Chapter Ten
Hindi na naagapan nina Yuri at Joecel si Roxanne at kung saan dumiretso ang sasakyan ng dilag. Tumigil ang deputy car ni Yuri sa labas ng town's gym at wala sa labas ng gymnasium ang BMW ni Roxanne. "Saan siya pumunta?" kabadong tanong ni Joeceline sa kasintahan. At walang naisagot si Yuri sa nobya.
Ang hinahanap nila na kaibigan ay dumiretso pala sa ibang lugar at hindi sa town's gym kundi sa town's church! Bumaba si Roxanne sa sasakyan nito at lumuluhang lumakad papasok ng simbahan. Pumasok ang dalaga sa front door ng simbahan at biglang napasara ang dalawang pintuan. Natakot at nagulat ang dilag ngunit matapang siyang lumakad papunta sa altar. Nang si Roxanne ay nasa altar na, napatitig ito sa suot nitong rilo at nalaman niyang alas dos kuwarenta'y singko na sa umaga at malapit nang mag tres. Tumunog ang cellphone ng dilag at isinagot niya ng nanginginig sa takot ang incoming call na mula kay Fercilu. "Hello." Sambit ng dalaga. "Hello Roxie... are you ready?" tanong ni Tanza sa kabilang linya.
Bumyahe papunta sa police station sina Joeceline at Yuri para humingi ng tulong. "Tulungan niyo kami. Si Roxanne hindi namin mahanap." Agarang pagsabi ni Joeceline sa mga pulis sa loob ng station. "Sir, we need your help. Roxanne sir is in big trouble." Sabi ni Yuri kay sheriff Tingson. Mukhang walang ganang makipag-usap ang naka-sunglass na sherriff na nakaupo lang at pati ang mga deputies sa magkasintahan. "Sir, kailangan po namin ng tulong ninyo." Sabi pa ni deputy Hanzo sabay na humarap sa sherriff at sinuntok ang mesa kung saan nakaupo ang sherriff. At nagulat lahat ng mga pulis at napatitig kay Yuri at Joeceline. "Kailangan po naming ng tulong ninyo, pero mukhang wala 'ata kayong ganang tumulong!" medyo nagalit na pagsabi ni Yuri sa sherriff. Napatitig si Tingson kay Hanzo at hinay-hinay na tinanggal ang suot na sunglass. Nagulat sa takot ang magkasintahan sa nakita. Namumula sa ang mga mata si sherriff Tingson. Napaatras ang mang-nobyo sa takot. "Deputy naman, kay aga-aga sisigawan mo ng ganyan ang sherrif mo? Bastos ka ba." Sabi ni sherriff. Gulat na gulat sina Yuri at Joeceline na nakikita. Matagal na palang miyembro ni Fercilu si sheriff Tingson. Tumalkod ang magkasintahan para lumabas ng station ngunit nabangga ng mag-nobyo ang isang diputado at namumula rin ang mga mata. Nagulat at natakot sina Yuri at Joecel. Napabilis pa lalo ang tibok ng puso ng mag-siyota nang makita ang lahat ng deputies sa stations ay namumula rin ang mga mata. Nagulat si Yuri at Joecel. Hindi lang pala si sheriff Tingson ang miyembro ng demonyo kundi lahat mismo ng pulis sa station. "Holy bloody hell..." sambit ni Yuri habang nakikita ang lahat ng mga pulis na namumula ang mga mata habang nakangiti. "Oh, mukha 'ata kayong kabado." Sabi ng sherriff. Tumunog ang cellphone ng sherriff at may tawag siyang paparating at mula mismo kay Fercilu! "Hello. Sir Fercilu?" sabi ng sherriff. Bumilis ang pag-atras nina Yuri at Joecel. Itinulak ni Yuri ang pulis na humaharang sa pintuan ng station sa gilid at binilisan ng magkasintahan ang pagtakbo papalabas. "Yes sir, pupunta na po kami diyan sa gym." Sabi ng sherriff at natapos ang kanilang pag-uusap ni Fercilu. Ang mga pulis ay nakatayo sa front door ng station at nakatitig sa magkasintahan habang tumatakbo papasok sa deputy car ni Yuri. Pumasok agad-agad sina Joeceline at Yuri sa nasabing kotse at pinaandar ang sasakyan at bumyahe papalayo sa police station.
Habang nagda-drive si Yuri ng sasakyan niya papalayo sa pulisya, ang katabi niyang nobya ang kabadong kabado na, na baka andon na sa town's gym si Roxannne. "God, I cannot believe na miyembro na pala ni Fercilu ang lahat ng cops sa station. Ako na na lang pala ang hindi nabibilang sa koponan ng demonyo. Jeeez!!" sabi ni Yuri sa sarili habang nagmamaneho. Nagpa-panic na ang mukha at galaw ni Joeceline at napapansin na siya ng kasintahan. "Baka, andon na siya sa gym. Sumasayaw na kasama ang mga kaanib ng diyablo. Baka nadakip na ni Fercilu ang damdamin ni Roxanne na sumali na sa kanyang demonic gang. Baka!--" nagpa-panic na ang dilag at agad na hinawakan ng nobyo ang mga kamay ni Joecel at kanya itong sinabihan ng, "Love, relax... breathe... andito pa 'ko kasama mo. Kung sumanib man si Roxanne sa team ng diyablo, hinga lang, andito pa 'ko." Sabi ni Yuri sa nobya. Tumango ang dilag at sumang-ayon ang mukha sa sinabi ng nobyo.
