Nang bumalik si Tanaga sa club, sinimulan na ni mayordomo ang paghahanda ng lahat ng iniutos sa kanya ni Tanaga. Ang ganda ng kanyang mga ngiti habang papunta siya sa cashier cage upang ipahanda ang mga pera para sa pamilya Gusman.
Nang matapos siyang gawin ito, bumalik siya sa opisina ng General Manager at nagsimulang gumawa ng memo para sa mga iba't-ibang departamento. Kailangan niyang gawaing tama ang proseso para hindi paghinalaan si Arman pag siya ay nag-simula ng magtrabaho.
"Sana naman ay matalino itong si Arman at ng hindi mapahiya si Ashley ke bossing. Sigh! Ang pag-ibig nga naman, lahat gagawin wag lang iwanan." Sabay ngisi ni mayordomo na parang nakakaloko.
Mabuti na lang at gabi na, lahat ng mga empleyado sa opisina ng G.M. ay wala. Kung hindi, baka isipin ay me kulang siyang turnilyo.
Nang matapos gawin ni mayordomo ang memo para sa iba't-ibang departamento, ang hotel naman kung saan si Arman ay isang empleyado, ang kanyang tinawagan.