Descargar la aplicación
73.41% MY DEMON (When Childish Meets Bad Boy) / Chapter 58: Chapter 57

Capítulo 58: Chapter 57

My Demon [Ch. 57]

"Sir, eto na po yung susi. Pasensya na kung natagalan─" Natigilan sa pagsasalita si Kuyang Janitor nang mapansing wala ng pinto ang rooftop. Halos malaglag pa ang panga niya nung napatingin siya sa pintuang winasak ni Demon.

Saktong nasa loob na kami nang dumating siya.

Sinamaan lang siya ni Demon ng tingin at hindi na pinansin. Naglakad na kami papunta sa hagdan para bumaba at doon sasakay ng elevator.

Kahit basang-basa na yung jacket niya, pinatong niya pa rin yun sa'kin kanina.

Nakaakbay pa siya sa'kin habang naglalakad kami. Kung wala lang akong utang na loob sa kanya, malamang sasapakin ko siya sabay banat na pumaparaan lang siya para manyakan ako. Hindi lang kasi basta akbay ang ginagawa niya. Halos magkadikit na kami at parang nayakap pa rin siya sa'kin.

Okay lang din naman. Gusto ko rin naman eh. Hihi! Ang ano ko talaga. Kanina lang may paiyak-iyak pa kong nalalaman, ngayon umaarangkada na naman. LOL. Bakit ba? Sa kinikilig ako eh. Try niyo kayang magpayakap sa taong gusto niyo tapos ganito pa kagwapo at . . . hmmm . .. ang bango-bango talaga ni Demon!

"Bakit ba ayaw mong sabihin sa'kin kung sino?" tanong ni Demon.

Nagtitinginan kami sa salamin ng elevator. Hindi niya pa rin inaalis ang pagkakaakbay sa'kin. Kitang-kita ko tuloy ang nakakakilig naming posisyon sa salamin. Mas magmumukha kaming couple kung ipupulupot ko ang isa kong braso sa waist niya. Hihi! Enebe!

Ang tangkad niya. Hanggang balikat niya lang ako. Pero sa nakikita ko sa salamin, bagay na bagay pa rin kami. Sabi nga nila, "Tall boy and small girl could make a cute and perfect couple". Ayee! Kami yun, diba? Kami nga yun wag ka nang umangal! Pabugbog kita sa katabi ko eh.

Pinitik ni Demon ang noo ko kaya nawala ako sa reverie.

"Tinatanong kita! Bakit ayaw mo ba sumagot?!"

Eh bakit lagi ka rin highblood?

"Ayoko eh."

"At bakit?"

"Kasi baka kung anong gawin mo sa kanya." Nakikita ko ang sarili kong naka-pout.

"Talagang mas inaalala mo pa kung ano'ng gagawin ko sa taong yun kaysa sa sarili mo. Pa'no nalang pala kung hindi ako nakapunta? Ang hirap mong galitin." Nagsalubong ang mga kilay niya then he murmured, "Malalaman ko rin kung sino siya."

Hanggang sa makalabas kami ng elevator, papunta sa parking lot kung saan nakaparada ang kotse niya, hindi niya inalis ang pagkakaakbay sa'kin as if protektadong protektado niya ako. That arm that surrounds me says that, "No one can harm this girl".

Ang saya-saya ko talaga. Napaka-swerte kong binibini dahil may Keyr Demoneir na palaging nasa tabi ko who can be the bully king of my life and also my knight in shinning armor.

"Pa'no ka nga pala napadpad sa rooftop? Hindi ka naman pumasok sa school ah," sabi ko sa kanya pagkasara nung driver sa pinto ng kotse.

Magkatabi kaming nakaupo sa back seat. Pareho kaming may tuwalya, binigay ito sa'min nung driver kanina.

Hindi naman siya sumagot. Nakatingin lang siya sa harapan.

"Demon, bakit nga?" Hinawakan ko siya sa braso at niyugyog iyon. "Teka, bakit ang init mo?"

"Ang dami mong tanong."

Umandar na ang kotse. Nakatingin pa rin ako kay Demon habang siya naka-diretso lang ng tingin.

Ngayon ko lang napansin na medyo pale ang mukha niya tapos mas mapula ang labi niya ngayon compare sa natural lips niya. Pati yung cheeks niya medyo mapula. Hindi kaya . . .

Sinapo ko siya sa leeg.

"Ano na naman ba?" Kita mo 'to, highblood na naman.

"Demon, may lagnat ka."

Tinitigan niya muna ako ng ilang segundo bago binalik ang tingin sa harapan.