Nag park sa kabilang pate o sa ibayong bahagi ng gym ang deputy car ni Yuri at ang magkasintahan ay patagong sumisilip sa loob ng nasabing sasakyan, palihim na sumusulyap sa kung ano na ang nangyayari sa gymnasium. Nagulat ang dalawa habang nakikita ang mga pulis na nakabantay sa entrance at exit gates ng gym. Masayang nag-iinuman ng alak sa labas at sumasayaw habang tumutunog ang disco songs sa loob ng arena. "I can't believe this..." sambit ni Yuri sa sarili habang nakatitig sa mga kapareho niyang mga pulis na nagwa-guwardiya sa town's gym. "Oh please, wala siya sana sa loob..." sabi naman ni Joeceline sa sarili na nag-aalala na sa kaibigan. Nang biglang pumasok sa utak ng dilag na wala nga sa loob ng gym si Roxanne. Pumasok sa isip nito ang sinabi kanina ni Roxanne na, "Sana mamahalin pa rin Niya ko kahit gagawin ko 'to sa kanyang palasiyo..." Nalaman ni Joecel sa sarili na nasa simbahan malamang ang kaibigang si Roxanne. "Love, wala si Roxanne sa loob ng gym!!" sabi ni Joecel sa nobyo, "Ha?! Eh, saan?!" tanong ng nobyo. "Nasa simbahan!" sagot ng kasintahan.
At sa loob nasabing town's church, lumuluha si Roxanne habang nilalagyan ng mga kandila ang altar at pahugis na bituin ang pagkaayos ng mga itim na kandila sa mesa. Inilawan ng dilag ang mga kandila gamit ang posporo at bumilis lalo ang pag-iyak ni Roxanne habang ginagawa ang aksiyon na inutos ng demonyo. Nang magkaroon na ng ilaw ang mga kandila, tumunog ulit ang cellphone ng dalaga. May tawag siya na paparating at si Tanza ang incoming caller at wala ng iba. Napatingin si Roxanne sa rilo nito at nakita niya na sampung minutos na lamang ay alas tres na ng umaga. Nanginginig sa takot ni Roxanne ng sinagot ang caller ng, "Hello." Sambit ng dilag. "Hello! Roxanne de Vina. Kamusta? Natapos mo na ba ang inutos ko sa'yo?" sabi ni Fercilu sa kabilang linya. "Oo." Sambit ng dilag. "Few minutes na lang, three a.m na. Handa ka na ba? Handa ka na bang sumanib-puwersa sa aking koponan?" tanong ng diyablo. Umiiyak lang si Roxanne habang hawak ang cellphone at naririnig ang tinig ng demonyo.
Sina Yuri at Joeceline ay binibilisan pa lalo ang pag-drive ng deputy car papunta sa town's church. "Hurry love!! Dali!!" panig na sigaw ni Joecel sa nobyo. Namamawis na si Yuri sa pag-drive para mabilisan pa lalo ang pag-drive papunta sa simbahan.
Alas dos singkuwenta'y otso na at nanginginig si Roxanne sa itaas ng altar habang hawak ang cellphone. Nasa loudspeaker ang c.p. ng dilag at napasambit ang diyablo sa kabilang linya ng, "Two minutes to go na lang three a.m. na. handa ka na bang pumindot ng number six for three times sa phonescreen mo?" tanong ni Fercilu kay Roxanne. Umiiyak na ang kawawang si Roxie at hindi makapaniwala sa ginagawa, hawak-hawak ang cellphone at pipindot na siya ng numerong sais sa c.p. niya. Bumilis ang takbo ng oras at thirty seconds to go na lang at three a.m. na. "Kalma lang Roxie, it's just a guild, an association to join, a society to enlarge and to widen for madlang people." Sabi pa ni Fercilu na patagong natatawa.
Everything was in slow motion, bumaba sina Yuri at Joeceline sa sasakyan at tumakbo papunta sa simbahan. Habang si Roxane ay napatitig sa orasan na nakadikit sa dingding at alas tres impunto na sa aga. "Go on... do it... press it..." sambit ng demonyo sa kabilang linya. Umiiyak si Roxanne habang ginagawa ang kauutusan ng diyablo na alam niya sa sarili niya na ayaw naman niyang gawin. Napindot na ni Roxie sa phonescreen nito ang number sa ikalawang beses. Isang pindot na lang ng numerong sais ay awtomatikong miyembro na siya ni Tanza, mamumula ang kanyang mga mata at sasanib puwersa na siya sa pinakaunang demonyo sa buong uniberso at kalawakan. Nang pipindotin na ng dilag ang numerong sais sa cellphone nito ay nagulat ito nang biglang bumukas ang front doors ng simbahan at sumigaw sina Yuri at Joeceline ng "Huwag!!" kay Roxie. A dahil sa gulat, nabitawan ni Roxanne ang hawak nitong cellphone at nahulog ito sa sahig. Humagalpak ang cellphone ng dalaga at nabasag, at hindi ito nakapindot ng number six sa phonescreen nito sa ikatlong beses. "Roxanne!! Anong ginagawa mo?!!" sigaw ni Joeceline sa kaibigan sabay takbo sa altar kasama ang nobyong pulis. Napaiyak si Roxanne dahil kahit siya mismo ay hindi alam kung bakit niya ito ginagawa. Niyakap ni Roxanne si Joeceline at umiyak. "I'm so sorry!!..." iyak ni Roxie sa kaibigan. "Ano? Pipindot ka ng six sa phone mo para sumali sa liga ng demonyong 'yon?!! Roxie, andito pa ako!! Kami!! Hindi ka naming iiwan!! Dahil lang ba sa kamatayan ng kuya mo at kawalan ng yaman mo, sasanib-puwersa ka na kay Fercilu?!! Rox, andito pa ako!.." naluluha na pagsabi ni Joeceline sa kaibigan habang niyayakap at pinapakalma. Napatingin si Yuri sa basag na cellphone ni Roxanne. "Nakapindot ka ba three times ng number six sa phone mo?" tanong ni Yuri kay Roxie. Kinabahan si Roxanne at sumagot ng, "Hindi..." sambit