Samantala habang si Ashley at si lola Hanada ay nagpaplano kung paano paluluwain ang mata ni Tanaga. Ito naman ay nag-mumuk-muk sa kanyang opisina sa loob ng mansion. Hindi nito malaman ang gagawin kung hihiga ba siya o' uupo. Maya maya naman ay tatayo at titingin sa bintana na wala naman tinitingnan.
Pagkatapos tumingin sa malayo ng walang tinitingnan, bigla naman bubungtong hininga. "Hay, naku! Ano ba itong nararamdaman ko? Bakit ba kumikirot itong puso ko? Imposible naman na na-inlove na agad ako sa kanya? No way!" Aniya ni Tanaga na wala namang kausap.
Walang kaalam alam si Tanaga na matagal na siyang minamatyagan ni mayordomo. Gusto sana niyang mag-report kung ano ang naging resulta sa mga ipinagawa sa kanya sa Pilipiinas, ang kaso mo ay hindi niya ito maka-usap.
Maraming salamat sa inyong lahat na nagsusubaybay.
Alam nyo ba na kahit pagod na pagod ako sa maghapong pagtratrabaho, ay excited akong umupo at magsulat para sa inyo.
Sana ipagpatuloy nyo ang pagbabasa at suporta, at ipapangako ko na hindi ko kayo bibiguin. I will strive to do better everyday para lang sa inyo na mga reader ko.'
Maraming salamat po!