Descargar la aplicación
2.53% MY DEMON (When Childish Meets Bad Boy) / Chapter 2: Chapter 1

Capítulo 2: Chapter 1

My Demon [Ch. 01]

Soyunique's Point Of View

Nakatingin ako sa salamin habang sinusuklay ang buhok ko. Straight ang buhok ko ngayon dahil basa, pero kapag natuyo na, kumukulot na ito. Hindi naman yung kulot na pangbruha o pangmangkukulam, ah! Ang dami ngang nagsasabi na ang ganda at kakaiba daw ang buhok ko. Dahil sa natural blonde color, nagbabago din ito kapag tuyo o basa. Yun nga, kapag basa ay straight na straight pero kapag tuyo na, kulot na.

Isa daw iyon sa dahilan kung bakit Soyunique ang pinangalan sa'kin ng parents ko.

"Soyu!" Pagtawag sa'kin ni Mama habang pumapasok sya sa kwarto. "Si Angelo tumatawag." Inabot nya sa'kin ang cellphone nya tapos lumabas na ulit.

"Angel." Si Angelo at Angel ay iisa. Sya ang gay best friend ko ever since na nag-aral ako sa Fuentalez High, first year highschool. Tanggap sya ng mommy nya pero hindi ang daddy nya. 

Sundalo ang Dad nya at magagalit yun kapag nalaman na hindi sya tunay na lalaki. Kaya kapag umuuwi ng Pilipinas ang tatay nyang sundalo, nagpapanggap ako na girlfriend nya though halos masuka na kami pareho sa sobrang umay. Mommy nya ang nagbigay ng plano na yun para hindi malaman ng Dad nya.

"Sistar, ready ka na ba for school? Malapit na kasi dumating dyan ang byutipul mong bespren." Natawa ako ng mahina sa sinabi nya.

"Wait lang, nagsusuklay pa."

"Okay. Bye. See ya later."

He hang up. Nilapag ko muna sa tabi yung cellphone ni Mama at pinagpatuloy ang pagsusuklay.

Nag-aaral ako sa Fuentalez High, isang prestigious school na puro mayayaman ang nag-aaral pero hindi ako isa sa kanila. Out of 300 students na nagtake ng exam para sa scholar sa paaralang iyon, sampu lang ang pinili at thank God napasama ako.

"Cute ko talaga. Hihi!" Matapos kong magpa-cute ng ilang minuto sa harap ng salamin, kinuha ko na ang backpack ko na nakapatong sa kama at lumabas ng kwarto. Iisa lang ang kwarto sa di kalakihan naming bahay.

Nagpunta ako sa tindahan namin. Ito ang pinagkakaabalahan ni Mama, ang sari-sari store. Si Papa naman, nasa heaven na simula ng magkaisip ako. Kwento ni Mama, naaksidente daw si Papa sa construction site na pinagtatrabahuan nito. Kahit wala na siya, feeling ko nasa tabi pa rin naming siya. At ang kwintas na niregalo niya sa'kin ang nagsisilbing alaala niya.

Nagulat ako nang makita ko si Angelo na nagbebenta sa batang bumibili ng milo.

"Andito ka na pala. Bilis mo, ah," sabi ko habang kumukuha ng nova sa net na pinaglalagyan ng malalaking tsitserya. Trenta pesos lang kasi ang baon ko kaya para makapag-ipon, sa tindahan nalang daw ako kumuha ng pagkain. Si Angelo naman, sinasabay akong pumasok at umuwi kahit magkaiba kami ng way pauwi para makatipid ako sa transportation.

"Nung tumawag ako sa'yo, nandito na ko eh," sagot nya habang pinagbebentahan ang panibagong bumibili. "Ilan?" Tanong pa nya sa bata.

Yan ang maganda kay Angelo. Hindi sya maarte at marunong syang makibagay kahit mayaman sya.

Matapos kong kumuha ng nova, binuksan ko ang ref at kumuha ng chuckie.

Maya-maya, dumating na si Mama. 

"Oh, baunin nyo. Nagluto kasi ako ng turon para itinda mamaya." Inabutan kami ni Mama ng tig-isang lunch box. Nagningning ang mga mata ni Angelo. Favorite nya kasi yan lalo na kapag si Mama ang nagluto. Nasabi ko na bang the best magluto ang mama ko? Well, ngayon nasabi ko na. Sooobrang sarap nya magluto kahit anong putahe pa yan. Kaya nga kapag may mga okasyon dito sa lugar namin, si Mama ang una nilang nilalapitan para tagaluto. Isa yan sa mga rocket ni Mama.

***

Pagkarating namin sa school, nasalubong namin si Johan. Kinikilig na naman ako. Hihi! Buo na naman araw ko. Yee!

"Papunta na ba kayo sa classroom?" Tanong nya sa'min ni Angelo.