ng dilag, "Malamang galit ngayon sa akin si Fercilu dahil hindi ko sinunod ang utos niya..." sabi ni Roxanne sabay na pinulot ang basag nitong cellphone sa sahig. Nang biglang may nagsalita sa dilim. "Hindi lang galit, galit na galit..." sabi ni Fercilu sabay lakad papalapit sa tatlong kalaban at ipinakita ang sarili sa liwanag. Natakot sina Yuri, Joeceline at Roxie. Umaatras ang tatlo papalayo sa demonyo. Namumula ang mga mata ng diyablo sa galit at napasabi kay Roxanne ng, "Mahirap ba ng inuutos ko? Pipindot ka lang naman ng number six , three times sa cellphone mo, mabigat ba'ng ma-comprehend 'yon?" tanong ni Tanza kay Roxanne. Hinaharangan lang ng pulis ang dalawang dalaga para hindi makalapit ang demonyo kay Roxanne at sa nobya. "Huwag na huwag kang magkakamaling lumapit sa amin, at baka mabaril kita." Sabi ni Yuri sabay na kinuha ang caliber 45 na nakasabit sa kanyang sinturon at itinutok ang baril sa demonyo. Napangiti si Tanza at umarte na natatakot. "Whoooh!! I'm so scared! I'm trembling!" sabi ng diyablo at bigla itong sumeryoso. "Hindi mo 'ko matatakot gamit lamang ang kalibre kuwarenta'y singkong baril mo..." sabi ng demonyo at napalakad ng mabilisan papalapit sa tatlong kalaban. Napaatras sa takot ang pulis at ang dalawang dilag at biglang may pumutok na baril. Nagulat bigla ang lahat. Nakita nina Joeceline at Roxanne na nabaril pala ni Yuri ang diyablo sa bunganga!Pasok na pasok ang bala sa bunganga ni Fercilu. Naggkaroon ng tatlong segundong katahimikan dahil napalihis ang katawan ni Fercilu dahil sa sa tama ng baril. Napaisip sina Yuri, Joecel at Roxie kung natamaan nga ba ang diyablo o wala. Nang humarap ulit si Fercilu sa sa tatlo nitong kalaban, nanlaki ang mga mata ng tatlong mga kaaway ni Fercilu dahil pumasok nga ang bala sa bunganga ni Fercilu ngunit nilunok lang ng demonyo ang bala. "Sarap! Lasang candy!" ngiti pa ng diyablo sa tatlo. Nanginig sina Yuri, Roxanne at Joeceline dahil sa takot. Nakatuttok pa rin ang baril ni Yuri sa kalaban ngunit yumayanig sa takot ang mga kamay nito sa diyablo. "My turn..." sambit ng demonyo. Napaisip ang tatlo kung ano ang gagawin ng kalaban. Biglang napanganga ang diyablo at biglang lumabas sa bunganga nito ang nilunok nitong bala kanina at ibinalik niya ito sa pulis. Nabaril si Yuri sa dibdib, tumilapon at nauntog pa ang noo sa gilid ng yari sa pilak na upuan. Natumba ang kawawang pulis at napahiga sa sahig. Nanginginig sa takot ang dalawang dalaga habang nakatitig sa pulis. 'Paano niya nagawa 'yon?!' tanong ni Joeceline sa sarili dahil nabaril ni Fercilu ang nobyo nito gamit lamang ang bunganga nito. Napaharap ulit sina Roxanne at Joecel sa kalaban, at napasigaw sila nang ginulat sila ng diyablo, mukha sa muka na mismo! Biglang sinampal ni Fercilu si Roxanne at tumilapon sa gilid, dumagusdos sa hagdan at halos himatayin sa sakit. Dinakip ni Fercilu si Joeceline at napapasigaw lang sa takot ang dilag dahil hindi nito alam kung ano ang gagawin ng diyablo sa kanya. Bigla siyang inihampas ng demonyo sa mesa ng altar at nauntog pa ang ulo ng dalaga. Napansin ni Joeceline ang nakaukit na hugis bituin sa mesa. Natakot ang dilag at pumiglas. "No!!!" sigaw nito. Alam ni Joeceline kung ano mismo ang gagawing ng demonyo sa kanya. Kakatayin siya nito ng buhay! Naiinis na si Fercilu sa pagpupumiglas ni Joeceline at agad niya itong sinuntok sa mukha. Halos himatayin ang dilag sa sakit ng suntok at hindi na ito makagalaw. "Nakakabuwiset ka na ha... Ba't ka nagpupumiglas?! Dahil alam mong kakatayin kita ng buhay?! Well, sorry, demonyo lang, demonic ritual, iaalay kita sa mga kasamahan ko sa empeyerno dahil alas tres na ng umaga at magpa-party na kami at ikaw ang miryenda..." sabi ng demonyo sabay ngiti sa dalaga. Itinali niya si Joeceline sa mesa gamit ang lubid at inilawan ang mga wala pang ilaw na kandila sa hapag. Umiiyak lang si Joeceline dahil hindi ito makaalis sa mesa. Nang magka-ilaw na, nagmukhang pagkain si Joeceline dahil para siyang ulam at ang bituin na naka ukit sa lamesa ay nagmukhang pinggan. Si Roxanne sa malauan. Gusto nitong tulungan ang kaibigan. Kinuha nito ng patago ang yari sa lata na dust pan at may matulis na blade sa dulo at kanya itong iaatake sa demonyo. Lalakad na sana si Roxanne papunta sa demonyo para lumabanm at tulungan ang kaibigan ngunit nagsalita si Fercilu ng mahinahon lang sabay guhit gamit ang color pen sa tiyan ni Joeceline ng isa pang bituin at may nakaukit na mata sa gitna, "Don't try to attack. Nakita mo nang nangyari sa pulis, don't worry pagkatapos kong katayin to, 'wang kang mag-alala, ikaw din naman ang isusunod ko..." sabi ng demonyo at nanginging sa takot si Roxanne at nabitawan ang hawak na dust pan. Humagulgol na lamang ito sa iyak dahil wala itong magawa para tulungan si Joeceline. Pagkatapos din naman palang patayin ni Fercilu si Joeceline para ulamin, siya din naman pala ang isusunod ng demonyo para kitilin...
