Descargar la aplicación
80.85% Code Name: Blue / Chapter 38: PAGKIKITA MULI

Capítulo 38: PAGKIKITA MULI

CHAPTER 38

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa ginawa. Hindi rin ako nakakilos kaagad dahil sa ginawa niya. Bigla akong nablanko.

"Malapit na tayo" anunsyo niya sakin.

Pero ako parang tanga at wala pa din ginagawa hindi ko alam kung bakit. Parang bitin?

Nahiya ako bigla sa naisip ko kaya naman umayos ako ng pagkakaupo hindi ko alam kung bakit ko pa naisip yun. Ano? Natutuwa na ako sa mga ganun ganun niya kasi kami na? hindi dapat ganun dalagang pilipina eh.

"Okay ka lang nandito na tayo" sabi niya sakin.

"H-Huh?" wala sa sarili kong sabi.

"Ano bang nangyayari sayo? Sabi ko nandito na tayo bumaba ka na" sabi niya sakin medyo natauhan na ako kaya naman bumaba na ako.

"Nasaan ba tayo?" tanong ko.

"Basta wag na madaming tanong. Halika na" sabi niya saka kinuha ung kamay ko para hawakan.

Ininterwine niya ang mga kamay namin ewan pero parang nakuryente ako sa ginawa niya. Gusto ko hilain ung kamay ko pero parang ayoko din. Ay! Ewan ang gulo gulo ng utak ko.

Naglakad na kami papunta sa bahay. Malaki siya at heavily guarded siya parang hindi pwede basta makakapasok. Buti naman at ligtas na sila wala naman na siguro makakasakit sa pamilya ko.

"Teka lang" biglang sabi Blue.

"Ano?" nagtatakang sabi ko.

"Hindi ka na pwedeng lumapit kay Red. Or kahit kanino pa na lalaking hindi ko kilala kahit pa pala kakilala ko" pagpapaalala niya.

Napakunot naman ako ng noo ko. "At bakit naman?"

Napairap naman siya. "Kasi boyfriend ka na. At ako yun kaya hindi na pwede makipagusap sa kahit kaninong lalaki"

Tinaasan ko naman siya ng kilay. "And so what? Kahit na boyfriend kita di mo ako madidiktahan"

"Tigas naman ng ulo neto hindi nga kasi pwede" naiinis na niyang sabi.

"Ayoko nga hindi kita susundin" sagot ko.

"Bakit ba kasi hindi ka na lang sumunod sakin---"

Hinalikan ko siya sa labi.

"Ako ang masusunod kung ano ang gusto ko. Hindi mo ako didiktahan diba?" pagpapacute ko sa kanya.

Bigla naman namula ang mukha niya. "O-Oo i-ikaw"

Ngumiti ako. "Good let's go in na"

Hinila ko siya papunta sa gate.

"Magandang araw po Sir blue" bati ng limang lalaki na nakaguard sa labas.

"Papasok kami" sabi ni Blue.

"Sige po. Binilin na po ni sir Red ang pagdating niyo" sabi ng isang guard bigla naman nawala ang ngiti ni Blue.

Pinapasok na nila kami Malaki laki din pala ung loob hindi pa pala mismo bahay ung loob parang hotel may reception pa. so nasaan ang pinakabahay?. Agad naman kaming nagtungo sa reception mukhang sobrang nagiingat na sila this time.

"Magandang araw po Sir Blue, ma'am Gabbie" nakangiting bati samin.

"Nasabihan na po kami ni Sir Red. Nagiintay na po sila" dagdag niyang sabi.

Iniwan na namin ung reception at may pinasukan kaming isang kwarto at ewan ko pero ang daming pasikot sikot pa kaming pinasukan bago kami lumabas at parang nasa isang garden kami.

"Wow ang ganda" manghang sabi ko.

Bigla naman tumigil si Blue. "Parang ikaw?"

Bigla naman uminit ung mukha ko. "A-Anong bang pinagsasabi mo"

Bigla naman siyang tumawa. "Kung nakita mo lang ung mukha mo. Feel na feel mo eh"

Sinamaan ko siya ng tingin. "Pinagtitripan mo ba ako?"

Tawang tawa pa din siya. "Yung mukha mo kasi"

"Gabbie" tawag sakin.

Napatingin naman ako sa nagsalita. "Kuya Red"

Iniwan ko si Blue at lumapit kay kuya Red. "Mabuti naman at okay ka lang"

Nagulat ako sa biglag pagyakap ni kuya Red. "Y-Yeah"

"Oh masyadong nasasarapan" hinila ako ni Blue mula kay kuya Red.

