klase ay tahimik lang ako, habang inaalala ang mga nangyari nitong nakaraang araw.
Athena used her ability to make all of them fell asleep here. While Althea was the one whose responsible for their memory loss. I also learned that the two of them were a twin witch sister. White witches to be exact or the good ones.
Nabanggit din nila sa 'min na ang angkan pala nila ang kinausap ng mga magulang namin no'n para hilingin na kuhain at mailipat sa 'min ang kanilang kapangyarihan kapag dumating na ang panahon ng muli naming pagbabalik.
Binura ni Althea sa alaala ng halos lahat ng mga nandito ang tungkol sa naganap na party at apat na estudyanteng namatay. Mas mabuti ng hindi nila maalala na minsan ay naging kaklase at kaibigan nila ang mga 'yon.
Maging ang memorya ng mga magulang na may kinalaman sa mga taong estudyante na namatay ay pinabura rin nila. Sa totoo lang ay ayoko sana sa ideya na alisan ng memorya tungkol sa mga 'to ang kanilang mga magulang. Nakaka-guilty kasi dahil alam kong malaking parte ng buhay nila ang aalisin namin at mawawala sa kanila.
But we don't have any other choice. Hindi pwedeng malaman ng mga tao na mayroon talagang mga bampira. Mahirap na rin dahil baka mas lalo pang lumaki ang komplikasyon at may mga madamay pa.
Ayon din sa kambal ay matagal na raw silang dumating dito dahil pinatawag sila sa palasyo. They also informed us that they're the one responsible for the memory loss of the humans that has been attacked in the Supermarket some months ago. Kung saan ay naging saksi rin ako sa mga naging pangyayari.
Hindi ko naman maiwasan ang mamangha sa kakayahan ng magkapatid na 'yon. Lalo na kay Althea. Pero hindi naman daw niya basta-basta ginagamit ang abilidad niya, lalo na kung hindi naman kinakailangan. Nasisira kasi nito ang kabalansehan ng mundo.
Nakuwento rin nila na kaya pala sila pumunta ng academy ay para makita ako. Matagal na daw nila kong gustong makita. Magmula pa lang no'ng araw na mabalitaan nila na rito na ko nag-aaral. Tuwang-tuwa raw sila nang malaman 'yon.
Pero inabisuhan daw sila ng hari na wag daw munang magpapakita sa 'min dahil may ilang mga bagay pa na pinaasikaso sa kanila.
"Nics."
Napakurap ako at nilingon si Mikan na nakakunot ang noo at titig na titig sa 'kin. "What?"
"You're spacing out through the whole class. Kanina pa tapos ang klase pero ang layo pa rin ng iniisip mo. May problema ba?" she asked worriedly.
Napailing ako bago nagmamadaling tumayo. "I need to go. Hindi na ko papasok sa mga susunod na subject natin. Magkikita pa kasi kami ni Kyle, eh."
Napasimangot naman siya bigla sa 'kin. "Ikaw hah! Natututo ka ng mag-cutting. Hindi kaya nagiging bad influence na si Prince Kyle sa 'yo?"
Natawa naman ako nang dahil sa inasta niya.
"Babawi ako sa 'yo. Promise." I beamed at her, then waved a hand. "Bye!"
Nagmamadaling tumungo ako sa mansyon kung saan ay nando'n ang mga royals pati na rin sina Athena at Althea. Pag-uusapan kasi namin ulit ang tungkol sa nangyaring insidente no'ng nakaraang Biyernes.
"Inisa-isa ko na ang lahat ng files ng mga estudyante at staff dito sa academy. Even their family backgrounds. Pero wala naman akong nakuhang impormasyon na magkokonekta sa kanila sa kalaban," Kira started.
"Kung gano'n ay malinis kumilos ang kalaban. Isa pa ay kilala naman natin ang pamilya ng lahat ng mga bampirang estudyante rito. Kaya nasisiguro ko na wala ni isa sa kanila ang hindi sang-ayon sa pamamalakad sa palasyo. Kung sakali man na gusto na nilang bumaliktad ay alam naman nila ang kahihinatnan nila," Kyle said while pacing back and forth.
"Nakausap ko na rin 'yong mga magulang ng dalawang bampirang estudyante na nasangkot sa gulo. Willing naman daw silang tumulong para alamin kung ano ba talaga ang nangyari sa mga anak nila," imporma naman ni Hiro.