Kumulog at kumidlat at kinuha ni Fercilu ang isang espada mula sa bulsa sa kanyang pantalon! Nanlaki ang mga mata nina Joeceline at Roxanne ng makita ang napakatalim at mahabang pulang espada ni Fercilu at napaisip ang dalawa kung papaano kumasya ang espada nito sa kanyang bulsa. Iyak lang nga iyak ang dalawang dalaga. Wala na silang magawa dahil nakahandusay na si Yuri sa sahig at wala nang magawa si Roxanne para tulungan si Joecel. Napatawa ang demonyo sabay angat sa esapada nito sa hangin at itinutok ang dulo ng espada niya sa tiyan ni Joeceline para saksakin na ito! Sigaw lang ng sigaw si Joecel dahil wala na itong ligtas at si Roxanne ay iyak lang din ng iyak sa gilid dahil wala rin itong magawa para tulungan ang kaibigan dahil siya rin mismo ay wala na ring takas. "Para sa selebrasiyon ng ating kompanya at sa pagbabago ng mundo!!!" sigaw ng demonyo, "Ang babaeng ito ang magiging unang pagkain ng pagdiriwang na ito!!!" dugtong pa ni Fercilu.
Kumulog, kumidlat at umulan. Sa town's gym, ang lahat ng mga miyembro ng koponan, pulis, call center agents, nurses at iba pa ay patuloy ang pagsasayaw at papa-party na para bang wala lang nangyayari sa medyo may kalayuan nitong simbahan.
Sigaw pa rin ng sigaw sa pagpupuri at pagdarasal ang diyablo para sa isang ritwal para saksakin na si Joeceline. "Para sa aking mga kapatid sa empeyerno!! Hudas! Belial! Legion! Nero!! at Kain!! Ito na ang simula ng ating salu-salo!! Ang hudyat ng pagwawagi natin laban sa Diyos daw doon sa kabilang kastilyo!!" sigaw pa ng demonyo. Bumulong pa itong diyablo sa kawawang si Joecel ng linyang, "Hindi sana mangyayari sa iyo 'to kung ako mismo ang naging Panginoon mo... at hindi ka nagtayo ng mga programa at mga pundasiyon para makatulong sa kapwa mo, oh, edi ikaw pa ang napahamak at na-engkanto..." bulong ni Tanza. Umiyak lalo ang dilag. Tumalikod ang diyablo at napaisip sina Roxanne at Joeceline kung ano ang gagawin nito. Nang humarap ito ulit kay Joecel napasigaw sa gulat ang dalawang dalaga nang umiba ang mukha ng demonyo. Nagka-pangil ito at mga sungay na parang kambing at napararaming balbon, bigote, napakahabang buntot at pak-pak katulad ng uwak! Humagulgol lalo sa iyak si Roxanne sa gilid at napasigaw sa takot si Joecel. Iniangat ulit ng diyablo ang espada nito para saksakin na ang nataling dilag na nasa mesa. "Paalam,... Binibini!!! Hanggang sa muli!!!" sigaw ng demonyo at sasaksaklin na sana nito si Joecel. Nang biglang bumukas ang front door ng simbahan at ginulat si Fercilu ng tatlong pulubi na inampon ni Joeceline sa kanyang Bantay Pobre program na sina Mickey, Raffy, at Gabby. Nainis si Fercilu at nagalit dahil iyon na sana ang parat ng ritwal kung saan iaalay na si Joeceline bilang pagkain sa salu-salo sa empeyerno ngunit nadismaya ito dahil sa nasabing mga pulubi. Napakamot ng ulo si Fercilu at napasabi ng, "Naku naman, nakaka bad trip naman kayo!! Andon na eh!! Andon na eh!! Sasaksakin ko na eh!!" sigaw ng demonyo na dismayadong dismayado. Ngumingiti lang ang tatlong pulubi sabay lakad ng hinay-hinay papasok ng simbahan hawak-hawak ang kanilang espadang laruan. Natakot lalo sina Joeceline at Roxanne dahil baka masaktan pa ang na pulubi dahil sumali pa sila sa gulo. "Mga anak, umuwi na kayo!! 'wag na kayong sumali dito!!" sigaw ni Joeceline mula sa mesa sa altar. "Please, my dear children, please go home, please..." sabi din ni Roxanne sa mga bata sabay iyak. Pero ang tatapang ng tatlong pulubi at lumalakad pa rin sila papasok ng simabahan. Napalakad si Fercilu papalapit sa tatlong pobre dala-dala ang espada nito. "Ano, gusto niyo, kayo nalang ang kakatayin ko ng buhay dito?!! Ang tatapang niyo!! Hoy!! Demonyo na ang kaharap niyo!!!" sabi ng diyablo at napatayo sa harap ng tatlong pulubi. Ngunit, nagtataka sina Joeceline, Roxanne, at pati mismo si Fercilu kung bakit parang walang takot at kaba sa mga mukha ng tatlong pobre. "Ayaw niyo talagang umalis ha..." sambit ni Fercilu at sa inis nito ay kanyang isinakal ang leeg ng pulubing nasa gitna na si Mickey gamit ang kanangg kamay. Nanlaki ang mga mata ng dalawang dalaga sa takot nab aka masaktan ang bata. Nang sasakalin na ni Tanza si Mickey at para iangat ang pulubi sa ere, hindi na niya ito maialsa sa hangin dahil bumigat ang leeg ng bata at napatawa pa si Mickey kay Ferci. Nakita bigla ni Fercilu ang isang pirasong balahibo ng kalapati sa bulsa ni Mickey. Nanlaki bigla sa takot ng demonyo at pumasok agad sa utak nito kung sino ang tatlong pobreng kaharap niya. Sumambit bigla si Mickey kay Fercilu ng "Hi..." at boses lalaking matanda, matipuno at maliksi at hindi boses bata! Biglang sinipa ni Mickey si Fercilu sa pantog at tumilapon ang diyablo sa malayuan malapit mismo sa altar. Napanganga sina Joeceline at Roxanne sa nakita. Sa isang simpleng sipa ng bata ay tumilapon sa malayuan ang demonyo. Nanginig sa takot si Fercilu dahil alam na nito kung sino ang tatlong pulubing makakaaway nito. "Holy Shits..." sambit ng diyablo. Lumakad ang tatlong pobre papasok ng simbahan papunta sa altar at habang lumalakad umiiba ang katawan, mukha, damit at laruan ng mga bata. Umiiba ang anyo ng tatlong pobre, mula sa maliliit na hita at binti, lumalaki at lumiksi ang mga ito at nagkakaroon sila ng matitipunong ma tiyan, at siko, tuhod at mga braso. Nagkakaroon sila ng mapopoging mga mukha at maliliksing hitsura, tumatangkad pa ang mga ito at nagiging maskulado. Ang mga suot nilang damit ay naging armor suits at nagmumukha silang mga classic warriors o mga sinaunang mga mandirigma! Nagulat ulit sina Roxanne, Joeceline lalo na si Fercilu nang lumabas ang naglalakihang mga pakpak ng tatlong matitipunong gerero. Ang mga laruan pa nilang mga tabak ay umiba at naging totoo talagang mga espada! Nang sina Mickey, Raffy at Gabby ay nasa harapan na ng nakatunganaga sa sahig na si Fercilu, sabay agad silang pumalakpak ng isang beses at lumitaw bigla sa itaas ng tatlong binata ang kumikinang at umiilaw nilang mga limbo o nimbo sa itaas ng kanilang mga ulo, isang uri ng sinag na hugis bilog na nagpapahiwatig na sila ay mga anghel o santo...