"Sorry Gabbie natutuwa lang talaga ako na buhay ka" paghingi ng paumanhin ni kuya Red sakin.

"Okay la---"

"Okay lang? na niyakap ka niya?" biglang sabat ni Blue.

Tiningnan ko siya ng masama. "Okay lang kuya Red. Gusto ko na sana makita sila mommy at kuya"

"Sige tara sasamahan kita sa kanila. Actually kanina pa sila nagiintay" sabi ni kuya Red.

"Sige ta---"

"Sasama ako" sabi ni Blue saka pinagintertwine ang kamay naming.

Nakita kong napatingin si kuya Red sa kamay namin. Natigilan siya ng kaunti pero tinalikuran niya din kami kaagad at naglakad na.

"Ang epal mo talaga!" angal ko sa kanya.

"Ano? Gusto ko lang hawakan ung kamay mo" pagmaang maangan niya.

"oh? Talaga lang ah? Pagkatapos mo akong pagtripan kanina" inis ko sabi kanya sa kinuha ung kamay ko.

Iniwan ko siya saka sumunod kay kuya Red.

Hindi naman ganun kalayo ang nilakad namin nakarating kami kaagad sa pinaka main house kung nasaan sila mommy at kuya. Nakita ko aagad si mommy kaya naman tumakbo ako agad para mayakap na siya.

"mommy!" tawag ko.

Napatayo naman si mommy at sinalubong ako ng yakap.

"Mommy sobrang namiss po kita" iyak kong sabi.

"Ako din anak. Sobrang nagalala kami ng kuya mo" umiiyak na din si mommy.

"Natakot po ako akala ko patay na kayo. Buti na lang niligtas nila kayo. Mommy sobrang nagpapasalamat po ako na buhay kayo" niyakap ko ng mahigpit si mommy.

"Sobrang hindi rin kami mapakali ni mommy ng malaman namin na nawawala ka. Kaya ginawa naming lahat para mahanap ka." Kwento ni kuya.

"Alam ko naman hindi niyo ako papabayaan" niyakap ko din si kuya.

Pinunasan ko ang luha ni mommy. "Mommy wag ka na umiyak nandito na ako"

Niyakap ako muli ni mommy. "Ang tagal ka naming hinanap sobrang takot ako. Kaya sobrang nagpapasalamat ako nandito ka na. Blue maraming salamat at nahanap mo ang anak ko"

"Wala po yun" seryosong sabi ni Blue.

"Mommy si lolo at lola po?" tanong ko.

"Nandito sila kasama namin pero nagpapahinga si dad dahil sobrang nastress siya sa pagkakawala mo alam mo naman na ikaw na lang ang tanging alaala ni ate Cass samin diba?" sagot ni mommy.

Napaiwas naman ako ng tingin kay mommy. "Sana gumaan na ang paki---"

"Gabbie apo!" tawag ni lolo mukha sa malayo.

"Lolo!" nilapitan ko siya para mayakap.

"Apo buti na lang maayos ka halos mabaliw baliw kami kakahanap sayo buti na lang talaga" niyakap din ako ni lolo pabalik. Namiss ko talaga sila. Ito ang buhay ko. Dito ako dapat.

Kinuwento sakin nila lolo kung paano nila nalaman na may magpapasabog ng lugar. Hindi nila alam kung paano nakapasok ang nagtanim ng pampasabog dahil naging maingat naman sila. Kaya sabi ni lolo mas mahigpit na ang pagbabantay ngayon at kung maaari walang munang kakausap sa mga tao sa labas.


REFLEXIONES DE LOS CREADORES
pammeeeey pammeeeey

as promise...

thank you so much for supporting this story

enjoy reading!!!

a simple comment can make me happy so thank you so much for those people who comment to my story i really appreciate it.

and to be honest your comments really gives me courage to continue this story even though i'm very busy. Writing is always i want to do but since I don't have confidence about my stories I set it a side but now because of you guys now I want to write more so thank you so much and i love you all.

Load failed, please RETRY

Estado de energía semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Piedra de Poder

Desbloqueo caps por lotes

Tabla de contenidos

Opciones de visualización

Fondo

Fuente

Tamaño

Gestión de comentarios de capítulos

Escribe una reseña Estado de lectura: C38
No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
  • Calidad de escritura
  • Estabilidad de las actualizaciones
  • Desarrollo de la Historia
  • Diseño de Personajes
  • Antecedentes del mundo

La puntuación total 0.0

¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
Votar con Piedra de Poder
Rank NO.-- Clasificación PS
Stone -- Piedra de Poder
Denunciar contenido inapropiado
sugerencia de error

Reportar abuso

Comentarios de párrafo

Iniciar sesión