"Wala na tayong problema sa mga bampira kung gano'n. Bale ang natitira na lang ay ang mga taong estudyante rito." Napatingin kaming lahat kay Vince nang dahil sa sinabi niya.
"What do you mean?" Kyle asked.
Nagkibit balikat si Vince. "Wala naman. Naisip ko lang naman ang posibilidad na may isang tao na nakakaalam ng tungkol sa 'tin at nakapasok dito para mag-espiya. Katulad na lang—"
Hindi niya nagawang ituloy ang sasabihin at napailing na lang.
Natahimik naman kaming lahat. Oo at posible nga ang bagay na 'yon.
Pero ano kaya 'yong dapat na sasabihin ni Vince at tila nag-iba bigla ang aura niya?
Malalim akong napabuntong hininga. Tanging ang mga vampire hunter na nananahimik na ngayon at ang mga protectors lang naman ang mga taong may alam ng tungkol sa mga bampira. Imposible namang isa sa dalawang uri ng mga taong 'yon ang traydor dahil pareho naman silang nasa panig namin.
Sa pagkakaalam ko kasi ay no'n pa nagkaroon ng kasunduan sa pagitan ng mga vampire hunter at pureblood vampires na magtutulungan at poprotektahan nila ang bawat isa sa oras ng pangangailangan.
"May punto si Vince. Pero sa totoo lang ay mahirap hanapin ang isang espiya kung wala tayong hawak ni katiting na impormasyon," Athena interrupted.
Nasa malalim kaming pag-iisip ng bigla na lang tumili si Miley.
"Oh my! Bakit hindi tayo humingi ng tulong kay Dad?" Nagniningning ang kanyang mga mata.
Napahinto naman sa pagbabalik-balik ng lakad si Kyle at unti-unting ngumiti. "Right. Bakit nga ba hindi ko kaagad naisip 'yan? So stupid of me."
Naguguluhang pinaglipat-lipat ko ang tingin sa kanila dahil wala naman akong ideya sa kung ano bang pinag-uusapan nila. "Bakit? Ano ba ang pwede nating mahingi ng tulong sa mahal na hari?"
"Sa oras kasi na mahawakan ni Dad ang isang tao, bampira o kahit bagay pa 'yan ay nagagawa niyang makita ang nakaraan nito pati na rin ang pinanggalingan ng bagay na 'yon. Sa gano'ng paraan ay may posibilidad na mahanap natin ang kalaban dito sa loob ng academy. Magagawa niya ring makapag-drift sa isip ng halos lahat ng mga estudyante rito ng sabay-sabay kaya wala naman tayong dapat na ipag-alala. It will just require a lot of time and power."
Napatango na lang ako nang dahil sa sinabi ni Kyle. Hindi ko naman kasi alam na may gano'ng klase pala ng kakayahan ang hari.
Ilang sandali pa ay napagkasunduan na ng royals na pumunta muna ng palasyo para kausapin ang hari maging ang reyna. Sasama rin sa kanila ang kambal.
"We'll be right back."
Napapikit na lang ako nang halikan ni Kyle ang noo ko. Ngunit sa pagmulat ko ng aking mga mata ay tanging kami na lamang ni Steph ang nandito.
"Hindi ka na ba papasok, Nicole?" tanong niya.
Napailing naman ako. "Let's take a walk. I want to talk to you. Halos dalawang linggo ka na rito at naturingang magkasama nga tayo sa iisang kwarto pero hindi pa tayo nagkakausap ng masinsinan."
Marami rin kasi akong gustong itanong talaga sa kanya. Pero sadyang marami lang ginawa at nangyari nitong mga nakaraan.
She smiled at me. "Okay."
-----
Kyle Ethan's POV
"Bakit hindi n'yo man lang sinabi sa 'min kaagad na may nangyari palang pag-atake sa academy?" kalmadong tanong ni Dad. Pero mababakasan pa rin ng pag-aalala ang boses niya.
Nandito kami ngayon sa bulwagan ng palasyo. Napag-alaman naming nandito rin pala ang mga magulang nina Hiro, Kira, Vince at Reiri. Kagagaling lang kasi nila Dad sa isang meeting kasama ang mga ito kaya halos isang oras din kaming naghintay.
Kaya naman ay hinayaan na rin muna naming makasama ng ibang royals ang mga magulang nila dahil matagal na rin naman nilang hindi nakikita ang mga 'to. Their parents were also busy ruling their own clans in the other country.