Hindi makagalaw at makaalis sa kinuupuan nito itong si Fercilu dahil sa kanyang nakikita. Alam na niya kung sino ang mga kaharap nito. "Oh! Ba't di ka kumikibo diyan? Musta na? Remember me?" sabi ng tumanda na si Mickey kay Fercilu. Hindi makapagsalita si Fercilu dahil sa gulat dahil alam niyang mga dati niya itong mga kaibigan sa langit ang ngayon ay kaharap niyang muli. Sumenyas si Gabby kay Roxanne na kunin ang kaibigan nitong si Joeceline sa mesa sa may altar para pakawalan ito at palayain sa tali. Nagulat si Roxanne at tumango lang ito sa nasabing anghel at tumakbo agad sa mesa kung saan nakagapos si Joecel at agad niyang sinunod ang utos ni Gabby at pinalaya ang kaibigan sa tali. Nang makaalis na si Joeceline sa mesa sa may altar, nagyakapan agad ang dalawang dalaga dahil sa gulat, kaba at sa banal na surpresa na nakikita nila ngayon. Hindi lang pala basta-basta mga pulubi ang mga sinagip noon ni Joeceline sa kalsada kundi mga anghel, mga binata, matitipuno, maliliksi at matatapang na mga anghel. Humihingal sa kaba si Fercilu dahil sa kanyang nakikita ngayon at panay ang titig nito sa mga limbo ng mga dating kaibigan. "Starstruck siya 'ata atin bro." sabi ni Raffy kay Mickey. "Oo nga eh." Sabi pa ni Mickey sabay ngiti. "Nakatitig siya bro sa shining and shimmering halos natin." Sabi naman ni Gabby. "Ito ba?" sabi ni Mickey sabay hawak sa kumikinang nito na limbo, "Pagod lang kami, Ferci, headaches 'yan." Biro pa ng anghel. Kinaya ni Fercilu na tumayo at sinubukang maging matapang, ngunit halatang nanginginig ito sa kaba. Napangiti lang ang tatlong anghel sa demonyo. "Look who's here. It's Lucifer! The most beautiful angel in heaven before. The former light bearer. But now, he changed his name to Satan... the accuser of the brethren, the adversary... the opponent... the rival... the enemy..." sabi ni Mickey at umiwan ng galit na titig sa kaharap. "By the way, if you remember, this is Gabby, or shall I say Gabriel, as God is mighty." sabi ni Mickey sabay turo sa katabi nitong anghel sa kanan. "And this is Raffy, yes, he is Raphael, best known as God heals." Sabi naman nito sabay turo sa anghel sa sa kanyang kaliwa. "And hi! I'm Mickey! Somewhat like god... brother Michael..." sabi ni Mickey sabay na umiwan ng galit na mukha sa kalaban. Kinakabahan si Lucifer kung ano ang gagawin ng mga dati nitong kapatid ngayon na nagpakilala pa sila sa kanya ng mukha sa mukha. "Ikaw naman tol! Pakilala ka naman!" sabi ni Michael kay Fercilu. Napataas lang ng noo si Lucifer at tumindig ng matapang at nagsalita ng, "Eh, inunahan niyo na ko. Kilala niyo naman din ako." Maliksing pagsagot ng demonyo. Napangiti ang tatlong anghel at nagtinginan. "Sa bagay..." sambit ni Mickey, "so... shall we skip to the climax part?, puwede ba kaming magtanong kung bakit mo ginagawa itong modernized and high-tech wizardry and sorcery?" tanong ni Michael sa diyablo. Ngunit ayaw sumagot ng demonyo at napasabi lang ito ng, "Ayoko." Sambit ni Fecilu. Kinkabahan ang dalawang dilag sa gilid dahil tumatapang pa yata itong si Tanza. "Baka hindi siya aware sa English bro." sabi ni Raphael kay Michael. "Oo nga, try mo purely tagalong na lang." sabi pa ni Gabby. "Sige ibahin natin," sambit ni Mickey, "Bakit mo ginagawa itong napakabago, napakagaling at kataas-tasang teknolohiya na pangkukulam at pangbabarang..." tanong ulit ni Michael sa diyablo na may matapang na tono. Napangiti ang dalawang dilag sa tanong ni Michael sa demonyo at mukhang nainsulto itong diyablo. Nagalit na si Fercilu at napasigaw ng, "Hindi pa ba halata?!!" sigaw niito at namula ang mga mata at umusok ang ilong at bunganga na parang apoy. "Demonyo ako!! at gusto kong kalabanin kayo!! At ang Diyos niyo!! Gusto kong makahatak ng mga tao para maisama ko sa empeyerno!!" dugtong pa ni Fercilu. Nanahimik ang tatlong anghel sa sigaw ng diyablo. "Oh ano? Gulat kayo 'no?!! nakakaakit ako ng mga tao gamit ang makabagong teknolohiya gamit lang ang Facebook at Twitter page ko!! Oh ano? Natatakot na ba kayo?! baka pati kayo maengganyo kong isama sa paraiso ko!!" natatawa at matapang na sagot ni Fercilu sa tatlong anghel. Napatitig sina Joecel at Roxie sa tatlong anghel kung bakit napatahimik sila at di na kumikibo. Ngunit hindi takot ang mga mukha nina Michael, Raphael at Gabriel kundi malungkot at dismayado. Matapos ang limang segundo nagsalita si Mickey sa kalaban nito, "Okay, kung 'yan ang gusto mo," sagot ng