Nakaramdam ako ng hindi-ko-maipaliwanag-kung-ano. May sakit siya pero hindi siya nag-atubiling magpaulan para lang mapuntahan at iligtas ako.

Bakit ka ba ganyan, Demon? Lalo akong nafa-fall sa'yo niyan eh.

"Tunaw na ko," aniya. Tumingin siya sa'kin tapos . . . tapos ngumiti! Waaah! How I love that mesmerizing smile of him!

Hinawakan niya ang buhok ko at sinabing, "Straight na naman ang buhok mo." Dahan-dahan niyang sinandal ang ulo niya sa balikat ko.

Hinayaan ko nalang siya dahil alam kong masama ang pakiramdam niya at kailangan niyang magpahinga.

"Demon, pa'no ka nga kasi napadpad dun?" pangungulit ko sa kanya. Nacu-curious kasi ako kung paano niya nalamang andun ako. To think na hindi pa siya pumasok kanina sa school.

"Di ko sasabihin."

"Luh, bakit naman? Sabihin mo na kaseee!"

"Sabihin mo muna kung sino ang nagpapunta sa'yo sa rooftop."

That made me shut. Hindi ako nakapagsalita. Naiinis ako kay Alfred dahil alam kong pinlano niya ang lahat para ma-lock ako sa rooftop, pero kahit ganun, classmate ko pa rin naman siya. Naaawa ako sa kanya kung sakaling may gawing hindi maganda si Demon sa kanya. Alam niyo naman siguro kung paano makipaglaban 'yang si Demon.

Bahala nang ang karma ang gumanti kay Alfred. At isa pa, ayokong mangbugbog na naman si Demon. Sasakit na naman ang ulo ng parents niya lalo na ang daddy niya kapag nalaman nitong may ginulpi na naman si Demon.

"Soyu," tawag niya sa pangalan ko. Kinuha niya ang kamay ko at nilaro-laro ang aking mga daliri.

"Hmm?"

"Alam mo bang hindi pa ako nagsisimula, napanghinaan na agad ako ng loob?"

Napa-huh ako. Hindi ko kasi maintindihan kung ano ba ang ibig niyang sabihin. Isa pang ipinagtataka ko: si Demon? Napanghinaan ng loob?

"Pero naisip ko na ako nga pala 'to─ hindi sumusuko basta-basta sa laban."

Yumuko ako para makita ko siya. "Tungkol saan ba 'yang sinasabi mo?"

With his head against my shoulder, he looked up to me. "You'll see, paghihirapan ko ang gusto kong maging akin."

Magtatanong pa sa sana ako kasi hindi ko talaga maintindihan ang mga pinagsasasabi niya kaso huminto na ang kotse kasabay ng pagsabi nung driver na, "Nandito na po tayo."

Pagtingin ko sa bintana, nasa tapat na pala kami ng bahay namin. Hindi na rin malakas ang ulan di tulad kanina, ambon nalang.

"Salamat talaga, Demon. Inom ka ng gamot para mawala yang lagnat mo," bilin ko sa kanya.

"Yes, Boss!" nakangiting sabi niya. Nag-salute pa.

Natawa kaming dalawa. Binuksan na nung driver ang pinto sa gilid ko kaya bumaba na ako.

Nginitian ko si Demon, at bago ko pa tuluyang isara ang pinto ng kotse . . .

"Good night, beautifully cute!"


Capítulo 59: Chapter 58

My Demon [Ch. 58]

 

Kaya pala hindi ko na nakikita si Demon  sa apartment dahil tapos na daw ang "pagpapaka-independent" niya. Nasa mansyon na uli siya nakatira. Remark that word "Nagpapaka-independent". Nagsarili nga siya for about two weeks, bitbit naman ang mga tauhan nila sa bahay. Hanep.

This monday wasn't my usual monday. Bukod sa hindi ko naabutan ang Flag Ceremony, pinagtitinginan pa ako ng mga estudyante sa di malamang dahilan. Bakit naman kaya? Naligo naman ako ah. Wala rin namang butas sa uniform ko, so bakit nga nila ako pinagtitinginan?

Habang nakatingin sila sa'kin, ang iba ay magbubulungan pa. Ack! Nakakailang.

Pagpunta ko sa floor namin nakalakad na ako ng maayos at komportable. Kakaunti nalang kasi ang estudyante.

Habang naglalakad sa corridor, napatingin ako saglit sa tarpaulin na nakapaskil sa quadrangle. Hindi ko na sana papansin kaso . . .