Kyaah! Ang soft ng boses nya pero may pagka-manly. Enebe! Ang pogi nya talaga eber! Anyway, sya si Johan De Guzman. Naging crush ko last year, classmate ko this year at magiging boyfriend ko next year. Haha! Chos!

"Bakit?" Tanong ni Angelo tapos tinignan ako ng may makahiwagang tingin. Alam kasi nyan na crush ko si Johan. Well, ganun naman kami eh. No secrets.

"Pwedeng pasabay?" Nagshift ang tingin nya mula kay Angelo pababa sa'kin tapos ngumiti. Waah! Bakit feeling ko nasa heaven ako kapag ngumingti sya? Lumalabas pa ang dimples nya. Naman!

"Uy, kung pwede daw sumabay." Binunggo ni Angelo ang siko ko kaya nakawala ako sa pagdi-day dream kay Johan pugi. Hihi! Pugi tulugu? 

"K-kanino? Sa'min?" Nauutal kong tanong tapos tinuro si Angelo then ako gamit ang index finger ko. 

Tumango naman sya. Awiii!

"O saakin?" Agad kong nakagat ang lower lip ko dahil sa sumunod kong sinabi. Wag nya sanang mahalata na crush ko sya. Huhu!

Napa-huh lang si Johan at parang nag-iisip.

Naramdaman kong yumuko ng konte si Angelo na nasa tabi ko tapos binulungan ako, "Akala ko ba mas pakipot ka pa kay Maria Clara, huh, Sistar?"

Para kong natauhan sa binulong ni Angelo. Tumawa ako ng pilit tapos tumingin-tingin sa paligid. Bakit . . . parang walang katao-tao? Don't tell me . . . 

"Kita-kits nalang sa classroom, guys! Baka ma-late pa ko eh." Nalaman ko nalang na naglalakad na palayo si Angelo hanggang sa tuluyan na syang mawala sa paningin ko. Maligno talaga yun kahit kelan. Ang bilis mawala eh.

Pumikit ako saglit ng mariin bago humarap ulit kay Johan.

"T-tara na po?" Ay butiki! Bakit ba ko nauutal kapag kaharap ko si Johan? Dahil ba sa nakakamatay nyang ngiti? O baka naman sa nakakabaliw nyang kagwapuhan? My answer is BOTH.

"Ang cute mo talaga," nakangiti nyang sabi at ginulo ang buhok ko. Oh my! Bakit ganito? Simula first day na naging classmate kami, ngayon lang nya ko nakausap ng ganito. At ginulo pa nya ang buhok ko. Hihi! Enebe!

Ito na ba ang first sign na may love scenes na mangyayari sa pagitan naming dalawa? Ito na ba ang umpisa ng pagiging . . . forever in love namin sa isa't-isa? Kyah! Nakakakilig naman yun. Hihi!

"Tara na, Soyu." Hinawakan nya ko sa likod sa bandang waist para siguro palakarin na ko. Ano ba! Ang ganda naman ng araw ko. Haha!

Niyaya nyang magsabay kami papunta sa room, binanggit nya ang pangalan ko, at higit sa lahat, hinawakan nya ko. Kyah! Malandi ba kong maituturing kung iisipin kong iki-kiss nya ko sa susunod? Mwahaha!

Habang naglalakad kami papunta sa classroom, sinusulyapan ko ng pasimple si Johan at hindi ko maiwasang di kiligin. Nakakakilig naman kasi ang appearance nya eh. Para syang artista na kapag dumaan, ang sarap tumili, magwala at sabunut-sabunutan ang kung sino mang katabi mo. Alam nyo ba yung feeling na yun? Sa sobrang kagwapuhan nya, nagwawala ang landi hormones ng lahat ng kababaihan.

Fortunately, time na ng first subject kaya walang estudyanteng nagkalat kasi for sure ang dami kong deathly glares na matatanggap. 

Ay teka, fortunately nga ba talaga? Eh late na kami eh. First time ko atang ma-late. Hayaan nyo na, atleast kasama ko si crush. Hohoho!


Load failed, please RETRY

Estado de energía semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Piedra de Poder

Desbloqueo caps por lotes

Tabla de contenidos

Opciones de visualización

Fondo

Fuente

Tamaño

Gestión de comentarios de capítulos

Escribe una reseña Estado de lectura: C2
No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
  • Calidad de escritura
  • Estabilidad de las actualizaciones
  • Desarrollo de la Historia
  • Diseño de Personajes
  • Antecedentes del mundo

La puntuación total 0.0

¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
Votar con Piedra de Poder
Rank NO.-- Clasificación PS
Stone -- Piedra de Poder
Denunciar contenido inapropiado
sugerencia de error

Reportar abuso

Comentarios de párrafo

Iniciar sesión