anghel, "hindi naman kami takot. We're just a little bit disappointed dahil napaisip kami na baka mabago pa namin si brother Lucifer at mapatigil sa kanyang krimen at bumalik nalang sa kanyang pinggalingang umaapoy na baryo. Mukha yatang ayaw nito so, it looks like there will be a déjà vu." Sagot ni Michael, at nagalit pa ang mukha nito, at hinawakan niya ng mahigpit ang espada nito. Natakot ang demonyo nang kumapit si Mickey sa espada nito at sa sinabi ni Mickey na 'déjà vu' dahil mukhang magaganap ulit ang nanyari sa langit nang inaway siya ni Michael at sinaksak ng espada dahil kinalaban nito ang mga patakaran ng Panginoon at agad siyang itinapon palabas sa paraiso. "Hidi na ba talaga magbabago ang isip mo?" tanong ni Mickey sa dating kaibigan. Taas-noo lang na sumagot si Lucifer ng, "Hindi." Sambit ng demonyo. Nagtinginan sina Michael, Raphael at Gabriel at nagtanguan. "Are you ready guys?" tanong ni Mickey sa mga kasamahang anghel. "Ready..." sagot ng dalawa. Kumapit ng mahigpit si Lucifer sa itak nito dahil baka atakihin siya ng tatlong kalaban gamit ang kanilang mga espada. Ngunit iba ang nangyari. Akala ng diyablo ay aatake ang tatlong anghel sa kanya hawak ang kanilang espada ngunit, ang ginawa lamang ng tatlong anghel ay hinagkan ang kanilang mga armas at nagdasal ng 'Ama Namin' ng sabay-sabay at diretsong nakatitig kay Fercilu!...
"...Ama namin sumasalangit ka, sambahin ang pangalan mo. Mapasaamin ang kaharian mo. Sundin ang loob mo dito sa lupa para nang sa langit..." nanalangin ng tatlong anghel ng sabay-sabay, seryoso at napakatapang. Kinikilabutan ang diyablo dahil sa mabilis at nakakatakot na pagdarasal ng tatlong kalaban sa kanya ng sabay-sabay at sama-sama. Sumenyas pa ang tatlong anghel kina Roxie at Joecel na sumabay sa kanilang magdasala ng 'Ama Namin' at agad din namang sinunod ng mga dilag ang utos sa kanila at nadagdagan pa ang kaba sa puso ng diyablo nanag magdasal na rin ang mga babae ng nasabing sikat na dasalin sa kanya. Natataranta, naiirita, naiingayan at halos hindi na makahinga ang demonyo dahil sa pagdadasal ng mga kalaban nito sa kanya. Naghihingalo ito at nasusuka na para bang naso-soffucate. Matapos ang pagdadasal ng mga katunggali ng diyablo sa kanya ng 'Amay Namin', ang ginawa lang ng mga kaaway niya ay inulit lang uli ang nasabing panalangin! At lumalala lalo ang sitwasiyon ng demonyo at umusok ang katawan ng diyablo na parang apoy na nauubusan ng baga, napupudpod ang mga pakpak nito at nalalagas ang balat at nasusunog ang mukha at katawan. Nagalit ang diyablo at napasigaw sa mga anghel ng "Shut the fuck up!!!" at sinubukang slakayin ng itak si Michael ngunit pati ang itak nito at nabali at natunaw dahil sa init ng katawan nito. Hindi na kinaya ng demonyo ang ingay mula sa dasal na nagmumula sa mga kaaaway nito at napahiga na ito, nabali ang mga sungay at nalagas ang balat at balahibo. Sa galit ng diyablo ay napasama ito sa pagdasal nguniti tumitili sa parte ng nasabing panalangin na, 'At iadya Mo kami sa lahat ng masama!!!" napasigaw pa ito na naghihingalo. Umuusok na ang demonyo at na-aagaw-buhay sa sahig at mukhang wala ng pag-asang manatili pa at lumaban. Lumapit si Michael sa nalalagas at naaagnas ng kalaban, tumayo ito sa harapan ng diyablo, yumuko at tumititig maliksi kay Fercilu. Humihingal at sumisinghap-singhap na lamang ang diyablo ngumit matapang at galit pa rin ang mukha nito. Umiwan ng huling linya ang demonyo sa anghel na nakatingin sa kanya dahil alam na niya na sasaksakin na siya ni Michael gamit ang espada nito. "Celebrate heaven... motherfucker..." sambit ni Licifer kay Mickey. Ngumiti lamang ang anghel at napasagot ng, "Go back to hell... 'Looser...fer'..." sagot ni Michael at kanyang sinaksak ang dibdib ng diyablo gamit ang kanyang espada. At napapasigaw ang demonyo habang sinasaksak na siya ng kalaban nito. Lumulubo ang buong katawan ng demonyo habang sumisigaw sa sakit habang umaapoy! Napapalayo sina Roxanne at Joeceline dahil sa lakas ng apoy na umaambon sa kanila. Idiniin pa lalo ni Michael ang pagsaksak ng espada sa dibdib ng demonyato sag alit na ng anghel ay siya na rin mismo ang napasigaw sabay saksak ng armas nito sa diyablo at sumabog na si Fercilu na para bang bomba at tumilapon pa sina Roxanne at Joeceline sa estante sa gilid. At matapos ang ilang segundo, ay nawala na nga itong si Fercilu sa sahig at tanging sunog na lamang nito na buto't kalamnan ang naiwan...
