Samantala sa loob ng opisina ni Tanaga, si Ashley naman ay busy sa pag-awat sa ginagawa sa kanya. "Tanaga, tigil at baka me dumating na empleyado mo? Ano... ba!" Aniya ni Ashley habang itinutulak niya ang asawa papalayo sa kanya.
"Hmph! Walang mag-tatangka na pumasok dito hangat naka-kandado ang pintuan ng opisina ko. Kaya kahit mag tumbling-tumbling pa tayo dito, walang pwedeng umistorbo sa atin." Sagot ni Tanaga habang nakasandal ito sa sofa at nakasimangot dahil hindi nag work kay Ashley ang paglalambing niya.
Note:
Gusto ko lang pong ipaalam sa inyo sakaling nabasa ninyo ang announcement ng Webnovel tungkol sa kita ng mga writers dito.
Unang-una, hindi po ako kasing famous ng mga writers na naka-lista doon na milyon-milyon na ang readers at supporter.
So, ang ibig ko pong sabihin ay hindi po ako kumikita ng ganyan kalaki. Sila lang po iyon.
Sa totoo nga po eh' ni wala sa kalingkingan ang kinikita ko sa kanila. Plus, part time akong nag-susulat dahil me trabaho ako araw araw.
Kung darating ang panahon na kikita ako katulad nila, ay baka hindi lang dalawang chapter ang update ko sa inyo, mag mass release na ako palagi. Hahaha!