Sinong makapagsasabi na kelan lang ay madilim at malungkot ang mansion ni Tanaga. Ang buong akala ni Grandma Hanada ay hindi na muli niyang masisilayan na ngumiti ang apo. Isang Ashley Gusman lang pala ang katapat nito. Masaya nyang pinagmamasdan ang mag asawa habang isang maliit na butil ng luha ang nagtatangkang lumagpak sa kanyang mga mata.
"Well, maraming salamat sa napaka sarap na almusal. Sana maulit pa ito." Pabirong sinabi ni Grandma Hanada sa mag asawa na busy sa pag lalambingan.
Napatigil ang mag asawa sa kanilang ginagawa at sabay na ibinigay ang attention sa matanda. Si Ashley ang nauang nag salita. "Grandma, anong sinasabi mo dyan na sana ay maulit pa ito? Of course naman! Kahit nga lumipat ka na dito eh! di lalong mas maigi." Bukal sa kanyang puso ang kanyang sinabi at ito ay kitang kita ng matanda sa kanyang mga mata.
Creation is hard, cheer me up!
Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!