Napatayo sina Roxie at Joecel mula sa estante na kanilang kinabagsakan nang sila ay tumilapon kanina. Lumakad sila papalapit sa tatlong serapin at kinakabahan pa ang mga ito na lumapit sa tatlong arkanghel. "'Wag kayong matakot! Anghel kami, hindi kami demonyo." Sabi pa ni Mickey sa dalawang dilag. Napaisip ang dalawang dalaga at nagtinginan. "Sa bagay..." sambit ni Joecel. "Oo nga naman..." sambit din ni Roxie at napangiti ang dalawang dalaga lumakad pa ng malapitan sa tatlong anghel. "Lapit pa kayong tatlo, usap muna tayo..." sabi ni Michael sa dalawang babae. Nagulat sina Roxanne at Joeceline at napatigil sila sa paglakad dahil sa sinabi ni Mickey na 'tatlo' dahil dalawa lang naman sila. "Tatlo?" tanong ni Roxanne sa serapin. Napangiti lang ang tatlong anghel sa dalawang dilag. At biglang may nasalita sa likuran nina Roxie at Joecel. "Hi..." sambit ng lalaki sa likod ng dalawang babae. Napatalikod agad ang mga dilag kung sino ang nagsalita sa likod nila at nagulat ang mga ito nang makita si Yuri na lumalakad paunta sa kanila mula sa altar. Napaiyak si Joecel sa gulat at saya dahil buhay pa pala ang nobyo nito. Napatakip ng bibig at napaluha itong si Roxanne sa galak ng makita ang pulis ng buhay din. Niyakap agad ni Joeceline si Yuri nang ito ay nasa tabi na niya hinalikan pa. "I can't believe you're alive!" iyak at ngiti ng nobya sa kasintahan. "Nabaril lang patay agad, ikaw talaga." Sagot ng pulis sa nobya. "'Yon nga eh! nabaril ka, at sa dibdib ha!" tanong pa ni Roxanne. Napangiti lang ang pulis sa dalawang dalaga at ipinakita sa kanila ang suot niyang bullet proof vest. "God saved me." Sabi ng deputy kay Joecel. Napasaya lalo ang nobya dahil naka-bullet proof vest pala ang nobyo ng mabaril siya ni Lucifer kanina. "Oh! Thank You Lord!" sabi ni Joecel at niyakap ulit si Yuri. Napangiti si Roxanne at napasabi ng, "Blessing in disguise?" at napaluha. Nagsalita bigla si Michael, "No, don't say that honey..." sambit nito, "you are really blessed." Dugtong pa nito. Napatingin agad sina Joeceline, Roxanne at Yuri sa tatlong anghel. "Lahat kayo ay mapalad dahil naniniwala at sumusunod kayo sa Kanya." Sabi ni Mickey sabay turo nito sa kisame na ang ibig nitong ituro ay ang Panginoon sa langit. "Marami mang probleman, sakuna, trahedyang dumarating sa buhay, huwag niyong isipin na wala ng pag-asa, dahil hangga't may hininga may!... pag-asa..." sabi pa ni Mickey. Sumang-ayon sina Joeceline at Yuri sa sinabi ng arkanghel ngunit mukhang iba ang takbo ng mukha ni Roxanne dahil nakukulangan ito sa sinabi ng serapin. "What's wrong? Mali ba'ng sinabi ko?" tanong ni Michael sa malungkot na dilag. "Kung may pag-asa nga, dahil naniniwala kami sa Kanya bakit Niya hinayaang nakawin ng demonyo ang kayamanag ibinahagi noon ng aking mga magulang at bakit Niya panahintulutang patayin ng diyablo sina Stella at si kuya?" tanong ni Roxanne ng nakayuko sa takot, lungkot at hiya. Napangiti lang din ang tatlong anghel at siangot ni Gabriel ang tanong ng babae. "My dear, as long as you're not the one who destroyed yourself, everything will be okay." Sabi ni Gabby. Napatingin ang pulis at ang mga dalagita sa mga serapin. "Ang luho at kayamanan ay hindi mo naman madadala 'yan kapag ikaw ay nasa iyong huling hantungan." Sabi pa ni Gabby. At dinugtungan ni Raphael ang sinabi ni Gabriel na, "And darling, every souls who died that never ruined and exterminated themselves, are totally and absolutely fine right now..." sabi ni Gabby sabay ngiti. Sumang-ayon din naman ang mga mukha nina Roxanne, Joeceline, at Yuri ngunit parang gusto yata ng mga hitsura nila ng katibayan na ayos lang ang sitwasiyon ng mga espiritong namatay ng matiwasay at hindi giniba mga hininga noong sila ap ay nabubuhay. Napangiti ang mga anghel at napasabi si Michael ng, "What? You need proof?" tanong ng arkanghel. Napangiti sina Roxanne, Joeceline at Yuri. "Just bit lang po...hehe..." sambit pa ni Roxanne sabay ngiti. Napangiti ng mga serapin at napatanong si Mickey sa mga kausap nito ng, "Sino sa inyo may cellphone? Tablet?" tanong ng nasabing anghel. Nagulat ang charity lady, ang deputy at ang Roxcell mobile company president kung aanhin naman ni Mickey, bilang isang anghel, ang isang cellphone o tablet? Napa-pause for a moment ang mga kausap ng mga matitipunong mga kupido. At matapos ang apat na segundos ay umaksiyon agad ang tatlo at ibinigay ni deputy Yuri ang phablet, cellphone na parang tablet, nito kay Michael. Tutok na tutok sina Joeceline, Yuri at Roxanne kung aanhin ni Michael ang nasabing gadget. Nagulat ang tatlong tao sa tatlong anghel dahil alam nila kung papaano gamitin ang nasabing aparato! "'Yong password bro, nakalimutan mo." Sabi ni Gabby kay Michael habang ginagamit ng phablet. Sina-slide lang ni Michael ang mga daliri nito sa touchscreen mobile na para bang matagal na siyang gumagamit nito. Hangang hanga at napapangiti lang ang tatlong indibidwal sa tatlong kerubin habang ginagamit nila ang napaka-modernong instrumento. "Ano nga 'yong password? Yahweh ba 'yon o Yeshua?" tanong ni Mickey sa mga kasama. "Baka