Natigilan ako sa paglalakad. Tinuon ko ang atensyon ko sa tarpaulin na iyon.

ASDFGHJKL!!! Kaya naman pala pinagtitinginan ako kanina eh!

" I'M NOW COURTING SOYUNIQUE SARMIENTO

SO NO ONE DARES TO MESS UP EVEN THE TIP OF HER HAIR,

OR ELSE I'LL ROT YOU IN HELL!" -Keyr Demoneir

 

Yan ang nakasulat sa tarpaulin. May picture ko pa sa gilid. Naka-pout ako tapos nakatingin sa camera. I remembered that! Ayan yung time na tinanong ko siya kung pinipicturan ba niya ako, pero ang sabi niya may ka-text daw siya. Hindi ako aware that time na naka-pout pala ako.

So wala nga talaga siyang ka-text ng panahong yun? Sabi na eh. Hindi siya mahilig sa babae. Hihi!

Pero teka! Ano naman daw itsura ko diyan? Lantad na lantad sa madla ang pagmumukha ko. Pero infairness, ang cute ko dyan. Cute ko pala kapag naka-pout. Haha!

"Nagustuhan mo ba?"

"Ay kumag!"

MABUTI NALANG TALAGA WALA AKONG SAKIT SA PUSO!

Paglingon ko, nakita ko si Demon. Smiling sexily handsome. Ang ganda ganda ng ngiti niya ngayon. Nakaka-good vibes.

"Nanliligaw ka pala? Hindi ko dama," sabi ko sa kanya. I smiled naughtily.

He smiled back amusely.

Diba kapag gustong manligaw ng lalaki, magtatanong muna siya sa babae kung pwedeng manligaw? Iba kasi ang ginawa ni Demon. Hindi manlang ako tinanong kung pwede ba niya akong ligawan. Basta nalang siya nagdeklara na nililigawan na niya ako. Si Demon talaga.

"Talaga?" He smiled cockily then lumapit sa'kin. "Edi ipaparamdam ko sa'yo," he mumbled. Hinawakan niya ko sa pisngi tapos inilapit ang kanyang mukha sa'kin. Nilapit pa niya ng nilapit hanggang sa kusang pumikit ang mga mata ko.

OMG! What was he up to? Napakalapit niya sa'kin. Para akong nalulunod sa bango niya.

"Late ka na."

Pagdilat ko nakita ko siyang nagpipigil ng tawa. Grr! Kahit kelan talaga siya! Ugh! Ang hilig mang-asar.

Tinulak ko siya para magkaroon ng distansya sa pagitan naming dalawa. "Kung late na ko, late ka na rin," sabi ko sa kanya. "Pumunta ka na kaya sa classroom mo. Baka mag-ditch ka na naman dyan."

"Don't worry I won't. Nagpapakitang gilas ako e," tugon niya sabay kindat. Hayuf sa gwapo!

"Whatever." Inirapan ko siya ng pabiro. "Sige na, pupunta na ko sa classroom ko. Ikaw din. Bye!"

Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin niya, tumakbo na ako paalis.

"Hoy, ihahatid pa kita sa classroom mo!" sigaw niya.

Ayan siguro ang dahilan niya kung bakit wala pa siya sa classroom nila hanggang ngayon. Does that mean inantay niya ko para ihatid niya ko mismo sa classroom ko? Aww.

Hindi ako sumagot o kahit lumingon manlang. Dire-diretso lang ako ng takbo papunta sa classroom. Late na kooo!

Pagdating ko sa classroom, good thing wala pa ang teacher namin. Base sa Class President namin, may meeting daw ito kaya male-late ng 15-20 minutes.

And the sad thing was, nagkukumpulan ang grupo ni Cristhia together with Irah, Carla, Andrea, Nicole at maging ni Angelo.

Pagkakita na pagkakita pa nga lang nila sa'kin binigyan nila ako ng makahulugang tingin. Lalo na yung tingin ni Angelo, with matching taas pa ng isang kilay.

Umiwas ako ng tingin sa kanila at umupo sa upuan ko, sa likuran ni Johan. Nag-Hi pa siya sa'kin nung madaanan ko siya. Nakangiti rin siya kaso kakaibang ngiti. Hindi yung ngiting pinapakita niya sa'kin palagi. Mukhang may problema siya.

Hindi nga siya nakikipag-usap sa mga kaibigan niya o kahit sa sinong classmates namin unlike the usual. Ang tahimik niya ngayon. I sighed. Ngayon ko lang nakitang ganito si Johan. Nakakapanibago tuloy.

"Oy etchosera ka!"

