Tumaas na rin ang kilay ni Tanaga ng marinig ang sinabi ng nurse. Hinihingian siya ng ID, kaya naman mabilis siyang dumukot sa bulsa sa likuran ng pantalon niya upang kunin ang wallet niya. Ang masakit mo lang ay naiwan niya ito sa bahay dahil nagmamadali siyang umalis.
Habang kapa ng kapa si Tanaga sa mga bulsa niya, nakatitig pa rin ang nurse sa kanya na parang nakakaloko. Sa isipan ng nurse... 'Sino kaya ang lolokohin niya, sa susunod sasabihin niya na wala siyang dalang ID.' Hindi nga siya nagkamali dahil ito ang lumbas sa bibig ni Tanaga.
"I'm sorry! It seems..." Hindi na pinatapos ng nurse si Tanaga sa sasabihin niya. Ngumisi muna ito ng nakakaloko bago, "sir, bulok na po ang excuse nyo.
"Kung wala po kayong ID na maipakikita, hindi ko rin po pwedeng sabihin sa inyo kung ano ang numero ng room ni Mrs. Jones. "Kung wala na po kayong kailangan, pwede po ba na lumabas na kayo." Mataray na sinabi ng nurse kay Tanaga.
Thank you Mary Grace Pening for reading my story. I hope you will continue to the end.
Also to all my readers, maraming maraming salamat sa inyong pagsubaybay. Sana ay pagpalain kayo ng panginoong diyos at lagi kayong ligtas sa ano mang trahedya sa buhay.
Creation is hard, cheer me up! Vote Vote Vote lang