Samantala sa Houston, ilang araw nalang ay mag tatatlong buwan na ang kambal, at napag pasyahan nila Ashley at Tanaga na ito na ang tamang oras na pabinyagan ang kambal. Tamang tama rin na mag papa Christmas party ang Marine Division ng THJ Group, napagkasunduan nilang pagsabayin na lamang ang binyag at Christmas party.
Ang motto ng mga Gusman ay 'the more, the merrier' kaya iminungkahi ni Jessie na kesa sa hotel gawain ang party, ay sa clubhouse na lang ng kanilang subdivision. Para sa ganon ay maimbita na rin nila ang buong subdivison.
Nakilala na nina Jessie at Fely ang mga homeowner sa kanilang subdivision at gusto nila silang pakitaan ng mabuting pakikitungo. Sumang-ayon sina Tanaga at Ashley, at nakipagkita sila sa presidente ng homeowners' association at sinabihan kung ano ang balak nilang gawin.
Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!
Creation is hard, cheer me up!