Agad na sinabi ko sa mga magulang namin ang problema at ang dahilan ng pinunta namin dito. As expected, they were both shocked and worried at the same time.
"I'm very sorry, Dad. Akala po kasi namin ay magagawan namin ng solusyon 'yong naging problema ng hindi humihingi ng tulong sa inyo. Isa pa ay alam ko na marami rin po kayong inaasikaso kaya ayoko na sana kayong pag-alalahanin pa."
Totoo naman 'yon. Sa 'min kasi nila ipinagkatiwala ang academy kaya responsibilidad namin ang pangalagaan at panatilihin itong maayos at ligtas ang bawat nasasakupan namin.
Napailing na lang si Dad sa 'min, habang si Mom naman ay bumaling ng tingin sa mga Stanford.
"Sa tingin n'yo ba ay may kinalaman ang black witches sa kung ano mang itinurok sa kanila?" she casually asked. But I know that the situation bothers her as well.
Napakunot ako ng noo. Black witches is the other coven of witches. Sa pagkakaalam ko ay hindi naman talaga sila masasama. Sadyang marami lang silang alam tungkol sa mga black spells at iba pang delikadong orasyon.
"Sa totoo lang ay naisip ko na rin po ang tungkol sa bagay na 'yon, mahal na hari. Hindi malabong nakisabwatan po ang mga Croven sa isa sa mga black witch," Athena replied.
"Paniguradong may ginamit itong orasyon at may hinalo sa venom na itinurok sa dalawang estudyante para maapektuhan ang buong sistema ng mga ito," Althea added.
"Kung gano'n ay kailangan na lang din nating alamin kung sino man ang espiya o traydor na nakapasok sa academy para magpalaganap ng kaguluhan do'n," Mom said more to herself.
Tiningnan naman ako ni Dad bago ngumiti. "Wag kayong mag-aalala. Magagawa ko naman kayong tulungan pagdating sa bagay na 'yon. Pero sana nga lang ay matukoy ko kaagad kung sino man siya. Because we all know that all kinds of abilities and powers has its limitations."
Seryoso naman akong tiningnan ni Mom. "Gustuhin ko mang sumama ay hindi maaari. Kailangan kong manatili at maiwan dito sa palasyo para masiguro ang kaayusan at kaligtasan dito. Kung nagawa ng makapasok ng kalaban sa academy ay hindi malabong mayroon ding nakalusot dito sa palasyo."
Nakuyom ko na lang ang kamao ko nang dahil sa sinabing 'yon ni Mom. Talagang hindi titigil ang Marcus na 'yon hangga't hindi niya kami napapabagsak.
Pero nagkamali siya ng kinalaban. Mag-isa lang siya kung tutuusin. Pero kami? Marami kaming tatapos sa kanya. Hindi ko hahayaan na tuluyan niyang mapabagsak ang nag-iisa at tanging natitira na angkan ng mga Purebloods.
"Naiintindihan ko. Babalik din naman ako kaagad," mahigpit na hinawakan ni Dad ang kamay ni Mom at pinisil 'yon.
Hindi ko maiwasan ang mapangiti. Ilang taon na silang kasal pero wala pa ring kupas ang pagiging sweet nila sa isa't isa. At sa tuwing tinititigan nila ang isa't isa ay kitang-kita ang pagmamahal sa mga mata nila.
Balang araw, kapag natapos na ang lahat ng problema ngayon ay magiging ganyan din kami kasaya ni Nicole at bubuo rin kami ng sarili naming pamilya.
"Kung gano'n ay ayos na ang lahat. Pagkagaling sa academy ay uuwi muna kami sa 'min para kausapin ang angkan ng mga black witch. Hindi nila ugaling mangielam sa pagitan ng hidwaan ng mga bampira. Kaya kailangan naming alamin kung sino sa kanila ang tumulong sa mga Croven at kung ano ang ibinigay na kapalit nito para tulungan sila," dagdag pa ni Athena.
"Hindi po ba mapanganib kung kayo lang ang pupunta sa kanila?" nag-aalalang tanong ni Miley na kanina pa tahimik sa isang tabi.
Napailing naman si Althea at napangiti. "You don't have nothing to worry about. We can assure you that they won't harm us."
Tumayo na ko mula sa pagkakaupo at isa-isa silang tiningnan at tinanguan.
"It's settled then. We need to make a move now. Bago pa tayo maunahan at matakasan ulit ng mga kalaban."