Nagulat ako nang dambahan ni Angelo ang mga braso ko. Waah! Eto na sila!

Pumalibot sila sa'kin at . . . ayun! Inulanan ako ng mga tanong.

Carla: Kelan ka pa natutong maglihim sa'min?

Andrea: Seryoso ba talaga sa'yo si Fuentalez?

Irah: Kelan pa siya nagsimulang manligaw sa'yo?

Cristhia: Oo nga. Bakit di kami updated?

 

At eto ang tanong ni Angelo na talagang nagpabuhay ng senses ko:

May nangyari na ba sainyo?

Hindi lang ako ang nabigla sa tanong niya. Lahat ng nakarinig. Even Johan, napalingon pa sa'min. Nakikinig pala siya?

Binatukan ni Cristhia si Angelo. "Napaka-L mo talagang shokla ka! Baby pa si Soyunique," aniya.

Baby talaga? K. Fine.

Sinabunutan naman ni Angelo si Cristhia bilang ganti. "How dare you to make batok me, huh?" hinanakit niya. "Atsaka si Soyu, baby?" He glanced me up and down. "Maliit lang yan pero damulag na yan."

Aguy! Pati ba naman si Angelo na best friend ko, nilalait din ang height ko? Kaasar ka, Demon! Hinawaan mo ang best friend ko!

"Pero, Soyu, kelan siya nagsimulang manligaw? Bakit di mo sinasabi sa'min?" tanong muli ni Irah na may tonong nagtatampo.

"Luh, wag kayong magtampo sa'kin. Ngayon ko lang naman din nalaman na nanliligaw pala siya," paliwanag ko.

"Ganern? Kakaiba siya ha. Hindi manlang nagtanong kung pwede ka ba niyang ligawan," ani Nicole.

Yan din ang naiisip ko, girl!

"Baka kasi hindi pumayag si Soyu kaya hindi na siya nagpaalam," tugon ni Andrea kay Nicole tapos nagtawanan sila.

"Wait, pa'no na si . . ." Tumingin si Cristhia sa nakatalikod na si Johan kaya pati kami napatingin din sa kanya.

Oh noes! Wag sanang makahalata si Johan.

"Oo nga, Soyu. Pa'no na siya? Siya yung crush mo, diba?" Carla said.

Opo. Crush ko si Johan, until now. Ngunit hanggang doon nalang yun. Hanggang paghanga lang ang nararamdaman ko sa kanya. Siya kasi ang ideal type ko.

Si Angelo na ang sumagot. "Mga echosera kayo, you know? Hindi naman siya nanliligaw kay Sistar eh."

"May point ka," sang-ayon ni Cristhia kay Angelo. Tiningnan nya ako at tinawag ang pangalan ko kaya naman nag-Bakit ako sa kanya. "Sasagutin mo ba si Keyr?"

Bigla akong napaisip sa sinabi ni Cristhia. Suprisingly, nililigawan na ako ni Demon. Sasagutin ko nga ba siya? Oo, gusto ko siya. Higit pa dun. Kaso natatakot ako.

What if pinagtitripan niya lang ako? What if this is just one of his tricks para malaman kung utu-uto ako? What if hindi siya seryoso?

That what ifs hurts me.

Delinquet and notorious guy man si Demon, sigurado akong hindi siya gagawa na ikasasakit ng damdamin ko despite sa mga pang-iinsulto at pangbubully niya sa'kin (well, I'm use to it). Pero kasi naman eh! Ang hirap paniwalaan na nanliligaw sa'kin ang lalaking ang hirap ma-reach ng taong katulad ko.

 


Load failed, please RETRY

Estado de energía semanal

Desbloqueo caps por lotes

Tabla de contenidos

Opciones de visualización

Fondo

Fuente

Tamaño

Gestión de comentarios de capítulos

Escribe una reseña Estado de lectura: C58
No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
  • Calidad de escritura
  • Estabilidad de las actualizaciones
  • Desarrollo de la Historia
  • Diseño de Personajes
  • Antecedentes del mundo

La puntuación total 0.0

¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
Votar con Piedra de Poder
Rank 200+ Clasificación PS
Stone 0 Piedra de Poder
Denunciar contenido inapropiado
sugerencia de error

Reportar abuso

Comentarios de párrafo

Iniciar sesión

tip Comentario de párrafo

¡La función de comentarios de párrafo ya está en la Web! Mueva el mouse sobre cualquier párrafo y haga clic en el icono para agregar su comentario.

Además, siempre puedes desactivarlo en Ajustes.

ENTIENDO