Jesus o Jehovah?" sambit pa ni Raffy sa dalawa. Napatawa lang ang mga kerubin at napatitig sa tatlong taong panay din ang pagtawa at pagngiti sa kanila. At matapos ang ilang segundos ay natapos din ang mga anghel sa pag-amit ng phablet. Humarap silang muli kina Joeceline, Roxanne at Yuri. "Sorry ha, naabala ba namin kayo?" tanong ni Michael sa tatlong tatlo. Agad namang napasagot ang sina Joeceline, Yuri at Roxie ng, "Ay! Naku! Hindi po!", sambit ng charity lady, "Oh! No! your honor! take or time!" sambit naman ng pulis, "No! No! hindi po!" sambit din ng mobile company president. Napangiti ang mga arkanghgel at napasabi si Michael ng, "Kayo naman kasi, gusto niyo pa ng patunay na nasa mabuting kalagayan lang ngayon si Stella at si father de Vina." Sabi ni Mickey, "Kaya... napa-SKYPE kami sa secret location ng mga martyr at mga santo para makita niyo sila..." dugtong pa ng serapin sabay na ibinigay kay Roxanne ang phablet. At sa gulat at galak, napaluha si Joeceline, napatakip ng bibig si Yuri at napaiyak ang kapatid ng pari sa nakita sa screen ng nasabing gadget. Online sa SKYPE mula sa sekreto at sagradong lugar si father de Vina at nakikita nilang tatlo ngayon ang pari sa screen ng aparato! May pakpak na ito katulad ng kalapati at mayroon na rin siyang kumikinang na hugis bilog na plaka na lumilitaw sa kaniyang ulo at masasabi mong siya ay isang anghel na din. Napakaganda ng view sa likod ni father de Vina na para bang nasa paraiso sila. Masaya at kumakaway-kaway pa sa phablet-screen ang pari sa kanilang tatlo. "Joecel! Yuri! Kapatid ko, Roxie! 'wag na kayong mag-alala! Ayos lang ako dito! Ayos na ayos!!" sabi ni father de Vina na napa-flying-kiss pa sa phablet-screen. "Kuya!! I miss you so much!!" sabi ni Roxanne sa kapatid. "Father de Vina! I miss you too!!" sabi naman ni Joeceline. "Father, kamusta na?! looks like the place you are accessing right now is very beautiful!!" sabi pa ni Yuri sabay turo ng pulis sa paligid na napuntahan ng pari. "Ay naku anak, hindi lang beautiful! Breathtaking pa! at truly wonderful!!" sagot pa ni father de Vina. "Ang nakikita niyo ngayon sa screen, 1/8 palang 'yan mga anak ng karikitan ng paraisong napuntahan ko!" dugtong pa ng pari. Napaluha ang mga kaibigan sa sobrang tuwa at ligaya dahil sa nakikita nila ngayon kay father de Vina. "Kuya! See you soon ha!! Pray mo'ko lagi!! Na maging happy and brave!! I love you very much!!" iyak na pagsabi ni Roxanne. "Sure! I will!! I love you too, very! Very much!!" sabi ng pari sa kapatid. At biglang napatay ang phablet. Nagulat sina Roxanne at Joeceline dahil biglang napa-off ang nasabing device. Ngumisi ang pulis sa dalawang dilag at napasabi ito ng, "Hehe, battery..." sambit ng deputy. Napatay ang phablet ay dahil wala ng laman ang baterya nito. Nadismaya man sina Joeceline, Yuri at si Roxanne dahil naputol ang kanilang pag-uusap sa phablet mula sa langit ay nalulugod at natutuwa naman ang mga ito dahil napakaayos ng sitwasiyon ng pari nila ngayon. Napangiti sa saya si Roxanne at napaluha dahil nasa mabuting kalagayan ngayon ang kuya niya. "Very happy ako where he is right now..." sabi pa ni Roxanne sabay na napangiti at lumuha. Itinago ni Yuri ang phablet nito sa bulsa at napasabi sa gulat ng, "This is so weird! Hindi ako nagpa-load pero naka-SKYPE pa tayo... sa heaven!" sabi ng pulis sabay ngiti. Napasagot si Michael ng, "It's because your prayers reaches heaven without wi-fi..." sabi ng nasabing anghel. Napangiti sina Roxanne, Joecel at Yuri sa sinabi ni Mickey. "Maniwala lang kayo sa Panginoon at sundin niyo lang ang inuutos niya, wala ng magiging problema." Dugtong pa ni Michael. "God has no FACEBOOK account pero try niyong mag-ask for friendship for sure, accept niya 'yan agad." Sabi pa ni Gabby. "Wala ring TWITTER fan page si God, pero you can still follow Him." Sabi din ni Raffy. Nadagdagan ang tuwa sa mga mukha ng tatlong taong kausap ng mga kerubin dahil sa mga sinabi nila... "Ay! Saan po si Stella?" Tanong ni Joeceline. "Ay! Oo nga po!" Tanong din ni Roxanne. "Worry no more she's on a safe place too." Sabi ni Michael. "Pag namatay po ba kami sa langit po ba kami dideretso?" Tanong ng pulis. Napangiti lang ang nasabing serapin at sumagot ng "Hindi." Nagulat at natakot ang tatlong tao sa sumagot ng anghel. "Cleansing and purifying. 'Revelation twenty one verse twenty seven …hindi papasok doon sa ano mang paraan ang ano mang bagay na karumaldumal, o siyang gumagawa ng kasuklamsuklam at ng kasinungalingan...' Lilinisin muna namin ang puso't kaluluwa niyo." Sabi ni Michael. "Eh saan po?" Tanong ng pulis. "Sa Purgatoryo." Sagot ng anghel. Huminga ng malalim at natawa pa ng konti ang tatlong tao at ang tatlong kerubin. "Matagal-tagal pa ang judgement day kaya maligo at magpahinga muna kayo sa nasabing teritoryo." Sabi ng serapin. "Si father de Vina ay hindi lang isang martir. Iba ang turing namin sa kuya mo." Sabi ni Michael Kay Roxanne. "Ano po?" Tanong ng dilag. "Santo." Sagot ng anghel. Nagulat sa tuwa at galak sina Joeceline, Yuri at lalong lalo na si Roxanne sa kanilang narinig...